You are on page 1of 6

YUNIT III: MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

Ang komunikasyon ang nagbibigay buhay at nagpapadaloy sa ugnayan ng mga tao


habang hinuhulma nila ang kanilang lipunan at habang hinuhulma rin sila nito.
Kasamang nahuhulma at humuhulma sa lipunan ang kultura, na ayon kay Salazar
(1996), ay siyang “kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasan na
nagtatakda ng maaangking kakanyahan ng isang kalipunan ng tao.”
Tsismisan: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan
Ang tsismis ay maaaring totoo, bahagyang totoo, binaluktot na katotohanan,
dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o narinig,
pawang haka-haka, sadyang di totoo o inembentong kuwento.
Nagmula sa:
1. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsinitsismis;
2. Inembentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa; o
3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.
Sa kabila ng negatibong konotasyon, ang tsismisan ay bahagi pa rin ng daynamiks
ng interaksyon ng mga Pilipino sa kapuwa at maaaring nakapagbigay sa mga
magkakausap ng sikolohikal na koneksyon at kultural na ugnayan sa lipunang
ginagalawan.

Umpukan: Usapan, Katuwaan, at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan


Ang umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang mga magkakakilala
para mag-usap nang magkakaharap. Sa pangkalahatan, ito ay hindi planado o
nagaganap na lang sa bugso ng pagkakataon. Likas sa umpukan ang kuwentuhan kung
saan may pagppapalitan, pagbibigayan, pagbubukas-loob at pag-uugnay ng kalooban.
Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag-isipang mabuti –
maaaring tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, magkakaparehong interes
ng mga nag-uumpukan, o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid.

Talakayan: Masinsinang Palitan at Talaban ng Kaalaman


Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang
kalahok na nakatuon sa tukoy na paksa. Ito ay maaaring pormal o impormal at
puwedeng harapan o mediated.
Pormal – karaniwang nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong at sa mga palabras sa
telebisyon at programa sa radio kung saan pinipili ang mga kalahok.
Impormal – madalas nangyayari sa umpukan, at minsan sa tsismisan o sa di-
sinasadyang pagkikita kaya may posobilidad na hindi lahat ng kalahok ay mapipili.
Ang karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga isyung
kinakaharap ng isang tao, isang grupo, buong pamayanan, o buong bansa para
makahalaw ng aral, magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan, maresolba ang isa o
magkakakawing na mga problema, at makagawa o makapagmungkahi ng desisyon.
Pagbabahay-bahay: Pakikipagkapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa
mga bahay sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo
ng isang teknolohiya, kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o
programa, mangumbinsi sa pagsali sa isang palighasan o samahan, o manghimok na
tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya.
Kasama sa mga gumagamit ng pagbabahay-bahay at ilang halimbawa ng kanilang
layon ang sumusunod:
1. Politiko – para mangampanya tuwing eleksyon;
2. Nahalal na lider o kinatawan nila – para kumonsulta hinggil sa mga programang
pangkaunlaran at humingi ng suporta sa pet project;
3. Kinatawan ng ahensiya ng gobyerno – para magbahagi ng kaalaman,
manghimok sa mga tao na makiisa sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan, o
magtasa sa kinalabasan ng mga proyekto;
4. Organisadong grupo sa loob at labas ng pamayanan (people’s organization,
nongovernment organization, institusyong pang-edukasyon, samahan ng mga
mag-aaral) – para manghimok ng mga tao na lumahok sa proyektong
pangkaunlaran, magsulong ng mga adbokasiyang panlipunan, at makatulong sa
mga tao na maunawaan ang mahihirap o mapanghamong sitwasyon na
kinalalagyan nila;
5. Mga grupong panrelihiyon – para mangaral ng salita ng Diyos;
6. Mga pribadong institusyon – para magsulong ng mga proyektong bahagi ng
kanilang corporate social responsibility (CSR) at magpakilala at mag-alok ng mga
produkto; at
7. Mga mananaliksik – para magpasagot ng mga talatanungan, nakikipagpanayam
o nakikipagkuwentuhan.
Pulong-bayan: Marubdob na Usapang Pampamayanan
Ang pulong-bayan ay pagtititpon ng isang grupo ng mga mamamayan sa
itinakdang oras at lunan upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyonan kung
maaari ang mga isyu, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan.
Para sa mga Tagabanua ang pabilog o paikot na kaayusan ng pulong ng konseho ng
mga nakatatanda ay kumakatawan sa kanilang balance at pantay-pantay na
kapangyarihan bilang mga hukom at pinuno ng pamayanan.

