You are on page 1of 20

5

MAPEH
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
MAPEH 5
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat
Music : Vilma P. Dingle – Teacher III
Arts : Raymund K. Asperin – Teacher III
P.E :
Health : Roderick S. Palabay – Teacher III

Layout Artist : Albert M. Marzan, San Joaquin Elementary School

Illustrator: Ernesto F. Ramos, Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Delia P. Hufalar, Ph.D, EPS in Charge of MAPEH
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

AIRs - LM
5

MAPEH
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
MUSIC

Aralin
Antas ng Dynamics
1

Sapulin

Sa modyul na ito, mapag-aaralan mo ang iba’t ibang uri ng dynamics.


Malalaman mo rin kung paano nakaaapekto sa damdamin ang isang awitin
sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang dynamics.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa aralin:
- Nagagamit ang angkop na antas ng dynamics upang
maunawaan ang nais ipahiwatig ng isang awit o tugtugin
(MU5DY-Iva-b-2)

Mga Layunin sa Pag-aaral:


• Natutukoy ang iba’t ibang antas ng dynamics
• Nakikilala ang kaibhan ng iba’t ibang antas ng dynamics.
Simulan

Panuto: Basahin nang mabuti ang katanungan. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa linya bago ang bilang.

_____1. Ang paglakas at paghina ng pagtugtog at pag-awit ay tinatawag na _.


A. dynamics B. melodiya C. ritmo D. tempo
_____2. Ang sagisag para sa mahinang tunog o boses sa pag-awit.
A. f B. mp C. p D. pp
_____3. Ito ay inilalagay sa bahagi ng awit kapag kailangang awitin nang
malakas na malakas.
A. f B. ff C. mp D. pp
____4. Ang kahulugan ng mf ay __________ .
A. mahinang pag-awit C.malakas na pag-awit
B. mahinang pagtula D.katamtamang lakas na pag-awit
___ 5. Ang simbolo ng mahinang- mahinang pag-awit ay ______________.
A. ff B. pp C. mp D. mf

Lakbayin

May iba’t ibang paraan kung paano mas napagaganda at mas


makahulugan ang musika. Ang isa sa mga ito ay ang dynamics.
Ang dynamics ay elemento ng musika na tumutukoy sa lakas o hina
ng pag-awit o pagtugtog. May angkop na antas ang dynamics upang
maunawaan ang nais ipahiwatig ng isang awit o tugtugin. Ang iba’t ibang
antas ng dynamics ay nagpapahayag ng iba’t ibang emosyon o damdamin.
Ang mga salitang mahina at malakas ay karaniwang ginagamit upang
ilarawan ang dynamics.Subalit may mga salita na maaaring gamitin upang
ipahayag nang wasto ang tamang antas ng lakas o hina ng isang tunog. Ang
dynamics ay ipinahahayag sa wikang Italya na may katumbas na
kahulugan sa wikang Filipino.
Tignan ang halimbawa sa ibaba:
Dynamics Simbolo Kahulugan
piano p mahina
pianissimo pp higit na mahina
mezzo piano mp hindi gaanong mahina
forte f malakas
fortissimo ff higit na malakas
mezzo forte mf hindi gaanong malakas
crescendo mula sa mahina
papalakas
decrescendo mula sa malakas
papahina

Antas ng Dynamics

Ang paghina o paglakas ng mga antas ng dynamics ay maaaring


biglaan o dahan-dahan. Ito ay ipinakikita gamit ang simbolong
Para sa crescendo o dahan-dahang paghina ng tunog sa musika at
simbolong para sa decrescendo o dahan-dahang paglakas ng tunog.

Galugarin
Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng sumusunod na simbolo ng
mga antas ng dynamics.

1. mp _________________ 5. _____________________

2. pp _________________ 6. mf _________________________

3. f __________________ 7. ff __________________________

4. p __________________ 8 ________________
Palalimin
Panuto: Sagutin ang bawat tanong. Isulat ang sagot sa bawat patlang.

