You are on page 1of 8

Ayon sa gmanews 

http://www.gmanews.tv/story/198946/nauna-pa-sa-jejemon-at-bekimon-ang-siyokoy-sa-wikang-

filipino, "Sa librong "Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang

Pambansa," tinawag ni Virgilio “Rio Alma" Almario na “siyokoy" na mga salitang Pinoy na “hilaw" mula sa

pagkakahiram sa wikang Espanyol o Ingles...Ayon kay Almario, 1976 pa niya sinimulan ang krusada laban sa mga

salitang “siyokoy." Pero sa paglipas ng panahon, lalo raw itong dumami sa halip na mabawasan. Patunay na

mabigat daw ang labanan pagdating sa ating wika. Tama ba ang pagbaybay at gamit ng salitang “kontemporaryo"?

Ayon kay Almario, mali at isa itong salitang siyokoy. Paliwanag niya, kung ang “kontemporaryo" ay hiram sa wikang

Espanyol na “contemporaneo," dapat itong baybayin at bigkasin na “kontemporane(y)o" o kaya naman ay

“kontemporanyo."Siyokoy din umano ang salitang “aspeto" na hilaw na hango sa salitang Ingles na “aspect" o

Espanyol na “aspecto." Kaya kung isinalin ito sa wikang Filipino, ang dapat umanong basa at salita nito ay

“aspekto"...Ilan pa sa nabanggit sa libro ni Almario na salitang “siyokoy" ay ang “endorso" na higit na tama na

“endoso;" ang “dayalogo" na dapat ay “dayalog" o kaya naman ay “diyalogo;" at ang “dayalekto" na dapat ay

“dayalek" o “diyalekto." Ang mga edukado ang itinuturo ni Almario na may sala sa pag-usbong mga salitang

“siyokoy" sa wikang Filipino. Sila kasi ay tinitingala at pinapaniwalaan ng mga karaniwang tao; nakikitang

nagsasalita sa telebisyon, nadidinig sa radyo, at nababasa sa pahayagan."

http://documents.tips/documents/kahulugan-ng-wiki.htm

Ayon kay F.E. Dance, ang komunikayon ay isang prosesong dinamiko at nagbabago. Sa

kabuuan, ito ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na

kinakasangkutan ng magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa. May

nagsasalita man kung walang nakikinig at umuunawa ay walang magaganap na komunikasyon.

Sinabi din ng mga hindi nakilalang iskolar na ang wika na ginagamit sa komunikasyon ay

nililinang at umuunlad sa pamamagitan ng madla. Ang pagkadalisay at pagpapayaman ay

patuloy pa at hindi na magtitigil sapagkat ang isang wikang buhay ay lagi nang nagbabago.

Kahulugan ng wika mula sa iba’t ibang linggwista at dalubhasa

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,
at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang

pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at

pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,

damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at

kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan,

nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao (Peña, 1989).

Ang wika ay isang kataga na karaniwang ginagamit upang sumangguni sa tinatawag na

"likas na wika" - ang ginagamit na paraan ng komunikasyon sa sangkatauhan. Sa pamamagitan

ng pagpapalawig ang salita ay tumutukoy din sa uri ng pag-iisip na proseso na lumilikha at

gumagamit ng wika. Sa parehong kahulugan, mahalaga ang paraan ng paglikha, pagpapanatili at

paggamit ng mga sistema ng mga simbolo, na magilas na sanggunian ng kaisipan at magbuo

ayon sa nakabalangkas na modelo sa uri na ekspresyon at ipahayag ang kahulugan. Ang pang-

aghan na pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguistika (Hornedo, 1992).

Ang wika ay isang sistema ng mga palatandaan (mga simbolo, mga indeks, mga icon)

para sa pagsasalin at pagbibigay impormasyon. Dahil sa wika naging isang bagay ng pag-aaral

ng sinaunang grammarians, ang kataga ay nagkaroon ng maraming iba't ibang kahulugan

(Fernandez, 1989).

