You are on page 1of 33

4

MAPEH
Ikatlong Markahan

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


MUSIC
Ang Introduction at Coda ng Isang Awitin
Introduction ang tawag sa mga nota sa loob ng
oblong na makikita sa unang bahagi ng awit sa ibaba.
Ito ay himig na itinutugtog bilang paghahanda bago
awitin ang mga lyrics nito.

Coda naman ang tawag sa huling bahagi ng awit o


tugtugin. Pansinin ang mga nota sa loob ng parisukat.
Ito ay himig din na nagsisilbing panapos o pagwakas ng
isang komposisyon.
Antecedent Phrase at Consequent Phrase
Ang mga antecedent at consequent phrases ay
magkakaugnay. Ito ang dalawang phrase na bumubuo
ng isang musical idea. Kadalasan ang antecedent
phrase ay may papataas na himig at ang consequent
phrase naman ay may papababang himig.
Magkahawig at Di-Magkatulad na mga Musical
Phrases
Ang Melodic Phrase ay bahagi o grupo ng mga tono
o himig na parte ng isang awit. Ang Rhythmic Phrase
naman ay isang bahagi ng awit o komposisyon na
naglalaman ng grupo ng mga nota at pahinga batay sa
palakumpasan nito.
Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba.
 Ang una at ikalawang melodic phrase ay
magkahawig.

 Ang una at ikatlo, ikalawa at ikatlo, ikatlo at ikaapat


na melodic phrase ay di-magkatulad.

 Magkakatulad ang rhythmic phrase ng awit.

Gawain 1: Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang


pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.

_____1. Ang awit o tugtugin ay binubuo ng mga tunog


na maaaring dumaloy ng pataas, pababa, palaktaw at
maari ding inuulit.
_____2. Ang pagdaloy ng mga phrase ay siyang
nagbibigay ng damdamin at kabuluhan sa musika.
_____3. Ang tono ay isang buong linya ng awit na
naglalaman ng mga nota.
_____4. Ang Antecedent Phrase ay parte ng musika na
binubuo ng papataas na himig.
_____5. Ang Consequent Phrase ay parte ng musika
na binubuo ng papababang himig
Gawain 2: Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang
pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.
_____1. Ang pariralang magkahawig na binubuo sa
pamamagitan ng pag-uulit.
_____2. Ang pagkakaayos ng rhythmic phrase at
melodic phrase sa isang awit ay hindi nakakatulong sa
ganda at kahulugan ng isang awit.
_____3. Ang di-magkatulad na parirala ay naiiba at
sumasalungat sa daloy ng himig.
_____4. Pangkat ng mga tono o himig na bahagi ng
isang awit.

_____5.Rhythmic phrase ay hindi pangkat ng mga nota


at rest
batay sa palakumpasan sa isang bahagi ng
isang awit.

Napapangkat ang mga Instrumentong


Percussion ayon sa Tiyak at Di-Tiyak na Tono

Instrumentong Percussion
Ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng pagpalo,
pagtapik, pagkalog, at pagtatama upang tumunog.

Tiyak(may tono)

1.glockenspiel 2. tubular bells 3. timpani

4.marimba 5. Kulintang
Di-Tiyak(walang Tono)

1.Maracas 2. Tambourine 3. Triangle

4. Drum 5. Dabakan

Gawain 3: Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Ito ay mga instrumentong ni pinapalo, kinikiskis,


kinakalog upang tumunog.
A. Brass C. String
B. Percussion D. Woodwind
2.Ito ay uri ng percussion instrument na may tono.
A. Tiyak C. Hinihipan
B. Di-Tiyak D. Hinahagis
3.Ito ay uri ng percussion instrument na walang tono.
A. Tiyak C. Hinihipan
B.Di-Tayak D. Hinihagis
4.Instrumentong hinihipan na yari sa tanso.
A. Brass C. String
B. Percussion D. Woodwind
5.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa brass
instrument?
A. Trumpet C. Tuba
B. Trombone D. Drum
Nakilala ang Forte at Piano sa Musical Score
Ano ang kahulugan ng dynamics?
Ang dynamics ay elemento ng musika na
tumutukoy sa paglakas at paghina ng isang awitin o
tugtugin.
Mayroon pang ibang uri ng dynamics, ngunit sa
araling ito ay ilalahad lamang ang dalawang uri nito.

p ( piano)
f ( forte )
Piano ( p ) – ang tawag sa mahinang pag-awit o
pagtugtog ngisang awitin.

Forte ( f ) - ang tawag sa malakas na pag-awit o


pagtugtog ng isang awitin.

Ang mga simbolong p at f ay makikita sa itaas ng


G clef na kung saan nagbibigay senyas na aawitin o
tutugtugin ng malakas o mahina ang bahagi ng awit.
Ang mga simbolong p at f ay makikita sa itaas ng G
clef na nagbibigay senyas na aawitin o tutugtugin ng
malakas o mahina ang bahagi ng awit.
Gawain 4: Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot.