1. Ano-ano ang iba’t ibang antas ng dynamics?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

2. Ano ang ibig sabihin ng mga simbolong ito?

_______________________ , ______________________

Sukatin

Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay TAMA o


MALI.

1. Forte ang antas ng boses ng nanay na nagpapatulog sa kanyang


sanggol. __________

2. Higit na mas mahina ang pianissimo kaysa piano. _________

3. Ang dynamics ay isang elemento ng musika na nagpapakita ng iba’t


ibang antas ng lakas at hina ng tunog. ____________

4. Dapat nating lakasan nang dahan-dahan ang ating boses o pagtugtog


kapag ang antas ng dynamics ay crescendo.

5. Biglaan ang paghina o paglakas ng mga antas ng dynamics.


ARTS

Aralin
Tatlong Sukatang Sining
1

Sapulin

Bakit mahalaga ang mga tradisyunal na sining sa ating pamayanan?

Maraming bagay ang maaring magawa at puweding pangkabuhayan.


Napapahalagahan din ang kalikasan sa paggamit ng “recycled materials”
para sa likhang sining.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


kaalaman,kakayahan at pag-unawa sa aralin:

- Kinikilala ang mga materyales na ginagamit sa paggawa ng 3-


dimensional crafts na nagpapahayag ng balanse at paulit-ulit na
pagkakaiba-iba ng mga hugis at kulay; at

- Kinikilala ang iba't ibang pamamaraan sa paggawa ng 3-


dimensional crafts.

- mobile
- papier-mache
- paper beads
Simulan

Pagmasdan ang mga larawan.

A. B. C.

Sa larawang A,B at C, ano-anong materyales ang nagamit na magkakatulad


sa bawat likhang sining.

Lakbayin

Ang Tatlong Sukatang Sining (3 Dimension Art)

Ang Pilipinas ay mayaman sa mga katutubong sining o kilala bilang


tradisyunal na sining. Ito ay makikita sa mga kanayunan na ginagawa ng
mga mamamayan bilang bahagi ng pang-araw-araw na gawain sa paglikha
ng iba’t-ibang bagay para sa sariling pangangailangn sa mga pagdiriwang.

Ang mga uri ng sining na katulad nito ay nabibilang sa 3D o three-


dimensional art. Ito ay maaring malayang makatayo, may taas at lapad,at
may anyong pangharap, tagiliran, at likuran.Kinakailangan ang sapat na
balanse sa isang 3D art. Ang mga kagamitan sa paggawa nito ay maaring
luwad, kahoy, hibla ng halaman, lumang papel, at iba pa.
Sa araling ito ay makikilala natin ang mga gawaing sining na
ginagamitan ng ibat-ibang materyales at pamamaraan ng pagbuo ng Tatlong
Sukatang Sining.

Tatlong pamamaraan nito ay ang:

1.Mobile Art- ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang


mga bagay ay isinasabit sa mga tali., kawad, at kabilya upang malayang
makagalaw at makaikot. Ginagamit itong pandekorasyon sa mga tahanan o
maging sa mga paaralan.

2.Papier-mache- ay isang popular


na pamamaraan ng sining na
gumagamit ng papel at pandikit
upang lumikha ng isang bagay. Ang
pamamaraan ay pinangalanang
matapos ang pranses na kataga
para sa "chewed papel," na
makabuluhang ibinigay ang mga
hakbang na kailangan para sa https://www.thesprucecrafts.com/what-is-papier-mache-4777182

