You are on page 1of 17

MUSIKA 5 QUATER4 MODULE 1

Aralin
Mga Daynamiks
1
Sa musika, ang daynamiks ng isang komposisiyon ay ang pagkakaibaiba ng
lakas o hina ng tunog ng mga nota o grupo ng mga nota. Ang mga antas ng daynamiks
ay nakasaad kadalasan bilang mga simbolo lamang. Ngunit, ang mga ito ay depende pa
rin sa interpretasyon ng manunugtog o ng mang-aawit ayon sa kung ano ang konteksto
o hinihinging interpretasyon ng musika.

Balikan

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

A. Anong uri ng mga nota at pahinga ang sumusunod? Ibigay ang kumpas ng
bawat isa. Isulat mo sa iyong papel.

Halimbawa: = kapat na nota = 1 kumpas

Mga Nota at Pahinga Pangalan Bilang ng Kumpas

1.

2.

3.

4.

5.

A. Gumuhit ka ng mga notang pataas, notang pababa at mga notang inuulit gamit ang
nakalaang limguhit sa ibaba.

Pataas

Pababa
Inuulit

Tuklasin

Nakapanood ka na ba ng isang debate? Marahil maririnig mo ang


tagapagsalita na lumalakas at humihina ang kanyang boses depende sa punto o
kaisipan na nais niyang ipabatid sa kanyang tagapakinig. Kapag mainit na ang usapin
at nagpapalitan na ng argumento ang bawat panig kadalasan lumalakas ang boses
ng mga ito. Samantalang humihina naman kapag gusto nilang kumbinsihin ang mga
manonood na pumanig sa pinaniniwalaan nila. Ginagamit nila ang lakas at hina ng
boses para maikuwento o maipaliwanag sa tagapakinig ang kanilang pinaglalaban.
Ang pag-iiba rin ng boses ay isang mabisang paraan upang maihatid ang mensahe
at kahulugan ng bawat usapin.

Bawat kanta ay may nakapaloob na kuwento. Kaya ang mang-aawit ay


mistulang taga- kuwento rin. Gamit ang lakas, hina, bagal o bilis ng boses at tunog
naipararamdam at naipamamalas nito ang kahulugan ng bawat titik at nailalabas
nito ang emosyon na nakapaloob sa bawat musika.

Suriin

Ang daynamiks ay nagpapakita kung gaano kalakas o kahina ang isang tunog.
Ang malakas at mahinang tunog ay mapapakinggan kung ang isang tao ay umaawit,
nagsasalita o tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika. Ito rin ay mapapansin
sa mga mananayaw habang sila ay umiindak at sumasayaw sa iba’t
ibang saliw ng musika. Ang daynamiks ay tinatawag ding volume.

Sa pagsasalita ang lakas at hina ng boses ay iba-iba. Halimbawa, maaari mong


lakasan ang boses kung ikaw ay nagbibigay-diin sa mga mahahalagang salita.
Maaari mo ring hinaan ang iyong boses para ipahiwatig na ikaw ay kalmado. Puwede
ka ring bumulong para hindi ka marinig ng iba.

Ganoon din sa pagkanta, kinakailangan mo ring ibahin ang paglakas o


paghina ng iyong boses. Mula sa mahina patungong katamtaman hanggang sa
paglakas nito para maipahayag ang kahulugan ng awitin.

Sa pagtugtog naman ng mga instrumento nakatutulong ang daynamiks sa


pagbibigay-kahulugan ng isang awitin. Halimbawa maaaring ang pagpalo sa drums
ay magsisimula sa malakas at magtatapos sa mahina. Ang lakas ay sumisimbolo ng
matinding emosyon at sigla. Sa kabilang dako naman ang mahina ay
nangangahulugan ng pagiging kalmado at payapa.

Ang simpleng pagkumpas ng kamay ay makatutulong sa


pagpapahiwatig ng daynamiks. Maaari mong itaas ang iyong
kamay para sa malakas na tunog ibaba naman ito para sa
mahina. Puwede rin itong gamitin bilang senyales sa pagbabago
ng daynamiks sa mga pangkatang aw
Narito ang mga antas ng daynamiks na ginagamit sa isang awitin. Ito ay
nakalimbag sa wikang Italyano. Ang iba’t ibang antas na ito ay nagsisilbing gabay para
maipamalas ang nianais na lakas o hina ng tunog habang umaawit.

