You are on page 1of 35

PANGKOMUNIKASYON NG

MGA PILIPINO
IKAAPAT NA GRUPO
BSE-ENG 1 BLK1
LAYUNIN:
KAALAMAN
• Mailarawan ang mga gawing pangkominikasyon ng mga Pilipino sa ibat’t ibang antas at larangan.
• Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong komunikasyon
sa mga komunidad at sa buong bansa.

KASANAYAN
• Magamit ang wikang Filipino sa ibat’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
• Makapagpahayg ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma
sa kontekstong Pilipino.
• Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t
ibang konteksto.
• Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t ibang konteksto.

HALAGAHAN
• Mapanatili ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at
larangan.
• Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-ideya.
Mga Gawaing
Pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
TSISMISAN
Kimberly De Guzman Bongato
TSISMISAN
Ang Tsismis ay isang kulturang Pilipino na kung saan
bago pa man dumating ang mga kastila ay umusbong na
ito.

Ito ay tumutukoy sa pag-uusap ng dalawa o higit pang tao


na kung saan tinatalakay ang anumang bagay na mapag-
isipan o nais talakayin.
TSISMISAN
PINANGGALINGAN O PINAGMULAN NG TSISMIS

1. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa


itsitsismis.

2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-puri sa


kapwa.

3.Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo


o madla.
TSISMISAN
 Ang Tsismis na laganap sa Pilipinas ay karaniwang nagaganap sa
tunay na buhay o maaaring hindi totoong nangyari o gawa-gawa
lamang.

 May mas negatibong konotasyon ang salitang "TSISMIS"


kumpara sa Ingles na katumbas nito na "GOSSIP"
TSISMISAN
GOSSIPER
 Ito ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng
sikreto ng iba.

TSISMOSA
 Ito ay kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento.

NEGATIBO AT POSITIBONG DULOT NG TSISMISAN


 Ang Tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon ng ibang
tao.

 Ang Tsismis ay maaari namang gamitin upang malaman ang alituntunin ng pag-uugali sa mga
grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa isa't isa.
UMPUKAN
AVELINO GALIMA
UMPUKAN
Paggawa ng tao ng isang maliit na na grupo o pangkap, pagtitipon ng
mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan.

Halimbawa:
Noong gabi ay nag-umpukan kami sa paligid ng apoy na nagpapainit
sa malamig na hangin sa palibot namin.
TALAKAYAN
Kimberly Joy A. Mogan
TALAKAYAN
Ang talakayan ay isang pagtatalo o debate na itinatag sa
pagitan ng dalawa o higit pang mga tao sa isang paksa
upang makipagpalitan ng mga opinyon at punto ng
pananaw.

Uri ng pagtatalakayan
● Impormal na talakayan - Ito ay malayang pagpapalitan
ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na
mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima
hanggang sampung katao.

● Pormal na talakayan - Nakabatay sa tiyak na mga


hakbang, may tiyak na mga taong namamahala at
mamumuno ng talakayan. Nakahanda ang mga kanilang
paglalahad, pagmamatuwid o pag bibigay ng kuro- kuro.
Talakayan
1. Panel discussion - binubuo ng tatlo at apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa harapan ng mga taga
pakinig.

2. Simposyum - kahawig ng panel discussion pero ito ay may tiyak na paksang tatalakayin ng bawat kasapi sa
panel.

3. Lecture forum o panayam - ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng
mga mahahalagang suliranin, maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at pagkatapos ay
malayang pagtatanong upang linawin ang paksang tinatalakay.
PAGBABAHAY-BAHAY
RAY JOHN ANDAYA
Pagbabahay-bahay

Isang gaawin ng pagpupunta sa iba’t ibang lugar at


tirahan, upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na
maaring makuha ang isang impormasyon.
Halimbawa
Ang pagbabahay-bahay ng
mga pulis sa isang barangay
upang magsagawa ng random
drug test, ang pagbabahay-
bahay ay may kaugnay rin sa
pag-alam ng kung ilan ang
miyembro sa isang pamilya.
PAGBABAHAY-BAHAY
Naging kalakaran din noon ang pagbabahay bahay
upang magpakilala at magbenta ng mga bagong
produkto.
PULONG-BAYAN
JAMEL SALONN PAINE
PULONG-BAYAN
● Isa itong mahalagang pangkomunikasyon
ng mga Pilipino.
● Karaniwan itong isinasagawa bilang isang
anyo ng konsultasyon sa mga mamayan o
partikular na pangkat upang tugunan o
paghandaan ang isang napakahalagang
usapin upang mapag usapan ang mga
suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago para sa kanilang
bayan.
● Dito maaaring sabihin ng kalahok ang
kanilang mga saloobin o ideya.
 