anumang proyektong gawa sa papel. Papel mache ay ang pagpapatong ng


pinalambot na papel sa pandikitnat iba pang mga materyales sa isang
hulmaan tulad ng isang lobo. Ang “adhesive” o pandikit na ginamit upang
mabasa ang papel para mabigkis o magsamasama. Kapag tuyo ang papel,
ang panlabas nito ay magiging matigas, na kung saan ay maaaring pintura
at ginayakan. Ang gawaing ito ay paguulit ng bagay o recycled papel at
isang simpleng pambigkis upang lumikha ng matibay na mga bagay tulad
ng “piñatas”, plorera, at kahon ng alahas. Dito sa atin sa Paete, Laguna ay
kilala ang sining ng papel o papier –mache o tinatawag nating taka.
3. Paper Beads- ay isang sining ng papel na lubos na kinagigiliwan sa
ngayon. Gayunman, ang sining ng papel bead crafting ay gingawa na ito
mula pa noong panahon ng Victorian. Ang kababaihan ay magtitipon at
gagawa ng mga papel na beads mula sa mga wallpaper.

Galugarin
Panuto: Kilalanin ang mga pamamaraang ginamit sa pagbuo ng likhang
sining na nasa mga sumusunod na larawan. Isulat ang sagot sa bawat
bilang.

1. 2. 3.

4.
5.
Palalimin

Panuto: Magtala 5 halimbawa sa bawat pamamaraan. Likhang sining


na lokal o gawa sa ating bansa.

Pagtataka/ Mobile Art Paper Beads


papier mache
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

Sukatin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap na nagsasabi sa mga


iba’t-ibang pamamaraan ng tatlong sukatang sining. Piliin ang tamang sagot
sa loob ng panaklong at isulat ang napiling sagot sa patlang bago ang
bilang. (papier mache, mobile art, paper beads)

__________________1. Sa pagbibigkis ng laruang kabayo ay gingamitan ito ng


pandikit.
__________________2. Ang chime at chandelier ay isang makabagong 3D art.
__________________3. Mula sa salitang Prances ang sining na ito na kung
saan ang mga papel na pinirapiraso at pinalambot sa basang pandikit at
pinagsamasama ito para makabuo ng isang hulma o anyo.
__________________4. Gawaing sining na naging libangan noon pang
panahon ng “Victoria”, na naging kilala naman sa panhon natin upang
makabuo ng pampalamuting tulad ng alahas.
_________________5. Sa Paete, Laguna ay kilala sa pagdibuho ng anyong tao,
sa mga bagay na nasa paligid o kaya mga palamuti na gawa sa papel.
HEALTH

Aralin MGA KATANGIAN NG PANGUNANG


1 LUNAS

Sapulin
Paano mo tutulungan ang mga taong nasa panganib o naaksidente?

May kaalaman ka ba sa paunang lunas o first aid?

Nasubukan mo na bang magligtas ng buhay?

Naipamalas mo na ba ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng paunang


lunas?

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


kaalaman,kakayahan at pag-unawa sa aralin:

Naipapaliwanag ang kahulugan ng pangunang lunas


Natutukoy ang mga katangian ng pangunang lunas
(H5IS-IVa-34)
Simulan
Panuto: Isulat ang tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at
mali kung hindi wasto.

______1. Ang pangunang lunas ay napakahalga sapagkat


nakapagpapanatili o nakapagpapatagal ito ng buhay ng isang tao.

______2. Naiiwasan ng pangunang lunas ang paglala ng mga


pinsalang natamo o naramdaman.

______3. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadadagdagan


ang kirot o sakit na nararamdaman ng taong pinsala.

______4. Ang pangunang lunas ay hindi nakapagpapatagal ng buhay


ng isang tao.
______5. Ang pangunang lunas ay pwedeng gawin ninuman.

______6. Kapag ang naaksidente ay hindi nabigyan ng pangunang


lunas ito ay maaraing mamatay kaagad.

______7. Ang paglalagay ng dahon ng bayabas sa iyong sugat ay isang


uri ng pangunang lunas.

______8. Iba- iba ang maaring pangunang lunas sa ibat-ibang klase ng


disgrasya o aksidente.

______9. Sa pagbibigay ng pangunang lunas ay dapat isaalang-alang


ang kaligtasan ng pasyiente.

