You are on page 1of 4

NORTHWESTERN MINDANAO CHRISTIAN COLLEGES INC.

Tudela, Misamis Occidental


S.Y. -2019-2020

LEARNING PLAN

Subject: Filpino
Guro: Moren S. Rama
Quarter Topic: Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
Unang Markahan

Pamantayan Pangnilalaman:
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.
Pamantayan sa Pagkatuto:
 Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
 Naisasagawa ng mag-aaral ang mga malikhaing gawain gamit ang differentiated instruction batay sa paksa.
Kasanayang Pagkatuto:
A. Pag-unawa sa Binasa:
 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar sa bansa.
 Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda.
 Naiisa-isa ang mga element ng maikling kuwento mula sa Mindanao.
 Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan.

B. Pag-unawa sa napakinggan
 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan.
 Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sat ono at paraan ng kinilalang pananalita.
 Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.
 Nailalarawn ang paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng mga tao batay sa dulang napakinggan.

C. Paglinang ng Talasalitaan
 Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap.
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda.
 Natutukoy at naipaliliwanag ang kawastuan/kamalian ng pangungusap batay sa kahulugan ng isang tiyak na salita
Panitikan:
 Nakikilala ang mga akdang pampanitikan na sumasalamin sa Mindanao.
 Nasusuri ang mga ideya at pangyayari sa isang akda.
 Naibahagi sa klase at naiugnay sa tunay na buhay ang mga aral sa akda.
 Nakagagawa ng mga malikhaing gawain gamit ang differentiated instruction.
Pagsulat:
 Naisusulat ang buod ng binasang akda nang maayos at pagkakasunod-sunod.
 Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhang nagsasalita
at kumikilos sa kuwento.
 Naisusulat ang mga tauhan sa akda at ang katangian nito gamit ang iba’t ibang graphic organizer.
Pagsasalita:
 Naibabahagi sa klase ang sariling pananaw at saloobin ukol sa nabasang akda.
 Naitatanghal ang isang maikling dula.
 Naisasalaysay ng maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Gramatika:
 Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad.
 Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay ng ginagamit sa pangyayari ( sapagkat dahil atb)
 Nagagamit ng wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag atb.)
Palipat na Tunguhin:
 Nakagagawa ng maikling dula, nakasusulat ng sariling akda, nakabubuod at nakapagsunod-sunod ng mga pangyayari sa
akdang binasa gamit ang iba’t ibang graphic organizer.
Mahalagang Tanong:
 Ano-ano ang mga akdang pampanitikan na sumasalamin sa Mindanao?
 Ano ang magiging epekto nito sa damdamin ng tao?
 Paano ito sumasalamin sa Kaugalian at kalagayang panlipunan sa kasalukuyang panahon?

Mahahalagang Pag-uunawa:
 Nahihinuha ng mag-aaral ang kahalagahan ng mga akdang pampanitikan na ipinamana sa atin ng mga katutubo.
 Nauunawaan ng mag-aaral kung ano ang magiging impluwensya nito sa kaugalian ng tao at kalagayang panlipunan.

STAGES ACTIVITIES
Mahahalagang Pag-uunawa:
 Nahihinuha ng mag-aaral ang kahalagahan ng mga akdang pampanitikan na ipinamana sa atin ng mga
katutubo.
 Nauunawaan ng mag-aaral kung ano ang magiging impluwensya nito sa kaugalian ng tao at kalagayang
panlipunan.
Mahalagang Tanong:
EXPLORE  Ano-ano ang mga akdang pampanitikan na sumasalamin sa Mindanao?
 Ano ang magiging epekto nito sa damdamin ng tao?
 Paano ito sumasalamin sa Kaugalian at kalagayang panlipunan sa kasalukuyang panahon?

Gawain 1: (Ala-ala sa Kanya)


Ipatala sa klase ang mga naganap sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Tutuklasin ng mga mag-aaral kung anong klase ng panitikan ang umusbong sa Pilipinas bago nasakop at
habang nasasakop ang bansa ng Espanyol.
Gawain 2: (Puno’t Dulo)
Kikilanin ng mga mag-aaral ang Kaligirang Pangkasaysayan ng mga Akdang Pampanitikan ng Mindanao
FIRM UP sa pamamagitan ng madetalyeng “Sequential Chart”.

Gawain 3: ( Lubos na Pagkilala)


Pagkilala sa mga akdang pampanitikan at ang may-akda nito.

Gawain 4: (Dinggin ang ibig sabihin)


DEEPEN Tatalakayin at susuriin ang detalye ng mga akda.
Sasagot ang mga mag-aaral sa mga tanong.
1. Ano-ano ang mga akdang pampanitikan na sumasalamin sa Mindanao?
2. Ano-ano ang magiging epekto nito sa damdamin ng tao?
3. Paano ito sumasalamin sa Kaugalian at kalagayang panlipunan sa kasalukuyang panahon?
Mahalagang Pag-uunawa:
 Nauunawaan ng mag-aaral kung ano ang magiging impluwensya nito sa kaugalian ng tao at kalagayang
panlipunan.

Gawain 5: Malikhaing Gawain


PALIPAT NA 1. Maikling Dula
TUNGUHIN 2. Grapikong Dayagram
3. Repleksiyon

You might also like