You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress

00
Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
0
Ikaapat na Markahan-Modyul 3,W5-6:
Politikal na Pakikilahok

Name of Learner:
Grade & Section:
Name of School:
Araling Panlipunan – Grade 10
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikaapat na Markahan – Modyul 3 : Politikal na Pakikilahok
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Julieta Tamayo, Wilfredo A. Ello & Pevie P. Gumiala

Editor:

Tagasuri: Roasario D. Quiñanola

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat: Oliver A. Manalo

Tagapamahala: Virgillio P. Batan Jr. Schools Division Superintendent


Lourma I. Poculan Asst.Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag Education Program Supervisor, LRMS
Monina R. Antiquina Education Program Supervisor, EMD, AP
Leo Martinno O. Alejo Project Development Officer II, LRMS

Printed in the Philippines by


Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin
Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahaok ng mamamayan sa mga
gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan (AP10PNP- IVg-7)

● Naipapaliwanag ang mga gawain na naglalayon ng pakikilahok ng


mamayan sa kabuhayan, politika at lipunan.

● Napahalagahan ang papel ng mamayan sa pakikilahok tungo sa


mabuting pamamahala.
● Natutukoy ang epekto ng pagsasagawa ng participatory governance sa
mamamayan..

Balikan
Gawain 1

Panuto: Isulat ang mga dokumento na nakapaloob sa bawat karapatang


pantao batay sa kontekstong historikal sa pangalawang kolum.

⚫ Declaration of the Rights of Man and of the Citizen


⚫ Bill of Rights
⚫ Petition of Rights
⚫ First Geneva Convention
⚫ Universal Declaration of Human Rights

1
Tuklasin
Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita sa
mga ito. Ipahayag ang iyong reaksiyon sa mga larawan.

1. Ano ang iyong nakikita sa larawan?


2. Ano ang iyong reaksiyon sa larawan?

Suriin
Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto
tungkol sa Politikal na Pakikilahok at pagkatapos mong basahin
ay sagutin ang mga pamprosesong tanong at ang susunod na
gawain.

2
Ang politikal na pakikilahok ang paraan na nagbibigay ng kapangyahrihan sa
mamamayan para makamtan ang tinatamasang mabuting pamamahala.
Sa katunayan ayon sa artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-batas, “ Ang
Pilipinas isang estado republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay
angkin ng sambahayan at nagmumula sa kanila ang lahat ng awtoridad na
pampamahalaan. Ito ay patunay lamang na ang kapangyarihan ng isang estado ay wala
sa pamahalaan at sa mga taong bomoto nito, Sa halip, ito ay nagmumula sa mga
mamamayan. Katulad ng nabanggit na, ang mga mamamayan ay dapat na aktibong
nakikisangkot sa diskurso sa pamamahala upang bigyang-katugunan ang mga hamong
panlipunan. Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at mga mamamayan ang
soluyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan mangyayari lamang ito kung ang
mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga isyung panlipunan at mas mahalaga
rito ang pagtugon mismo ng mamamayan, isa na rito ang pakikilahok sa gawaing politikal,
may ibang paraan para maging makilahok dito tulad ng pagboto ang pinakapayak na
paraan ng pakikilahok o maaaring sa mga masidhing mga aksiyon para igiit ang
pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan. Ang pagboto ay isang obligasyon at
karapatang polotikal ayon sa Atikulo V ng saligang batas ng 1987, ang mga maaaring
makaboto ay a.) mamamayan ng Pilipinas, b.) Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng
batas c.) 18 taong gulang pataas, d.) tumira sa Pilipinas nang higit isang taon at sa lugar
kung saan niya gustong bomoto
Nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon. Sa pamagitan ng pagboto,
dito maipakita ng mamamayan na siya ang pinanggalingan ng kapangyarihan ng mga halal na
opisyal na siya ring may kapangyarihan na alisin sila sa pwesto kung sa tingin nila ay hindi
ginagampanan nang maayos ang kinilang sinumpaang tunkulin. Sa pamamagitan ng pagboto,
tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan. Ayon nga sa constitustionalist na
si Fr. Joaquin Bernas(1982), ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato sa
mga opisyal para mamuno bagkos ang nag pagbibigay ng kapangyarihan sa mga
mapagpapaunlad sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan.
Mga Diskwalipikadong bomoto