______10. Ang pangunang lunas minsan ay nakakaantala sa


kaligtasan ng pasyiente.
Lakbayin

Ang paunang tulong-panlunas (first aid) ay ang pagbibigay ng


pangunahing magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga
taong napinsala ng sakuna o karamdaman. Isinasagawa ito ng isang
taong pangkaraniwang hanggang sa panahong maaari nang ibigay ang
mas dalubhasang tulong pang sagip buhay ng mga mangagamot.
Kinasasangkapan ang kasanayang ito ng mga payak, ngunit
nakapagliligtas, na kasanayang kaugnayan sa panggagamot. Maaaring
makatamo ng pagsasanay ang isang pangkaraniwang tao upang
maisagawa ang pagbibigay ng tulong na ito, kahit man hindi
ginagamitan ng mga natatanging aparatong panggagamot. Maaari ring
ibigay ang tulong na ito sa mga hayop, ngunit ang artikulong ito ay
tumutukoy lamang para sa magagawang paunang-tulong na pantao.

Galugarin
Panuto: Iguhit ang tsek (√) kung sang ayon ka sa mga pahayag at ekis (x)
kung hindi ka sang ayon.
___________1. Ang paunang lunas o First Aid ay ang madalian at mabilis na
pansamantalang paggamot.
___________2. Maaring ibigay ng karaniwang tao ang paunang lunas.
___________3. Isang propesyunal na manggagamot lamang ang dapat na
magbigay na paunang lunas.
___________4. Malaki ang naitutulong ng first aid upang protektahan ang
buhay.
___________5. Protektahan ang sarili laban sa mga sakuna at umiwas sa
disgrasya.
___________6. Singilin ang biktima matapos ibigay ang paunang lunas.
___________7. Ibahagi ang kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas.
___________8. Kapag hindi kilala ang biktima iwanan nalang ito.
___________9. Lumayo sa mga taong napinsala.
__________10. Sikaping magligtas ng buhay at ibigay ang paunang lunas
kung kinakailangan.
Palalimin
Panuto: Ipaliwanag ang ibig sabihin o ipakahulugan ng mga slogan na
nasa larawan. Pag-usapan ito ng grupo at ibahagi sa kamag-aral.

Poster Image – Y GUIDE First Aid Poster- Y Guide

RUBRIK SA PAGSAGOT NG TANONG (WRITTEN OUTPUT)

Napakahusay Mahusay Nangangailangan pa


Pamantayan ng Kasanayan
4–5 2–3 1

Napakahusay at Mahusay at May kahusayan


talagang naaayon ang ngunit hindi tiyak
naaayon ang nakapaloob na ang ilang nakapaloob
nakapaloob na kaisipan sa na kaisipan sa sagot.
Nilalaman kaisipan sa sagot.
(5 puntos) sagot.
Sukatin

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat tanong/pangungusap. Piliin at


bilugan titik ng tamang sagot.
1. Ang _______________ ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang
tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong nasaktan ng sakuna.
a. Pangunang lunas (first aid)
b. Nabibiling gamot
c. Pagtakbo sa hospital
2. Ano ang layunin ng pangunang lunas?
a. Maiwasanang paggastos ng malaki.
b. Mabawasan ang mga pasyenteng pupunta sa hospital
c. Mapatagal o mapanatili ang buhay ng tao, para mabawasan ang
kirot na nararamdaman.
3. Aling sitwasyon ang maaring paggamitan ng kaalaman sa pangunang
lunas?
a. Nakagat ng insekto o hayop
b. Nasagasahan ng sasakyan sa kalsada.
c. Napilayan sa pagkakahulog
4. Paano maiiwasan ang dagdag pinsala o paglala ng pinsala o
karamdaman?
a. Maiiwasan ito kapag itatakbo agad sa hospital.
b. Maiiwasan ito sa pamamagitan ng pagtawag ng Doktor.
c. Maiiwasan ito kung mabibigyan ng pangunang lunas ng taong may
sapat n kasanayan.
5. Paano ka magkakaroon ng kasanayan sa pangunang lunas?
a. Magtanong sa mga kapitbahay.
b. Sumailalim sa isang araling at pagsasanay ng pagsasagawa ng
pangunang lunas.
c. Obserbahan ang ginagawa ng mga nurse sa hospital.
Susi sa Pagwawasto

