You are on page 1of 4

ESP-IV week 4

Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mga Batas


Isa sa magandang pag-uugali na dapat taglayin ng bawat isa sa atin ay ang pagkakaroon ng disiplina ngunit tila
sa patuloy na paglipas ng panahon ay nakakalimutan na ang kahalagahan ng pag-uugaling ito. Napakaraming
basura ang nagkalat sa ating kapaligiran na nakasisira sa ating kalikasan. Ang mga ito ay labis na nakakaapekto
sa pagpapanatili ng maayos na kapaligiran. Tapon dito, tapon doon. Basura na sanhi rin ng pagbaha sa iba’t
ibang bahagi ng bansa. Napakalaking suliranin ang tone-toneladang basura na nagdudulot ng labis na polusyon
at sakit sa mamamayan. Kung tutuusin ay madali lang solusyunan ang problemang ito. Kailangan ng matinding
disiplina sa sarili dahil madami ang walang pakundangang nagkakalat at walang disiplina sa pagtatapon ng mga
basura tulad ng mga supot, basyo ng pinagkainan at upos ng sigarilyo na kailangang mapagsabihan at
ipaliwanag ang masamang epekto nito sa ating kapaligiran at kalusugan. Kung uugaliin natin ang pagtatapon
ng basura sa tamang lagayan ay malaking tulong ang simpleng gawain na ito. Makakatulong rin ang paghihiwa-
hiwalay ng basura, pagreresiklo ng mga hindi nabubulok tulad ng mga plastik at marami pang iba. Kung ito ay
maiaayos natin, masasalamin natin ang kalinisan at magandang kapaligiran, sakit ay maiiwasan at matitinding
karamdaman, maipagmamalaking pamayanan, may disiplina at magandang halimbawa na tiyak na
pamamarisan ng mga kabataan at susunod pang henerasyon.

Mahalaga ang may maayos at malinis na kapaligiran. Kayamanang maituturing ang pagkakaroon ng
tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran. Isang malaking hamon sa bawat isa ang pagpapanatili ng
kaayusan at kalinisan nito. Ang kapaligiran ay dapat nating ingatan dahil ito ay nagsisilbi din nating
tirahankatulad ng ating sariling tahanan. Sariling disiplina ang kailangan upang mabuhay, sumiglang muli ang
naghihingalong bahagi ng kalikasan.

At upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran, may mga panuntunan na pinaiiral
tungkol sa pangangalaga ng kalinisan ng kapaligiran. Bilang isang disiplinadong mamamayan tayo ay dapat na:

1. Sumunod sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.

2. Paghihiwa-hiwalay ng mga basura na nabubulok at di- nabubulok sa halip na pagsunog sa mga ito, at
pagresiklo ng mga patapong bagay.

3. Paggamit muli ng mga patapong bagay na puwedeng mapakinabangan. Paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
Paglilinis ng mga maruming boteng babasagin at plastik.

4. Pakikiisa sa mga proyekto o programa ukol sa pagpapaganda at pagpapanatili ng kalinisan ng pamayanan.

5. Pagbibigay alam sa mga kinauukulan sa mga lumalabag sa batas na may kinalaman sa kalinisan at kaayusan
ng kapaligiran.
MUSIC-IV week 4
Magkatulad at Magkaibang Musical
Phrases
Tampok sa araling ito ang pagkilala natin sa tatlong element ng musika: form,timbre, at dynamics.