Ayon kay Cruz (1978), ang ginagamit sa komunikasyon ay wika. Huwag nating

ipagkamali na ang wika ay pagsasalita lamang. Ang wika ay hindi lamang pagsasalita; sakop nito

ang pagsusulat, mga larawan, mga simbolo tulad ng pula at berde sa trapiko, mga galaw ng

kamay at ekspreson ng mukha at mga mata mga tunog at iba pa. Lahat ng ito ay nagbibigay ng

kaniya-kaniyang mensahe.
Ang wika ay masistemang balangkas ng mga simbolo na isinaayos sa paraang arbitaryo

na maaaring dagdagan at ayusin batay sa pangangailangan at kundisyon ng tagapagsalita.

(Santos, 1984

Kahulugan ng Wika, Komunikasyon at Kahalagahan nito (Mga Pilipinong Manunulat) Submitted by Group 2 Ayala,

Marinela Mei Nicolas, Jezreel Deanne Dimaculangan, Charis Mae Basa, Rafael Medidas, Elaiza Mae Evardone, Kriszia

Tinaya, Renz Nicole Ross Aquino, Albert Reggie Allen Ponce, Faye Alexa Saquing, Phoebe Rose Purisima, Riza Nerwin

Eclevia, Bea Marie Ramos, Art Christian Submitted to Bb. Anos September 2, 2010 INTRODUKSYON Isa sa mga

pinakadakilang tuklas ng tao ang komunikasyon. Kapag inalis ito, para na nating pinahinto ang ikot ng mundo. Kumikilos

ang tao dahil sa bisa ng komunikasyon. Dahil sa paghahatiran at pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga

saloobin ng tao, nagaganap ang mabuti at di mabuti na siyang pinagmumulan ng pag-unlad ng pamumuhay ng tao. Daan

ng tagumpay ng isang tao, pangkat nga mga tao, kaunlaran at katahimikan ng daigdig at pambansang kaligtasan, ang

mabisang komunikasyon. Ang pagtuklas sa iba’t-ibang larangan pati na ang kalawakan ay saklaw ng komunikasyon

kaya’t ang mga bansang may maunlad at mabisang paraan ng komunikasyon ay higit na progresibo kaysa sa mga

bansang huli sa bagay na ito. Ayon kay F.E. Dance, ang komunikayon ay isang prosesong dinamiko at nagbabago. Sa

kabuuan, ito ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinakasangkutan ng

magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa. May nagsasalita man kung walang nakikinig at

umuunawa ay walang magaganap na komunikasyon. Sinabi din ng mga hindi nakilalang iskolar na ang wika na ginagamit

sa komunikasyon ay nililinang at umuunlad sa pamamagitan ng madla. Ang pagkadalisay at pagpapayaman ay patuloy pa

at hindi na magtitigil sapagkat ang isang wikang buhay ay lagi nang nagbabago. Kahulugan ng wika mula sa iba⠀™t

ibang linggwista at dalubhasa Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at

mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot

ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng

paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at

kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at

nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao (Peña, 1989). Ang wika ay isang kataga na karaniwang

ginagamit upang sumangguni sa tinatawag na "likas na wika" - ang ginagamit na paraan ng komunikasyon sa

sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pagpapalawig ang salita ay tumutukoy din sa uri ng pag-iisip na proseso na lumilikha

at gumagamit ng wika. Sa parehong kahulugan, mahalaga ang paraan ng paglikha, pagpapanatili at paggamit ng mga
sistema ng mga simbolo, na magilas na sanggunian ng kaisipan at magbuo ayon sa nakabalangkas na modelo sa uri na

ekspresyon at ipahayag ang kahulugan. Ang pang-aghan na pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguistika (Hornedo,

