You are on page 1of 3

St.

Joseph’s College of Rodriguez


Basic Education Department
S. Y. 2019-2020
PLANO SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 9
Asignatura: Baitang Petsa ng Pagtalakay:
Araling Panlipunan : Nobyembre 18-22, 2019 Ikatlong Markahan
9

PAKSANG ARALIN: PAMBANSANG KITA


Layunin:
A. Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung
paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay
ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic Product) bilang panukat ng
kakayahan ng isang ekonomiya
2. Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto
D. Pagpapahalaga: Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya
Mahalagang Tanong:
EQ1: Sa paanong paraan nagkakaiba ang GNP at GDP? Sa paanong paraan nakatutulong ang mga panukat na
katulad ng GNP at GDP sa pagpaplano ng ekonomiya?
Mga Kagamitan:
 Laptop, manila paper, TV
Uri ng Pagtataya: Kinalabasan Inaasahang Gawain
Makapagsusuri ng mga
pahayag patungkol sa GDP ng Pagsusuri ng Teksto
bansa Pagsusuri ng mga pahayag
Makakagawa ng isang liham
Asignatura: Araling Panlipunan Pagpapahalaga: TRUTH
Pamamaraan:
Sesyon 1

I. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtataya ng liban
II. Pamamaraan
1. Pagbabalik-aral – Ang guro ay magpapakita ng larawan patungkol sa nakaraang aralin.
- Saan nanggagaling ang kita ng bawat sektor?
- Ano ang mapapansin sa halaga ng pagkunsumo ng bawat sektor sa ganitong sitwasyon? May
kaugnayan ba ito sa kitang natatamo?
2. Pagganyak – Ang guro ay magpapakita ng isang editorial cartoon. Ipapasuri sa mga mag-
aaral ang editorial cartoon at itatanong “Ano ang inyong mahihinuha mula sa editorial cartoon?”
3. Magbibigay ng mga mahahalagang katanungan
4. Gawain 1 – Pagsuri ng Teksto
5. Gawain 2 – Batay sa mga sumusunod na pahayag ng guro, susuriin ng mga mag-aaral kung ito ay
(a)GNP, (b)GDP, (c)parehong GDP/GNP, o (d)wala sa pagpipilian, ipapaliwanag ang bawat sagot
pagkatapos.
6. Pagpapahalaga
III.Takdang Aralin
1. Basahin at pag-aralan sa bahay ang pambansang kita.
Sesyon 2
I. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtataya ng liban
II. Pamamaraan
1. Pagbabalik-aral – Ang guro ay magbibigay ng mga katanungang patungkol sa nakaraang
tinalakay.
2. Gawain – Ipagpalagay na ikaw ay kasapi ng isang ahensiya ng pamahalaan na nakatuon sa kita
ng bansa, gumawa ng isang liham na sasagot sa tanong na “Sa paanong paraan nakatutulong
ang mga panukat na katulad ng GDP at GDP sa pagpaplano ng ekonomiya?”
III. Takdang Aralin
1. Basahin at pag-aralan ang nakaraang aralin
Sesyon 3
I. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtataya ng liban
II. Pamamaraan
1. Pagbabalik-aral – Ang guro ay magbibigay ng mga katanungang patungkol sa nakaraang
tinalakay.
2. Pagpapatuloy ng gawain
III. Takdang Aralin
1. Ano ang kita? Ano ang ugnayan nito sa pag-iimpok at pagkonsumo?
Reflection: COMPASSION S1 S2 S3

 Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:


 Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng alternatibong
gawain:
 Epektibo ba ang ginawang remedyal? Ilan ang bilang ng mga mag-
aaral ang naka-unawa ng aralin?
 Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa isinagawang
remedyal?
 Anong estratehiya sa pagtuturo ang mas naging epektibo?
 Ano ang mga naging hadlang sa naging pagtuturo upang
makatulong ang iyong punong-guro o koordineytor?
 Ano ang mga inobasyong kagamitang pampagtuturo ang ginamit na
maaaring maibahagi sa iyong kapwa guro?
Reflection: OBEDIENCE S1 S2 S3

 Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:

 Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng alternatibong


gawain:
 Epektibo ba ang ginawang remedyal? Ilan ang bilang ng mga mag-
aaral ang naka-unawa ng aralin?
 Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa isinagawang
remedyal?
 Anong estratehiya sa pagtuturo ang mas naging epektibo?

 Ano ang mga naging hadlang sa naging pagtuturo upang


makatulong ang iyong punong-guro o koordineytor?
 Ano ang mga inobasyong kagamitang pampagtuturo ang ginamit na
maaaring maibahagi sa iyong kapwa guro?
Inihanda ni: Petsa ng pagpapasa:
Sir John Paul L. Viñas
Remarks:
Sr. Eterna A. Manangan, SFIC

Koordineytor Punong-Guro

You might also like