Komunikasyong Di-Berbal: Pagpapahiwatigan sa Mayamang Kalinangan


Ang komunikasyong di-berbal ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe
sa pamamagitan ng samot-saring bagay maliban sa mga salita. Ang komunikasyong di-
berbal ay naisasagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Paggalaw ng isang bahagi lang ng katawan
2. Kombinasyon ng mga galaw ng ilang bahagi ng katawan
3. Panahon ng pagsasalamuha, lalo na ng bilis o bagal, kawalan o dalas, at oras o
araw ng interaksyon
4. Pook at kaligiran ng pagsasalamuha
5. Kauotan at borloloy sa katawan
6. Iba pang simbolosmo gaya ng kulay
Inisa-isa naman ni Maggay sa kanyang aklat na “Pahiwatig” ang mga kahulugan ng
maraming katangian at galaw ng mga bahagi ng katawan.
1) Panlalaki ng mata (galit, gulat, hindik, pagtataka)
2) Pagtaas ng isang kilay (pang-iisnab, pagtutol, panlalait, pagmamataas)
3) Pagkunot ng noo (naguluhan, yamot, nag-iisip nang malalim)
4) Pagnguso (pagtatampo, may itinuturo)
5) Pagkagat ng labi (pagsisisi, pagdadalamhati, nasaktan)
6) Pag-umang ng nakakuyom na kamao (laban o astang palaban)
7) Pagngisi (may masamang balak)
8) Pagkibit ng balikat (pagwawalang bahala)
9) Pagkuyakoy ng mga hita o binti habang nakaupo (ninenerbyos o sobrang sigla)

Panahon ng pagsasalamuha:
1) Minamadali ng kalahok ang interaksyon: maaaring siya ay marami pang gagawin,
may ibang pupuntahan, o umiiwas sa kausap o paksang ayaw maungkat pa.
2) Nagtatagal ang interaksyon: maaaring nasisiyahan sa pakikipag-usap, matagal
na hindi nagkita kaya maraming napagkukuwentuhan, maraming bakanteng oras
o kaya ay gusto nila ang isa’t isa.
3) Kawalan ng interaksyon: maaaring magpahiwatig ng di-pagkakaunawaan,
tampuhan o pagkakagalit.

Ang lugar at kaligiran ng aksiyon at interaksyon


Halimbawa: Kapa gang manliligaw ay nagyaya sa nililigawan na
maghapunan sa mamahalin at magarang restawran, sinasabing siya ay masugid
at galante, at espesyal kung magturing. Kapag sa karinderya niyaya, baka raw
nagtitipid, praktikal, kuripot, mababa ang panlasa, o nang-iinsulto.

Kulay
Ang mga kulay ay may iba't ibang kahulugan sa bawat isa sa atin.
Mayroon din itong iba't ibang kahulugan sa bawat relihiyon at kultura sa bawat
parte ng ating mundo.
Pula o Red
Ang pula ay kulay ng 'passion' at enerhiya. Ang pula ay nakakakuha ng pansin at
nagpapakita ng lakas at enerhiya na nag-uudyok ng pagkilos. Naiuugnay din ito
sa sekswalidad at pinasisigla ang isang malalim na damdamin. Ang pula ay
ginagamit upang magbigay ng babala o hudyat na mag-ingat sa panganib.
Kahel  o Orange
Ang orange ay kulay ng sigasig at emosyon. Ang orange ay nagpapalabas ng init
at kagalakan at itinuturing na isang nakakatuwang kulay sapagkat nagbibigay ito
ng mabigat na emosyon. Ito rin ay nakapagpapasigla at nagdaragdag ng
positibong pananaw sa buhay. Hinihikayat nito ang pagiging pagkamalikhain.
Ang orange ay sumisimbolo sa kaibahan at masiglang kulay.
Dilaw o Yellow
Ang dilaw ay kulay ng kaligayahan at maaliwalas. Ang dilaw ay isang masiglang
kulay na nagdudulot ng kagalakan sa mundo. Ginagawa nitong madali ang pag-
aaral dahil nakakaapekto ito sa lohikal na bahagi ng utak, pinasisigla ang
mentalidad at pang-unawa. Pinasisigla din nito ang pag-iisip at pag-uusisa at
pinalalaki ang kumpiyansa.
Berde o Green
Ang berde ay kulay ng pagkakaisa at kalusugan. Ang berde ay isang
nakakarelaks na kulay at nagpapasigla sa ating katawan at isipan. Ito ay
nagbabalanse sa ating mga emosyon at nagbibigay babala ng kaligtasan.
Nagbibigay din ito sa atin ng pag-asa, paglago, at kasaganahan.  
Asul o Blue
Ang asul ay kulay ng tiwala at katapatan. Ang asul ay sumisimbolo ng
katahimikan, kapayapaan at kaligtasan. Nagpapahiwatig ito ng pagiging kalmado
at naiuugnay ito sa karagatan na nagbibigay ng kapahingahan ng diwa o isip.
Lila o Violet
Ang lila ay kulay ng spiritwalidad at imahinasyon. Ang kulay na ito ay
nagpapaliwanag sa atin ng karunungan at hinihikayat ang paglago ng ating
espirituwal na pananaw. Ito ay madalas na nauugnay sa kaharian at karangyaan.
Hinihimok ng kulay na ito ang isip, katawan, at kaluluwa upang mabuhay nang
maayos.
Kayumanggi o Brown
Ang kulay brown ay ang kulay ng lupa, kahoy, at bahay. Ito ay sumisimbolo sa
isang saligan, pundasyon, katatagan, at katapatan. Ang brown ay isang natural o
neutral na kulay na karaniwang nauugnay sa mga panahon ng taglagas.