____1.Ano ang kahulugan ng forte?


A.malakas C.katamtaman
B. mahina D. mahinang-mahina
____ 2. Ano ang simbolo ng piano ?
A. p C. f
B. ff D. ff
_____3.Ito ay simbolong ginagamit sa pag-awit o
pagtugtog nang mahina.
A. pp C. f
B. ff D. p
_____4.Paano aawitin ang bahagi ng awit na kakikitaan
ng f ?
A. mahina C. mahinang-mahina
B. malakas D. malakas na malakas
_____5.Ano ang ibig sabihin ng dynamics na piano ?
A. malakas C. malakas na malakas
B. mahina D. mahinang-mahina
Performance Task: (Music)
Panuto : Gumawa ng isang improvise na
instrumentong percussion. Idikit ang larawan ng
iyong ginawa sa ibaba. Isulat kung anong klaseng
percussion instrument ang ginawa mo.

ARTS
Tekstura
Ang tekstura ng isang bagay ay naayon sa uri ng
materyal na ginamit dito. Bukod sa mga tunay na bagay
na matatagpuan sa ating kapaligiran, nalalaman din
natin ang testura sa pamamagitan ng pandama o
paghipo, o teksturang tactile, at pagmamasid o
testurang biswal.
Gawain 1: Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa activity notbuk.
1. Alin sa mga bagay ang may malambot na tekstura?
a. unan at kumot
b. papel at notbuk
c. buhangin
2. Ang banig na yari sa abaka ay may _____ na
tekstura.
a. malambot
b. makinis
c. magaspang at matigas
3. Ang tekstura ay ______________
a. katangian ng mga bagay na nahihipo lamang
b. katangian ng bagay na nahihipo, nadarama at
nakikita.
c. katangian ng kulay
4. Alin sa iba’t-ibang uri ng mga bag ang pinaka
matibay?
a. bag na yari sa buri
b. paper bag
c. plastic na bag
5. Alin sa sumusunod ang may pinaka makinis na
tekstura?
a. papel
b. banig na yari sa abaka
c. sand paper
Relief Printing
Ang Relief printing ay gawaing sining na nagagawa
sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang
kinulayang bagay. Direkta itong inimprinta sa papel
upang maiwasan ang paulit-ulit na pagguhit o pagpinta.
Nakakatipid ka ng oras at effort, at maganda pa ang
resulta ng iyong disenyo.
Gawain 2: Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa activity notbuk.
1. Sa iyong obrang nilikha ay nangangailangan lagi ng
kulay. Alin sa sumusunod ang hindi maaring
gamiting pangkulay?
A. Tinta
B.Bakal
C. Dahon
2. Isang gawaing pansining na nagagawa sa
pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang
kinulayang bagay.
d. Paglilimbag o relief print
e. Pagkuskos sa krayola
f. Pagpipinta sa daliri
3. Gumuhit ka ng isang punongkahoy para sa iyong
gagawing paglilimbag. Gusto mo itong pa pusyawin.
Anong kulay ang gagamitin?
A.Puti
B.Itim
C. Abo
4. Sa asignaturag sining ay tinalakay ang mga disenyo
ng pangkat-etniko. Saan mo pwedeng gamitin ito?
a. Sa paglilimbag ng mga disenyo gamit ang mga
bagay sa paligid.
b. Sa pagbili sa tindahan
c. Sa origami
5. Marami na kayong natapos na mga gawaing
sining.Alin ang dapat mong tandaan tuwing
gumagawa?
a. Limitahan ang paggamit ng mga materyales sa
sining.
b. Maging maingay habang gumawa
c. Gumawa ng nag-iisa.
Relief Printing: Ethnic Motif Designs
Binubuo ang etnikong motif ng mga hugis at linya
sa pamamagitan ng pag-uulit, pasalit-salit at radial na
ayos o (paikot) ng mga hugis at linya upang magkaroon
ng kagandahan at kaaya-ayang motif designs.
Ang mga etnikong motif designs ay ginagawa natin
sa iba’t-ibang paraan. Ito ay maaring sa pamamagitan
ng pag-uulit ng mga hugis at linya o repeating
arrangement. Paikot na mga hugis at linya o radial
arrangement at pasalit-salit na hugis at linya o
alternative arrangement.
Makasining na Dibuho Gamit ang Relief Master o
Mold
Ang relief printing ay isang kakaibang
pamamaraan ng paglilimbag na may mga bahagi itong
nakaalsa. Ito ay mga disenyo, letter print, slogan o logo
na makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at sa iba pang
materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o
pagpinta. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbuo ng
isang relief master o molde na maaaring gamitin sa
paglilipat o pagpaparami sa disenyo.
Performance Task 1: Panuto: Ngayon ay gagawa ka
ng isang disenyo sa pamamagitan ng relief printing.
Performance Task 2: Panuto: Maghanap ng mga
larawan sa lumang diyaryo o libro o gumuhit ng bagay
na may disenyong paulit-ulit, pasalit-salit at paikot o
radial arrangement. idikit ito at lagyan ng label.

Larawang may disenyong Larawang may disenyong


paulit-ulit na hugis at linya pasalit-salit na hugis at linya
Larawang may disenyong paikot na
hugis at linya

PHYSICAL EDUCATION
Sangkap ng Physical Fitness
Ang limang sangkap ng health-related fitness ay ang
sumusunod:
Katataga
n ng
Kalamna
n

Katataga Lakas ng
n ng puso Kalamna
at baga Health n
Related
Fitness
Component
Cardiovascular Endurance (Katatagan ng puso at
baga) – KakayahangBody
makagawa ng pangmatagalang
Kahutukan
Composition
gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa
katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa.
Muscular Endurance (Katatagan ng Kalamnan)-
Kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan
ang paulit-ulit at mahabang paggawa.
Muscular Strength (Lakas ng Kalamnan)- Kakayahan
ng kalamnan (muscles) na makapaglabas ng puwersa
sa iisang beses na buhos ng lakas.
Flexibilty (kahutukan)-kakayahang makaabot ng isang
bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng
kalamnan at kasukasuan.
Body Composition- dami ng taba at parte na walang
taba (kalamnan, buto at tubig) sa katawan

Gawain 1: Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang


tamang sagot at isulat sa patlang.