1992). Ang wika ay isang sistema ng mga palatandaan (mga simbolo, mga indeks, mga icon) para sa pagsasalin at

pagbibigay impormasyon. Dahil sa wika naging isang bagay ng pag-aaral ng sinaunang grammarians, ang kataga ay

nagkaroon ng maraming iba't ibang kahulugan (Fernandez, 1989). Ayon kay Cruz (1978), ang ginagamit sa

komunikasyon ay wika. Huwag nating ipagkamali na ang wika ay pagsasalita lamang. Ang wika ay hindi lamang

pagsasalita; sakop nito ang pagsusulat, mga larawan, mga simbolo tulad ng pula at berde sa trapiko, mga galaw ng kamay

at ekspreson ng mukha at mga mata mga tunog at iba pa. Lahat ng ito ay nagbibigay ng kaniya-kaniyang mensahe. Ang

wika ay masistemang balangkas ng mga simbolo na isinaayos sa paraang arbitaryo na maaaring dagdagan at ayusin batay

sa pangangailangan at kundisyon ng tagapagsalita. (Santos, 1984) Ang wika ay masistemang pag-aayaw-ayaw ng lipon ng

mga salita na ginagamit sa paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin na tangi sa isang pangkat ng tao sa

isang pamayanan o bansa. Ang wikang tangi sa isang pamayanan ay may set ng mga salitang ang pakahulugan ay

nauunawaan ng bawat isa. Gayundin ang wikang ito ay may salitang balarila at sistema ng pag-uugnay ng mga salita at

nagagawang bigyan ng kahulugan ng mga taong nkasapi ng pamayanang iyon. (Badayos;1975) Ang wika ay binubuo ng

mga salita, kung paano bigkasin ang mga ito at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga salita, ginagamit at

nauunawaan ng isang komunidad at nagiging matatag sa mahabang panahon ng pagkakagamit. Ito ay saligan ng lipunan at

nagiging kasangkapan upang magkaisa ang mga tao. (Silapan: 1990) Ang wika ay dapat na maging buhay na wika,

kaugnay ng kaisipan at layunin, bahagi ng tungkulin at pagkakasakatuparan nito. Sa isang pangungusap, ang wika ay

dapat kaugnay ng buhay. (Gonzales, 1976) Ayon pa kay Gonzales (1976), mahalagang iugnay ang wika sa pambansang

kamalayan ng mga tao sa lipunan. Ang pambansang kamalayan ang patutunguhan, at ng wika, ang sasakyan para

makarating doon. Kapag malinaw na sa lipunan ang kanyang pambansang hangarin, madali nang makilala ng higit na

nakararami ang kabuluhan ng wika sa pagtatamo ng pambansang mithiin. Ayon kay Santos (1975), kasabay ng pagsulong

ng bansa ay ang pagsulong din ng wika, at sa pagsulong na ito ay hindi maiiwasan na manghiram ng mga salita sa ibang

wika upang makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran. Ayon pa kay Mangahis (1964), ang wika ay may

mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at

pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. Sinabi din ng mga hindi nakilalang iskolar na ang wika na ginagamit

sa komunikasyon ay nililinang at umuunlad sa pamamagitan ng madla. Ang pagkadalisay at pagpapayaman ay patuloy pa

at hindi na magtitigil sapagkat ang isang wikang buhay ay lagi nang nagbabago. Bilang huling pagsisiyasat, masasabi
nating ang wika ay walang iisang depinisyon na makapagbibigay ng buong kahulugan nito. Alam nating lahat kung ano

ang wika ngunit walang makapagsasabi ng pinakatiyak na kahulugan nito. Upang higit nating maunawaan ang wika,

nararapat na ito’y ating pag-aralang mabuti kabilang na ang mga katangiang taglay nito. Katulad na lamang ng mga

iba’t ibang linggwista at dalubhasa na nagbigay ng kani-kanilang depinisyon ng wika. Ang mga ito⠀™y instrumento

lamang na makatutulong sa atin upang lalong maunawaan ang wika. Kahulugan ng Komunikasyon mula sa iba⠀™t ibang

linggwista at dalubhasa Ayon kay Arrogante (2008), ang salitang pakikipagtalastasan o komunikasyon ay galing sa

