You are on page 1of 144

MAPEH 2 - MUSIC D

Mga Antas ng Paglakas o A


Y
Paghina ng Tunog
QUARTER 3 - WEEK 6
1
Mga Antas ng
Paglakas o Paghina
ng Tunog
Balik-aral:
Panuto: Gumuhit ng maliit na bilog “ o ”
kung ang tunog ng musika sa larawan ay
mahina. Gumuhit naman ng malaking bilog
“ O ” kung ang tunog ng musika sa larawan
ay malakas.
1. Videoke/Karaoke machine
2. Naghehele ng sanggol
3. Sinehan
4. Earphones
5. Banda
Naaalala mo ba ang aralin tungkol sa lakas
at hina ng musika? Gaano kalakas o gaano
kahina ang mga tunog ng iba’t ibang bagay
o musika na iyong narinig? Ilang pagbabago
ng lakas at hina ng tunog ang kaya mong
gawin?
Suriin ang mga sumusunod na larawan.
Nasa aling panig ang mga sasakyang
may malakas o mas malakas na tunog?
Nasa aling panig naman ang may
mahina o mas mahinang tunog?
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo
ang lakas o hina ng musika.

Ngunit alam mo bang mayroon pang


iba’t ibang antas ang lakas o hina ng
tunog?
May malakas at mas malakas
pang tunog. Mayroon ding
mahina at mas mahina pang
tunog.
Sa pagtugtog ng instrumento,
ang lakas o hina ay umaayon sa
tindi ng buwelo at puwersa ng
pagkilos ng musikero.
Ang mas malaking buwelo ay
makalilikha ng puwersa at tunog na
mas malakas. Ang mas maliit na
buwelo ay makalilikha ng puwersa
at tunog na mas mahina.
Habang dumarami ang musikerong
umaawit o tumutugtog nang sabay ay mas
marami pang antas ng lakas o hina ang
maaaring gawin. Kaya nilang lumikha ng
tunog na ubod ng hina o saksakan ng lakas.
Dahil dito, mas malawak ang
mga damdaming naipahahayag
ng musika, at mas nagiging
kasiya-siya itong awitin.
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga
bagay sa sa ibaba mula sa pinaka-
mahina hanggang pinakamalakas.
Isulat ang sumusunod na bilang.
1 – Mas mahina ang tunog
2 – Mahina ang tunog
3 – Malakas ang tunog
4 – Mas malakas ang tunog

A.
___ leon
___ pusa
___ daga
___ langaw
1 – Mas mahina ang tunog
2 – Mahina ang tunog
3 – Malakas ang tunog
4 – Mas malakas ang tunog

B.
___ bato
___ kahoy
___ plastik na balde
___ yero
Panuto: Isulat ang sumusunod na
pares ng letra ayon sa tunog na
magagawa ng buwelo o puwersang
ipinapakita sa bawat larawan sa
susunod na pahina.
_____1. Mas mababang buwelo ng
paghampas ng drum
_____2. Mababang buwelo ng
paghampas ng drum
_____3. Mataas na buwelo ng
paghampas ng drum
_____4. Mas mataas na buwelo ng
paghampas ng drum
_____5. Punong-puno ng hangin ang bibig/
halos pumutok na ang pisngi sa pag-ihip ng
flute
_____6. Maraming hangin sa bibig, malobo ang
pisngi sa pag-ihip ng flute
_____7. May kaunting hangin ang bibig,
bahagyang nakalobo ang pinsgi sa pag-ihip ng
flute
_____8. Walang hangin sa bibig, normal na laki
ang pisngi sa pag-ihip ng flute
Punan ang mga patlang ng mga
wastong konsepto upang makabuo
ng makabuluhang talata tungkol sa
aralin.
May iba’t ibang antas ng paglakas at
paghina ang _________. Ang bawat tinig o
instrumento ay maaaring magkaroon ng
kani-kanilang lakas at
________, maging sa isang sabayang
pagtatahghal. Isipin mo ang pagsasalit ng
lakas at hina ng mga instrumento sa iba’t
ibang bahagi ng isang musika.
Habang dumarami ang musikerong
umaawit o ______________ ng sabay ay mas
marami pang antas ng lakas o hina ang
maaaring gawin. Kaya nilang lumikha ng tunog
na ubod ng hina o saksakan ng lakas.
Dahil dito, mas malawak ang mga
damdaming naipahahayag ng musika,
at mas nagiging kasiya-siya itong
___________.
Pagtataya:
Panuto: Tularan ang tunog ng mga
bagay sa ibaba. Gawin ito mula sa
pinakamahina hanggang sa
pinakamalakas, mula kaliwa pakanan.
Karagdagang Gawain:
Panuto: Pumili ng dalawang bagay sa
listahan sa ibaba. Patunugin ito sa apat
na antas ng lakas mula mas mahina,
mahina, malakas, at mas malakas.
1. paghipan sa butas ng bote
2. pag unat at kalabit ng lastiko
3. pagtapik o hampas ng mesa
4. pag-alog ng tabong may maliliit na
bato
THANK YOU
FOR
LISTENING!
MAPEH 2 - ARTS D
A
Paggupit at Paglapat Y
QUARTER 3 - WEEK 6