1.)Ang mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon. Maaari siyang
makabuto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niya matapos ang parusang inihatol sa
kanya.
2.) Mga taong nasentinsyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-
suversion at firearms law at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa.
3.) Mga taong idiniklara ng mga eksperto bilang baliw.

Paglahok sa Civil Society

Ang esensiya ng demokrasya ay ang magkakaroon ng mamamayang nakikilahok sa


pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa pagboto. Isang paraan dito ang pagboo ng mga
samahang direktang nakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang pangangailangan
ng mamamayan na tinatawag na civil society. Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na
hiwalay sa estado. Binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa kilos protesta, lipunang
pagkilos, at mga Non-Government Organization, Peoples Organizations. Nilalayon ng civil society
na maging kabahagi sa pagbabago ng mga polisiya at magiit ang accountability( Kapanagutan)
at transparency(katapatan) mula sa estado( Siliman,1998).
Sa katunayan kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga
samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran: “ the state encourage non-govenrmental,
community based or sectoral organizations to effetive and reasonable participation at all levels
of social, politikal and economical decision making”.

3
Ang mga bomoboo ng civil society ay nahahati sa dalawang katigorya: ang mga grassroots
organizations o people’s organizations(POs) at ang non- government organizations (NGOs). Ang
mga POs ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito tulad ng sectoral group
kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda at mga cause-oriented group. Sa kabilang
banda, ang mga NGOs ay naglalayong suportahan ang mga programa ng mga people’s
organization.

Magkakaiba man ang layunin ng dalawang uri ng samahan ngunit magkapariho naman
ang kanilang gawain tulad ng pagsusulong ng mga adbokasiya, sa pagsasagawa ng mga
kampaniya at lobbying at pakikilahok sa gawain sa lipunan.
Sa Pilipinas, nang paslangin si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Noong ika-21 ng Agosto 1983,
umusbong ang mga samahang direktang tumutuligsa sa pamahalaan. Tulad ng Justice for
Aquino, Justice for All(JAJA), Kongreso ng mga mamamayang Pilipino( KOMPIL) at Bagong
Alyansang Makabayan (BAYAN).
Ayon sa Local Government Code of 1991, kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga
NGO at PO ang mga ahensya ng pamahalaan para sa mga programang ilunsad nito. Sinasaad din
sa batas na ito ang paglunsad ng mga local development council sa bawat lokal na pamahalaan.
Layunin nito ay bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang kaunlaran sa mga
bayan, lungsod, o lalawigan. Isa itong patunay na hindi lamang nililimitahan sa pagboto ang
maaaring gawin ng mamamayan para pagbutihin ang kalagayan ng bansa.

Tungkulin ng NGO at PO
Maraming iba’t ibang NGO at PO ang makikita sa Pilipinas at may kani-kaniyang
tungkulin.(Putzel, 1998).TANGOs ( Traditional NGOs)- nagsasagawa ng mga proyekto para sa
mahihirap; FUNDANGOs ( Funding-Agency NGOs)- nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga
people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan; DJANGOs(Development, justice,
and advocacy NGOs)-nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay na
ligal at medikal na serbisyo; PACO(Professional, academic and civic organizations)- binubuo ng
mga professional at ng mga galing sa sektor ng akademiya; GRIPO(Government-run and
inititated by POs)- mga POs na binuo ng pamahalaan; GUAPO(Genuine, authonomous POs)-
itinatayo mula sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan.
Ayon kay Larry Diamond(1994) mahalagang makilahok ang mga mamamayan sa ganitong
samahan dahil patunay ito ng mahusay na pagsasanay para sa demokrasya. Pinagyayaman din
ng mga samahang ito ang pagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba at pagkilala at
pagrespeto sa karapatang pantao.

