You are on page 1of 13

Colegio De Sta. Lourdes of Leyte Foundation Inc.

Brgy. 1 Quezon Tabontabon, Leyte


Cellphone No.: 09057244430
Website: https://csllfi.wordpress.com
College of Nursing and Entrepreneurship

Batayang Kaalaman sa Wika at Komunikasyon


Modyul 7

Layunin:

1. Nakapagpapakita ng higit sa lahat ng antas ng kakayahang komunikatibo


sa akademikong Filipino.
2. Nasusuri ang katangiang palipunan ng wika
3. Matutunan ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng akademiko at di-
akademikong wika.

Sanggunian:

Belvez, Paz M. and Iliscupidez, Priscila P. et al. Sining ng Komunikasyon

CSLLFI
Pangkolehiyo (Filipino I). 2003. Rex Printing Company, Inc. P.Florentino Sta.
Mesa Heights, Lungsod ng Quezon.
Santos, Angelina L. et al. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. 2012.
Mutya Publishing House, Inc. 105 Engineering Road, Araneta University
Village, Potrero, Malabon City.
Magracia, Emma B. et al. Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. 2008. Mega-
Jesta Prints, Inc. 9 Guyabano St., Antonio Subdivision Dalandan, Valenzuela.

KOMUNIKASYON
 Mahalagang salik sa kontemporaryong sibilisasyon ang komunikasyon.
 Ang salitang komunikasyon ay hango sa ingles na “COMMUNICATION”
na may etimolohiyang “Communis” mula sa Latin na ang kahulugan ay
karaniwan.
 Sa Filipino, tinatawag itong PAKIKIPAGTALASTASAN, kung saan ang
salitang-ugat na TALASTAS ay nilapian ng panlaping nagsasaad ng kilos
na paki (ki) pag at -an.
 Kung gayon, ang komunikasyon, (communication) o pakikipagtalastasan
ay isang proseso ng pagbabatid at paghahatid ng mensahe.
- Mahalagang salik sa
kontemporaryong sibilisasyon
ang komunikasyon.
- Ang salitang komunikasyon
ay hango sa ingles na
“COMMUNICATION” na may
etimolohiyang “Communis”
mula sa Latin na ang kahulugan
ay karaniwan.
- Sa Filipino, tinatawag itong
PAKIKIPAGTALASTASAN,
kung saan ang salitang-
ugat na TALASTAS ay nilapian
ng panlaping nagsasaad ng kilos
na paki (ki) pag
at -an.
- Kung gayon, ang
komunikasyon, communication
o pakikipagtalastasan ay isang
proseso ng pagbabatid at
paghahatid ng mensahe.
1. Itinuturing na sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng
impormasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa kapwa.
2. Paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya, karanasan
at mga saloobin.
3. Ito’y prosesong daynamiko, tuloy-tuloy at nagbabago;
4. Ito’y mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan/
pakikipagunawaan.
5. Ito’y pasalita o pasulat na nagpapahayag o pagkabatid ng iniisip o dinarama sa
isang paraang mabisa at kalugod-lugod.

Katangian ng Komunikasyon

1. Isang patuloy at pagbabagong proseso.


2. May mahigpit na ugnayan ang mga element.
3. Ang mga pagbabago ng mga element ay instrumental sa pagbabago ng
kabuuang proseso.
4. Bawat kasapi ay nag-iisip at kumikilos ayon sa isang tiyak na layon.

Mga Layunin ng Komunikasyon

1. Magsilbing daan sa pagkakaunawaan.


2. Maipahayag ang tamang impormasyon.
3. Malinang ang pakikipag-ugnayan sa tulong ng pakikipagpalitan ng isipan.
4. Makatugon sa tungkuling panlipunan at mapahalagahan ang ang mga usaping
kaugnay nito.
5. Mapanatili ang mataas na pagkilala sa sarili upang matugunan ang pang araw-
araw na pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa kapwa-tao.
6. Makaimpluwensya ng mga kaisipan (concept) at paniniwala.
Mag Uri ng Komunikasyon

1. Komonikasyong Berbal- komunikasyong ginagamitan ng wika, maaring pasulat


o pasalita.
2. Komunikasyong Di-berbal- ginagamit ang mga kilos ng katawan o bahagi nito,
pinapahalagahan din ang kalidad ng tinig kung saan ang mga interpretasyon
ay tiyak at napagkasunduan.