Simbolo Antas ng Daynamiks Kahulugan


Fortissimo malakas na malakas
Forte malakas

Mezzo forte Katamtamang lakas

Mezzo piano Katamtamang hina

Piano mahina
pianissimo mahinang-mahina

Aralin
Mga Daynamiks na Crescendo at
1.1 Decrescendo
.
May dalawang antas ng daynamiks na ginagamit sa pagpapahayag ng
paunti-unting paglakas at paghina ng tunog ng nota o grupo ng mga nota.

Una ay ang crescendo (abbreviated cresc.) ang ibig sabihin nito ay unti- unting
paglakas at gumagamit ng simbolong .
Pangalawa ay ang decrescendo (abbreviated to decresc.) na ang ibig sabihin ay
unti-unting paghina at gumagamit naman ng simbolong .

Balikan

Panuto: Ibigay ang antas ng daynamiks ng mga sumusunod na simbolo. Isulat sa


patlang ang iyong sagot.

Dynamic Marking Antas ng Daynamiks

1.
2.
3.
4.
5.
Tuklasin

Ang daynamiks nagpapahayag kung gaano kahina o kalakas ang pagtugtog at


pag-awit sa musika.

Ang daynamiks ay mahalagang paraan ng pagpapabatid ng kalagayan ng


damdamin ng musika at kung paano ito tinutugtog alinsunod sa kagustuhan ng
kompositor ng musika o sa mensahe ng awitin.

Ginagamit ng mga kompositor ang daynamiks para maipahayag ang iba’t iban g
damdamin na nakapaloob sa musika. Kaya kung minsan may mga tugtugin
na kaunti lamang ang daynamiks, at minsan mayroon ding kinapapalooban ng
maraming antas ng daynamiks.

Tingnan muli ang mga sumusunod. Mapapansin mo na naidagdag na dito ang


mga daynamiks na crescendo at decrescendo.

Simbolo Mga Antas ng Daynamiks Kahulugan


Fortissimo malakas na malakas
Forte malakas
Mezzo forte Katamtamang lakas

Mezzo piano Katamtamang hina

Piano mahina
pianissimo mahinang- mahina

Crescendo Unti-unting paglakas

Decrescendo Unti-unting paghina

Suriin

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na simbolo ng daynamiks mula sa


pinakamahina hanggang sa pinakamalakas.
Pagyamanin

Gawain 1.

Panuto: Pangalanan ang sumusunod na mga simbolo ng daynamiks.

1.
2.

3.

4.

5.
6.

7.

8.

ARTS 5 QUARTER 4 MODULE 1

Arali
n Mga Kagamitan sa
Paggawa ng 3
1 Dimensiyonal Craft
Mahalaga ang paglinang sa sariling kakayahan upang mapagyaman ang
sarili at kabuhayan sa pamamagitan ng sining.

Balikan

Panuto: Tukuyin kung ano ang sinasaad sa bawat pangungusap. Piliin ang
wastong sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.
3D art Mobile Art Maaliwalas

1. Ang ay isang uri ng 3D art na maaaring gumagalaw.


2. Ang mobile art ay lubusang mahahangaan kung ito ay nakasabit sa na
lugar.
3. Ang ay uri ng sining na may taas, lapad, anyong paharap,
tagiliran, at likuran at maaaring malayang tumayo sa isang lugar.

Tuklasin

Panuto: Pagmasdan at suriin ang mga larawan. Alin sa mga ito ang pamilyar
sa iyo? Nakita mo na ba ang mga ito ng personal? Isulat sa ibaba ang
paraan sa paggawa nito.

Suriin

Ang paggawa ng pansariling palamuti ay maaari mong


gawing pangkabuhayan. Madali itong gawin kung gagamitin ang
pagkamalikhain sa pagdidisenyo. Lalo nang mainam kung ang
gagamiting materyales sa paggawa ay recycled o mga gamit na
patapon ngunit maaaring bigyan ng bagong-buhay.