Mga Tatlong mahalagang tungkulin ng NGO at PO


Una, ang paglunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng
mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan ng pamahalaan; Pangalawa, nagsasagawa ng
mga NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban
upang magising ang kamalayan ng mamamayan; Panghuli, malaki ang papel ng samahang ito sa
derektang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang hinaing ng
kanilang sektor at mga naisip na programa at batas na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng
mamamayan.

4
Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala
Ang Democracy Index at Corruption Perceptions Index ay dalawa lamang sa
mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado ng demokrasya ng ating bansa. Una, binubuo ng
Economist Unit. Pinag-aralan nito ang ang kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong
mundo batay sa limang kategorya tulad ng electoral Process, civil liberties, functioning of
government, polotical participation, at political culture.
Ang Pilipinas ay itinuturing na flawed democrascy. Ibig sabihin may malayang halalan ang
nagaganap at nererespeto ang mga karapatan ng mga mamamayan nito. Pinakamalaking hamon
na kinakaharap ng mga Pilipino ay ang katiwalian o korapsyon sa paggamit ng posisyon sa
pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes. Ayon ky Co at mga kasama(2007) ang
katiwalian ay ang pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga kasamahan, mga kaibigan, at sarili
ng mga nanunungkulan, at bilang bunga ng monopolyo sa kapangyarihan, pagbibigay ng
disisyon at kawalan ng kapanagtan. Hindi maganda ang estado ng pilipinas kung katiwalian ang
pag-uusapan. Ang Corruption Perception Index ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto
tungkol sa lawak ng katiwalian ng isang bansa. Tong 2016 nakakuha ng pinakamataas ,90/100
ang marka ng bansang Denmark at New Zealand samantalang ang Somalia naman ang
nakakakuha ng pinakamababang marka na 10/100. Ang pilipinas ay nakakakuha lamang ng
markang 35/100 at ika 101 sa 176 bansa sa mundo. Maituturing ng pagsusuri ng transparency
International na ang dahilan ng mababang marka sa Asya-Pasipiko ay ang hindi pagiging
accountable ng mga pamahalaan, kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan,
at lumiit na espasyo para sa civil society. Kaya naman mahalaga sa ngayon na kumilos ang
mamamayan para tugunan ang mga isyu at suliraning ito. Nararapat na hingin ng mamamayan
sa pamahalaan ang pagbabagong ating hinahangad.
Participatory Governance.
Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan
ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng solusyon sa suliranin ng
bayan. Kung ang kapangyarihan ng isang estado ay tunay na nagmumula sa mga mamamayan,
mahalagang makisangkot ang mga mamamayan sa pamahalaan dahil mas magiging
matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan (Koryakov
& Sisk, 2003)
Ang participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng social capital o ang pagbuo
ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan , civil society at mga mamamayan na isang mahalagang
elemento ng isang demokrasya at mabuting pamamahala. Isang paraan ng participatory
governance ay ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan halimbawa nito
ay pagdalo sa mga public hearing, pagsasagawa ng mga survey, at pagsama sa mga mamamayan
sa mga consultasyon tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan. Sa paraang ito,
magkatuwang na ginagawa ng mamamayan at pamahalaan ang mga programa nito at
,maituturing na pinakamataas na paraan ng pakikilahok ng mamamayan sa pamamahalaan sa
pagpapatupad ng mga programa nito (Koryakov & Sisk,2003).
Pagsasagawa ng participatory Governance
Ang sumusunod ay dalawang halibawa kung paano isinasagawa ang participatory
Governance. Ang isa ay mula sa Porto Alegre, Brazel at ang ikalawa naman ay kung paano ito
isinasagawa sa ating bansa.