Komunikasyong Pantao

1. Interpersonal- proseso kung saan ang isang indibidwal ay nakikipagpalitan ng


kuro-kuro sa iba. Ang mga kalahok ay mula sa 2 hanggang 8.

2. Pangmadla – ang pagpapahatid ng mensahe ng isang indibidwal o pangkat ng


mga tao sa mga taong hindi nakakahalubilo at nakikita (radio, telebisyon atbp.)

3. Intrapersonal – ito ang pakikipag-usap sa sarili, pagdinig sa sarili habang nag-


iisip at ang pagdama ng mga kilos ng katawan.

Komponent Ng Komunikasyon

1. Konteksto – ang kalagayan kung saan magaganap ang komunikasyon.

Limang dimension:

a. Kontekstong Pisikal- kasama ang sa kontekstong pisikal ng komunikasyon


ang lugar, ang kondisyong pangkaligiran.

Halimbawa:
Pakikipag-usap ng Prinsipal sa mga guro sa loob ng opisina kumpara sa
pakikipag-usap sa restawrant.

b. Kontekstong Sosyal- ang uri ng relasyon ng dalawa o higit pang kalahok


sa isang usapan ay may kinalaman sa kontekstong sosyal.

Halimbawa:
Pakikipag-usap sa kaklase kumpara sa guro.

c. Kontekstong Historikal- kasama ang sa kontekstong historical ang


kaligirang maibibgay ng mga naunang episode ng komunikasyong sa
pagitan ng mga kalahok sa usapan.

Halimbawa:
Mel: Nakuha mo ba?
Joe: Nasa ibabaw ng mesa ko.
d. Kontekstong Sikolohikal- kasama ang sa kontekstong sikolohikal ang
kalagayang emosyonal at damdaming dala ng taong kasangkot sa
komunikasyon.

Halimbawa:
Kung kakausapin natin yung may dinaramdam.

e. Kontekstong Kultural- kasama ang sa kontekstong kultural ang


paniniwala, pagpapahalaga at huwarang pinanaligan ng isang pangkat
ng tao.

Halimbawa;
Pag-uusap ng dalawang tao na may magkaibang kultura/relihiyon.

2. Tagapagsalita- ang pinagmulan ng mensahe.


3. Mensahe – nagaganap ang komunikasyon sa pamamagitan ng paghahatid at
pagtanggap ng mensahe.
4. Tagatanggap – ang kalahok na nasa kabilang dulo ng balangkas sa proseso ng
komunikasyon.
5. Tsanel – ito ang ruta o daluyan dinaraanan ng mensahe.
6. Ingay – ito ang nakakasagabal sa pagbabahagi ng pakahulugan.
7. Pidbak – ang tugon o resulta ng mga kalahok ukol sa mensahe.

Paralanguage
 Ang paralanguage ay kinasasangkutan ng mga kinikilalang di-berbal na
tunog.
Kabilang dito ang mga sumusunod:

a. Pitch- ang taas ng tinig o baba ng tono ng tinig.


b. Volyum- ang lakad o hina ng bugso ng pagbigkas.
c. Bilis – katulinan o kabagalan ng pagbigkas.
d. Kalidad ng tinig- ang taginting ng tinig ng tagapagsalita.

Wika
 Paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para
sa isang particular na layunin para makapagpaliwanag.
 Matuturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin ng tao, isang
instrument sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotothanan.
 Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo upang maging daan sa pagpapabatid.

Mga Katotohanan ukol sa Wika

1. Ang wika ay intermediary- daan o tagapamagitan sa unawaang pangtao.


2. Gamit ang wika sa pagtatala at paglalarawan- nababatid ang kaanyuan at
mga pangyayari sa isang tiyak na panahon sa kasaysayan.
3. Kaugnay ng lipunan at kultura- ang uri ng wika at ang gamit nito sa isang
bansa ay nagbibigay indentidad sa mga taong naniniwala dito.
4. Gabay sa Realidad- panukat sa mga katotohanang nagaganap sa
kasalukuyang panahon.
5. Mula sa kamalayan at damdamin- ang mga kaisipan at paniniwalang
inilalahad gamit ang wika ay sumasalamin sa kamalayan (consciousness) at
saloobin (feelings) na gumagamit nito.
6. Kasangkapan sa pagkatuto- ang mga realidad ng kasalukuyan, nakaraan at
ang mga pagtataya sa hinaharap ay madali at epektibong maipapabatid gamit
ang wika.

