You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3

I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


 Naipamamalas ang pagpapahalaga sa pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng mga kultura
gamit ang sining na nagpapakilala sa lalawigan at rehiyon (tula, awit, sayaw, pinta, atbp.)
II. Paksang Aralin: Paghatag Importansya sa Kultura sang mga Probinsya sa Rehiyon
Sanggunian: Araling Panliupunan 3, Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 317 – 323
Kagamitan: Tsart, Marker, Speaker

Values Integration: Pagbigay halaga sa sariling sining at kultura


III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Pagbalik-aral
Ano ang tinalakay natin kahapon?
Tungkol sa importansiya ng kultura sa
probinsiya o rehiyon.
Tama!

Ano ang halimbawa ng mga sining?


Pagsayaw (Pagsaot)
Pag-awit (Pagkanta o Ambahanon)
Patula (binalaybay)
Paglaro (Paghampang)
Pag drawing
Magaling!

2. Pagganyak
Narinig niyo na ba ang awit na Dandansoy?
Opo, Ma’am!
Okay, pakinggan niyo ang awitin na ito.

https://youtu.be/F3G5CKxen5U

Nagustohan niyo ba ang kanta?


Opo, Ma’am!
Okay, ang dadansoy ay isang malungkot na
awitin ng isang tao dahil gusto niyang umuwi
sa kanyang lugar na Payao. Peru nalampasan
niya ang kalungkutan dahil sa kanyang
matatag na determinasyon na sa panahon ng
kalungkutan ay mayroon ding kasayahan.

Tama!

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
Isa sa mayaman na lugar ng sining ang
Rehiyon VI. Ito ay makikita sa mga awit na
may iba’t-ibang tema.

2. Pagtatalakay
Ngayon, ipagpapatuloy natin ang ating
tinalakay kahapon tungkol sa “Paghatag
Importansya sa Kultura sang mga Probinsya
sa Rehiyon.”

Ang Rehiyon VI ay may mga awit tungkol sa


kagandahan ng paligid katulad ng
“Dalawidaw”, “Tuburan”, “Ohoy
Alibangbang” at “Mabugnaw ang Palibot.”
May mga awitin din para ipakita ang
importansiya ng kasipagan sa mga gawain o
trabaho. Ito ay ang “Bilong Bilong at
Mananggete.”
“Ili Ili Tulog Anay”
Anong kanta ang inaawit ng inyong ina para
sa pagpapatulog ng sanggol?

Tama! Ang “Ili Ili Tulog Anay” ay isa ding


sining ng pag-awit.

Hindi lamang sa kanta mayaman ang sining


ng Rehiyon VI. Marami din itong mga
“Binalaybay” o patula na naglalarawan sa
kanilang kultura. Isa sa halimbawa nito ang
isinulat ni Magdalena Jalandoni.
Kailangang bigyan ng importansiya ang ating
D. Paglalahat
kultura dahil ito ay nagpapakita at
Bakit kailangang bigyan ng importansiya ang
nagpapahayag ng kayamanan natin sa ating
ating kultura?
kultura at bahagi ito ng ating nakaraan.

Ipagpapatuloy natin ang pag-unlad ng sining


Paano natin ipagpapatuloy ang pag-unlad ng sa ating probinsiya sa pamamagitan ng
sining sa ating probinsiya? pagbigay halaga sa sariling kultura ng
rehiyon.
Magaling!

Upang mapaunlad at makilala sa ibang lugar


ang ating kultura, dapat na ipagpatuloy at
ipalaganap ang mga ito. Wala na po, Ma’am!

Mayroon pa bang katanungan?

E. Paglalapat
Pang-grupo na gawain:
Kahapon hinati ko kayo sa tatlong grupo. Opo, Ma’am!
Ngayon ay ipapakita ninyo ang inyong mga
talento.
Handa na ba ang lahat?

Unang pangkat ang gumanap (Binalaybay)


Pamantayan sa pagbigkas ng Binalaybay:
Boses – 30%
Pagkakabuo ng tula – 30%
Pisikal na kaanyuan – 30%
Kabuuang Pagtatanghal
at impak ng madla -10%

Kabuoan: 100% Ikalawang pangkat ang gumanap


(Pagsasayaw)
Pamantayan sa Pagsasayaw:
Interpretasyon o kilos – 50%
Ekpresiyon ng mukha at damdamin – 30%
Paghikayat sa madla – 20%

Kabuoan: 100% Ikatlong pangkat ang gumanap (Pag-awit)


Pamantayan sa Pag-aawit:
Madamdamin ang pag-awit – 40%
Naisaulo ang awit – 30%
Maliwanag ang pag-awit – 20%
Impak ng madla – 10%

Kabuoan: 100%

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang manunulat ng isang binalaybay na may pamagat na “Ang Guitara?”
a. Magdalena Ramos
b. Magdalena Jalandoni
c. Rosario Magdalena
2. Ito ay ang mga awit, sayaw, binalaybay at mga laro ng isang Rehiyon.
a. Sining
b. Kalusugan
c. Importansiya
3. Magbigay ng dalawang halimbawa ng sining sa Rehiyon VI. (2 puntos)

ML:
ID:

V. Takdang-Aralin
Ipaliwanag sa sariling opinyon ang kahalagahan ng sining sa Rehiyon.

Inihanda ni:

RENEA NEB L. POYOGAO


BEED 4

Pinagtibay ni:

CRISTINE M. SOLIGO, LPT


Grade 3 – Section 1 Adviser
Binicuil Elementary School

You might also like