You are on page 1of 29

KONSEPTO NG WIKA

Inihanda ni: RIZA LACERNA Ed.D.


ILANG TALA UKOL SA WIKA
MGA KONSEPTO

A. Tungkol sa gramar/balarila
Laging may context of situation ang
bawat pagbuo ng kahulugan (act of
meaning). Upang maganap ang
komunikasyon laging kailangan na ang
nakapaloob sa interaksyon ay makalikha
ng matalino at nakabatay sa
impormasyong mga haka sa kung anong
uri ng mga kahulugan ang maaaring
magpalitan. (tinatawag itong semiotic
structure of the situation).
MGA KONSEPTO

 Nakapaloob sa gramar ang:


1. Field of social process (kung ano ang
nangyayari)
2. Tenor of social relationships (sino
ang mga sangkot)
3. Mode of discourse (sa anong bahagi
ng isinasakatuparan ang teksto-
pasalita o pasulat ba? Anong modang
retorikal?)
MGA KONSEPTO

B. Ang pagbuo ng kahulugan ay ang


mismong pagkakataon sa paglikha ng
kahulugan (instance of meaning) na
hinubog mula sa di natatapos na
pagpapakahulugan (potensyal na mga
kahulugan/pagpapakahulugan) na
pagsasalamin sa mundo at
interaksyon dito (kasama ang iba
pang salik).
MGA KONSEPTO

D. Para kay Halliday:


 Isa lamang set na penomena ang langue at
parole
 Langue-ang sistemang lingguwistiko
(linguistic system) na naiiba sa parole.
 Parole-ang linguistic instance na
kinukuha/inaangkin ng tagapagmasid.
 Ang langue ay parole na tinitingnan mula
sa isang distansya-potensyal ng
pagpapakahulugan/kahulugan
MGA KONSEPTO

 Ang potensyal ng kahulugan/


pagpapakahulugan ang nagbibigay
katangian sa sistema ng lahat ng
pagbuo ng kahulugan. Ipinapahiwatig
nito ang pagbuo ng kahulugang
nakabatay sa pangkat--ang maituturing
na social-semiotic milieu kung saan
nagaganap ang mga praktis semiotika
(sa pagbuo at pag-intindi sa mga
kahulugan).
MGA KONSEPTO
E. Ukol sa lengguwahe/wika at
lingguwistika
 Sa bawat wika matatagpuan ang
pagmamasid at panghihimasok sa
lipunan/komunidad; bawat pagbigkas
(utterance) ay laging ideational ang
kahulugan, ibig sabihin nito,
nakaugnay ito sa mga proseso at mga
bagay na nasa real na mundo; at
interpersonal ang kahulugan, ibig
sabihin, nakaugnay sa mga papel at
atityud (aktitud) na inampon at
itinakda sa nagsasalita.
MGA KONSEPTO

 Ang semantika ay tumutukoy sa mga


kahulugan ng mga salita at parirala.
Nakaayos ito ayon sa dalawang
tuon/pokus-pagsalamin at pagkilos. Sa
mahigpit nitong pagkakaayos, maaari
itong kumatawan bilang metapora para
sa kultura
 Kultura-(construct ng dalawang
kapaligiran-ang likas/kalikasan/natural
at ang lipunan)
MGA KONSEPTO

 Ang sistemang sosyal/panlipunan ay


nakapaloob sa likas o natural gayundin
sa mga simbolong behebyoral.

 Semiotika- ang pag-aaral ng mga


simbolo bilang elemento ng behebyor
na komunikatibo; pagsusuri sa mga
sistema ng komunikasyon-lengguwahe,
muwestra (gestures) at pananamit.
Mga konsepto 2: Proseso ng pag-
angkin ng wika/lengguwahe
(language acquisition)
A. Ang lengguwahe –sanggol/sa
pagkabata (early childhood)
 Proto lengguwahe (proto language
)ay wika ng bata (child tongue)--
nilikha ito ng bata sa kanyang
interaksyon sa kanyang ina o
tagapag-alaga na paglaon ay
tutungo sa transisyunal na antas
(wika ng ina/mother tongue)
Mga konsepto 2

 Wika ng Ina (Mother tongue)-ang semiotika ng mga pangunahing


kamalayan; walang leksikogramar (walang istruktura at salita). Ang mga
elemento nito ay mga simple pa ring sign bilang ekspresyon subalit hindi
magkakahiwalay na elemento. Pumapasok ito sa systemic contracts sa
loob ng mga tiyak na dominyong functional. May apat na dominyo (micro
functions):
1. Instrumental (goods-and-services)
2. Regulatoryo (manipulating others)
3. Interaksyunal (exchanging attention)
4. Personal (manifesting own effective states)
Mga konsepto 2

 imaginative (playing and


imagining)-kasama sa ikalawang
yugto ng pagkalinang ng wika
(heuristiko “bakit”; imahinatibo
“paglikha ng mundong kathang-
isip”; representasyon/impormatibo
“wika ng
matanda”;”nakapapanindigan sa
pahayag”
Mga konsepto 2

 Ang protolinguwistikong tagasagisag ng


mga bata ay nakasalalay sa paglikhang
kaya nilang maisagawa (perform) at
makipagpalitan ng kahulugan sa
kasalamuha nila.