Kahalagahan ng Wika

1. Behikulo ng impormasyon at kaisipan.


2. Instrumento sa paggamit ng kasanayang pangkomunikatibo.
3. Kasangkapan ng panitikan sa kagamitang makasining.
4. Tagapagbuklod sa mga lahi at lipunan.
5. Daan sa pagkakakilanlan ng kultura ng bansa.
6. Gamit sa pagbibigau kautusan.
7. Kakambal sa pagkatuto.

Katangian ng Wika

1. Masisistemang balangkas-may kaayusan o order ang bawat wika.

2. Sinasalitang tunog- mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi lahat


ay maituturing na wika.

3. Isinasaayos sa paraang arbitraryo- isinaayossa paraang napagkasunduan.

4. Ginagamit sa komunikasyon- mula sa salitang latin na communis na ibig


sabihin ay “to work publicly with”

5. Pantao lamang- ang wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa pagsasalin at pag-


uugnay sa kultura.

6. Nakaugnay sa kultura- nalalaman ang pamumuhay, mithiin, saloobin,


tradisyon at paniniwala ng tao.

7. Natatangi – may sariling set ng mga tunog yunit pagmamarka.


8. Nagbabago – dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago.

9. Malikhain- may kakayahang makabuo ng bagong salita, parirala, sugnay at


pangungusap.

Gamit ng Wika

1. Maglebel at magtakda- ang pagtatalaga ng katawagan sa anumang bagay na


makita.

Halimbawa: Tao, Hayop, Muebles, Mayaman, Mahirap, atbp.

2. Nagpapahalaga – ang pag-uuri sa mga lebel na itinalaga sa isang bagay.

Halimbawa:
Tao-maganda, pangit, mahirap
Hayop – mabangis, mailap, mabait

3. Pagtalakay sa mga karanasan hindi pa napagdadaanan- ang mga pagtataya o


panghihinuha o kaya’y mga pagkukwento ng ngayon at kahapon.

4. Nagtatakda ng mga sinasaklaw na kahulugan- naglalagay ng hangganan sa


mga katawagan

Halimbawa: Mansyon – malaking bahay, magara, hindi marumi

5. Nagsasaad ng pang-uutos- ito ang nagtatakda sa kapangyarihang taglay ng


tagahatid ng wika.

6. Nagbibigay impormasyon- ang mga payak at mahahalagang katotohanan ay


nababatid.

Kalikasan ng Wika

1. May mga Elementong Operasyunal- ang mga salitang pangnilalamam at


salitang pangkayarian (fonoloji)

2. May Iseling- ang bawat salita ay may natatanging baybay kung saan ang bawat
tunog ay may katumbas na titik.

3. Pinagsama-samang Tunog- kaugnay ang ponolohiya at morpolohiya ng salita


4. May Etimolohiya- ang paniwalang bawat angkan ng wika ay magkakaugnay at
may pagkakatulad ay nabibigyang patunay sa mga pinaghanguang wika ng
isang salita.

5. May istrukturang Pambarila- ito ang tumatayong batas na gabay sa pagbuo at


paggamit ng mga wika.

Mga Teorya Hinggil Sa Pinagmulan Ng Wika

1. Tore Ng Babel - Teoryang nahalaw mula sa bibliya.

Nagksroon ng panahon na kung saan ang wika ay iisa lamang. Napag-isipang


magtayo ng isang tore upang hindi na magwatak-watak at nang mahigitan ang
Panginoon.

Nang malaman ng Panginoon, bumaba siya at sinira ang tore.

Nang mawasak ang tore, nagkawatak-watak na ang mga tao dahil iba-iba na
ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa
mundo.

Nagkaroon ng panahon na kung saan ang wika ay iisa lamang. Napag-isipang


magtayo ng isang tore upang hindi na magwatak-watak at nang mahigitan ang
Panginoon.

Nang malaman ng Panginoon, bumaba siya at sinira ang tore.