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain at


pagkamaparaan. Makikita ito sa estilo ng pananamit, pagkain, at
pagkahilig sa pagsusuot ng mga makukulay na mga dekorasyon,
palamuti, at alahas sa katawan. Ilan dito ay ang mga pulseras at
kuwintas na higit na nagpapatingkad sa kanilang kasuotan.

Ang paper bead ay likhang-sining na ginagamitan ng mga


pinulupot na papel na may iba’t ibang hugis at kulay.

Ang paggawa ng mga paper bead ay isang mabisang paraan


upang mapakinabangang muli ang mga lumang diyaryo, magasin,
at makukulay na papel. Maaari itong gawing palamuti o
dekorasyon sa ating tahanan at higit sa lahat, maaari rin itong
pagkakakitaan.

(Orbitrasen, 2016) (Handaculture, 2015)


Mga kagamitan:

- Makulay na papel o lumang magasin


- Gunting
- Pandikit
- Barbecue stick
- Varnish
- Protective mask

Mga hakbang sa paggawa:

(Mag-ingat sa paggamit ng gunting at sa matutulis na bagay)

1. Gumupit ng mga hugis tatsulok mula sa makukulay na papel


o lumang magasin na may 1” by 4“ (2.5cm x10cm) na
tatsulok.
2. Lagyan ng glue o pandikit ang magkabilang dulo ng tatsulok.
3. Ipulupot ang papel sa barbeque stick. Panatilihin ang
tatsulok sa gitna habang ipinupulupot.
4. Higpitan ang pagpulupot sa papel kung nais na maging matibay
ang beads.
5. Kapag tapos na ipulupot, pahiran ng pandikit ang kabilang dulo
ng tatsulok.
6. Lagyan ng varnish upang kumintab at hayaang matuyo.
Siguraduhing magsuot ng protective mask upang hindi
malanghap ang varnish.
7. Suriin ang nilikhang sining gamit ang rubrik.

Mga kagamitan:

- Makulay na papel o lumang magasin


- Gunting
- Pandikit
- Barbecue stick
- Varnish
- Protective mask

Mga hakbang sa paggawa:

(Mag-ingat sa paggamit ng gunting at sa matutulis na bagay)

8. Gumupit ng mga hugis tatsulok mula sa makukulay na papel


o lumang magasin na may 1” by 4“ (2.5cm x10cm) na
tatsulok.
9. Lagyan ng glue o pandikit ang magkabilang dulo ng tatsulok.
10. Ipulupot ang papel sa barbeque stick. Panatilihin ang
tatsulok sa gitna habang ipinupulupot.
11. Higpitan ang pagpulupot sa papel kung nais na maging matibay
ang beads.
12. Kapag tapos na ipulupot, pahiran ng pandikit ang kabilang dulo
ng tatsulok.
13. Lagyan ng varnish upang kumintab at hayaang matuyo.
Siguraduhing magsuot ng protective mask upang hindi
malanghap ang varnish.
14. Suriin ang nilikhang sining gamit ang rubrik.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang mga kagamitan sa paggawa ng 3D-Art na nasa ibaba.
Isulat ang sagot sa patlang.

1.

(maja7777 2020)

2.

(Ferguson, 2011)

3.

("Free Stock Photos - Pxhere"


2017)

4.

(Calkins n.d.)

5.
(Crisco 2015)
6.

https://www.piqsels.com/en/public-domain-photo-fktyj.

7.

(oneVillage Initiative. 2010)

Tayahin

I. Panuto: Kilalanin ang mga kagamitan sa paglikha ng 3-Dimensional


craft paper beads. Tambalin ang salita na nasa Hanay A sa
kagamitan na nasa Hanay
B. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

Hanay Hanay B
A
1. Ang mga kuwintas, pulseras, hikaw,
at singsing ay tinatawag na pansariling a. varnish

.
2. Ang sining ay maaring makatulong
sa pagpapayaman ng kakayahan at . b. Paper beads

3. Ang pangunahing gamit sa paggawa


ng paper beads ay . c. Makukulay na
papel o
magasin

4. Ang mga ay likhang-sining na


ginagamitan ng mga pinulupot na papel d. kabuhayan
na may iba’t ibang hugis at kulay.