2
Paggupit at
Paglapat
Balik-aral:

Magbigay ng mga bagay na


pwedeng ukitan.
Tingnan ang mga sumusunod na
larawan.
Ano-anong mga disenyo ang
iyong nakikita? Kaya mo ba
itong gawin?
Ano-ano ang mga disenyong kaya
mong gawin sa pagguhit? Paano
gagamitin ang lapis, gunting, at
papel bilang gabay nito?
Ang istenstil ay isang manipis na
bagay na may butas, na siyang gabay
sa pagguhit ng mga hugis o titik sa
pamamagitan nang pagkulay sa loob ng
butas na ito.
Kadalasan, ang istensil ay gawa sa
patag at manipis na papel, plastik,
kahoy, o bakal, at may kaukulang
hugis o disenyo ang balangkas ng
butas nito.
Nakakita ka na ba ng ruler? Ano
ang gamit nito? Paano ito
makatutulong sap ag-iwan ng
malinis at maayos na marka?
Ang ruler ay ginagamit upang
maging diretso o pantay ang linyang
ginuguhit ng kamay at panulat. Ito ay
makakatulong upang gumuhit ng
malalapad na hugis o malalaking
letrang may diretsong linya.
Tulad ng ruler, marami pang ibang
bagay ang maaaring magsilbing
gabay sa kamay at panulat upang
maging diresto o pantay ang guhit
o linyang isusulat.
Hindi lang mga bagay na diretso ang
maaaring gamitin bilang gabay sa pagguhit.
Kung nais mong gumuhit ng mga hugis o
letrang may kurba o pali-likong linya,
maaari kang gumamit ng mga bagay upang
maging gabay sa pagguhit ng balangkas o
outline nito.
Ano-anong mga hugis o disenyo ang
maaari mong iguhit gamit ang mga
bagay na ito bilang gabay?
Makakatulong ba ito upang makaguhit
ng malalaking hugis o letra?
1. plato
2. kanin
3. kahon
4. bote
5. kamay
Panuto: Sundan ang mga
sumusunod na hakbang upang
makapag-lapat ng mga hugis o
letrang iyong nais.
1. Isipin ang mga hugis o letrang nais ilapat
sa isang likhang-sining.
2.Tukuyin ang mga bagay na maaaring
magsilbing pangguhit ng balangkas ng mga
hugis o letrang ito.
3. Iguhit ang mga napiling
balangkas sa papel o karton.
4. Gupitin ang mga linyang ginuhit
sa tulong ng nakatatanda.
5.Ipatong ang mga nagawang
balangkas sa papel o tela, at
iguhit ito ng higit sa isang
beses.
6. Maaari ring kulayan nang
rekta ang mga disenyong
nagawa upang hindi ito
lumagpas sa balangkas.
Punan ang patlang ng wastong
salita upang mabuo ang diwa ng
talata tungkol sa aralin.
Sa Ingles, ang tawag sa
prosesong pagbalangkas, paggupit,
at paglapat ng mga hugis ay
________.
Nakatutulong ang stencil upang
________ ng mga disenyong naisin
gamit ang iba’t ibang bagay sa
paligid.
Tandaang mas mainam gamitin ang
matitigas na papel tulad ng karton,
upang maging matibay ang ________
at magtagal pa ang paggamit nito.
Pagtataya:
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung
ang bagay ay maaaring gawing gabay sa
pagguhit ng tuwid na linya, malungkot na
mukha naman kung ito ay walang tuwid na
balangkas.
1. tsinelas
2. ruler
3. cardboard
4. baso
5. papel
Karagdagang Gawain:
Panuto: Bumuo ng balangkas ng halimbawa ng mga
