You are on page 1of 135

Music

Week 6
Music 2
Nakarinig ka na ba ng
malakas na musika?
Nakarinig ka na ba ng
mahinang musika?

Music 2
Sa araling ito, matutukoy
mo ang lakas o hina ng
isang awitin o musika sa
pamamagitan ng pakikinig
at pagsasagawa nito.

Music 2
Ano ang paborito
mong kinakaing
gulay?

Music 2
Alam mo ba na ang mga
gulay ay tumutulong
upang maging malakas,
malusog, at masigla ang
ating katawan?

Music 2
Narito ang isang awiting
bayan mula sa mga
Tagalog tungkol sa mga
gulay. Ang pamagat nito
ay “Bahay Kubo”.

Music 2
Subukan mong awitin ito.
Sa unahan ng bawat linya
ng awit ay may
makikitang mga
halimbawa ng mgagulay
tulad ng

Music 2
Music 2
Nais ko sanang awitin mo ito
na gagabayan ka ng iyong
tagapagturo gamit ang mga
sumusunod na larawan ng
mga gulay na itutumbas sa
uri ng lakas ng boses.

Music 2
Palatandaan:

Malakas
na boses
Music 2
Palatandaan:

Mahinan
g boses
Music 2
Palatandaan:
Mas
malakas
na boses

Music 2
Palatandaan:
Mas
mahinang
boses.

Music 2
Bahay Kubo
Awiting Bayan ng mga Tagalog

Bahay
kubo, kahit
munti
Bahay Kubo
Awiting Bayan ng mga Tagalog

Ang halaman
doon ay sari-
sari
Bahay Kubo
Awiting Bayan ng mga Tagalog

Singkamas at
talong,
sigarilyas at
mani
Bahay Kubo
Awiting Bayan ng mga Tagalog

Kundol,
patola, upo't
kalabasa
Bahay Kubo
Awiting Bayan ng mga Tagalog

At tsaka
meron pang
labanos,
mustasa
Bahay Kubo
Awiting Bayan ng mga Tagalog

Sibuyas,
kamatis,
bawang at
luya
Bahay Kubo
Awiting Bayan ng mga Tagalog

Sa paligid
nito puno ng
linga.
Ang kaaya-ayang pag-awit
o pagtugtog nang mahina o
malakas ayon sa
ipinahahayag ng
komposisyong musical ay
tinatawag na dynamics.

Music 2
Ang dynamics ang
nagbibigay ng
ekspresyon at buhay
sa isang awitin

Music 2
Sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
1. Bakit kailangang
malakas ang musika ng
isang videoke/karaoke?

Music 2
2. Bakit kailangang
mahina ang musika
sa paghehele ng
sanggol?

Music 2
3. Bakit kailangang
malakas ang
musika ng isang
palabas sa sine?

Music 2
4. Bakit kailangang
mahina ang musika
mula sa isang pares
ng earphones?

Music 2
5. Bakit kailangang
malakas ang
musika ng isang
banda?

Music 2
6. Bakit mahina
ang musikang
dulot ng mga
maliliit na ibon?
Music 2
May mga musikang
kailangang malakas ang
tunog, at mayroon ding
kailangang mahina ang
tunog, batay sa uri, gamit,
o layunin nito.

Music 2
Iugnay ang mga tunog ng mga
sasakyan sa iba’t ibang antas ng
dynamics. Kulayan ng pula ang
sasakyan kung mahina, berde
kung mas mahina, dilaw kung
malakas at asul kung mas
malakas.

