You are on page 1of 3

LINGGUHANG BANGHAY-ARALIN

Asignatura/Baitang: Araling Panlipunan 10


Markahan/Linggo: Unang Markahan/ Ikalimang Linggo

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng mga kalamidad
 Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Mga Paghahanda sa Maaaring Mangyaring Kalamidad
Mga Dapat Gawin sa Oras at Pagkatapos ng Kalamidad
Ang CBDRRM Plan
B. Sanggunian: PAGLINANG NG KASAYSAYAN, Kontemporaneong Isyu
pahina 21-25
C. Kagamitan: TV, Powerpoint Presentation, Laptop, palabas

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtataya ng liban

B. Estratehiya/Gawain
1. Pagbabalik-aral: Ang guro ay magbibigay ng katanungan tungkol sa nakaraang
aralin.
2. Pagganyak:
 Ang guro ay magpapanood ng isang balita tungkol sa pagbaha sa isang lugar.
Susuriin ang larawan gamit ang mga sumusunod na katanungan.

1. Tungkol saan ang napanood na balita?


2. Ano-ano ang mga impormasyon na isinaad sa balita?
3. Batay sa balita, tungkol saan ang ating tatalakayin?

C. Pagtalakay
Unang Araw
 Ipapasagot sa mga mag-aaral ang Gawain sa ibaba.
Panuto: Buuin at ayusin ang “picture puzzle” sa ibaba.
 Ibigay ang mga paghahandang isinasagawa ng pamahalaan at pamayanan sa isang
kalamidad partikular ang pagbaha.
PAGHAHANDA NG PAMAHALAAN PAGHAHANDA NG MAMAMAYAN
SA PAGBAHA SA PAGBAHA

Ikalawang Araw
 Ang klase ay tatalakayin paghahandada para sa maaring mangyaring sakuna.
 Susuriin ang mga dapat gawin sa oras at pagkatapos ng kalamidad.
 Pamprosesong Tanong:
- Paano pinaghahandaan ang bawat kalamidad at ano pa ang iyong
maimumungkahing paghahanda?

Ikatlong Araw
 Pagtalakay sa proseso ng COMMUNITY-BASED DISASTER RISK
REDUCTION AND MANAGEMENT PLAN.

 Pamprosesong Tanong:
- Ano-ano ang mga hamon na kinakaharap sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan?
- Bakit mahalaga ang partisipasyon ng mgamamamayan sa paggawa ng
CBDRRM Plan?

Ikaapat na Araw
 Pagtataya tungkol sa aralin.

D. Paglalahat
Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral na nais magbahagi o magbuod ng aralin.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang,
isulat sa patlang ang sagot.
________ 1. Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at
kakayahan ng pamayanan sa pagharapsa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran..
________ 2. Sa pagkakataong itoo ay tinatayaa kung gaano kalakwak ang pinsalang dulot
ng isang sakuna.
________ 3. Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos n
mga nasirang pasilidad at istruktura at mga aantalang pangunahing serbisyo.
________ 4. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng
pagtama ng sakuna.
________ 5. Ito ang sangay na nagmomonitor sa iba't ibang komunidad sa tuwing
magkakaroon ng sakuna.
6-10. Ibigay ang mga hakbang na dapat gawin sa oras ng lindol.

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik tungkol sa epekto ng climate change sa kapaligiran, lipunan at kabuhayan ng
tao

Inihanda ni:

Ginoong John Paul L. Vinas, LPT

You might also like