5
Case Study #1: PorPapel ng mamamayan sa pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala
Taong 1989 nang nagpasimula ng pamahalaang lokal partikular na ang participatory
budgeting. Isinama ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan sa pagbalangkas ng badyet.
Sa pamamagitan nito, naiparating ng taumbayan ang kanilang pangangailangang nararapat
paglagakan ng sapat na badyet. Nagkakaroon ng boses ang taumbayan sa pamamahala.. Taliwas
sa tradisyonal na proseso na ang nasa pamahalaan lamang ang magdedesisyon kung anong mga
proyekto ang dapat paglaanan ng sapat na pundo. Hinati ng pamahalaan ang lungsod salabing-
anim na regional assemblies at mga thematic assemblies. Ang una ay batay sa rehiyon ng Porto
Alegre at ang huli naman ay mga asembliyang nakatuon sa partikular na aspekto ng lipunan;
pampublikong transportasyon, kultura, pagbubuwis at kaunlaran, edukasiyon, urban, social
development at kalusugan.
Proseso ng Participatory budgeting
Maraming hakbang ang isinasagawa ng participatory budgeting sa Porto Alegre, Brazil.
Mayroon ito ng tatlong elemento: ang regional/Thematic Assemblies, For a Delegates, at Council
of Participatory budgeting. Makikita sa tatlong ito ang papel ng mamamayan sa pagbuo ng
badyet ng Porto Alegre.
Ang mga nahalal na miyembro ng Fora at Delegates ang nagsisilbing tagapamagitan sa
mga mamamayan at sa Council ng Participatory Budgeting. Kanila ring subaybayan ang
pagpapatupad ng inaaprobahang investment plan.Tungkulin rin ng mga miyembro ng COP ang
pagtatakda ng mga pamantayan sa pag-alam kung saan ilalagak ang pondo ng kanilang lunsod.
Nagdudulot to ng pag-unlad sa antas ng pamumuhay ng kanilang mamamayan.Nakapagbigay rin
ng mas maraming serbisyo ang pamahalaan lokal sa mamamayan tulad nang mas maayos na
pangungulikta ng basura, pagkakaroon ng malinis na tubig, at paglalagay ng mga ilaw sa daan,
bumaba ang antas ng mortality rate at maging ang bilang ng mga natigil sa pag-aaral.Nakabuti
sa pamumuhay nila dahil ang pundo ng bayan ay inilagak sa mga proyektong pinakakailangan
ng mamamayan.

Case Study #2: Participatory Governance ng Pilipinas


Ang Local Government Code of 1991 ay isang testamento sa pagkilala sa papel ng
mamamayan sa pamamahala(Blair,2012)Binaba ng pambansang pamahalaan sa mga lokal na
pamahalaan ang ilang tungkulin sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan tulad ng serbisyo sa
kalusugan, edukasyon, imprastruktura at mga pampublikong pamilihan. Binibigyang diin na
hindi limitado tuwing araw lamang ng eleksiyon sa halip ay isang pang-araw-araw na tungkulin
sa bawat isa sa atin. Isa sa magandang halimbawa ang Lungsod ng Naga na pinasimulan ng
dating alkalde nito, ang yumaong Kng. Jesse Robredo noong 1995 nagpalabas ng isang
ordinansa ang lokal na pamahalaan ng Naga na nag-anyaya sa lahat na mga NGO sa bayan na
lumahok sa Naga City People’s Council. Mula sa mga miyembro ng NGO ay pipili ang konseho na
mga magiging miyembro ng iba’t ibang komite ng konsehong panlungsod at labing -apat na
espesyal na kawanihan ng lokal na pamahalaan. Tungkulin ng mga miyembro ng NCPC na
makilahok sa talakayan, bomoto, magpanukala sa mga batas at ordenansa sa mga komite ng
konseho(Blair 2012)