Cardiovascular Endurance Muscular Endurance

Muscular Strength Flexibility


Body Composition

____1. Tumutukoy sa kakayahang makaabot ng isang


bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng
kalamnan at kasukasuan.
____2. Tumutukoy sa kakayahang kalamnan na
makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos
ng lakas.
____3. Tumutukoy sa kakayahan ng mga kalamnan na
matagalan ang paulit-ulit at mahabang paggawa.
___4. Tumutukoy sa kakayahang makagawa ng
pangmatagalang gawain na gumagamit ng malakihang
mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas
na paggawa.
____5. Tumutukoy sa dami ng taba at parte na walang
taba (kalamnan, buto at tubig) sa katawan.
Gawain 2: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ang kakayahan ng iba’t-ibang bahagi ng katawan na kumilos
nang sabay-sabay na parang iisa nang walang kalituhan.
A. Power
B. Coordination
C. Flexibility
2. Ito ay ang kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa
pamamagitan ng pag-uunat ng kalamnan at kasukasuan.
A. Balance
B. Coordination
C. Flexibility
3. Kung ikaw ay mahusay sa gymnastics, ano ang komponent ng
Physical Fitness ang nalilinang mo ng wasto?
A. Flexibility at balance
B. Speed at power
C. Agility at coordination
4. Kung ikaw ay mahusay maglaro ng badminton, ano ang
komponent ng Physical Fitness ang nalilinang mo ng wasto?
A. Speed
B. Balance
C. Coordination
5. Alin sa sumusunod ang nagpapaunlad ng iyong kahutukan at
koordinasyon?
A. Pagsasayaw ng ballet
B. Panonood ng telebisyon
C. 3-minute step test
Paglinang ng Kahutukan (Flexibility) at
Koordinasyon
Paglinang ng Flexibility
Ang kahutukan o flexibility ay kakayahang
makaabot ng isang bagay nang malaya sa
pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan.
Kinakailangan ang kahutukan ng katawan upang
maisagawa ang mga pang-araw-araw na gawain tulad
ng pagbangon sa pagkakahiga, pagbuhat ng bagay,
pagwawalis, at iba pa.
Ang antas ng kahutukan ng katawan ay bumababa
kapag tumatanda ang isang tao dahil sa palaupong
(sedentaryong) pamumuhay. Kapag walang sapat na
kahutukan, nagiging mahirap ang pagsasagawa ng mga
pang-araw-araw na gawain.
Paglinang ng Koordinasyon
Isa sa mga sangkap ng skill-related fitness ay ang
koordinasyon. Ang koordinasyon ay ang kakayahan ng
iba’t ibang bahagi ng katawan na kumilos nang sabay-
sabay na parang iisa nang walang kalituhan.
Sa simpleng paglalakad, paglalaro, pagsasayaw, at
pagsasagawa ng pang-araw-araw na gawain,
mapapansin mo na may koordinasyon ang iba’t ibang
bahagi ng iyong katawan kaya ka nakakikilos nang
maayos. Katulad ng iba pang sangkap ng physical
fitness, ang koordinasyon ay mahalaga upang ang mga
bahagi ng katawan ay gumalaw nang magkakaiba
ngunit bahagi ng kabuuan.
Gawain 3: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ito ay ang kakayahan ng iba’t-ibang bahagi ng
katawan na kumilos nang sabay-sabay na parang iisa
nang walang kalituhan.
A. Power
B. Coordination
C. Flexibility
2. Kung ikaw ay mahusay maglaro ng badminton, ano
ang komponent ng Physical Fitness ang nalilinang
mo ng wasto?
A. Speed
B. Balance
C. Coordination
3. Ito ay ang kakayahang makaabot ng isang bagay
nang malaya sa pamamagitan ng pag-uunat ng
kalamnan at kasukasuan.
A. Balance
B. Coordination
C. Flexibility
4. Alin sa sumusunod ang nagpapaunlad ng iyong
kahutukan at koordinasyon?
A. Pagsasayaw ng ballet
B. Panonood ng telebisyon
C. 3-minute step test
5. Kung ikaw ay mahusay sa pagdyigymnastics, ano
ang komponent ng Physical Fitness ang nalilinang mo
ng wasto?
A. Flexibility at balance
B. Speed at power
C. Agility at coordination
Katutubong Sayaw (Cariñosa)
CARIÑOSA