salitang-ugat na talastas na ang ibig sabihin ay alam at sa kabilaang panlaping pakikipag / an na ang tinutukoy ay proseso

o paraan ng pagsasagawa nang hindi isahan kundi dalawahan o maramihan sapagkat dapat ay may magkabilang panig na

nasasangkot: isang nagsasalita at isang nakikinig. Mangyari, bigayang proseso ang pag-uusap. Nagbibigay ng

impormasyon ang nagsasalita dahil sa may alam siya sa nakikinig na tumatanggap naman dahil wala pang alam o kulang

pa ang nalalaman kaya gusto nitong punan ang patlang o dagdagan pa ang kaalaman at vice versa. Sinabi naman ni

Arrogante (1987) sa aklat na Kakayahan sa Pakikipagtalastasan Pangkolehiyo: Binagong Edisyon, ang

pakikipagtalastasan o komunikasyon ay isang “tambingang” paghahatirang-diwa. Tambingan sapagkat ito’y palitan

o gantihang pamamahagi ng kaalaman. Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig, na

kapwa nakikinabang nang walang lamangan. Ang komunikasyon ay proseso ng paghahatid n gating mga saloobin, ideya o

mensahe sa pamamagitan ng isang sistema ng mga simbolo. May iba⠀™t ibang anyo ang komunikasyon. Ito ay sa paraan

ng pagsasalita, pagsenyas, o sa pamamagitan ng mga simbolo. Sa panahon natin ngayon, isa sa pinakamabisang paraan ng

komunikasyon ay ang paggamit ng computer. (Austero, 2010) Sinasabi rin ni Austero (2010), mahabang panahon nang

pinag-iisipan kung ano nga ba talaga ang mga mahahalagang element ng komunikasyon. Sinasabing isa sa

pinakamahalagang bahagi ng komunikasyon ay ang maihatid ang kaisipan ng isang indibidwal sa ibang tao. Kahit noong

mga mga unang panahon, inakala ng mga tao na ang komunikasyon ay binubuo lamang ng verbal na pakikipagtalastasan.

Sa madaling salita, ang komunikasyon ay pag-uusap para kapwa makinabang ang isa⠀™t isa nang di nagkakalamangan.

Para naman kay F.E. Dance, ang komunikayon ay isang prosesong dinamiko at nagbabago. Sa kabuuan, ito ay isang

paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinakasangkutan ng magkakambal na proseso ng

pagsasalita, pakikinig at pag-unawa. May nagsasalita man kung walang nakikinig at umuunawa ay walang magaganap na

komunikasyon. Ayon kay Agravante (1999), ang komunikasyon ay isang proseso kung saan ang unang tagapagsalita ay

nagbibigay ng mensahe sa pamamagitan ng daluyan papunta sa kinauukulang destinasyon o ang tagatanggap, na

makakalikha ng epekto at makapagbibigay ng oportunidad na makapamahagi ng kasagutan sa anyo ng ingay at makikita


sa isang konteksto. Samakatuwid, sa kabuuan ay masasabing ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at

pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-

unawa. May nagsasalita man kung walang nakikinig at umuunawa ay walang nagaganap na komunikasyon. Nilarawan

naman nina Manalo at Fermin ang intra-personal na komunikasyon na isang karanasan ng interpersonal pagsasalita ng

komunikasyon at pagbuo ng kanilang pagsasalita paghahanda at pagsasalita mga kasanayan sa paghahatid. Ano nga ba

ang kahalagahan ng komunikasyon sa buhay ng tao? Ayon kina Felicitas Manasca, Felipa Tintero at Estelita Conzales

(Sining ng Pakikipagtalastasan, 1995), Kasabay sa ating pagsilang ang wika. Pasulat man o pasalita mahalaga ito sa buhay

ng tao. Naipadarama ng sanggol ang kanyang pangangailangan sa kanyang sariling paraan ng pakikipagtalastasan.