Bukod dito, nagpapatupad pa ang lokal na pamahalaan ng mga programa tulad ng


productivity improvement program na nag-ayos sa benepisyo na makukuha ng mga kawani ng
lokal na pamahalaan. Pinatatag ang Merit & Promotion Board ng lungsod upang maalis ang
patronage system. Ang participatory governance ng Naga ay nakaangkla sa sumusunod na
prisipyo( ANGOC,2016):
* Progressive development perspective- tumutukoy sa paniniwalang kayang magbago
ang mga lumang sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan.
*Functional partnerships- Walang monopolyo ang lokal na pamahalaan lalo na ang mga
opisyal nito sa pagbabago ng programa para sa mamamayan.
*People’s participation- kinikilala nito ang mga napakahalagang papel ng mamamayan
sa pamamahala. Hindi magiging matagumpay ang anumang programa kung walang suporta ng
mamamayan.

6
Gawain 1
Panuto: Sa bilang na 1 at 3 ibigay ang dalawang paraan ng
pakikilahok ng mamayan sa pamamahala . Sa bilang na 2
ibigay ang pagkakatulad ng dalawa.

Gawain 2
Panuto: Itala mo sa baawat kahon ang iba’t ibang uri ng NGO at
PO sa Pilipinas na may kanya-kanyang tungkulin sa bayan.
Pagkatapos, sagutan mo ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ito sa iyong kuwaderno sa Araling Panlipunan.
1. Ano-ano ang mga civil society organization na matatagpuan sa
inyong komunidad?
2. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan?
3. Ano-ano ang mga tungkulin ng mga civil society organization na ito?

7
Pamprosesong mga Tanong
Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ito sa iyong sagutang Kuwaderno sa Araling Panlipunan.
4. Ano-ano ang mga civil society organization na matatagpuan sa
inyong komunidad?
5. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan?
6. Ano-ano ang mga tungkulin ng mga civil society organization na ito?

Gawain 3
Panuto:Tukyin ang mga salitang inilalarawan sa sumusunod na
pangungusap

________ 1. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga kilos
protesta,mga lipunang pagkilos, at mga boluntaryong organisasyon.

________ 2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro
nito.

________ 3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa ng mga grassroots
organization.

________ 4. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga


NGO at PO.

_________5. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga POs para
tumulong sa mga nangangailangan.

_________6. Ito ang nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay


ng ligal at medikal na mga serbisyo.

_________7. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya.

_________8. Ito ang tawag sa mga PO na binuo ng pamahalaan.

_________9. Ang layunin ng konsehong ito ay bumuo ng isang plano para makamit ang
kaunlaran ng mga lokal na pamahalaan.

_________10.Dito kabilang ang mga sectoral group na kinabibilangan ng kababaihan at


kabataan.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-anong mga gawain ang naglalayon ng mahalagang


konsepto ng politikal na pakikilahok?
2.Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa mga samahan?
3.Ano-ano ang mahalagang tungkulin ng mga NGO at Po sa Pilipinas sa
kasalukuyan?

8
Pagyamanin
Panuto: Buuin ang salitang inilalarawan o ipinaliliwanag. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang kawaderno sa Araling Panlipunan
10.
1. Pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan bilang
obligasyon at karapatang politikal.
P__ G __ __ __ O

2. Sa kanila nagmula ang lahat na mga awtoridad ng pamahalaan.


__ __ __ B A __ __ Y __ N
3. Ito ay tumutukoy sa isang sektor na lipunan na sa hiwalay sa estado.
C __ V __ L __ O __ __ __ T __

4. Binuboo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang


pagkilos at non-government Organizations/People’s Organizations.
__ __ __ I __ S __ C __ __ __ Y

5. Isang mahalagang paraang mamamayan para maisakatuparan ang ating iginiit


na pagbabago sa pamahalaan.
P __ __ T I __ __ P __ __ O __ __ G __ __ __R __ __ __ E

6. Tumutukoy sa mga karapatan ng mamamayang Pilipino na makikita sa


Artikulo III ng 1987 Saligang batas.
B __ __ L OF __ __ G __ __ S

7. Isang panukat na binuo ng Economist Intelligence Unit na tumutukoy sa


kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo.
__ E M __ C R __ __ Y IND __ X