Ang form ay istruktura ng musika. Ito ay tumutukoy sa kayarian ng isang komposisyon batay sa kaayusan at
pagkabuo ng mga musical phrase. Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ng mga musical phrase na may kani-
kaniyang natatanging daloy ng himig. Mayroon din itong pagdalang o pabilis ng tunog ayon

sa takbo na kailangan sa kabuuan ng awit o tugtugin. Ang mga melodic phrase o rhythmic phrase ay maaaring
magkatulad, di-magkatulad, o magkahawig. Sa pag-awit, mas mainam na may himig na tinutugtog o inaawit
bilang paghahanda upang maibigay ang tamang tono. Tinatawag itong introduction. Ang huling bahagi naman
ng awit ay tinatawag na coda. Ang antecedent phrase at consequent phrase ay dalawang parirala na

bumubuo sa isang musical idea. Kadalasan ang antecedent phrase ay may papataas na himig at ang
consequent phrase naman ay may papababang himig. Bibigyang-kahulugan say unit na ito ang isa pang
element ng musika na tumutukoy sa uri ng tunog o tinig. Ito ay tinatawag na timbre. Ito’y maaaring mabigat o
magaan, mataas, matinis, malambing, maindayog, mataginting, makalansing, bahaw, o sintunado na maririnig
sa pag-awit at sa pagtugtog. Karaniwang nahahati sa apat na uri ang tinig ng mga mang-aawit. Soprano at alto
ang tinig ng mga babae, tenor at bass naman ang tinig ng mga lalaki.
Arts- week 4: Tekstura, Contrast ng Pakurba at Tuwid na
Linya at Relief Printing
Karaniwang naipapakita ng mga Pilipino sa kanilang mga gawang produkto ang iba’tibang disenyo na
nagpapakilala sa lugar o pangkat na kinabibilangan nila. Marami sa mga produktong ito ang kinakalakal sa
ibang bansa at ang mga ito ay nagugustuhan ng mga dayuhan dahil sa ganda at tibay ng mga ito.

Tekstura (Texture) Ilan sa mga produktong Pilipino:

Iba’t ibang tekstura ang taglay ng mga produktong ito. Basket, banig, at bag na yari sa yantok ay may matigas
at magaspang na tekstura. Ang ibang bag naman ay may teksturang malalambot at makinis. Ang tekstura ay
maaaring makinis, madulas, makapal, mapino, mabako, manipis, o magaspang. Nalalaman ang tekstura ng
isang bagay sa pamamagitan ng pandama o paghipo o teksturang taktil at pagmamasid o pagtingin o
teksturang biswal. Contrast ng Pakurba at Tuwid na Linya Mayaman ang Pilipinas sa sining at kultura. Dahil ito
sa kontribusyon ng iba’t ibang pangkat-etniko. Nakabatay ang kanilang mga disenyo sa mga bagay-bagay na
matatagpuan o makikita sa kanilang kultura at lugar o kapaligiran. Nagtataglay ang mga ito ng contrast sa
pamamagitan ng paggamit ng mga linyang tuwid at pakurba, paputol-putol at patuldok-tuldok, parisukat at
pabilog, at iba pa.

Relief Printing Makikita sa maraming bagay tulad ng banga, tela, sarong, damit, malong, cards, at iba pa ang
mga disenyong may etnikong motif. Napapaganda nito ang mga kagamitan. Ang etnikong motif ay binubuo ng
mga hugis at linya. Sa pamamagitan ng pag-uulit, pagsasalit-salit at radial na ayos (paikot) ng mga hugis at
linya, nagkakaroon ng maganda at kaaya-ayang disenyo ang mga ethnic motif designs.

Ang relief prints ay mga disenyo, letter print, slogan, o logo na makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at iba
pang materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbuo
ng isang relief master o molde na maaaring gamitin sa paglilipat o pagpaparami sa disenyo.

MAPEH (Arts)
Paggawa ng mga Relief Prints sa Kamiseta
Kagamitan: luwad (plastic clay), acrylic paint, gamit na puting kamiseta
Mga Hakbang sa Paggawa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


1. Takpan ng lumang diyaryo ang mesang gawaan.
2. Ilabas ang dalang luwad.
3. Pagulungin o diinan sa mesa ang luwad upang lumambot
4. Gumawa ng disenyong may iba’t ibang hugis.
5. Siguraduhin na ang bahaging ididiin sa papel o materyales na paglagyan ng
disenyo ay pantay.
6. Patuyuin ito para magamit sa relief printing.

You might also like