Nang mawasak ang tore, nagkawatak-watak na ang mga tao dahil iba-iba na ang
wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.

2. Teoryang Bow-Wow - Sinasabi sa teoryang ito na ang unang wikang natutuhan


ng mga tao ay nagmula sa panggagaya ng mga tunog ng mga tao ay nagmula sa
panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop

Halimbawa:

Tahol ng aso, huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa.

unang wikang natutuhan ng mga tao ay nagmula sa


panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop.

Halimbawa:

tahol ng aso, huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa.

3. Teoryang Dingdong - Maliban sa mga tunog ng hayop, ang mga tunog ng


mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na pinaniniwalaang may sariling tunog.
Halimbawa:

Pagtunog ng kampana, tsug-tsug ng tren at tik-tak ng orasan atbp.

hayop, ang mga tunog ng mga bagay-bagay sa ating


kapaligiran na pinaniniwalaang may sariling tunog.

Halimbawa:

pagtunog ng kampana, tsug-tsug ng tren at tik-tak ng


orasan atbp.

4. Teoryang Pooh-Pooh - Batay sa teoryang ito, nakalilikha ng tunog batay sa


bugso ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o
kalungkutan, at pagkabigla. Hindi sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga
ang tao kapag sila’y nagugulat, nabibigla o natatakot.

Halimbawa:

Aray! Sa Filipino at Ouch! Sa mga Amerikano.

bugso ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan,


at pagkabigla. Hindi sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga ang tao kapag
sila’y nagugulat, nabibigla o natatakot.

Halimbawa:

Aray ! sa Filipino at Ouch ! sa mga Amerikano

5. Teoryang Yo-He-Ho - Nalikha dahil sa pwersang gamit. Nakakalikha ang tao ng


tunog kapag may ginagawang kahit na anong bagay.

Halimbawa:

Kapag nagbubuhat ng mabigat

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

PAHINA 11

Halimbawa:

Kapag nagbubuhat ng mabibigat.

6. Teoryang Yum-Yum - Sinasabi sa teoryang ito na ang iniluwal ng pagkalam ng


sikmura ng tao dala ng labis ng pagkagutom. Sinasabi ng teoryang ito na
naunang sumenyas ang tao kaysa magsalita. Ngunit sa pagdating ng tamang
panahon, kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin.
Lagi nating naipagsasabay ang pagtango sa pagsasabi ng afirmativ na salitang
tulad ng oo, opo o kaya sige.

sikmura ng tao dala ng labis ng pagkagutom. Sinasabi ng teoryang ito na naunang


sumenyas ang tao kaysa magsalita. Ngunit sa pagdating ng tamang panahon,
kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Lagi nating
naipagsasabay ang pagtango sa pagsasabi ng afirmativ na salitang tulad ng oo,
opo o kaya sige.

7. Teoryang Ta-Ta - Natutuhan ang wika sa kumpas ng maestro sa musika. Ang


ta-ta (wikang Pranses), ibig sabihin ay paalam.

ta (wikang Pranses), ibig sabihin ay paalam.

8. Teoryang La-La - Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na


nagtutulak sa tao upang magsalita.

Halimbawa:
Mga salita galling sa isang tula o awitin ng pag-ibig.

nagtutulak sa tao upang magsalita.

Halimbawa:

mga salita galing sa isang tula o awitin ng pag-ibig.

9. Teoryang Tarara-Boom-De-Ay - Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita


mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa. Ang mga ritwal na ito
kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang Gawain, nagkakaroon ng mga
salitang kanilang pinanatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.
mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa. Ang mga ritwal na ito
kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga
salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.

LINGWISTIKA
 Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na LINGGWISTIKA.
 Malawak ang sinasakop ng pag-aaral na ito, tulad na rin ng lawak na taglay ng
paksang pinag-aaralan.

- Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na LINGGWISTIKA.


- Malawak ang sinasakop ng pag-aaral na ito, tulad na rin ng lawak na taglay ng
paksang pinag-aaralan.

Ilan sa mga paksang pahahalagahan natin ay ang nauukol sa morpolohiya,


ponolohiya, sintaksis at semantika.
1. Ponolohiya – ang pag-aaral ng makabuluhang tunog (Ponema) ng salita.
Nagiging makatwiran at makabuluhan ang pag-aaral na ito dahil dito
matutukoy ang magkakaibang pakahulugan sa isang balita batay sa pagpapalit
ng isang ponema nito.