Itim o Black
Ang kulay itim ay kulay ng pagiging sopistikado at misteryo. Ang itim ay
karaniwang nakakatakot na kulay kadalasang naiuugnay sa kababalaghan. Ito
ang pumupukaw ng ating mga pandama at nangangahulugan ng pagiging
elegante at kagandahan.
Puti o White
Ang kulay puti ay kadalisayan at kalinisan. Ang puti ay isang tunay na balanse ng
lahat ng mga kulay at nauugnay sa pagiging simple at pagiging perpekto.
Nagbibigay rin ito ng pag-asa at kaaliwasan sa ating isipan.  

Kasuotan

Halimbawa: Ang mga lapat o medyo masisikip na kasuotan ay ikinakawing sa


pagbibigay-diin sa hubog ng katawan. Ang tatak naman ng suot ay tanda ng
sosyo-ekonomik na kakayanan ng may-suot.

MGA EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng Matingkad, Masigla, at Makulay na


Ugnaya’t Kuwentuhan
Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng
damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng
bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. Ito
rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.

Sa talastasang Pilipino, ang mga lokal na ekspresyon ang nagpapaigting at nagbibigay-


kulay sa mga kuwento ng buhay at sumasalamin sa kamalayan at damdamin ng mga
Pilipino. Sabi nga ni Walter Fisher, ang tao ay isang makuwentong nilalang at anumang
anyo ng komunikasyon ng mga tao ay dapat tingnan bilang naratibo o kuwento.

Halimbawa:

Manigas ka!

Bahala na si Batman. (Bahala na.)

Malay mo.

Sayang. (Sayang naman.)

Hay naku.

Anak ng _____!

Hugot

Grabe!

Ambot!

Edi Wow!

Char!

Echosera!

Joke!

Mga Ekspresyong lokal sa Ilocano

“Ay biag ko” ekspresyon tuwing nahihirapan sa isang Gawain

"Gimar biag /Gimas met" ekspresyon tuwing may nakikitang masaya o maayos

“Ay isu/Isu ah” ekspresyon tuwing may nakikitang masaya o maayos

“Isu pay” ekspresyon na sumasang-ayon

“Susmaryosep” pagkagulat

“Okerebet” naiinis/pagkagulat

“awanen” nadidismaya

“Inyan” ekspresyon tuwing may nakikitang masaya o maayos

“Ay kasjay/kasjay” ekspresyon pag di sigurado

“Ti tao a sadut uray agtudo ti balitok saan nga makapidot” ang taong tamad walang
mararating kahit may pera/yaman
“Ay kabalyo” pagkagulat o pagkabigla

“Anya metten” pagkainis

“Anya kitdin” pagkainis

“Nu awan ti maisuksok, awan ti maidukot” kung di marunong mag-ipon, walang


magagamit pangtustos

“ampay ngay”= nadidismaya

Mga Ekpresyong Lokal sa Batangas

Kilala ang Batangas sa kanilang puntong "ala eh!" Madalas sa diyalektong it na palitan
ang dulo ng pandiwa ng letrang e upang mas madaling sabihin at ipagawa ang isang
bagay. Gayondin, imbes na "ba" ay sanay sila sa paggamit ng "ga", at imbes na "ito" ay
"are" ang gamit nila. Isa ring kakaiba sa ekspresyon nila ay ang mga salitang natatangi
lang sa kanilang probinsya.

 Anla naman! (Ala naman!)


 Ano ga? (Ano ba?)
 Ano ga are? (Ano ba ito?)
 Ano baga? (Ano ba? in a more irritated way.)
 Gay-on. (Ganoon.)
 Ganire! (Ganito!)
 Gay'an la-ang iyan. (Ganiyan lang iyan.)
 Nagdamusak ka nanaman? (Damusak means clumsy.)
 Nasaan ang tubalan? (Tubal refers to the  used clothes  from  before.)
 Karibok na eh! (Karibok means chaotic or magulo.)
 Pagkakabanas! (Banas means naiinitan.)
 Parine! (Parito!)
 Suskupo rudeh! (An expression used for generally proclaiming disappointment
or disdain.)

You might also like