You are on page 1of 2

SEPTEMBER 14, 2022 WEDNESDAY

MUSIC 5

12:00 – 12:40 MAHUSAY


1:30 – 2:10 MASINOP
2:30 – 3:10 MASUNURIN
3:20 – 4:00 MAPAGKUMBABA
3:50 – 4:30 MASIGASIG
4:40 – 5:20 MASIKAP
5:30 – 6:10 MALIKHAIN

I. Layunin:
Naibibigay ang katawagang soprano at alto sa tinig ng mga babae at tenor at bass sa tinig ng
mga
lalaki.

II. PaksangAralin:

A. Paksa: Mga Katawagan sa Tinig


B. Sanayang Aklat sa Musika 5, p. 88
C. chart

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Paawit naPagbati: (sol-mi)

Magandang hapon!

2. Vocalization

sol fa mi re do
ma - - - - (transposing)

B. Panlinang na Gawain:

1. Pagganyak:

Kilala nyo ba sila?

Larawan ng mga kilalang mang-aawit sa bansa


2. Paglalahad:

Magpadinig sa mga mag-aaral ng isang SATB musical piece.

Ano ang masasabi ninyo sa musika na inyong narinig?

3. Pagtalakay:

Ang tinig ng tao bilang isang instrumentong pang musika ay nauuri sa apat.
Soprano – mataas na tinig ng babae
Alto – mababang tinig ng babae
Tenor – mataas na tinig ng lalaki
Bass – mababang tinig ng lalaki

4. Paglalahat:

Anu-ano ang apat na uri ng tinig ng tao?

5. Paglalapat:

Sa paanong paraan natin matutukoy ang uri ng tinig ng tao?

IV. Pagtataya:

____ 1. Anong tinig ng babae ang mataas at matinis?


A. Soprano B. Tenor C. Alto D. Baho
____ 2. Ito ay elemento ng musika na tumutukoy sa kakapalan o kanipisan ng
tunog.
A. Ritmo B. Melodiya C. Anyo D. Timbre
____ 3. Sino sa mga tanyag na mang-aawit ang may tinig na tenor?
A. Regine Velasquez C. Ogie Alcasid
B. Sharon Cuneta D. Jaya
____ 4. Sina Sharon Cuneta, Pilita Corales at Nora Aunor ay may tinig na ___________.
A. Soprano B. Tenor C. Alto D. Baho
____ 5. Ito ang mababang tinig ng lalaki.
A. Soprano B. Tenor C. Alto D. Baho

V. Takdang Aralin:
Magdala ng alinmang larawan ng isang instrumentong pang musika.

You might also like