You are on page 1of 2

MAPEH WORKSHEET 5

4th QUARTER

NAME: ____________________________________________________________________
SECTION:__________________________________________________________________

MUSIC

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong kilos ng katawan ang maaaring gawin habang inaawit ang Leron-Leron Sinta?
A. pagmartsa B. paglukso C. pagtakbo D. pagkandirit
2. Anong uri ng tempo kabilang ang awiting “Magtanim ay Di Biro”?
A. piano B. forte C. presto D. largo
3. Anong elemento ng musika ang nabubuo sa pag-awit ng 2-part vocal?
A. rhythm B. melody C. timbre D. texture
4. Ito ay ginagamit na pansaliw sa isang awitin. Binubuo ito ng mga rhythmic pattern na may kasamang
melody.
A. ostinato C. rhythmic ostinato
B. melody D. melodic ostinato
5. Ito ay kalimitang isinusulat sa itaas ng pangunahing melody. Nagdadagdag ito sa texture ng awitin.
A. descant C. rhythmic ostinato
B. ostinato D. melodic ostinato
6. May paligsahan sa pag-awit sa inyong lugar. Ang contest piece ay 2- part vocal.
Kung ang inyong paaralan ay sasali, ilang pangkat ang aawit sa paligsahan?
A. isang pangkat C. tatlong pangkat
B. dalawang pangkat D. apat na pangkat
7. Alin sa mga sumusunod ang naaayong gawin habang inaawit ang “Sitsiritsit”?
A. paglakad nang mabagal C. paglakad nang mabilis
B. pagmartsa nang mabilis D. pagmartsa nang mabagal
8. Ang pag-awit ay maaaring sabayan ng kilos o galaw ayon sa daloy ng awitin o tugtugin.
Paano ilalarawan ang tempo ng awiting “Leron-leron Sinta “?
A. pagtalon C. paglakad nang mabagal
B. pagmartsa D. paglakad nang katamtaman
9. Paano nakikilala ang texture ng isang awitin?
A. sa paraan ng pag-awit B. sa uri ng tinig ng umaawit
C. sa uri ng awiting inaawit D. sa dami ng tinig na umaawit
10. Paano inaawit ang descant?
A. Inaawit pagkatapos awitin ang buong awit.
B. Inaawit nang sabay sa pangunahing melody.
C. Inaawit bago awitin ang pangunahing melody.
D. Inaawit pagkatapos awitin ang pangunahing melody.
ARTS

Paggawa ng Placemat na may Disenyong Pazigzag


Kagamitan: gunting, bond paper o colored paper o anumang bagay na maaaring gamitin sa paglalala
(maaaring pahabang ginunting na mga lumang papel)ruler at lapis.

Hakbang Sa Paggawa:

1. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at mapusyaw (light) na kulay bago mag-
umpisa sa paglalala, at gumawa ng sariling disenyo sa paggawa ng placemat.
2. Lalahin nang salitan ang bond paper o colored paper na ginagawa ang disenyong pazigzag.
3. Gupitin ang sobrang sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.
4. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggawaan.

P.E.

HEALTH
Panuto: Tama o Mali. Isulat sa kuwaderno ang TAMA kung ang gawain ay tama at MALI naman kung
maling gawi.
____ 1. Hindi pumasok sa paaralan si Arnel dahil nasa Storm Signal No. 4 ang bagyo.
____ 2. Umakyat sa mataas na lugar ang mag-anak dahil tumataas ang tubig-baha.
____ 3. Naligo ang mga bata sa malakas na buhos ng ulan.
____ 4. Inilagay ni Pio ang mga balat ng prutas sa basurahang may nakasulat na nabubulok.
____ 5. Sinindihan ng mga bata ang nakitang paputok sa lansangan.
____ 6. Pinanood ng mga mag-aaral ang video tungkol sa iba’t ibang sakuna at kalamidad.
____ 7. Nakalagay sa cellphone ni Matet ang mga numero ng pulisya at bumbero.
____ 8. Namili ng malalakas na paputok ang tatay para sa Bagong Taon.
____ 9. Ipinatong ni Ipe ang kandilang may sindi sa mga papel.
____ 10. Tumulong ang kabataan sa paglilinis ng plasa matapos ang Pista.

You might also like