You are on page 1of 49

MAPEH 4

Quarter 3 Week 1
MUSIC 4 D
A
Ang Introduction at Coda
Y
ng Isang Awit
3
Quarter 3 Week 1
Panimulang Gawain:

a. Panalangin

b. Attendance

c. Kamustahan
Panuto: Suriin at pakinggan ang awiting “Ohoy Ali-
bangbang”. Pagkatapos sagutin ang mga tanong. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
Salin: Ohoy paruparo kung ikaw ay lilipad Alagaan
mo nang mabuti ang mga bulaklak Baka kung
sakaling malimutan mo Sayang si Gumamela na
malaglag sa lupa.
https://www.youtube.com/watch?v=PEy2mix0FC8
Tukuyin sa musical score ang panimulang himig o
introduction ng awiting “Ohoy Ali-bangbang”.
-Alin ang panapos na himig o coda ng ating lunsarang
awit?
-Ano ang masasabi mo tungkol dito?
-Ano ang simbolo na makikita sa bahaging ito ng awitin?
ALAMIN NATIN
Sa bawat awiting ating napapakinggan, higit na
nagiging kaaya-aya kung may bahaging naghahanda o
introduction sa mga tagapakinig. Ito ay maaaring sa
pamamagitan ng tugtuging instrumental o isang maikling
himig na pinapatugtog bago magsimula ang isang awitin.
Ang introduction ay nagbibigay ng tamang tono o
pitch sa isang mang-aawit at napapaganda nito ang awitin.
Upang higit na magkaroon ng isang magandang pagtatapos
ang isang awitin o tugtugin, dinadagdagan ito ng kompositor
ng mga ideya sa katapusan ng awitin. Ito ay tinatawag na
coda.
Panuto: Tingnan ang tsart at pakinggang mabuti

ang awiting ‘Hey Jude’ ng Beatles. Pagkatapos

sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa

iyong kuwaderno.
https://www.youtube.com/watch?v=7qMls5yxP1w
Tanong:
1. Aling bahagi ang intro ng awit?
2. Anong simbolo ang ginagamit dito?
3. Alin naman ang coda ng awit?
4. Ano ang masasabi mo sa coda ng awit matapos
mo itong mapakinggan?
SUBUKIN NATIN

Panuto: Pakinggang mabuti ang awit sa ibaba,

tukuyin kung alin ang introduction at coda ng awit.

Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.


https://www.youtube.com/watch?v=SOM6VMkOcqc
PAGLALAPAT

Panuto: Sa tulong ng iyong kamag-aral (maaaring


magkapareha o 2 bata), gawaan ng sariling
introduction at coda ang awitin sa ibaba.
Pagsanayang awitin at ipakita sa harap ng inyong
klase.
https://www.youtube.com/watch?v=mPxpYZ_SVSo
PAGLALAHAT

-Ano ang introduction sa isang awit o tugtugin? Saang bahagi ng


awitin mo nakita ang introduction ng awitin?
-Ano ang coda sa isang awit o tugtugin? Saang bahagi ng awitin
mo nakita ang coda ng lunsarang awit na ito?
-Ano ang simbolong makikita sa coda ng awitin? Iguhit ito.
PAGLALAHAT
Panuto: Awitin ang “Paruparong Bukid.” Tukuyin ang

introduction sa pamamagitan ng pagbilog ( ) dito

at pagkahon ( ) sa coda ng awit. Gawin ito sa iyong

kuwaderno.
https://www.youtube.com/watch?v=_12-fZvdPHg
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Sa iyong kuwaderno, magsulat ng nararamdaman


o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _______________________.
Nababatid ko na __________________________.
Kaillangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa
____________________.
ARTS 4 D
Halina’t Gumawa ng A
may Tekstura Y
4
Quarter 3 Week 1
Panimulang Gawain:

a. Panalangin

b. Attendance

c. Kamustahan
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan at

sagutin ang mga katanungan ukol dito. (Maaaring

gumamit ng mga tunay na bagay). Isulat ang sagot sa

iyong kuwaderno.
Tanong:
1. Anu-anong mga disenyo ang nakikita mo sa
larawan?
2. Ano ang masasabi mo sa testura ng dahon na nasa
mga larawan?
3. Saan mo kadalasang nakikita ang mga disenyong
tulad nito?
TALAKAYIN NATIN

Maraming mga produktong yari sa Pilipinas na

kinakalakal sa ibang bansa ang nagugustuhan ng mga

dayuhan dahil sa tibay at kakaibang ganda ng mga

ito.
Karaniwang makikita sa mga produkto ang iba’t

ibang disenyo na nagpapakilala ng lugar o pangkat

na pinagmulan nito. Taglay ng mga produktong ito

ang iba’t ibang testura.