Halimbawa:

PATAKA-TATAK SAMPA-SUMPA
LAKSA-LUKSA ALAM-ULAM

2. Morpolohiya- itinuturing itong palabuuan. Sapagkat nakasentro ito sap ag-


aaral ng pagbubuo ng mga Morpema ng wika. Morpema ang tinatawag sa
unit na pinakamaliit sa isang salita nagtataglay ng kahuluga.

Halimbawa:

PAGLALAPI
IBIG UM+IBIG=UMIBIG
SULAT SULAT+ AN= SULATAN

PAG-UULIT
BATO =BATU-BATO
ULIT =ULIT -ULIT

PAGTATAMBAL
AGAW+BUHAY =AGAWBUHAY
ANAK+PAWIS = ANAKPAWIS

3. Sintaksis- ito ay may kinalaman sa Sistema ng mga tuntunin at mga


kategorya na siyang batayan ng pagbubuo ng mga pangungusap.
Nagpapahalaga ito sawastong posisyon ng mga salitang pangnilalaman
(panalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay) at salitang pangkayarian
(pangatnig, pananda, pang-ukol, pang-angkop) sa loob ng pangungusap

Halimbawa: kinain ng bata ang malaking manok.

1. Kinain ng malaking bata ang manok.


2. Kinain ang malaking manok ng bata.
3. Ang bata, kinain ng malaking manok.
4. Ang malaking manok, kinain ng bata.

4. Semantika- ang pag-aaral ng nais o ipinakahulugan ng mga salita sa loob ng


pangungusap.

Halimbawa: hawakan

1. Hawakan mo nang Mabuti ang bata.


2. Ang hawakan sa pasilyo ay umuuga.
Mga Pilosopiyang Panglingwistika

1. Ronald Wardhaugh- tinukoy niya ang wika ay nakasalalay sa kasarian ng


gumagamit nito. (sexism)

2. Benjamin Lee Whorf- ang wika ay nakasalalay sa mga ibinigay na


pagpapakahulugan ng mga tao sa kanyang kapaligiran.

3. Hudson- ang mga karaniwang karanasa ang siyang maging madalas na


batayan ng wika.

4. Giambattista Vico- nagkaroon ng mga payak na salita dahil ang mga ito ang
siyang nagsisilbing tugon ng mga tao sa mga pangyayari sa kanyang
kapaligiran.

5. Noam Chomsky- ang husay at kakayahan ng tao sa proseso ng pakikinig ang


siyang batayan ng wika ng tao.

6. Basil Bernstein- ang uri ng lipunan ang siyang sangkalang pinagmumulan ng


wika ng isang baya. (codes)

Mga Teoryang Panglingwistika sa Pagkatuto

1. Teoryang Behaviorist ni Skinner- ang paggamit ng mga pagganyak at


pamuklaw-siglang ehersisyo ang nagging daan upang mapangalagaan ang
kaunlarang pangkaisipan.

2. Teoryang Kognitibo- ang pag-iisip at pagpapahalaga sa mga nakalap na


impormasyon ay mahalagang aspeto upang makabuo ng mga panbagong
pahayag ukol dito. Itinuturing na mahalagang salik sa pagkatuto ang
paggawa o mga pagkakataong gumagawa ng mali.

3. Teoryang Innate- ayon kay Noam Chomsky, ang bata ay nagtataglay ng


likasna kakayahang matututnan ang wika.

Nagiging makatwiran at makabuluhan ang pag-aaral na ito dahil ditto matutukoy


Narito ang tulong upang mas maunawaan ang talakayan sa Kabanata 1, buksannlink
na ito:
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

PAHINA 15
Gawain:
1. Sa tulong ng concept map, sabihin kung bakit mahalaga ang komunikasyon sa
buhay ng tao.
KOMUNIKASYON

2. Gumawa ng sariling teorys hinggil sa pinagmulan ng wika. Ipaliwanag.

TEORYA PALIWANAG

1.

2.

3.

Inihanda ni: MELVEN B. RAQUEL


Guro

You might also like