Kailangan natin ang wika upang mapabilang sa lipunang ating ginagalawan, makikibahagi, makikipagpalitan, makatuklas

ng mga bagay-bagay, magtanggap, maghatid ng mga kaalaman at higit sa lahat ay makikipagkapwa-tao. Kung wala ang

wika, marahil pumanaw na rin ang sibilisasyon. Ang pakikipagtalastasan o komunikasyon ay napakahalaga sa buhay ng

bawat tao. Anumang wika ang gamitin mo ay magbibigay ng pagkakataon upang makipagpalitan ng ideya, impresyon,

mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang bagay. (Cruz, 1978) Ayon kay Angelita A. Binsol (1999), ang komunikasyon

ay proseso sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng damdamin. ⠀œSa pamamagitan na

komunikasyon, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling

wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan.⠀ Sa ikapitong kabanata ng El

Filibusterismo na akda ng ating pambansang bayaning si Gat Jose Rizal Para kay dalubwika Sanchez, A.R.(1982) Sa

pakikipagtalastasan o pakikipag-komunikasyon ay madali tayong makakakita ng kaibigan. Nalalaman natin kung ano ang

kanyang katauhan, mga suliranin, mga kalungkutan mga hilig, mga ayaw at gusto sa buhay. Habang nalalaman natin ang

maraming bagay tungkol sa kanya ay higit tayong napapalapit sa isa⠀™t isa. Ang hindi pag-uusap ng dalawang taong

magkasama ay nagbubunga ng paghihinala sa bawat isa. Kung ipagpapatuloy nila ang hindi pag-uusap, ang paghihinala

ay lumalaki. . .hangang mawalan ng tiwala sa bawat isa. Isa sa mga pinakadakilang tuklas ng tao ang komunikasyon.

Kapag inalis ito, para na nating pinahinto ang ikot ng mundo. Kumikilos ang tao dahil sa bisa ng komunikasyon. Dahil sa

paghahatiran at pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin ng tao, nagaganap ang mabuti at di

mabuti na siyang pinagmumulan ng pag-unlad ng pamumuhay ng tao. (Mariano;2000) Daan ng tagumpay ng isang tao,

pangkat nga mga tao, kaunlaran at katahimikan ng daigdig at pambansang kaligtasan, ang mabisang komunikasyon. Ang

pagtuklas sa iba’t-ibang larangan pati na ang kalawakan ay saklaw ng komunikasyon kaya⠀™t ang mga bansang may

maunlad at mabisang paraan ng komunikasyon ay higit na progresibo kaysa sa mga bansang huli sa bagay na ito.
(Gregorio, J.M.; 1998) Ayon kay (deVito, 1997), ang komunikasyon ay may malaking papel sa inyong personal at

propesyonal na buhay at ang kadalubhasaan nito ay makakaimpluwensiya kung papaano mo isasabuhay ang iyong buhay

ng epektibo. Ayon naman kay Pineda, isang manunulat, mahalaga ang komunikasyon sa lahat ng propesyon. Ginagamit

ito ng mga doktor upang maipaalam sa atin ang ating sakit at kung ano ang karampatang lunas dito. Ang pananalita ang

ginagamit ng guro kung siya ay nagpapaliwanag tungkol sa mga aralin. Ito rin ang ginagamit ng ating mga magulang, mga

pari at ministro kung sila ay nangangaral. Ito rin ang ginagamit ng mga hinahangaan nating mga artista sa TV, radio at

pelikula upang tayo ay maaliw. Ito ang ginagamit ng mga pulis kung itinuturo sa atin ang tamang daan kung tayo ay

naliligaw. Mga tindero, kundoktor, drayber, sapatero, kaminero, mekaniko, piloto, abugado at lahat na ay kailangan ng

pakikipagtalastasan. Nabanggit naman ni Lapuz, isang matagumpay na negosyanyte, sa isa sa mga panayam niya sa isang

kilalang lathalain na, “Kailangan ang mahusay na pakikipagtalastasan sa alinmang negosyo upang magkaunawaan ang

nagbebenta at mamimili. Sa ganitong paraan malaki ang garantiya na magiging matagumpay ang napili mong