Ang Cariñosa ay isang popular na sayaw na


ipinakilala sa ating ng mga Espanyol noong ika-16 na
siglo naging tanyag sa buong Pilipinas. Pinaniniwalaang
ito ay nagmula sa pulo ng Panay na kabilang sa mga
isla ng Visayas na unang ipinakilala ng mga Espanyol
noong sila ay dumating sa pulo noong 1569. Ito ay
itunuturing na Pambansang Sayaw ng Pilipinas. Ang ibig
sabihin ng salitang ito ay “malambing” o
mapagmahal.Sa pagsasayaw nito ay kailangang
gumamit ng panyo at abaniko ang mga mananayaw na
animo’y nagliligawan at nagtataguan.
Orihinal na isinasayaw ang Cariñosa na suot ang damit
Maria Clara at Barong Tagalog dahil ito ay isang
Kastilang sayaw nang ito ay ipakilala ng mga Kastila
ang kanilang kultura.
Ang tugtog ng Cariñosa ay nagpapakita ng
malaking impluwensiya ng mga Kastila sa mga Pilipino.
Ito ay may 3/4 sa kumpas gaya ng ilang mga sayaw na
Kastila. Ang Rondalla ang tumutugtog sa tugtog ng
sayaw kung saan ito ay isang pangkat o isang orkestra
ng mga instrumentong na may pisi na binubuo ng mga
bandurya, mandolin, gitara,triyangle, tambol at banjo.
Kadalasang lalaki ang tumugtog sa rondalla.
Ang isang babae ay may hawak na abaniko o
panwelo kung saan siya'y patago-tago sa kanyang
napupusuan na nagsasaad na ibig rin niya ang lalake
subalit hindi pa niya ito masagot ng oo, samantalang
gayon din ang binata na humahabol-habol at
nagpapahiwatig na sinisinta rin niya ang dalaga. Ang
sayaw na ito ay napakaraming bersiyon subalit ang
indak ng pagtataguan ay isang pangkaraniwan na sa
kahit saan mang panig ng Pilipinas.

Mga hakbang sa Pagsasagawa ng Cariñosa


Paghahanda: Nakatayong pareho at magkaharap ang
lalaki at babae.
Simulang tugtog:
Magkaharap ang lalaki at babae, iikot pakanan sa lugar
sa loob ng tatlong bilang, nakahawak sa saya ang
babae, samantalang nakalagay sa baywang ang kamay
ng lalaki.
Unang Pigura – Tatlong hakbang Paturo
1. Humakbang patagilid, pakanan (1,2,3). Ituro ang
kaliwang paa sa harap (1,2,3), ang kanang kamay
ay nasa baligtad na T posisyon habang ang
kaliwang kamay ay nasa baywang. Ikumintang ang
kanang kamay kapag itinuturo ang kaliwang paa.
2. Gawin muli ang unang hakbang na nagsisimula sa
kaliwang paa, pagilid sa kaliwa. Ang kamay ay
baligtad ang posisyon.
3. Gawin ng tatlong beses ang 1 at 2.
Ikalawang Pigura – Paturo
Magkaharap parin ang babae at lalaki.
1. Gamit ang kanang paa, humakbang ng tatlo
pasulong sa gitna (1,2,3). Gamit ang kaliwang paa
humakbang palapit sa kanan (1). Tumigil ng (2,3)
sumandali.
2. Mag touch step ng apat paharap, gamit ang paang
pinagpapalit-palit.Tingnan ang kapareha.
3. Humakbang pasulong gamit ang kanang paa
papunta sa kanang balikat ng kapareha (1,2,3,4).
Umikot pakanan at humarap sa isa’t-isa, ilapit ang
kanang paa sa kaliwang paa (2,3).
4. Gawing muli ang 1-3. Bumalik sa puwesto.
Ikatlong Pigura – Talikuran
1. Magkita sa gitna ang magkapareha (1,2,3) at
umikot pakanan (2,3).
2. Gamit ang kanang paa, ituro ito paharap at
iwasiwas ang hintuturo sa kapareha sa tapat ng
kanang balikat, ang kamay ay nakahawak sa
baywang (1,2). Humakbang patagilid-pakanan
upang magkita ang isa’t-isa sa kaliwang balikat (3).
Gawin ito ng tatlong beses na itinatama ang kaliwa,
kanan, kaliwang paa at iwasiwas ang kaliwa, kanan,
kaliwang hintuturo ng salitan sa kapareha.
Nakatayo ang magkapareha na magkadikit ang
kanang balikat kung ang kanang hintuturo ay
iwinawasiwas sa kapareha, at magkadikit naman
ang kaliwang balikat kung ang iwinawasiwas ay
kaliwang hintuturo.
3. Umikot ng pabalik at pumunta sa lugar ng
kapareha.
4. Gawin ang 1-3
Ikaapat na Pigura – Taguan sa Pamaypay
1. Magkita sa gitna.
2. Gamit ang kanang kamay, bubuksan ng babae ang
pamaypay. Ituro ang kanang paa sa harap at
takpan ng bahagya ang mukha ng pamaypay.
Humakbang gamit ang kanang paa palapit sa
kaliwa, ibaba ang kanang kamay. Ang lalaki naman
ay ituturo ng salitan ang mga paa paharap at
sisilipin ang babae sa ilalim ng pamaypay.
3. Magpalitan ng puwesto.
4. Ultin ang 1-3. Bumalik sa dating puwesto.
Ikalimang Pigura- Taguan sa Pamaypay
1. Humakbang ng 3 pasulong sa pamamagitan ng
kanang paa. Ang babae ay luluhod gamit ang
kanang tuhod habang iikutan siya pakanan ng
lalaki, tatayo sa likuran ng babae at nakaharap sa
direksyon ng babae. Ilagay ang mga kamay sa
baywang.
2. Ituturo ng lalaki ang kanan at kaliwang paa ng
salitan sa harap at titingnan ang babae sa kanyang
kanan at kaliwang balikat. Titingnan naman siya ng
babae pasalungat.
3. Ang lalaki’y babalik pakanan. Magpapalit sila ng
lugar.
4. Ulitin ng 1-3. Ang lalaki naman ang luluhod.

