You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


Region V (Bicol)

POLANGUI COMMUNITY COLLEGE

MODYUL 6
Ugnayan ng Wika,
Kultura at Lipunan

RUBY LIZA MELLA-CAPATE


09368448860
Rubylizacapate.pcc@gmail.com
Modyul 5: DI-PASALITANG
KOMUNIKASYON/DI-BERBAL
Ang modyul na ito ay
makatutulong sa mga mag-aaral ng
BSED II –Filipino upang maunawan
kung ano ang iba’t ibang varayti ng
wikang pasalita at pasulat

I. LAYUNIN:
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng di-pasalitang komunikasyon.
2. Naibibigay ang kahulugan ng mga komunikasyon na di-pasalita.

II. PANUTO:
Basahing mabuti ang teksto tungkol sa Wikang Pambansa . Pagkatapos ninyong
basahin ito kayo ay may makikitang mga katanungan/gawain na inyong sasagutan
nang may buong pag-iingat. Alalahanin na ang PAGKATUTO AY NAGMUMULA SA
KATAPATAN SA SARILI.

III. MOTIBASYON
Naunawaan na ninyo ang tungkol sa mga varayti ng wika tulad ng ekolek,
idyolek, dayalek, sosyolek at register. Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang mga di
pasalitang komunikasyon.
Bilang paunang pagsubok, Kilalanin kung ano ang tinutukoy ng mga
sumusunod na pahayag:
1. Binibigyang-kahulugan ang amoy bilang isa sa mga di-verbal na mensahe
2. Mga simbolo na makikita sa ating paligid.
3. Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon.
4. May kaugnayan sa oras.
5. Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo.
6. Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan

MC FIL 106 2
IV. NILALAMAN/PAKSA
DI_PASALITANG KOMUNIKASYON

V. PAGTALAKAY

DI-PASALITANG KOMUNIKASYON:
 Gumagamit ng kilos o galaw ng katawan
 Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang
ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita o titik.
 (3% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di-verbal na
komunikasyon.
 Ang di-verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na kodigo na hindi
nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.

Iba’t ibang anyo ng di-pasalita na komunikasyon:


1. Kinesika (Kinesics) - Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang
paggalaw ng iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit
sa pamamagitan ng ating kilos ay naipahihiwatig naman natin ang mensaheng gusto
nating iparating sa iba.
Galaw ng katawan na ginagamit sa hindi pasalita na komunikasyon:
• Ekspesyon ng mukha – nagpapakita ng emosyon, nagpapahayag ng pagiging
masaya kung siya ay nakangiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o
naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may
mga kahulugang ipinapahayag.
• Galaw ng mata – nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nagiiba ang mensaheng
ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
• Kumpas “galaw ng kamay”- ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming
bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol,
magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o
makikipagpalitan, mga pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at marami
pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang
kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.
• Tindig o postura – tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng
hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.

MC FIL 106 3
2. Proksemika (Proxemics) – pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang
katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963) isang antropologo. Maaaring ang kalahok
sa komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa harap
ng kanyang mga estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-uusap sa pagitan ng
dalawang magkaibigan.

3. Kronemika (Chronemics)-may kaugnayan sa oras


- ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ang mensahe.
Halimbawa kung ang isang tao ay laging huli sa trabaho ay nangangahulugang siya
ay tamad o walang gana sa paggawa; ang pagtawag sa hatinggabi ay maaaring ikagalit
ng tinatawagan.

2 Aspekto ng Komunikasyon:
1. Panahon o oras ng pangkultura:
a. Teknikal o siyentipikong oras – eksakto
b. Pormal na Oras – nagpapakita ng kahulugan ng kultura. Halimbawa, sa
kultura ng ating oras, hinahati ito sa segundo, minute, oras, araw, lingo, buwan at taon.
c. Impormal na Oras – ay medyo maluwag sapagkat hindi ito eksakto.
2. Sikolohikal na Oras- Tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa
nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Ang oryentasyon sa oras ng mga tao ay nakasalalay sa kanilang
kalagayan o katayuang pansosyo-ekonomiko at personal nilang karanasan.
Nagkakaiba-iba rin ang pananaw sa oras na bunga ng pagkakaiba-iba ng
kultura na kung minsa’y nagiging sanhi rin ito ng di-pagkakaunawaan o pagkaputol ng
komunikasyon