5. ang ilagay upang kumintab


ang gawang paper beads. e. palamuti

II. Panuto: Hanapin at bilugan ang mga nakatagong salita sa puzzle na


mga kagamitan na ginagamit sa paggawa ng paper beads.
V S T I C K M R E T
A Y G U N T I N G A
R D T U P M A S K N
N J G T Y U J H G G
I P A N D I K I T S
S B O R L O L O Y E
H G H U P O L U I J
M A G A S I N Q A G

PHYSICAL EDUCATION 5 QUARTER 4 MODULE 1

Aralin Introduksiyon
sa Katutubong Sayaw:
1 Polka sa Nayon
Ipinagmamalaki ng Pilipinas ang pagkakaroon ng iba't ibang mga
katutubong sayaw mula sa iba't ibang mga rehiyon ng bansa. Sa araling ito
ay matututuhan mo ang isa sa mga katutubong sayaw na bahagi ng kultura,
tradisyon, at pagkakakilanlan ng mga grupo ng tao lalo na ng mga
Batangueño.

Balikan

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot para sa mga larawan ng bawat bilang.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. 2.
4.

Tuklasin

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Ito ay mga halimbawa ng


katutubong sayaw na bahagi na ng ating kulturang Pilipino. Pamilyar
ka ba sa mga sayaw na ito? Alin sa mga halimbawang katutubong
sayaw ang napag-aralan mo na? Nasayaw mo na ba ito? Alin ang hindi
pa?
Isa sa mga sayaw na ito ang pag-aaralan natin na hindi pa natalakay sa
Suriin

Polka sa Nayon

Ang Polka sa Nayon ay isa sa mga katutubong sayaw


na literal na nangangahulugang "polka in the village". Ito ay
ipinakilala sa Pilipino ng mga Kastila. Ang mga
Batangueños (mga tao ng lalawigan ng Batangas) ay
lumikha ng kanilang sariling bersyon ng polka na tinawag
na Polka sa Nayon na naging tanyag noong 1950s.
Sinasayaw ang Polka sa Nayon sa timog lalawigan
ng Batangas, Mindoro at Quezon. At sa pagdaan ng
panahon, narating ang pagkakakilanlan nito sa hilagang
lalawigan ng Bulacan at Bataan. Ito ay mas naging
kilala pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil
sinasayaw ito sa mga malalaking pagdiriwang
tulad ng mga piyesta,
malaking pagtitipong sosyal at iba pa.

Kasuotan:

Babae - Maria Clara o balintawak na may tapis at


malambot na pañuelo na linalagay sa kaliwang
balikat;

Lalaki - Barong Tagalog o Camisa de Chino at


anumang makukulay na pantalon.

Bilang: isa (1), at dalawa (2) sa isang sukat

Musika: may tatlong (3) bahagi: A, B at C (Aneks D) at ito ay


nasa ritmong 24

Kung gagamitin sa pagtatanghal (demonstration)


ang sayaw na Polka sa Nayon, ang mga mananayaw
ay maaaring pangkatin ng set na may apat (4) na
pareha. Iaayos ito ng hugis parisukat na ang bawat
pareha ay nasa sulok o di kaya ay sa kaayusang longways.
Kung ito naman ay gagamitin sa kaayusang
pambulwagang sayawan, ang mga pareha ay maaaring
humarap sa iba’t ibang direksyon at nakakalat sa
bulwagan.
Ang kalidad ng pagsasayaw ng Polka sa Nayon ay nakasalalay sa mga
katangiang pisikal at kasanayan o sangkap ng skill-related fitness na nasasakop ng mga
mananayaw. Ang mahusay na koordinasyon, kakayahang magbalanse sa paggalaw,
pagtayming o reaction time, bilis at liksi ay mga sangkap ng skill-related fitness na may
kaugnayan sa kaangkupang pisikal na makatutulong sa iyo upang mapagbuti ang
pagsayaw.