Apat na Elemento sa isang Organisadong Pulong:

1. 2
Pagpaplano o Paghahanda o
planning arranging

3. 4.
Pagproproseso o Pagtatala o
processing recording
KOMUNIKASYON DI-BERBAL
EZEKIEL JAMANDRE
Ang di-berbal ay isang sistema ng
komunikasyon na hindi gumagamit ng salita.
Gumagamit tayo ng mga kilos ng katawan o
kalidad ng tinig upang magpahayag ng
mensahe sa halip na wika.
KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
Daluyan o Tsanel ng Di-berbal na Komuikasyon

KATAWAN MUKHA MATA

ARTIPAKTU-
ESPASYO HIPO
WAL
Daluyan o Tsanel ng Di-berbal na Komuikasyon

PARALANGUAGE PANANAHIMIK ORAS

PANG AMOY
KATAWAN (KINETICS)
Sagisag (emblem)
• Ang mga di-berbal na kumakatawan o direktang panakit o panghalili sa mga salita o parirala.

Tagapaglarawan (illustrators)
• Ito ang mga di-berbal na ginagamitan natin n gating mga daliri o kamay upang maglarawan o
magbigay-diin sa nais nating ipahayag.

Pagkontrol ng berbal na interaksyon


• Ginagamitan natin ang kilos ng katawan upang i-monitor o kontrolin ang daloy ng usapan.

Pandamdam (affects display)


• Ang mga kilos ng katawan ay nagpapakita ng mga ekspresyong berbal tungkol sa nadarama.

Kasangkapan sa Pagsasagawa ng bagay (adoptors)


• Ang kilos ng katawan ay nagsisilbing kasangkapan sa pagsasagawa ng isang bagay.
MUKHA
Ang mukha ng tao ay isang mabisang daluyan ng
mensaheng di-berbal. Sa pamamagitan ng mga
kombinasyon ng mga kalamnan o muscle sa
mukha ng tao, naipapakita ang mga batayang
emosyon ng tao.
MATA
Ang pagtingin o pagtitig ay ang paraan kung
paano natin pinagmamasdan an gating
kausap.
Espasyo o Distansya ( proxemics)
Ang espasyo ay nagpapahayag din ng mensahe. Minsan,
mas malakas pa ito kaysa sa mga sinasambit na mga salita.

Apat (4) na uri ng distansya


 
1. Espasyong Intimate
2. Espasyong Personal
3. Espasyong Sosyal
4. Espasyong Pampubliko
Ang mga Artifact
Ang mga bagay na gawang tao ay magagamit rin sa
komunikasyon.

Paghipo (Haptics)
• Pinakaprimatibong anyo ng komunikasyon.
• Ito ay nakakapaghatid ng iba’t ibang mensahe.
• Naghahayag ng positibong pakiramdam.
• Nagkokontrol ng kilos o gawi ng iba.
 
Paralanguage
Mga tunog na di berbal na nagsasaad kung paano sinasabi ang bagay.

Pananahimik
Ang pananahimik ay nagpapahayag din ng mga kahulugan. Kadalasan
itong nagpapahiwatig ng mga emosyong ayaw nating bigkasin tulad ng
galit, pagtatampo, at pagtitimpi. Nagpapahiwatig rin ito ng pag-iisip at
pagbibigay galang.
 
Oras o Panahon (chronemics)
Mga tunog na di berbal na nagsasaad kung paano sinasabi ang bagay.
1. Ang pag-aaral ng komunikasyong temporal (chronemics) ay nauukol sa pag-aaral sa
kung paano ginagamit ng tao ang oras sa komunikasyon.
2. "Social Clock" Ito ang nagtatakda ng wastong oras kung kailan dapat isinasagawa
ang mga bagay na inaakalang mahalaga sa isang kultura.
3. Ang bawat kultura ay may kani-kaniyang konsepto ng panahon.
4. " Filipino Time" Laging huli, mabagal, at walang pakialam kung matapos man ang
gawain sa nakatakdang oras.
5. "American Time" Impunto, maaga at walang pagsasangalang-alang kung may
mahuli o maiwan.
 
 
Pang-amoy
Ang paggamit ng pang-amoy sa
pagpapakahulugan ng mensahe.
Mga Ekspresyong Lokal
NICOLE VALDEZ
Ekspresyong Lokal
Ang ekspresyong local ay ang likas at
ordinasyong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
lohika at iba pang uri ng philisopiya.

SAAN BA GINAGAMIT ANG EKSPESYONG


LOKAL?
Ito ay ginagamit sa mga salita o pariralang
nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng
damdamin.
MARAMING

You might also like