You are on page 1of 8

KOMUNIKASYON

• Ang komunikasyon ay nagmula sa Latin na communicare, na ibig sabihin ay “maging komon o


magbahagi”.
• Ito ay isang proseso ng pagbuo ng at paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan
batay sa impluwensiya ng mga partikular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng
dalawang nag-uusap.

• Ayon sa pag-aaral ng grupo nina Josefina Mangahis, ang komunikasyon ay proseso ng


pagpapahiwatig at pagpapahayag ng mensahe tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng
isa o higit pang kalahok na gamit ang makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, pagsulat at panonood.

Prinsipyo ng Komunikasyon.
• Ang Komunikasyon ay nagsisimula sa sarili.
• Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao.
• Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyon.
• Ang komunikasyon ay komplikado.
• Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo.
• Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan (meaning).
• Ang komunikasyon ay isang proseso.

Komponent ng Komunikasyon
• Nagpapadala ng Mensahe (Sender) - Ang nagpapadala ng mensahe o ang nag-eenkowd ng
mensahe.
• Mensahe – Ito ay berbal o di-berbal na porma ng ideya, naiisip, o nararamdaman ng isang tao
(tagapagdala o sender) na nais makipagtalastasan o makipag-ugnayan sa isang tao o panngkat
ng tao. Ang mensahe ang nilalaman ng interaksyon na kung saan nakapaloob ang simbolo
(salita o parirala) na ginagamit para ipahayag ang ideya, gayundin ang ekspresyon ng mukha,
gayundin ang kilos ng katawan, pisikal na kontak, tono ng boses, at iba pa.
• Daluyan – Ito ang midyum na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.
• Tagatanggap ng mensahe (Receiver) – ang nagdede-kowd ng mensaheng ipinadala ng
sender.
• Tugon o pidbak – ang pagsagot ng receiver sa mensahe ng sender.
• Mga potensiyal na sagabal sa komunikasyon/ ingay – ang sagabal sa pagpapadala o
enkowd at pagbibigay kahulugan o dekowd ng mensahe.
✓ Pisikal na sagabal
✓ Semantikong sagabal
✓ Sikolohikal na sagabal
✓ Pisyolohikal na sagabal
• koda – Ito ay sistematikong pagkakaayos ng mga simbolog ginagamit upag makabuo ng mga
kahulugan sa kaisipan ng tao o pangkat ng tao. Dalawang uri ng koda – berbal at di-berbal. (1)
Kodang Berbal kapag nakapaloob ang mga simbolong gamit sa wika tulad ng pagkakaayos ng
pangungusap. (2) Kodang Di-berbal naman ang mga non-oral na koda tulad ng kilos ng
katawan, espasyo, oras, panamit at iba pang palamuti.

Tatlong Paraan ng Komunikasyon


• Komunikasyon bilang aksyon – Sa paraang ito, ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay
naghahatid ng mensahe na maaaring natanggap ng tagatanggap (receiver).
• Komunikasyon bilang interaksyon – Sa paraang ito, nagkaroon ng pagpapalitan ng
impormasyon sa dalawang indibwal.
• Komunikasyon bilang transaksyon – Ito ang tipikal na ibinibigay na kahulugan ng mga awtor
sa komunikasyon. Sinasabing sa komunikasyong ito, naisagawa ang paraang pagbabahaginan
ng kahulugan at unawaan sa pagitan ng isa o maraming indibwal.

Uri ng Komunikasyon
• Komunikasyong intrapersonal.
• Komunikasyong interpersonal
• Komunikasyong Pampubliko
• Komunikasyong Pang-masa (Mass Communication)
• Komunikasyong Computer Mediated

Kounikasyon Ayon sa Intensyon


❖ Tagumpay na Komunikasyon
❖ Miskomunikasyon
❖ Aksidental na Komunikasyon
❖ Tinangkang Komunikasyon
❖ Walang Tangkang Komunikasyon

MODELO NG KOMUNIKASYON
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
Ang kakayahang komunikatibo ayon sa sosyolingguwista na si Dell Hymes (1976,1972), ay isang
aspeto na nagbibigay sa atin ng abilidad upang ihatid at bigyang-kahulugan ang mga mensahe at
maunawaan ang kahulugang interpersonal sa loob ng ispesipikong konteksto. Tinitingnan din ito bilang
relatibo, hindi absolute o ganap, at nakabatay sa kooperasyon ng lahat ng mga sangkot na partisipant.

• Hinahati ng manunulat na si James Cummin ang kakayahang komunikatibo bilang CALP


(Cognitive Academic Language Proficiency) at BICS (Basic Interpersonal Communicative
Skills).
• Ang CALP ay isang dimension ng kakayahan na kung saan ang mga mag-aaral ay kayang
imanipula at magbigay-repleksiyon sa mababaw na mukha/antas ng wika sa labas ng
madaliang kontekstong interpersonal tulad ng mga nagaganap sa klase.

