You are on page 1of 2

JACOB, MICHAEL DEAN C.

ACTIVITY 1

1. Gumawa ng isang artikulo na nagpapatibay sa pahayag na ang wika ay maituturing na isang


Agham at Sining.

Ang wika ay maaaring ituring bilang agham o sining. Ang pagpapahayag at pag-unawa ay batay sa
pamamagitan ng simbolismo, tunog at iba pang makahulugang pamamaraan.

Ito ay isang agham sapagkat natututunan natin ang mga panuntunan, iyon ay, kung paano matukoy ang
tamang pagbigkas mula sa pagbubukas ng bibig, gamit ang mga labi at dila o kahit na ang ating panga.
Patuloy na umuusbong ang mga wika, at dahil nagbabago ang lahat, dapat tayong makasabay.

Ang wika naman ay isang sining sapagkat ang mga tao ay may kanya-kanyang paraan ng pag-iisip upang
isipin kung malambot ang kanilang pagsasalita o pandinig. Ang pagkaalam nito ay batay sa kung gaano
niya kahusay na ipinapahayag ang kanyang impormasyon o damdamin nang malinaw, o sa wikang
ginamit.

Sa masining na paraan ipinapakita ng nagsasalita ang kakayahan niyang gumamit ng matatalinghagang


pahayag. Kagaya ng mga Tayutay at Idyomatikong pahayag. Ang mga mensahe nito ay hindi hayagang
naiintindihan, kaya’t kailangan nating lawakan ang ating mga isipan upang maintindihan natin ang
mensahe.

Pinakamahalaga, tandaan natin na ang mabisang komunikasyon ay hindi kinakailangang madalian. Dapat
nating paunlarin at palakasin ang kasanayang ito sa pamamagitan ng makatuwiran, lohikal, malinaw at
kritikal na pag-iisip upang gawin itong isang channel ng komunikasyon.
2. Manaliksik pa ng ibang katuturan, kahalagahan at katangian ng wika.

Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga
makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag.” Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

Mahalaga ang wika sapagkat:Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; Ginagamit ito
upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao; Sumasalamin ito sa kultura
at panahong kanyang kinabibilangan; At isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng
kaalaman.

Ang wika ay masistemang balangkas. Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog sa
sistematikong paraan para makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at
panayam. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na
humuhugis sa paraan ng mga iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng
pagsasalita o speech organs. Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog. Sa katangiang ito, ang mga
salita ay tumututok sa mga salitang simbolo. Napapaloob sa katawagang ito ang dualismo na isang
pananagaisag at isang kahulugan. Ang wika ay komunikasyon. Muli, ito ay kasangkapan ng
komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao. Sa ganitong paraan, maipapahayag ang
mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin, at pangangailangan ng tao. Ang wika ay
pantao. Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao nga sila mismong lumikha at sila rin ang
gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Ang wika ay kaugnay
ng kultura. Taglay nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan nito. Ang sining, panitikan, karunungan,
kaugalian, kinagawain at paniniwala ng mamamayan ang bumubuo ng kultura. Ang wika ay ginagamit.
Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting mawawala ito kapag hindi
ginagamit. Ang wika ay natatangi. May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walng dalawang wika na
magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may
sariling set ng mga bahagi. Ang wika ay dinamiko. Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa
patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na tkbo ng buhay na
dulot ng agham at teknolohiya. Ang wika ay malikhain. Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo
ng walang katapusang dami ng pangungusap.

https://philnews.ph/2019/07/22/katangian-ng-wika-at-kahlugan/

You might also like