Ikaanim na Pigura- Taguan ng Panyo


1. Magkita sa gitna. Hahawakan nila parehas ang apat
na sulok ng panyo, ang mga kamay ng lalaki ay
nasa itaas na pantay ng mukha.
2. Ituro ng salitan ang mga paa ng apat na ulit. Salitan
ding iangat ang mga kamay habang hawak ang
panyo na nakapagitan sa mukha ng babae at lalaki.
Sisilipin ng lalaki ang mukha ng kapareha.
3. Bibitiwan ng babae ang panyo at magpapalitan sila
ng lalaki ng puwesto.
4. Gawin ang 1-3, bumalik sa dating lugar.
Hahawakan na ng babae ang panyo.

Ikapitong Pigura – Pagsusuyuan sa Panyo

1. Gamit ang kanang paa, gumawa ng dalawang


balseng hakbang pupunta sa gitna. Ang mga bisig
ng babae at lalaki ay magka agapay sa posisyon na
papunta sa gilid pakanan at pakaliwa.
2. Gumawa ng anim na balseng hakbang pasulong at
pakanan na gagawin ng babae. Lilingunin ang lalaki
sa balikat ng salitan.
3. Bumalik. Ulitin ang papuntang kaliwa na salungat
sa takbo ng orasan. Una ang lalaki. Magtapos na
kaagapay. Nasa gilid sa kanan ang babae.
Gawain 4: Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.
____1. Saang lugar nagmula ang sayaw na ito?
A.Bukidnon C. Amerikano
B.Cebu D. Panay
____2. Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?
A.Malambing C. Masaya
B.Matapang D. Malungkot
____3. Anu-ano ang mga kasuotan sa pagsayaw ng
Cariñosa?
A.Maria Clara at Barong Tagalog
B.Damit pangkasal at amerikana
C. Bistida at maong
D. uniporme
____4. Anu-ano ang mga kailangan sa pagsayaw ng
Cariñosa?
A.Tsinelas at salakot C. Panyo at abaniko
B.Bilao at panyo D. Bulaklak at pamaypay
____5. Sino ang grupo ng mga dayuhan na nagpakilala
ng sayaw na Cariñosa?
A.Tsino C. Amerikano
b. Espanyol D. Hapon

Gawain 5: Panuto:Lagyan ng tsek (/) kung tama ang


sinasabi ng pangungusap at ekis (x) kung hindi.

_____1. Ang pagsasayaw ay nakakabubuti sa


ating Katawan.
____2. Madali akong mapagod kaya ayaw ko
ang pagsasayaw.
_____3. Ang pagsasayaw ay kinagigigliwan lalo
na kung ito ay sabay-sabay.
_____4. Mas madali ang pagsasayaw kung ito
ay may hakbang na sinusunod.
_____5. Mga kabataan lamang ang maaaring
sumayaw.
Gawain 6: Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng wastong impormasyon
at isulat ang MALI kung hindi ito wasto.

_____1. Naglalaan ako ng oras upang makapagsanay


ng mabuti.
_____2. Hindi ko tinatandaan ang mga direksiyon na
sinasabi ng aking guro.

_____3. Ang pagsasayaw ay mga gawaing pisikal na


nakakatulong upang mapaunlad ang katawan ng tao.

_____4. Nakakaramdam ako ng kasiyahan kapag ako


ay nagsasayaw.

_____5. Tamad akong magsanay dahil madali akong


mapagod.
Performance Task: Panuto: Gumawa ng talaan ng mga
gawaing nakapagpapaunlad ng iyong kahutukan
(flexibility) at koordinasyon.
Mga karagdagang gawain Mga karagdagang gawain
para sa pagpapaunlad ng para sa pagpapaunlad ng
flexibility o kahutukan koordinasyon

Health
Tamang Gamot, Iwas Sakit
1. Gamot o droga- anumang sustansiya maliban sa
pagkain o tubig na maaaring inumin at kainin, baguhin,
panatilihin, o kontrolin ang pisikal, mental at
emosyonal na kalagayan ng taong umiinom nito.
a. Mga gamot na iniinom kung may sakit tayo:
 Analgesic at Anti-inflammatory- para sa sakit
ng ulo o kirot ng katawan o pamamaga.
 Antibiotic- para sa impeksiyong dulot ng
bacteria at pagdudumi
 Mefenamic acid- isang uri ng analgesic para
sa matinding kirot ng katawan. Inumin ang
mefenamic acid pagkatapos kumain para hindi
humapdi ang tiyan.
 Antihistamine- Gamot para sa pangangati ng
katawan o allergy
 Antitussive- gamot para maibsan at masugpo
ang ubo.
 Antacid- iniinom para maiwasan na
matunawan at mangasim ang sikmura.
 Anti-diarrhea-gamot para sa pagtatae
b. Halamang likas na nagtataglay ng mga
nakalululong na sustansiya:
 Tabako- nagtataglay ng nikotina
2. Paggamit ng droga- katamtaman ang paggamit ng
droga upang baguhin ang kalagayan ng isang tao.
Vitamins at minerals–nagbibigay ng karagdagang
nutrisyon
Ano ang dalawang uri ng gamot?