• Ang BICS naman ay isang kakayahang natatamo mula pa lamang sa pagkabata upang
maisagawa ang pagpapalitang interpersonal o komunikatibong pagpapalitan tulad ng
kuwentuhan ng mga barkada o usapan ng pamilya habang namamasyal.

• Sa pag-aaral ng kakayahang komunikatibo, isinasaalang-alang ang kategorya nito; (1)


kakayahang gramatikal/ lingguwistik at kakayahang diskurso na tumatalakay sa lingguwistikang
repleksyon; habang ang (2) kakayahang sosyolingguwistiks at kakayahang
estratedyik/pragmatic naman ay para sa komunikasyong repleksiyon.
Kahulugan ng Wika
1. Ang “wika” ay naagmula sa wikang Malay, samantalang “lengguwahe naman ay nagmula sa
Latin at isinalin sa English bilang Language. Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa “dila”
sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng tunog.
2. Ayon kay Henry Gleason (mula sa Austero et, al 1999) ang wika ay “masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura”.
3. Sa aklat nina Bernales et al. (2002), mababasa ang kahulugan ng wika bilang “proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolokong cues na maaaring
berbal o di-berbal”.
4. Samantala, sa aklat naman nina Mangahis et al. (2005), binabangit na may mahalagang papel
na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos
na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
5. Ayon sa mga edukador na sina Pamela C. Constantino at Galilleo S. Zafra(2000), ang wika ay
isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng tao.
6. Binabanggit ng Pambansang Alagad ng Sining sa literatura na si Bienvenido Lumbera (2007)
na parang hininga ang wika.
7. Para naman sa lingguwistang si Alfonso O. Santiago (2003) wika ang sumasalamin sa mga
mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
8. Kung sasangguni naman sa mga diksiyonaryo tungkol sa kahulugan ng wika, ang wika ay
sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga psulat o pasalitang simbolo.
Samantala, ayon sa UP Diksyonaryong Filipino (2001) ang wika ay lawas ng mga tradisyong
pangkultura at pook na tinatahanan.

A. Mga Kahalagahan ng Wika


❖ Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento sa
komunikasyon.
❖ Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat
grupo ng tao.
❖ Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may
soberanya.
❖ Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karurnungan at kaalaman.
❖ Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang
iba't ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.
❖ Nagreresulta sa isang maunlad at masiglang sangkatauhang bukas sa pakikipagkasunduan sa
isa't isa.

B. Mga Katangian ng Wika (Henry Gleason)


1. Ang wika ay may masistemang balangkas. Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema
ang wika na nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama sama sa isang maayos at
makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng parirala, pangungusap, at talata.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog. – Ang anumang tunog na may kahulugan ay maituturing na
wika. Ang tunog na nalilikha ng tao ay nagmumula sa mga aparatong gumagana mua sa
katawan katulad ng resonador.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos – Kinakailangan pinipili at isinasaayos ang wika upang
makabuo ng malinaw at organisadong pangungusap at naiintindihan ng lahat para maiwasan
ang hindi pagkakaintindihan.
4. Ang wika ay arbitraryo. – ang salitang arbitraryo ay ang pagkabuo ng mga simbolo at tunog
na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya, at kaisipan buhat sa mga taong may sosyal na
relasyon, ugnayan o interaksyon sa isa’t isa.
5. Ang wika ay ginagamit. – ang wika ang ginagamit natin upang magkaroon ng komunikasyon.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Ang kultura ay tumutukoy sa isang Sistema kung saan ang
mga taong kabilang sa lipunan ay kabahagi ng paniniwala, pananaw, kaalaman, pag-uugali, at
pagpapahalaga. Ang wika ng isang pangkat ay nakabasi sa kung anong kultura mayroon ang
isang pangkat.
7. Ang wika ay nagbabago o dinamiko. – Ang wika ay patuloy na nagbabago dala ng panahon
at ugnayan ng mga tao sa isa’t isa. Sumasabay sa pagbabago ng panahon ang pagbabago ng
wika dahil sa mga pag-usbong ng iba’t ibang teknolohiya, imbensyon, at mga bagong diskubre.

ARALIN II: MGA TUNGKULIN NG WIKA

Sa Explorations in the Functions of Language ni M.A.K. Halliday (1975, sa Gonzales-Garcia, 1989),


binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating
buhay.