8. Layunin nito ay ang makapagbigay ng kapangyarihan sa mga


makapagpapaunlad sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan.
__ AGB __ T __
9. Esensiya ng demokrasya sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa
pagboto.
P __ K __ K __ __ __ H __ __

10. Nilalayon ng civil society na maging kabahagi sa pagbabago ng mga polisiya at


magiit ang accountability o( kapanagutan )at _____________ mula sa estado.
KA __ __ P__ __ AN

Gawain.One Minute Essay


Panuto: G a m i t i n g g a b a y a n g s u m u s u n o d n a k a t a n u n g a n s a
pagsulat ng iyong one-minute essay.

9
Gawain: Compare and Contrast
Matrix
Kumpletuhin ang compare and contrast matrix tungkol sa paraan ng participtory
governance na ginawa sa Porto Alegre,Brazil at sa Lungsod ng Naga, Pilipinas. Gamitin ang
mga criteria na nasa unang kolum sa paghahambing sa dalawang paraa ng participatory
governance.

PORTO ALEGRE( BRAZIL) LUNGSOD NG NAGA


(PILIPINAS)
Layunin

Paraan ng
Participatory
Governance

Epekto

Papel ng mamamayan

Papel ng Pamahalaan

Pamprosesong mga tanong


1. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang paraan ng participatory governance ng Porto
Alegre at lungsod ng Naga?
2. Ano ang kalakasan at kahinaan ng dalawang paraan ng participatory governance?

10
Isaisip
Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno sa
Araling Panlipunan.

1.Ano ang naging epekto ng pagsasagawa ng participatory governance sa


mamamayan sa mga lugar na nagsasagawa nito?
2.Bakit mahalagang ang papel ng mga mamamayan sa pakikilahok sa
pamamahala ng isang komunidad?

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong
na may kaugnayan sa p o l i t ik a l n a p a k ik i l a h o k . Isulat ang titik na
tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang kwaderno.

1. Si Patrick ay nagdiwang ng kaniyang ika-labing walong taong kaarawan. Bilang regalo sa


kaniyang sarili, nagtungo siya sa COMELEC (Commission on Elections) sa kanila upang
magpatala at makilahok sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa kanilang lugar.

Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang kaniyang ginampanan?

A. Magparehistro at bumoto
B. Pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas
C. Pakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan
D. Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain

2. Ito ay uri ng boluntaryong organisasyon ng civil society na ang layunin ay tumulong


samga programa ng mga grassroots organization?

A.civil society C. people’s organization


B. non-governmental organization D. trade union

3.Ano ang binalangkas na karapang pantao sa UDHR?

A. Kabilang ang mga bata sa pagbalangkas ng UDHR.


B. Ang mga karapatang pantao ay nakatala sa UDHR.
C. Nakapaloob sa UDHR ang pagpapahalaga nito sa mga karapatan ng mga bata.
D. Limitado ang karapatanng mga bata batay sa UDHR.

4.Si Lina ay isang magsasaka na mag isang nagtataguyod sa kaniyang tatlong anak. Nais
niyang lumahok sa isang samahan na nagtataguyod sa mga magsasakang katulad niya. Alin
sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?

A. Funding-Agency NGOs C. Non-Governmental Organizations


B. Grassroot Support Organizations D. People’s Organizations

11
5.Tingnan ang diyagram sa ibaba at sagutin ang tanong. Anong proseso ang ipinapakita ng
diyagram?
Paglahok sa Paglahok sa
iba’t ibang talakayan,
NGO People’s konsehong pagpanukala, at
Council panlungsod pagboto sa mga
batas
A. Participatory Budgeting ng Naga
B. Participatory Governance ng Naga
C. Participatory Budgeting ng Porto Alegre
D. Pagbuo ng Council of Fora of Delegates ng Porto Alegre
6.Basahin at unawain ang talata sa ibaba:

Dahil mahal ko ang Pilipinas,


Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan

Ang talata na iyong binasa ay halaw mula sa bagong version ng Makabayan. Anong
katangian ng
isang mamamayang Pilipino ang inilalarawan dito?