Music 2
Music 2
Music 2
Music 2
Music 2
Music 2
ARTS
Ano-ano ang mga
disenyong kaya
mong gawin sa
pagguhit?
Paano gagamitin
ang lapis, gunting,
at papel bilang
gabay nito?
Sa araling ito,
makakaguhit ka ng mga
hugis o larawan sa papel
o tela gamit ang mga
ginupit na disenyo.
Tingnan ang mga
larawan sa ibaba. Ano-
anong mga disenyo ang
iyong nakikita? Kaya
mo ba itong gawin?
Ang istenstil ay isang manipis
na bagay na may butas, na
siyang gabay sa pagguhit ng
mga hugis o titik sa
pamamagitan nang pagkulay sa
loob ng butas na ito.
Kadalasan, ang istensil ay
gawa sa patag at manipis na
papel, plastik, kahoy, o bakal,
at may kaukulang hugis o
disenyo ang balangkas ng
butas nito.
Makakatulong sa
paglikha ng istensil ang
mga kagamitang
matitigas at malalapad.
Tulad ng ruler, maaring
gamitin ang mga bagay
na may diretso o
kurbadong balangkas sa
pagsulat o pagkulay.
Ito ay magsisilbing gabay
sa pagguhit ng malinaw,
tiyak at perpektong linya
na siyang susundan ng
gunting sa paggupit.
Sa tulong ng istensil,
maaari kang gumawa
ng sarili mong
disenyo bilang modelo
ng imprenta.
Sa pamamagitan nito,
mapauunlad mo ang
iyong orihinalidad,
pagiging malikhain,
at mapamaraan.
Maari mo ring gamitin
ang iba’t ibang bagay sa
kalikasan bilang
inspirasyon sa
pagdisenyo, at bilang
sangkap sa proseso ng
imprenta.
Hindi lang mga bagay
na diretso ang
maaaring gamitin
bilang gabay sa
pagguhit.
Kung nais mong gumuhit
ng mga hugis o letrang may
kurba o pali-likong linya,
maaari kang gumamit ng
mga bagay upang maging
gabay sa pagguhit ng
balangkas o outline nito.
Alin sa mga bagay sa ibaba
ang maaaring gawing gabay
sa pagguhit ng mga linyang
kurbado o paliko? Isulat ang
letrang “ S ” kung ang bagay
ay may likas na kurba
o palikong balangkas sa
pagkakayari ng gilid nito.
Isulat naman ang letrang “
X “ kung ito ay walang
kurba sa balangkas nito.
1. plato
2.kanin
3.kahon
4.bote
5. libro
Sa Ingles, ang tawag sa
prosesong pagbalangkas,
paggupit, at paglapat ng
mga hugis ay stencil.
Nakatutulong ang stencil
upang makalikha ng mga
disenyong naisin gamit
ang iba’t ibang bagay sa
paligid.
Tandaang mas mainam
gamitin ang matitigas na
papel tulad ng karton, upang
maging matibay ang
pambakas at magtagal pa ang
paggamit nito.
Sundan ang mga
hakbang sa paglikha
ng balangkas ng iba’t
ibang hugis.
Mga kailangan:
- Lapis
- Papel o karton
- Posporo o maliit na
kahon
- Tasa o maliit na bote
- Gunting o cutter
1. Ipatong ang posporo
o maliit na kahon nang
nakahiga sa papel o
karton. Iguhit ang
balangkas nito.
2. Gupitin ang
balangkas nito. Kung
maaari ay butasan at
simulan ang paggupit
sa loob ng nabuong
balangkas.
3.Ipatong ang tasa o
maliit na bote sa
papel o karton. Iguhit
ang balangkas nito.
4.Gupitin ang
balangkas nito. Kung
maaari ay butasan at
simulan ang paggupit
sa loob ng nabuong
balangkas.
PE
Warm Up
Activity
Marching
Stretching
Nakapunta ka na
ba sa isang
handaan o
birthday party?
Mayroon bang palaro ang
mga handaang iyong
napuntahan? Nakilahok o
sumali ka ba sa kanilang
mga palaro?
Ano-anong
palaro ang iyong
nasalihan?
Maraming klase ng mga
laro ang isinasagawa sa
isang handaan o mga
party, at isa na ang
paglalaro ng mga relay at
races.
Sa aralin na ito ay