Tungkulin ng wika:

1. Interaksyunal ang tungkulin na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatatag


ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito
ang pormularyong panlipunan, pangungumusta at pagpapalitan ng biro. Sa pasulat na paraan,
pinakamahusay na halimbawa nito ang liham-pangkaibigan.
2. Instrumental ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.
Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos. Hal. Liham pangangalakal (business
letters)
3. Regulatori ang tungkulin ng wikang gingagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ng
ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsabi ng dapat at hindi dapat gawin. Hal. Pagbibigay
direksiyon, paalala o babala.
4. Personal naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o
opinion. Sa tatalakaying pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito.Halimbawa nito
sa pasulat na anyo ang lihanm sa patnugut at ng mga kolum o komentaryo.
5. Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng simbolismo. Gamitin ang tungkuling ito sa
mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela at maikling katha.
6. Hyuristik ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. Hal.
Pagsasarbey, pakikipanayam at pananaliksik.
7. Impormatib ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Hal. Pag-uulat, pagtuturo at pagpapasa
ng ulat o pamanahong papel.

ARALIN III: ANTAS NG WIKA

➢ Pormal - Ito ang mga salitang standard dahil kinikilala, tinanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

1. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa
lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at ituinuturo sa
mga paaralan.
2. Pampanitikan o Panretorika. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim,
makulay at masinin.

➢ Impormal – Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw a madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalasasan sa mga kakilala at kaibigan.

1. Lalawiganin. Ito ang bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito sa mga particular na pook
o lalawigan lamang. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag nating
PUNTO.
2. Kolokyal. Ito’y pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impornal. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita. Hal. Nasaan (nasan), sa akin (sa’kin) mayroon
(meron)
3. Balbal. Tinatawag sa Ingles na Slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmula ang mga ito upang
ang mga pangkat ay magkaroon ng codes. Ito ang pinakadinamiko, sabay sa uso.

Mga proseso sa pagbuo ng salitang balbal.

1. Paghango sa salitang katutubo. Hal: bayot (cebu), gurang (cebu), buang (bis.),
sibat (cebu)
2. Panghihiram ng Wikang banyaga (maaaring nananatili o nagbabago ang orihinal na
kahulugan ng salita) Hal. Dedbol (dead ball, Eng) chicks (Eng)
wheels (Eng)
3. Pagbibigay ng Bagong kahulugan sa tagalog
Hal. Luto (cook, game fixing) ube (purple yam – P100) toyo (soy sauce- mental problem)
4. Pagpapaikli. Hal: Kaputol – utol/tol Amerikano- kano
5. Pagbabaligtad/Metatesis
Buong salita. Bata – atab malakas- sakalam
Papantig. Pulis – lespu sino ba sila – nosi ba lasi
6. Paggamit ng Akronim. Hal. Ksp (kulang sa pansin) pg (patay gutom)
7. Pagpapalit ng pantig. Bakla – jokla torpe/tyope
8. Paghahalo ng wika. Hal: bakal boy anong say mo
9. Paggamit ng bilang. 143 (I love u)
10. Pagdaragdag. Hal. Malay – Malaysia puti – isputing
11. Kumbinasyon
a. Pagbabaligtad at pagdaragdag. hal: pare- repapeps hiya- yahi- dyahi
b. Pagpapaikli at pagdaragdag. Hal. Pilipino – Pino- Pinoy mestizo- tiso
–tisoy
c. Pagpapaikli at pagbabaligtad. Sigarilyo – siyo- yosi
pantalon-talon- lonta
d. Panghihiram at pagpapaikli. Hal. Security- sikyo original- orig
Panghihiram at pagdaragdag. Hal. In-love – inlab/inlababo

Varayti ng Wika:

2 DIMENSYON NG BARYABILIDAD NG WIKA

1. DIMENSIYONG HEOGRAPIKAL – Nagkakaroon ng baryasyon ng wika dahil sa lokasyong


kinalalagyan ng mga taong gumagamit nito.
✓ Heograpikal na Varayti - Ang pagkakaiba sa katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa
iba’t ibang lugar.
✓ Morpolohikal na Varayti- Ang pagkakaiba sa anyo art ispeling ng salita at hindi sa taglay
nitong kahulugan. Nagkakaiba sa pagbuo ng mga salita dahil sa paglalapi.
✓ Ponolohikal na Varayti - Ang pagkakaiba sa bigkas at tunog ng mga salita ayon sa pangkat ng
mga taong gumagamit.

2. DIMENSYONG SOSYAL – nagkakaroon ng barasyon ng wika dahil sa ugnayan ng tao.

✓ Sosyolek - Ang tawag sa barayti ng wika dahil ito ay nakabatay sa pangkat panlipunan.
Maaaring okupasyonal na rehistro.
✓ Jargon- Ang tanging bokabularyo ng isang pangkat.
✓ Idyolek- Ang sariling paraan sa paggamit ng wika.
✓ Pidgin - (nobody’s native language ) May dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang
magkaibang wika na walang komong wika na nagtatangkang magkaroon ng kumbersiyong
makeshift.
✓ Creole - ay isang wika na unang pidgin at kalaunan ay nagging likas na wika (nativized).
Nagkakaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang
unang wika.

You might also like