A. produktibo C. mapanagutan
B. makatao D. malikhain

7. Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang


pamayanan. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga
tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag ng karapatang pantao. Dahil
dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang pambansang
interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin?

A. Magpapatupad ng mga mabibigat na parusa upang mapasunod ang nasasakupan.


B. Hihikayatin ang mga mamamayan na maging produktibo at makiisa sa mga
produktibong gawain.
C. Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na
nagaganap sa lugar.
D. Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan para sa mamamayan.

8.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong


pagtatanggol sa karapatan pantaong patungkol sa isyung pang-ekonomiya?

A. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng unyon


upanmapangalagaan ang kanilang kondisyon sa trabaho.
B. Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang
makamit ang promosyon.
C. Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa.
D. Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng
pamahalaan.

12
9.Gaano kahalaga ang accountability at transparency sa pamamahala?

A. Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito.


B. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang
participatory governance.
C. Maayos ang pamamahala kahit wala ang isa nito.
D. Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang
transparency at accountability.

10. Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad?

A. Nabibigyan nang higit na kapangyarihan ang mamamayan upang tuwirang


mangasiwa.
B. Nagiging katuwang ng pamahalaan ang mamamayan upang makabuo ng mga
karampatang solusyon sa hamon ng lipunan.
C. Binibigyang-diin nito ang “elitist democracy” kung saan nagmumula ang pasya sa
mga opisyal ng pamahalaan.
D. Magkasamang binabalangkas ng pamahalaan at ng mamamayan.

11. Anong sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga kilos protesta,mga
lipunang pagkilos, at mga boluntaryong organisasyon.

A. CPAR B. Civil Society C. PO D. FAR

12. Anong POs ang itinatayo mula sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan?

A. GUAPO b. GRIPO C. TANGOs d. PACO

13.Ang sumusunod ay mga mahalagang tungkulin ng NGO at PO sa Pilipinas sa kasalukuyan


maliban sa isa. Ano Ito?

A. Paglunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mga


mamamayan.
B. Nagsasagawa ang mga NGO ng pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyang
kanilang ipinaglalaban
C .Diriktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating ang kanilang mga
hinaing.
D. Nakikipaglaban para sa sariling kapakanan.

14. Alin sa sumusunod ang mayroong adbokasiyang pagbibigay suporta sa mga komunidad sa
pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at medikal na mga serbisyo?

A. TANGOs B. FUNDANGOs C. DJANGOs D. Pos

15. Anong mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan ang igigiit na


pagbabago sa pamahalaan?

A. Participatory governance C. Humungi ng tulong sa pamayanan


B. Pagboto sa mayayaman D.Pagtulong sa nangangailangan

13
Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang kuwaderno sa
aralingpanlipunan

1. Paano matiyak ng mamamayan kung nananaig ang good


governance sa isang lipunan?

Susi sa Pagwawasto

Balikan Pagyamanin Gawain 3 Tayahin


1. Petition of Rights 1. A
2. First Geneva 1. Pagboto 1. Civil Society 2. B
Convention 2. Sambahayan 2. POs 3. C
3. (UDHR) Universal 3. Civil society 3. NGOs 4. D
Declaration of Human 4. Civil society 4. Local Gov”t 5. B
Rights 5. Participatory Code of 1991 6. C
4. Bill of Rights governance 5. FUNDANGOs 7. D
5. Declaration of the 6. Bill of Rights 6. DJANGOs 8. A
Rights of Man & of the 7. Democracy 7. PACO 9. D
Citizen Index 8. GRIPO 10.B
8. Pagboto 9. Local Dev’t 11.B
9. Pakikilahok Council 12.A
10.Katapatan 10.POs. 13.D
14.C
15.A

14

You might also like