 Nakasalalay din sa tinatawag na


imitasyon (pero hindi dapat na
gamiting batayan ang adult speech sa
imitasyon dahil ang proto language ay
hindi pa reperensyal
Mga konsepto 2

 Ang functionality ay intrinsiko sa


sistema-naririyan na sa gramar
 Ang semiotika o ang pagbuo ng
kahulugan ay nagsasangkot sa
nilalaman (content) at ekspresyon
(expression).
Mga Konsepto 3-
ilan pang mga termino
A. Dayalekto/dayalek-varayti ng
wikang nalilikha ng
dimensyong heograpikal,
nagpapakita ito ng
pagkakaiba-iba sa loob ng
isang wika na maaaring batay
sa tono, punto o leksikon ng
mga taong gumagamit nito
MGA KONSEPTO 3

B. Idyolek-bawat tao ay
mayroong kakaibang paraan
ng paggamit ng wika.
Maaaring hindi siya malay dito
ngunit mayroong indibidwal
na pagkakaiba ang mga tao sa
pagsasalita at paggamit ng
wika
MGA KONSEPTO 3

C. Sosyolek-wikang ginagamit ng bawat


partikular na grupo ng tao sa lipunan na
maaaring magkaiba-iba ayon sa
hanapbuhay, gawain, edad, seks,
kasarian, at estado sa buhay.
D. Register-partikular na gamit ng wika sa
iba’t ibang sitwasyon
MGA KONSEPTO 3

E. Pidgin-wikang umusbong bilang


resulta ng kadahilaanang praktikal.
Wala itong katutubong tagapagsalita
ngunit nalilinang dahil sa patuloy na
paggamit.
F. Creole- nalinang na pidgin at
nagkaroon ng katutubong
tagapagsalita
G. Bilingguwal-ang tawag sa isang taong
may kakayahang makaunawa at
makapagsalita ng dalawang wika.
MGA KONSEPTO 3

H. Varayti-ang pagkakaiba-iba sa
loob ng isang wika na maaaring
batay sa heograpiya o panlipunang
aspekto.
I. Diglosia-isang sitwasyon kung saan
may dalawang napakaibang
varayti ng wika at mayroong
tinitingnan bilang mas mataas na
varayti kaysa ibang varayti.
MGA KONSEPTO 3
J. Tenor-pormalidad ng istilo ng
pananalita batay sa mga kultura o
participant nito.
K. Istandard na wika- wikang
itinatakda bilang siyang wasto.
Karaniwang pinakagamit sa mga
institusyong panlipunan;
pinananatili at pinupuro sa
pamamagitan ng mga akademiya.
MGA KONSEPTO 3

L. Kultura-mga gawi o aktibidad o


paniniwala ng mga tao sa isang
komunidad o lipunan na
naipapasa sa mga henerasyon.
M. Lipunan-mga tao na
namumuhay nang sama-sama na
binubuklod ng isang kultura o
ideolohiya. (Enriquez)
Ilan pang popular na
lingguwista/teorya at paliwanag ukol
sa wika
C. Saussure: nagkakaroon ng
kahulugan ang mga salita sa sistema
ng wika sapagkat ang mga posisyon
at gawain nila ay nagmumula sa
kanilang pagkakaiba. (halimbawa-
bata sa pata; labi sa gabi).
Tinatawag itong system of
difference). Walang salita na
itinakda ng tadhana. (Reyes, 1992)
Sulating akademik – pormal na
sulatin o akdang isinasagawa sa
isang akademikong institusyon o
unibersidad sa isang partikular na
larangang akademiko. Hal.,
pananaliksik sa Pisika; Report ng
Pananalisik sa laboratory sa
Sikolohiya, Komparatibong
Literatura, atbp.
Kakayahang Sosyolinggwistik
– Kakayahang pangkomunikasyon na
naipapakita sa pamamagitan ng
kaalaman sa angkop na gamit ng wika
nang naayon sa sino ang kausap, ano
ang pinag- uusapan, paano, kailan,
saan.
Kakayahang Linggwistik
Kakayahan at kaalamang
pangkomunikasyon na
naipapakita sa kasanayan sa
gramatikal o istruktural na
paggamit ng wika;
Kakayahang Istratedyik – Kakayahang
pangkomunikasyon na naipapakita sa
kaalaman sa angkop, wasto at mabisang
istratehiya upang magpatuloy ang
komunikasyon sa kabila ng problema o
aberya (hal., nalimutang salita, paksa, di-
alam na impormasyon, atbp.).
Naisasagawa ito sa pamamagitan ng mga
cohesive devices.
Kakayahang Diskorsal –
Kakayahang pangkomunikasyon
na naipapakita sa kasanayan at
pagpapahayag ng idea sa loob
ng isang kontekstong pasulat,
pasalita, biswal, at birtwal;
hal., interbyu
SANGGUNIAN

Enriquez, Althea. Teacher’s Guide Para sa Isports Track, Department Of


Education, 2016.
Maggay, Melba P. Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyong Filipino.Quezon
City: Ateneo de Manila University Press, 2002.
Reyes, Soledad S. Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya sa Epektibong
Pagtuturo ng Panitikan.Pasig City: Anvil Publishing,1992.
Webster, Jonathan (ed.) The Essential Halliday. London: Continuum
International Publishing Group,2009.

You might also like