MUSIC

ARTS
HEALTH
Sanggunian:
Copacio, Hazel P., et. al.,2016 Halinang Umawit at Gumuhit 5 Batayang Aklat ( pp.78-83), (DepEd-
BLR) Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600

K to 12 Teacher’s Guide (Music TG), Yunit 4-Aralin 2


MELC-K to 12 Curriculum, Music 5 (p. 257-258)
A. Aklat:
Halinat Umawit at Gumuhit 5
Karapatang Sipi- 2016ng Vibal Group, Inc.
Mga may Akda: Hazel P. Copiaco, Emilio S. Jacinto
Gatchalian, Helen et. Al.(2016), Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5,

K to 12 Teacher’s Guide (Health TG), Yunit 3-Aralin 1


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
MELC-K to 12 Curriculum, HEALTH 5

Links
-https://www.thesprucecrafts.com/what-is-papier-mache-4777182
https://www.google.com/search?q=simple+mobile+art+examples&tbm=isch&hl=en&chips=q:simple+
mobile+art+examples,online_chips:decorative&sa=X&ved=2ahUKEwi1vv-
9ur3uAhXCzIsBHZrkCFMQ4lYoAXoECAEQGw&biw=1042&bih=518
https://www.google.com/search?q=+shell+mobile+art+examples&tbm=isch&ved=2ahUKEwiXu9vKu7
3uAhUEYpQKHcXZAJ0Q2-cCegQIABAA&oq=+shell+mobile+art+examples&gs_lcp=CgNpbWcQA1Cs-
QFYoocCYO-
XAmgAcAB4AIABlAKIAZINkgEFMC45LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=4R
ESYNfGHYTE0QTFs4PoCQ&bih=518&biw=1042&hl=en#imgrc=orTmd5z5uUNgeM
https://www.google.com/search?ei=8BQSYOHkDc2Tr7wP6Ky34AM&q=paper+beads&oq=paper+bead
s&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAzIECAAQDTIECAAQDTIECAAQDTIECAAQDTIECAAQDTIECAAQDTIECAAQ
DTIECAAQDTIECAAQDTIECAAQDToECAAQRzoICAAQCBAHEB5Q8YsCWOOaAmCioAJoAHACeACAAY
EDiAHwDpIBBzAuNS4zLjGYAQCgAQGqAQdnd3Mtd2l6yAEIwAEB&sclient=psy-
ab&ved=0ahUKEwjhnPq_vr3uAhXNyYsBHWjWDTwQ4dUDCA0&uact=5
https://www.google.com/search?q=3+ways+to+paper+beads&tbm=isch&hl=en&chips=q:3+ways+to+p
aper+beads,online_chips:diy&sa=X&ved=2ahUKEwiTpo7uxL3uAhURzZQKHfydCEkQ4lYoAHoECAEQG
g&biw=1051&bih=518
https://www.google.com/search?q=taka+paper+mache&tbm=isch&ved=2ahUKEwif0K-
Bk77uAhUJ9pQKHXcuDBAQ2-
cCegQIABAA&oq=taka&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgcIABCxAxBDMgcIABCx
AxBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgIIADIECAAQQzIECAAQQzoGCAAQBRAeOgYIABAIEB46CAg
AELEDEIMBOgUIABCxA1CGmANY8rADYL7HA2gAcAB4A4ABYYgBnxGSAQIyN5gBAKABAaoBC2d3cy
13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=jW0SYN_VPIns0wT33LCAAQ&bih=518&biw=1079#imgrc=C
wB5sJHj4_UBpM
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/new_intermediate_tagalog/reading_lessons/
LESSONS/first_aid.htm Google images

Google Images

You might also like