matututunan natin kung
paano makisali at
magsagawa ng mga
larong relay at unahan.
Sa aralin din na ito ay
kinakailangan natin ng
kasama habang inaaral at
isinasagawa ang mga
aktibidad o gawain na
nakahanda.
Maaaring
nakapaglaro ka na
ng ibat-ibang klase
ng relay at races.
At sa dami ng klase ng mga
ganitong mga palaro ay
nasubukan mo ng laruin
ang Calamansi Race o
Sack Race.
Ito ay halimbawa ng
mga relay o races na
madalas na naisasagawa
sa mga palaro.
Ngunit sa pagkakataong
ito ay ibang klase ng
relay at races ang ating
isasagawa.
Ang relay o races ay
isang gawain na
isinasagawa ng may
mga kasama o
pangkat.
Maaaring gamitin ang
mga pagkilos ng
pagsayaw na mga ito
sa mga tugtog na may
2/4 na metro o sukat.
Halimbawa ay ang
kantang
“Pamulinawen”. Ang
Pamulinawen ay isang
kantang Ilokano na
patungkol sa matigas na
puso ng isang babae.
Maaari nating
gamitin ang mga
kilos sa sayaw sa
mga ganitong uri
ng awitin.
1.Pagpasa ng
Bola –
Maaaring ipasa
ang bola gamit
ang dalawa o
parehong
kamay.
Kumuha ng
pwersa mula sa
mga braso upang
maitulak ang bola
papalayo sa iyong
katawan at
papunta sa iyong
pagpapasahan.
Siguraduhin na
tantyahin ang
lakas na gagamitin
upang masiguro
din ang layo na
mararating ng
bolang ibabato.
2. Pagsalo ng Bola
– Gamit ang
pareho o
dalawang kamay
ay ibuka ang mga
palad na tila’y
may tatanggapin
na gamit.
Tigasan o lagyan
ng lakas ang mga
braso at palad
upang maging
handa sa puwersa
o lakas na ibibigay
ng pagbagsak ng
bola.
Gamitin ang
parehong
palad sa
pagsalo ng
babagsak na
bola.
3.Pagtakbo ng may
kasamang Bola –
May dalawang uri
ng pagkilos na
may kasamang
bola. Ito ang mga
sumusunod:
A. Pagdribol ng bola
habang tumatakbo –
Gamit ang mga palad ng
kanan o kaliwang kamay
ay itulak ang bola
papunta sa lapag nang
paulit-ulit habang
tumatakbo o lumilipat
mula sa isang puwesto
papunta sa isa pa
4.Pagtakbo habang
hawak ang bola –
Maaari din kumilos
o tumakbo na
hawak lang ang
bola.
Gamit ang
dalawang kamay ay
hawakan nang may
tibay ang bola
upang hindi ito
malaglag sa
paggalaw.
Tumakbo na
hawak ang bola
mula sa isang
puwesto
papunta sa isa
pa.
Ang relay o races ay isang
gawain na isinasagawa ng
may mga kasama o
pangkat. Ito ay unahan na
makatapos sa isang
gawain.
Maaaring iba-iba o pare-
pareho ang mga gawain na
isinasagawa. Sa pagkakataong
ito, ang relay o races na
aaralin natin ay ginagamitan
ng bola.
Tukuyin kung ano ang
binibigyang deskripsyon
ng bawat pahayag. Isulat
ang iyong sagot sa isang
malinis na sagutang papel.
________________ 1. Ito ay
isinasagawa gamit ang dalawang
kamay sa pamamagitan ng
paghawak ng bola nang may tibay
upang hindi ito malaglag sa
paggalaw. Tumakbo na hawak ang
bola mula sa isang pwesto papunta sa
isa pa.
________________ 2. Ito ay isang
gawain na isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtulak ng bola
gamit ang dalawang kamay
papalayo sa iyong katawan at
papunta sa isang lugar.
________________ 3. Ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng
pagbukas ng dalawang palad at
paglalagay ng lakas at puwersa
sa’yong braso at palad upang
masalo ang bola.
HEALTH
Ano-ano ang iba’t
ibang emosyon sa
bawat pagkakataon?
Health 2
1. Aling emosyon ang gusto mo na
na maramdaman? Bakit?