negosyo.” Sinabi din ni dalubwika Atienza at Sauco (1994) Mabubuhay ang tao sa panahon ng pagbabagong-

panlipunan, pampulitika at pangkabuhayan. Ang kakayahang makipagkomunikasyon nang mabisa ay isa sa mga salik na

makakatulong sa atin upang makibagay sa mabilis na pagbabago ng buhay at sa panahon ng globalisasyon. Napatunayan

na pitumpu hanggang pitumpu’t limang bahagdan ng masiglang oras ng tao ay nailalaan sa pakikipagtalastasan.

Ito’y isang sitwasyong nararapat harapin sa araw-araw na buhay, ang pakikipagtalastasan. Kinakailangang maging

mabisa ito upang maging normal ang pakikisalamuha natin sa mga taong makakatagpo sa lahat ng dako: sa tahanan,

simbahan, opisina, palengke at iba pa. Ang sinumang naghahangad na maigapang ang sarili sa lipunang ginagalawan ay

gumagamit ng komunikasyon. Ang tagumpay at kabiguan, ang hinaharap ng tao ay nakasalalay sa paraan ng kaniyang

pakikipagkaunawaan. Ayon kay Maslog (2007), ang komunikasyon ay nagbibigay ng mga impormasyon kung saan ito

ang pinagbabasihan ng mga desisyong pampulitikal ng ating mga pinuno. Gaya ng ating paghinga, ito ay bahagi ng buhay

ng tao kung kaya’t sinasamantala natin ito at hindi ipinagsasawalang bahala. Ito ay nangyayari at naipapakita kapag

ang isang tao ay nakikinig at kapag ang tagapakinig at tagapagsalita o ang manunulat at mambabasa, ay nag-uugnay ng

magkaparehas na kahulugan sa mga salitang ginamit nila. May tatlo na pangunahing halaga ang komunikasyon at wika

ayon kina Aragon at Ril. Una ay ang mabisang paggamit ng komunikasyon ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan ng tao sa

kapwa. Maipahayag at mangyari ang ano mang minimithi o pangangailangan natin; kung masasabi natin ang ating mga

naiisip, ng ating mga damdamin, at karanasan. Ikalawa, walang pagpapalitan ng kaisipan at walang pagkakaisa ang mga

tao kung wala ang komunikasyon: pasulat o pasalita man. Nabubuklod ang bayan at ang tao dahil sakomunikasyon at
maaring gamitin sa pakikihamok, pakikipaglaban, pagpapahalaga at pagtitipon. At ikatlo ang ating naririnig, napapanood

ay nagdudulot sa atin ng mga damdamin nagpapaiyak, nagpapatawa, nagpapainis at nagpapaawa. Ito ay tinatawag nating

nagpapagana at lumilikha ng imahinasyon at maaring magsimula, magbuo ng kaisipan, makaimbento, makalinang na 

pakikinabangan ng sangkatauhan. Dapat nating tandaan na ang wika ay isa sa pinakanatatanging bunga ng katalinuhan ng

tao. Nararapat lamang na ito’y gamitin sa matalino at masining na paraan upang maunawaan ng iba sa

pakikipagtalastasan. Huwag tayong matakot sa wika. Ito ay atin upang gamitin sa pakikipagtalastasan. Ito ay

makakatulong at hindi makakasagabal sa tao. Makakatulong ito sa ating paggawa, pakikipagkapwa at sa lahat ng Gawain;

makapagdaragdag ng kaligayahan sa bawat minuto ng buhay. Naghahatid ito ng ideya sa iba at sa kanilang mga ideya sa

iyo. Ito ang iyong kintawan. Ito ay kung sino ka. Ito ay ikaw. (Papa, 1987) KONKLUSYON Samakatuwid, sa kabuuan ay

masasabing ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na

kinasasangkutan ng magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa. May nagsasalita man kung walang

nakikinig at umuunawa ay walang nagaganap na komunikasyon.

RECOMMENDED

You might also like