Ang gamot ay may dalawang uri. Ito ay ang Prescribed


at Non – Prescribed na gamot.
Ang prescribed na gamot ay uring gamot na
ibinibigay sa ilalim ng patnugot ng doctor. Ito ay hindi
nabibili na walang reseta sapagkat maaaring itong
magdulot ng kapahamakan kapag hindi nagamit sa
tamang paraan. Ang Reseta ay isang dokumentong
bahagi ng pangangalaga ng pangkalusugan. Dito
isinulat ng isang doctor o iba pang mga kawaning
medikal na binigyan ng kapangyarihan ng batas ang
mga instruksiyon para sa kanilang mga pasyente.
Halimbawa:
Antibiotic
Ang Non – prescribed ay mga gamot na hindi
nangangailangan ng reseta ng doktor.Tinatawag itong
Over-the-counter (OTC). Nabibili ito ng deretso mula
sa counter ng mga botika at pati narin sa mga tindahan.
Halimbawa:
a. Analgesic/paracetamol tablet
b. Analgesic/paracetamol Syrup
c. Antidiarrhea
d. Antacid
e. Antitussive
Paggamit ng droga o gamot – katamtamang
paggamit ng mga gamot upang baguhin ang kalagayan
ng isang tao. Kung umiinom tayo ng gamot upang
pagalingin ang sakit ng ulo, lagnat, sipon at iba pang
mga karaniwang sakit, itinuturing na itong paggamit ng
droga.
Dapat tandan sap ag gamit o pag inum ng gamut:
1. Paggamot sa Sarili
Huwag gamutin ang sarili
Ito ang iginiit sa publiko ng Food and Drugs
Administration (FDA). Kasabay nito, nagbabala pa ang
FDA na ang self-medication o pagbibigay ng lunas sa
sarili nang hindi kumukonsulta sa doktor ng ilang
indibiduwal na dumaranas karamdaman o kondisyong
pangkalusugan ay maaaring lalo pang makasama sa
kalusugan, lalo na kung mali ang gamot na ginamit o
mali ang paggamit ng isang indibidwal sa gamot.
2. Improper Use of Medicine. Maling paggamit o pag-
inom ng gamot katulad ng:
• Pag-inom ng di sapat na gamot sa nakareseta, o
pag-inom ng mas madalang o ang pag-inom sa takdang
oras.
• Pagtigil sa pag-inom ng gamot nang mas maaga.
Kahit pa maiklian o matagalan ay panggagamot. kahit
mawala man ang mga sintomas.
• Sobrang pag-inom ng gamot kaysa sa
nakatakdang dami.
• Pag-inom ng gamot sa maraming oras kaysa
nakatakda.
Mga Dapat Tandaan sa Pag-inom ng Gamot
 Uminom ng tamang gamot na nireseta ng doktor
 Uminom ng gamot ayon sa dami at tamang sukat
nito.
 Basahin ang etiketa ng gamot bago ito inumin.
 Uminom ng tamang gamot para sa tamang uri ng
sakit.
 Huwag uminom ng gamot na neriseta sa ibang tao.
 Huwag uminom ng gamot na lagpas na sa
“Expiration Date”.
Gawain 1: Panuto:Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Kumunsulta si Maria sa Doktor. Masakit ang
kanyang ulo. Alin sa sumusunod na gamot ang
nireseta sa kanya?
A. Analgesic
B. Antihistamine
C. Anti-allergy
D. Anti-diarrhea
2. Pabalik-balik sa palikuran si Maria upang
dumumi at nanghihina na siya. Alin ang maari
niyang inuming gamot?
A. Analgesic
B. Muculytic
A.Stimulant
B.Anti-diarrhea
3. Sino ang maaaring gumabay sa bata sa pag-
inom ng gamot?
A.Kaklase at guro
B. Magulang at nars
C. Tindera at kapatid
D. Magulang at parmasya
4. Ano ang mabuting dulot ng bitamina sa atin?
A. Galak at saya
B. Mataas na grado
C. Lungkot at ligaya
D. Lakas ng katawan
5. Alin sa mga sumusunod ang magiging epekto ng
gamot kung ito ay ginagamit at iniinom ng tama?
A. Kagalakan
B. Katalinuhan
C. Nalulunasan ang sakit
D. Sama sa loob at lumbay sa buhay
Gawain 2: Panuto:Tukuyin ang tamang gamot na
isinasaad ng bawat sitwasyon.Piliin ang letra ng
tamang sagot. Isulat ang sagot sa inyong papel.