2. Aling emosyon ang ayaw mo


na maramdaman? Bakit?

Health 2
Tayo ay
nakararamdam
ng iba’t ibang
emosyon. Minsan
tayo ay masaya,
minsan naman ay
malungkot.
Ang
pagkaramdam
nang lungkot at
saya ay normal
sa isang batang
tulad mo.
Ang emosyon na
ating
nararamdaman
ay maaring
positibo o
negatibo.
Ang positibo at
negatibong
damdamin ay
nakakaapekto sa
ating pisikal at
emosyonal na
kalusugan.
Positibong Damdamin
Ang kasiyahan, pagkasorpresa,
pagdiriwang, pagmamalaki,
pagtitiwala at paghanga ay
halimbawa ng positibong
damdamin.

Health 2
Ang positibong damdamin
ay emosyon na magaan sa
pakiramdam. Ito ay
nakakabuti sa ating pisikal
at mental na kalusugan.

Health 2
Ayon sa pag-aaral, ang
taong may positibong
damdamin ay mas
masaya, mas malusog at
mas may kumpiyansa sa
sarili.
Health 2
Paano mo
maipapahayag ang
positibong
damdamin?

Health 2
1.Pagsasabi ng mga
Mabuting Salita.
Ang pagbabahagi ng
karanasan at masayang
damdamin ay ang
pinakamadaling paraan
ng naipapahayag ang
kasiyahan.
2.Pagguhit at iba’t
ibang Likhang Sining.
Ang paglikha ng sining
tulad ng pagguhit,
pagkulay, pagpinta, at
iba pa ay nagpapahaba
sa kaligayahang
nararamdaman.
3.Paggawa ng
Kabutihan.
Maaari ring
maipakita ang
kasiyahan sa
pamamagitan ng
paggawa ng mga
mabuting gawain
sa iba.
Ibahagi ang
kasiyahan sa
pamamagitan ng
paggawa at
pagbibigay ng
card o liham at
paggawa ng mga
gawain na
ikatutuwa ng iba.
Negatibong Damdamin
Ang pagkalungkot, galit at
pagkabigo ay mga
halimbawa ng negatibong
damdamin. Ang
negatibong damdamin ay
di maganda sa
pakiramdam.
Negatibong Damdamin
Huwag mabahala! Ito ay
normal na ating
maramdaman.
Ang negatibong
damdamin ay mahalaga
upang magkaroon ng
balanse ang ating
emosyonal na kalusugan.
Negatibong Damdamin
Ito ay dapat nating
mapagdaanan at
maramdaman upang
tayo ay maging
matatag sa pagharap
sa mga problema.
Ano ang
nadarama
ng mga
batang ito?
Ano sa tingin
ninyo ang
sinasabi nila
sa bawat isa?
Kung ikaw ang
nasa sitwasyon
na ito, ano ang
gagawin mo?
Bakit?
Tandaan:
Mabuti sa ating kalusugan ang
pagpapakita ng iba’t ibang
damdamin na mayroon tayo,
ngunit dapat nating matutunan
kung paano natin ito
naipapahayag ng wasto.
Isulat ang T kung ang
pangungusap ay
nagpapakita ng wastong
paghahayag ng negatibong
damdamin. Isulat ang M
kapag mali
________ 1. Sinigawan ni
Alex ang kanyang bunsong
kapatid dahil ginamit nito
ang kanyang laruan nang
walang paalam.
________ 2. Humingi ng
payo si Teresa sa kanyang
nanay kung paano siya
makikipagbati sa kaibigan
na nagalit sa kanya.
________ 3.
Binati ni
Ernie ang nanalong
koponan sa kabila ng
pagkatalo nila sa
basketball.
________ 4.Hindi na
pinansin ni Carlo ang
kanyang kalaro dahil
inaasar siya nito.
________ 5. Kinausap ni
Nicole ang kanyang ate
para sabihin kung bakit
siya nainis sa kanya
noong sila ay naglalaro.
Gumawa ng diary sa loob ng
limang araw na nagpapakita ng
iyong nararamdaman

You might also like