letra. Sundin ang mga hakbang sa baba.
1. Iguhit ang balangkas ng letrang “C” gamit ang
platito.
2. Maingat itong gupitin, sa pamamagitan ng
pagsunod sa linya.
THANK YOU
FOR
LISTENING!
MAPEH 2 - P. E. D
Ritmikong A
Y
Gawain
QUARTER 3 - WEEK 6
3
Ritmikong Gawain
Panuto: Basahin ang bawat
pangungusap. Isulat ang TAMA
o MALI sa patlang.
________1. Ang tawag sa mga
paggalaw na kailangan ng
mahinang kilos ay magaan na
paggalaw (light).
________2. Ang malayang
paggalaw (free flow movement)
naman ay may pagtigil bago
gawin ang susunod na kilos.
________3. Ang mga
paggalaw ay magkapareho sa
kanilang bilis (speed).
________4. Ang mabigat na
paggalaw (heavy) ay
nangangailangan ng lakas.
________5. Ang limitadong
paggalaw (bound flow
movement) naman ay may
pagtigil bago gawin ang
susunod na kilos.
Basahin at kantahin ang awit sa ibaba.
Sagutin ang mga katanungan.
1. Ano-anong mga paggalaw ang
ginawa sa kanta?
2. Anong galaw ang may magaan na
kilos?
3. Ang lilipad-lipad ba ay
malayang klase ng paggalaw?
4. Ang salitang pagaspas ba ay
mabilis o mabagal?
Suriin ang Story Map.
Sagutin ang mga
sumusunod na
katanungan.
Isang araw nagkita-kita ang mga
magkakaibigan na sina Kabe Kabayo, Arie
Aso at Pusa Kulit sa Athletic Bowl.
Napagdesisyonan nilang magpaligsahan
dahil matagal na rin silang hindi
nakakalabas at upang makapag-ehersisyo na
rin.
Mga katanungan:
1. Sino ang pinakamabillis sa
kanila?
2. Sino ang pinakamabagal?
3. Sino ang mas mabilis kay Arie?
4. Sino ang mas mabagal kay Arie?
5. Sino ang pumapangalawang
mabilis?
Panuto: Pagtugmain ang mga
kilos na nasa Hanay B ng mga
hayop na nasa Hanay A. Isulat
ang letra sa patlang.
Panuto: Isagawa ang mga
sumusunod na gawain.
1. Gayahin kung paano tumakbo
ang aso
2. Gayahin kung paano
gumapang ang isang bata.
3. Gayahin ang pagpagaspas ng isang
paru-paro.
4. Gayahin kung paano maglakad ang
isang elepante.
5. Gayahin ang pagtalon ng isang
palaka.
Tandaan:
Ang paggalaw ay mayroong iba’t-
ibang uri.. Maaari itong mabagal o
mabilis. Ang iba ay tinatawag na
mabigat dahil kinakailangan bigyan ng
lakas.
Ang iba naman ay magaan dahil
mahinang kilos lamang ang
kailangan. May galaw ding tuloy-
tuloy na tinatawag na malayang
galaw.
Samantalang ang limitadong
paggalaw ay ang kilos na may
pagtigil bago gawin ang
susunod na galaw.
Pagtataya:
Panuto: Kumpletuhin ang mga patlang
ng tamang titik. Ang clue ay ang mga
kilos na nasa tabi nito. Kilalanin kung
anong salita ang tinutukoy nila.
Karagdagang Gawain:
Panuto: Gumupit at magdikit ng
mga larawan na nagpapakita ng
kilos na mabigat at magaan.
THANK YOU
FOR
LISTENING!
MAPEH 2 - HEALTH D
A
Nagpapahayag ng
Y
Positibong Damdamin
QUARTER 3 - WEEK 6
4
Nagpapahayag ng
Positibong
Damdamin
Balik-aral:
Panuto: Pag-ugnayin ang Hanay A
at Hanay B. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
Tingnan ang mga icon na nasa ibaba.