1. Anong uri ng gamot ang nabibili sa botika kahit
walang reseta?
A.Addictive
B.Prescribed
C. Preventive
D. Over the counter
2. Ano ang naidudulot ng hindi tama at hindi saktong
oras ng pag-inom ng gamut?
A. Paglakas ng immune system
B. Paghina ng Immune System
C. Paglakas ng nervous system
D. Paghina ng nervous system
3. Si Marta ay umiinom ng gamot ngunit hindi niya
sinusunod ang payo ng doctor at sobra-sobra ang pag
inom niya nito.Naramdaman niyang lumalabo ang
kaniyang paningin. Ano ang gagawin ni Marta upang
maging ligtas siya?
A.Inumin ang gamot sa walang tamang reseta ng
doctor.
B.Sundin ang reseta ng doktor
C. Pagkahilo
D. Magpakunsulta sa doktor
4. Ano ang tawag sa dokumento na ibinibigay ng doktor
kung saan nakasulat ang mga tagubilin sa wastong pag
inom o paggamit , wastong sukat at dalas ng paggamit
ng gamot?
A.Reseta
B.Eteketa
C. Listahan
D. Rekomendasyon
5. Alin ang hindi nakikita sa pakete ng gamot?
A.Paano inumin ang gamot
B.Gaano karami ang iinumin
C. Pirma ng doctor na nagbigay ng gamut
D. Gaano kadalas inumin ang gamut
Gawain 3: Panuto: Tukuyin ang tamang gamot na
isinasaad ng bawat sitwasyon. Piliin ang letra ng
tamang sagot.Isulat ang sagot sa inyong papel.
1. Alin ang hindi makikita sa pakete ng gamot?
A. Paano inumin ang gamot
B. Gaano karami ang iinumin
C. Pirma ng doctor na nagbigay ng gamot
D. Gaano kadalas inumin ang gamut
2. Ano ang tawag sa dokumento na ibinibigay ng doctor
kung saan nakasulat ang mga tagubilin sa wastong pag
inom o paggamit , wastong sukat at dalas ng paggamit
ng gamot?
A.Reseta B.Eteketa
B.C.Listahan D. Rekomendasyon
3. Si Marta ay umiinom ng gamot ngunit hindi niya
sinusunod ang payo ng doctor at sobra-sobra ang pag
inom niya nito.Naramdaman niyang lumalabo ang
kaniyang paningin. Ano ang gagawin ni Marta upang
maging ligtas siya?
A.Inumin ang gamot na walang tamang reseta ng
doctor.
B.Sundin ang reseta ng doktor
C. Pagkahilo
D. Magpakunsulta sa doktor
4. Ano ang naidudulot ng hindi tama at hindi sa wastong
oras ang pag-inom ng gamut?
A. Paglakas ng immune system
B. Paghina ng Immune System
C. Paglakas ng nervous system
D. Paghina ng nervous system
5. Anong uri ng gamot ang nabibili sa botika kahit
walang reseta?
A. Addictive
B. Prescribed
C. Preventive
D. Over the counter
Gawain 4: Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot
1. Alin ang tumutukoy sa masamang dulot ng pag-
abuso, at hindi paggamit ng gamot sa wastong paraan
na nakaaapekto sa normal na pag-iisip?
A. Malungkutin
B. Dependency
C. Pagkalulong
D. Masayahin
2. Niresetahan si Peter ng gamot na antibiotic dahil sa
kanyang tonsillitis at pinayuhan siyang inumin ito sa loob
ng isang linggo ngunit ito’y hindi niya ininom sa tamang
oras kaya nakaramdam siya ng iba’t ibang sintomas.
Ano kaya ang maaari niyang maramdaman sa hindi
wastong paggamit at pag-inom ng gamot?
A. Nanunuyo ang balat
B. Sumasakit ang ngipin
C. Naninilaw ang mga mata
D. Pagkabingi, pagsusuka at panunuyo sa balat
3. Hindi na matiis ni Jun ang sobrang sakit ng kaniyang
ngipin. Kumuha siya ng gamot mula sa kanilang
medicine cabinet. Ininom niya ang gamot na katulad ng
ibinigay ng tatay niya minsang sumakit ang kaniyang
ngipin. Ano ang hindi tamang gawi sa pag-inom ng
gamot?
A. Paggamot sa sarili
B. Pagiging matipid sa gamot
C. Pagiging marunong sa pag-inom
D. Pag-inom ng gamot na may reseta