Ang pagsasayaw katulad ng sayaw na Polka sa Nayon ay nakatutulong din


para:
• mapabuti ang iyong tindig at kahutukan,
• mapabuti ang kalagayan ng ating puso at baga,
• maging maayos ang sirkulasyon ng dugo,
• mapalakas ang buto at maiwasan ang peligro ng osteoporosis,
• mapaganda ang pangangatawan,
• makapagpasaya at makapaglibang.

Batay sa Philippine Physical Activity Pyramid (PPAP), ang pagsasayaw ay isa sa mga
gawain na hinihimok at inirekomenda para sa lahat na gawin upang manatiling
malusog ang pangangatawan. Maaaring gawin ito 4-6 beses sa isang linggo.

Pagyamanin

Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng ibinigay
na kahulugan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PLKAOASONYNA
1. literal na nangangahulugang “polka in the village”

STANBGAA
2. lugar kung saan ginawa ang bersyon ng sayaw na Polka
sa Nayon

KATBLIANAW
3. kasuotan ng babae

OBNARGGOTLAGA
4. kasuotan ng lalaki

TSALAKI
5. nagpakilala ng sayaw na Polka sa Nayon sa mga
Pilipino
Arali
n
Pangunang Lunas
1
Lahat tayo ay may pananagutan sa isa’t isa. Tungkulin natin ang maging handa sa
pagliligtas sa kapwa tao mula sa pakikipaglaban sa buhay at kamatayan. Ang kaunting
kaalaman sa pangunang lunas ay makaliligtas ng buhay.

Balikan

Panuto: Piliin ang mga kahon na tumutukoy sa tulong o lunas na pwede maibigay sa taong
may sakit o napinsala? Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno sa MAPEH.

Painumin ng soft Punasan ng basang


drinks tatlong beses bigyan ng tuwalya ang katawan
sa isang araw ang maraming pera ng may lagnat.
maysakit.

dalhin sa Painumin ng
pinakamalapit na angkop na gamot
ospital ang may
karamdaman.

Tuklasin

Tingnan ang mga larawan. Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan? Paano ito
makatutulong sa tao? Naranasan mo na bang makatulong sa kapwa mo?

Abracia, n.d.
Suriin

Ang pangunang lunas (first aid) ay ang pagbibigay ng pangunahing tulong, kalinga at
pangangalaga sa mga taong napinsala dahil sa sakuna o karamdaman.

Ang tatlong pangunahing mga layunin ng pangunang lunas na mas kilala bilang 3 P
(tatlong P) ay ang mga sumusunod:

• Pagpapanatili ng buhay (Preserve life)


• Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala
ng kapinsalaan o karamdaman (Prevent further injury or illness)
• Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)

Mga Pangunahing Kasanayan sa Pagbibigay ng Pangunang


Lunas

Airway – Ang daanan ng hangin/Ang daanang panghininga/Ang


daanang-hingahan. Dapat unahin suriin at subuking lutasin ang mga
suliraning may kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng
pasyente.

Breathing – Buga ng hangin Bantayan


ang katangian ng paghinga.

Circulation – Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan Suriin


at subukin sugpuin ng tagapaglunas ang anumang suliranin at
pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon (pagdaloy at pag-ikot ng
dugo sa katawan.)

Abracia, n.d.
Pagyamanin

Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Iguhit ang hugis bituin sa mga sitwasyon na
nagpapakita ng kasanayan sa pagbibigay ng pangunang lunas at hugis
naman kung ito ay hindi nagpapakita. Ilagay ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

1. Unahing suriin ang daanang hangin sa pagbibigay ng pangunang lunas.


2. Suriin at subuking sugpuin ang anumang suliranin at pinsala na may kaugnayan
sa sirkulasyon.
3 Gumamit ng natatanging aparatong panggamot ang pagbibigay ng Pangunang
lunas.
4. Ang pangunang lunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay.
5. Pagbibigay ng gamot ang pangunahing layunin ng pangunang lunas.

You might also like