1. Aling emosyon ang gusto mo na na


maramdaman? Bakit?
2. Aling emosyon ang ayaw mo na
maramdaman? Bakit?
Tayo ay nakararamdam ng iba’t
ibang emosyon. Minsan tayo ay
masaya, minsan naman ay
malungkot.
Ang pagkaramdam nang
lungkot at saya ay normal sa
isang batang tulad mo.
Ang emosyon na ating nararamdaman
ay maaring positibo o negatibo. Ang
positibo at negatibong damdamin ay
nakakaapekto sa ating pisikal at emosyonal
na kalusugan.
Ano ang positibo at
negatibong damdamin?

Alamin natin.
Positibong Damdamin
An g k a si y ah an , p ag k aso r pr e
sa , p ag d i r i wan g, pagmamalaki,
pagtitiwala at paghanga ay halimbawa
ng positibong damdamin.
Ang positibong damdamin ay
emosyon na magaan sa
pakiramdam. Ito ay nakakabuti sa
ating pisikal at mental na
kalusugan.
Ayon sa pag-aaral, ang taong may
positibong damdamin ay mas
masaya, mas malusog at mas may
kumpiyansa sa sarili.
Paano mo maipapahayag
ang positibong
damdamin?
Pagsasabi ng mga Mabuting Salita.
Ang pagbabahagi ng karanasan at
masayang damdamin ay ang
pinakamadaling paraan ng
naipapahayag ang kasiyahan.
Pagguhit at iba’t ibang Likhang
Sining.
Ang paglikha ng sining tulad ng
pagguhit, pagkulay, pagpinta, at iba pa
ay nagpapahaba sa kaligayahang
nararamdaman.
Paggawa ng Kabutihan.
Maaari ring maipakita ang
kasiyahan sa pamamagitan ng
paggawa ng mga mabuting gawain
sa iba.
Ibahagi ang kasiyahan sa
pamamagitan ng paggawa at
pagbibigay ng card o liham at
paggawa ng mga gawain na
ikatutuwa ng iba.
Naranasan mo na bang
matalo sa laro? Ano ang
iyong naramdaman?
Negatibong Damdamin
Ang pagkalungkot, galit at
pagkabigo ay mga halimbawa
ng negatibong damdamin.
Ang negatibong damdamin ay
di maganda sa pakiramdam.
Huwag mabahala! Ito ay
normal na ating maramdaman.
Ang negatibong damdamin ay
mahalaga upang magkaroon ng balanse ang
ating emosyonal na kalusugan. Ito ay dapat
nating mapagdaanan at maramdaman upang
tayo ay maging matatag sa pagharap sa mga
problema.
Ano ang tamang
pamamaraan ng
pagpapahayag ng negatibong
damdamin?
Alamin ang damdamin.
Dapat mong makilala kung ano
ang iyong nararamdaman at kung
bakit mo ito nararamdaman.
Ipahayag ang damdamin sa
tamang paraan.
Turuang kontrolin ang sarili
lalo na kapag nagagalit.
Makipagusap at sabihin ang
dahilan kung bakit ka nagagalit.
Iwasan ang pananakit at
pakikipagsigawan.
Huminga ng malalim o isarado
nang mahigpit ang iyong mga
kamay kapag ikaw ay
nakakaramdam ng matinding galit
o emosyon.
Humingi ng tulong kung nahihirapan
kang kontrolin ang iyong damdamin.
Huwag mahiya na magkuwento at
humingi ng payo kapag nahihirapan kang
ipahayag nang wasto ang iyong
nararamdaman.
Maari mong kausapin ang
iyong mga magulang, guro o
sino mang nakakatanda na
malapit sa iyo.
Normal lang na paminsan-minsan ay
nakakaramdam tayo ng negatibong
damdamin. Dapat lamang na
magkaroon tayo ng positibong
pagtanggap sa emosyon na ito.
Paano mo positibong
ipinapakita ang iyong
emosyon?
Panuto: Isulat ang T kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng
wastong paghahayag ng negatibong
damdamin. Isulat ang M kapag
mali.
1. Sinigawan ni Alex ang
kanyang bunsong kapatid dahil
ginamit nito ang kanyang laruan
nang walang paalam. ________
2. Humingi ng payo si Teresa sa
kanyang nanay kung paano siya
makikipagbati sa kaibigan na
nagalit sa kanya. ________
3. Binati ni Ernie ang nanalong
koponan sa kabila ng pagkatalo
nila sa basketball. ________
4. Hindi na pinansin ni Carlo
ang kanyang kalaro dahil
inaasar siya nito. ________
5. Kinausap ni Nicole ang
kanyang ate para sabihin kung
bakit siya nainis sa kanya noong
sila ay naglalaro. ________
Tandaan:
Ang positibo at negatibong
damdamin ay nakaaapekto sa
ating pisikal at emosyonal na
kalusugan.
Pagtataya:
Panuto: Isulat ang PD kung ito ay
nagpapakita ng wastong pagpapahayag
ng positibong damdamin at HP naman
kapag hindi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Pinagtawanan ni Marie
ang mga kaklase niyang
natalo niya sa paligsahan.
2. Binigyan ni Jeffrey ng card ang
kanyang mga magulang bilang
pasasalamat sa regalo nila noong
kanyang kaarawan.
3. Inirapan ni Joanna ang
pinsan niyang bumati sa
kanyang kaarawan.
4. Nagkuwento si Miguel sa
kanyang nanay ng tungkol sa
masayang pangyayari sa
kanilang paaralan.
5. Ipininta ni Toni ang resort
na kanilang pinuntahan
upang ito ay lagi nyang
maalala.
Karagdagang Gawain:
Panuto: Sa isang malinis na papel,
isulat kung paano mo ipahahayag ng
wasto ang damdamin sa bawat
sitwasyon.
1. Tinutukso ka ng mga kalaro mo dahil natalo
ka sa laro.
2. Pinagalitan ka ng iyong magulang dahil hindi
mo na gawa ang inutos sa iyo.
3. Binigyan ka ng iyong ninang ng gustong—
gusto mong laruan sa iyong kaarawan.
THANK YOU
FOR
LISTENING!

You might also like