You are on page 1of 3

Layunin: Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang
multimedia o teknolohiya.
Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pagbuo ng sayaw, awit at sining

Panimula

Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ay makakatulong ng malaki sa pagbuo o paglikha


ng sayaw, awit at sining.

Pagtalakay

Cariñosa
Ang Cariñosa ay isang magiliw na sayaw ng magkaparehong babae at lalake na animo‟y nasa
aktong nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang tinikling bilang pambansang sayaw ng
Pilipinas. Ang salitang ito ay nangangahulugang mapagmahal at mapag-aruga na hango sa pamamaraan
ng pag-indak at pag-indayog ng mga nananayaw nito sa saliw ng mabining awitin. Kapuna-puna sa
mga sayaw ng Filipino, kabilang na ang Cariñosa, ang pagpapakita ng mga matinding emosyon o
damdamin.

Sa Cariñosa, ang babaeng mananayaw ay may tangan na


panyo o pamaypay na panaka-naka niyang ipinangkukubli sa kaiyang mukha habang mayuming
umiindak. Ang lalaking mananayaw naman ay sumasayaw na tila nag-aamong pamamaraan habang
nakatingin sa mga mata ng kaparehang babae. Sa ganitong mga galaw ay makikita na ang mga
mananayaw ay tila nagpapakta ng pagsinta sa isa’t-isa.

Pagsasanay
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa ibaba ng bawat bilang.

1. Ano ang Cariñosa?

2. Kailan ito nagging pambansang sayaw?

3. Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?

Gawain
Panuto: Gumawa ng talata ukol sa tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon
May programa sa paaralan ni Rudy at nangangailangan ang kanilang guro ng isang awit. Si Rudy ay
may talent sa pag-awit ngunit siya ay batang mahiyain. Kung ikaw si Rudy ano ang dapat niyang
gawin? Bakit?

Output
Panuto: Gawin ang kasunduan saibababatay saiyong nais at kakayahan.
A. Paggawa ng awit na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kultura ng mga Pilipino. Maaaring kumuhang tono sa ibang awitin at palitan lamang ang liriko
batay sa kasunduan. Videohan ang gawa.
B. Paggawa ng likhang sining (Poster o Slogan) na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang
Pilipino. Gawin ang kasunduan sa isang bond paper.
C. Pagsayaw ng isang katutubong sayaw ng Pilipino (Hal. Cariñosa, Pandango sa Ilaw, Manlalatik,
etc). Maaaring kumuha ng ideya sa internet. Videohan ang gawa.

You might also like