Ang bag, basket at banig na yari sa yantok ay may

testurang matigas at magaspang. May mga bag na

malalambot at makikinis. Ang testura ng isang bagay ay

naaayon sa uri at material na ginamit dito.


Bukod sa mga tunay na bagay na matatagpuan sa ating

kapaligiran, nalalaman din natin ang testura sa

pamamagitan ng pandama o paghipo (testurang tactile)

at pagmamasid o testurang biswal.


Tingnan ang ilan sa mga produktong

Pilipino:
SUBUKAN NATIN
Panuto: Masdan nang mabuti ang larawan sa ibaba at sagutan
ang mga kasunod na katanungan.
Tanong:
-Ano-anong mga disenyo ang nakikita ninyo sa larawan?
-Ano ang masasabi mo sa tekstura ng dahon na nasa mga
larawan?
-Nakahawak ka na ng dahon sa inyong kapaligiran?
Anong tekstura ang
meron ang buri?

Anong tekstura ang


meron ang barong
tagalog?
Ano ang tekstura ng rattan basket?
PAGLALAPAT
Panuto: Sagutin ang sumusunod ng mga katanungan ng
naaayon sa iyong pang-unawa. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

1. Ano ang masasabi mo sa iyong obra? Saan mo maaaring


gamitin ang natapos mong border design?
2. Ilarawan ang testura ng mga kagamitang ginamit
mo sa paglimbag ng disenyo?

3. Ano ang kabutihang naidudulot ng paglalagay ng


disenyo sa mga bagay o produkto?
PAGLALAHAT NG ARALIN
Sa pagguhit, kailangang bigyan ng pansin ang
tekstura ng larawan/bagay upang mabigyan ito ng buhay.
Sa pamamagitan nito makikita kung ang sining ay may
tekstura sa kanyang likha sining kung ito ay magaspang
tulad ng lupa at makinis tulad ng dagat kapag nasisinagan
ng araw.
Ang mga bagay sa paligid natin ay nagtataglay ng iba’t

ibang tekstura, maaaring ito ay magaspang, malambot, at

makinis na puwede nating gamitin sa paggawa ng iba’t

ibang disenyong panggilid o border design.


PAGTATAYA
Isagawa
Disenyong Panggilid (Border Design)
Kagamitan: oslo paper, cardboard, pandikit butones,

hairclip, barbecue sticks, barya ng iba’t ibang halaga, mga

dahon na may iba’t ibang hugis at tekstura, acrylic paint,

paint brush, gunting, dyaryo, at lumang plastik


Mga Hakbang Sa Paggawa:
1. Pumili ng mga mga dahon na may iba’t ibang laki at
tekstura.
2. Ayusin ang mga napiling dahon. Ang disenyong gagawin
ay maaaring katulad ng mga disenyo sa iyong paligid o
komunidad. Iayos ang mga ito sa ibabaw ng mesang
paggagawaan.
3. Kulayan ang mga dahon ng acrylic paint (kulayan
lamang ang bahagi ng dahon na may tekstura para lumitaw
ang disenyo).
4. Ayusin ang mga dahon sa gilid ng oslo paper.
Pagkatapos maihanay ang mga dahon, maaari na ipatong
ang oslo paper sa mga nakaayos na dahon sa ilalim nito.
5. Idiin nang maigi ang kamay sa ibabaw ng oslo
paper para bumakat ang mga tekstura nito na nasa
ilalim.
6. Alisin nang marahan ang oslo paper (at ang mga
dahon na nasa ilalim nito).
7. Patuyuin ang papel na may disenyong panggilid
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Magsaliksik ng mga halimbawa ng

ethnic designs. Iguhit ito sa papel at ihanda

para sa susunod na aralin.


D
A
CATCH UP
Y
FRIDAY
Quarter 3 Week 1
5
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like