4. Alin ang hindi tamang hakbang sa pag-inom ng


gamot?
A. Bumili ng gamot sa pinagkakatiwalaang botika.
B. Ilagay ang gamot sa lalagyan pagkatapos
gamitin
C. Inumin ang gamot kahit walang preskripsiyon ng
doktor.
D. Gamitin ang gamot na may gabay ang
nakababatang kapatid.

5. Si Marta ay uminom ng gamot ngunit hindi niya


inunod ang payo ng doktor at sobra-sobra ang pag-inom
niya nito. Nararamdaman niyang lumalabo ang kaniyang
paningin. Ano nagiging epekto ng sobrang pag-inom ng
gamot?
A. pagkabingi
B. pagkabulag
C. pagkahilo
D. pagkalumpo

Ano-ano ang maaring panganib sa maling paggamit


ng gamot?

1. Pisikal na Panganib kagaya ng pagkabingi dahil sa


maling paggamit.
Mga Epekto ng Sobrang Paggamit ng Gamot
a. Pagtatae
b. Pananakit ng tiyan
c. Pagsusuka
d. Pagbaba ng puwersa ng dugo
e. Pangangapos sa paghinga o mahirap na
paghinga
f. Taluhiyang Reaksiyon (Allergic Reactions)
- Pamamaga ng labi, mukha, o dila
- Pagkakaroon ng butlig-butlig sa balat

2. Sikolohikal na Panganib (Psychological Harm)


Ang sobrang pag-inom ng antibiotic ay
nagiging dahilan ng pagkapinsala ng kapaki-pakinabang
o kaibigang bacteria sa lamang-loob ng tao ay
nakapagdudulot ng pabigla-biglang pag-atake ng sakit
sa pag-iisip.
Ang sobrang paggamit ng sangkap sa ubo at
sipon na guaifenesin ang dahilan ng pagkakaiba ng
pagbabago ng paningin o pagkilala sa kulay at tunog. Ito
din ang dahilan ng pagkakaroon ng guni-guni hanggang
anim na oras.
Tamang Pag-inom ng Gamot
1.Unawain ang reseta ng doktor
Sa sandaling ibigay ng doktor ang reseta ng gamot,
basahin ito at tiyaking nauunawaan ang lahat ng
nakasulat dito. Mahalaga ang patient adherence sa
tuwing magrereseta ng gamot ang doktor, ngunit
siguraduhing naiintindihan ang bawat nilalaman ng
reseta. Magtanong sa doktor ng mga bagay na hindi
nakasulat sa reseta katulad ng kung kailangan bang
ubusin ang lahat ng iniresetang gamot o kung maaari na
itong itigil sa sandaling bumuti na ang pakiramdam ng
pasyente.
2. Pansinin ang side effects ng gamot
Tiyaking komunsulta sa doktor kapag may
naramdamang side effect sa gamot na ininom. Alamin
kung may iba pang gamot na maaaring inumin upang
maiwasan ito, o di kaya nama’y ibahin na lamang ang
oras kung kailan ito dapat iinumin.
Kung sakaling aware na sa gamot na nakapagdudulot
sa iyo ng allergy, isangguni na agad ito sa doktor upang
maresetahan ng bagong uri ng gamot para sa iyong
karamdaman.
3. Mag-set ng schedule para sa pag-inom ng gamot
Sa dami ng ating ginagawa sa araw-araw, may mga
pagkakataon na nakakalimutan natin ang oras ng pag-
inom natin ng gamot. Upang maiwasan ito, siguraduhing
magkaroon ng medication schedule. Maaaring
nakapaskil ang schedule sa bahagi ng bahay kung saan
madali itong makikita o kaya nama’y gamitin ang alarm
ng relos o cellphone upang magpaalala sa iyo.
4.Isaalang-alang ang paglalagyan ng gamut
Tiyaking naka-store ang gamot kung saan ito madaling
makikita at maaalala. Maaari itong ilagay sa hapag
kainan, itaas ng refrigerator, o sa tabi ng telebisyon.
Maaari ring magkaroon ng isang pill box kung saan
nakasulat na rin ang schedule kung kailan ito iinumin.
Ano-ano ang mga impormasyong nakasulat sa
pakete ng gamot o medicine label?
pangalan dosage

PARACETAMOL
FOR KIDS

7-12
years

edad direksiyonn

Gawain 1: Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang


nilalaman ng mga pahayag. Isulat sa patlang ang
salitang TAMA kung wasto at MALI kung hindi ito
wasto.

1. Isang masamang epekto ng sobrang paggamit ng


gamot ang pagkabingi. ____________
2. Ang tamang paggamit ng gamot ay nagdudulot ng
malakas na immune system. ______________
3. Nakalulusog sa mga bata ang pag-inom ng gamot
kahit hindi kumukunsulta sa doktor. _____________
4. Ang pamamaga ng labi, mukha, at dila ay sanhi ng
maling pag-inom ng gamot. _____________
5. Ang malusog na pangangatawan ay epekto ng
sobrang paggamit ng gamot. __________
Gawain 3: Panuto: Sagutin kung Tama o Mali ang
pangungusap.Isulat ang tamang sagot sa patlang.

____________1.Binabasang mabuti ni Ema ang


direksyon at tamang sukat bago inumin ang gamot.

____________ 2.Bumibili sa tindahan ng gamot para sa


allergy si Anie ng walang reseta ng doktor.

_____________3.Ibinigay ni Susan sa kaibigan ang


natirang gamot.

_____________4.Gumamit ng tamang panukat si Mina


sa pag-inom ng gamot para di masobrahan ang dosis
(dosage).

_____________5.Uminom si Joy ng antibiotics kapag


sumasakit ang ulo ng hindi nagtanong sa responsableng
nakakatanda.
Gawain 4: Panuto: Isulat sa patlang ang salitang
TAMA kung ang mga pahayag ay nagsasabi sa
tamang pag – inom ng gamot at MALI naman kung
hindi.
__________1.Uminom ng gamot na inireseta ng doctor.
___________ 2.Uminom ng gamot ayon sa dami at
tamang sukat nito.
_ ________3.Basahin ang pakete ng gamot bago ito
inumin.
_________4.Uminom ng gamot na inireseta ng
kapitbahay.
__________5.Hindi uminom ng gamot na lagpas na
sa expiration date.

Performance Task: Panuto: Magtanong sa mga


kapitbahay at kaibigan kung naranasan nilang uminom
ng gamot ng hindi kumunsulta sa doktor. Itala ang
naging resulta ng hindi pagpatingin sa doktor bago
uminom ng gamot.

Pangalan Gamot Epekto sa Katawan

You might also like