4. Pandama o Panghawak (Haptics)- Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng


komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari
ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o
magkakapalagayang-loob. Halimbawa: pagyakap, paghaplos, pagpindot, pagpisil at
paghipo

MC FIL 106 4
5. Aykoniks (Iconics)-mga simbolo na makikita sa ating paligid. Halimbawa kung ikaw
ay nasa mall at ikaw ay pupunta sa palikuran ay may simbolo para sa panlalaki at
pambabae
6. Olpatoriks (Olphatorics)- binibigyang-kahulugan ang amoy bilang isa sa mga di-
verbal na mensahe
- maaaring makapagpapaalala ito ng nakaraan lalo’t ang
amoy ay naging bahagi ng karanasan.
7. Paralanguage/Vocalics – Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita.
-Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba) pagbigkas ng
mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntong-
hininga, ungol at paghinto. Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating
ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.

8. Kulay- Ang mga kulay ay nagpapakita ng komunikasyong di-verbal. Halimbawa:


kapag ang isang tao lalo na ang KaIlokohan ay nakita mong nakasuot ng puting panyo
sa kanyang noo ay nangangahulugang siya ay namatayan; kapag ikaw ay nasa
lansangan at nakita mo ang kulay ng traffic light ay pula, ito ay nangangahulugang
hinto.

9. Katahimikan/hindi pag-imik- ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng


oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng
kanyang sasabihin.
- Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng
tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita. May mga
taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng iba.
Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang
tao sa ibang tao.

10. Kapaligiran- Nagsisilbi itong komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan


ng tao upang maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.
- Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong,
kumperensiya, seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.
- Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang
magaganap sa pulong, kumperensya o seminar.

MC FIL 106 5
Ayon kay Melba Padilla Maggay (1971)
Ang kaanyuang pisikal ng tagapagsalita ay maaaring makatulong sa mensaheng
nais niyang iparating.
Ang mga Pilipino ay may sariling pakahulugan sa mga pisikal na kaanyuan ng
tagapagsalita at makikita ito sa mga pananaliksik nina Covar, Peralta at Racelis,
Hernandez at Agcaoili, at Medina

Ilang Pisikal na Kaanyuan


• Kulot ang buhok – matigas ang ulo
• Malapad ang noo- marunong/matalino
• Makitid ang noo- hindi matalino, makitid ang pananaw sa buhay
• Magatla o malinyang noo- maraming suliranin
• Salubong ang kilay- galit, masungit,naiinis, matapang
• Nangungusap na mata- inaantok, mapangarapin, may gusto
• Malaking Tainga- mahaba ang buhay
• Matangos ang ilong – Tisoy
• Nakangangang bibig – nagulat
• Nunal sa labi- madaldal
• Mahabang dila – naglulubid ng balita, nagsisinungaling
• Ngiting aso- taksil o masama ang pakay
• Bumagsak ang mukha –napawi ang tuwa
• Mukhang maamo- mabait

VI. EBALWASYON
Manaliksik/maghanap ng mga larawan na nagpapakita ng halimbawa ng mga anyo ng
di-verbal na komunikasyon. Matapos ay tukuyin kung anong anyo ito ng di-berbal na
komunikasyon. Idikit ito sa inyong mga kuwaderno, pael o bondpaper 😊

MC FIL 106 6
VII. PAGPAPAHALAGA
.Malinaw ba sa iyo ang tinalakay sa modyul na ito? Kung malinaw, binabati kita
sapagkat nagkaroon ka na naman ng kaalaman na maari mo ring maibahagi sa iba.?

VIII. SANGGUNIAN
Cecilia S. Austero, E. C. (2011). Retorika:Masining Na Pagpapahayag. Quezon City:
Rajah Publishing House.
Deogracia Dc Santos, E. M. (2015). Masining Na Pagpapahayag. Intramuros, Manila:
Mindshapers Publishing Co. Inc.
Mortega, M. O. (2013). Retorika Gabay Sa Masining Na Pagpapahayag. Mandaluyong
City: Anvil Publishing Inc.

MC FIL 106 7

You might also like