Professional Documents
Culture Documents
Mito, alamat, at mga bugtong, mga testimonya sa korte, talumpating pampolitika, mga elehiya, at
mga salitang ginagamit sa pamamaalam, bahagu ng gusto niyang malaman ay kung paano nagkakaiba-
iba ang wika ng mga ito sa iba’t-ibang kultura.
Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikang komunidad ng
gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin.
Pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, maipabatid ang tamang mensahe.
Ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika o gramatikal upang
epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.
Ito’y ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga tuntunin nito ( Shuy 2009 )
Shuy - Ito’y ang wika kung paanong ginagamit ang wika at mga tuntunin nito
Sa mga silid-aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika. Gayunpaman, kung ang magiging tuon
ng pagkatuto ng wika ay para lang maituro ang kayarian o gramatika ng wika tulad ng mga bahagi ng
pananalita, bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya at ibang teknikal na aspekto ng wika.
Canale at swain ( 1980-1981 ) Tatlong component silang iminungkahi. Ang mga ito’y ang kaalaman at
kakayahang gramatikal, sosyolingguwistiko, at istratehiya. Kakayahang sosyolingguwistiko para mabuo
ang ikaapat na component, ang kakayahang diskorsal.
Nagpasimula ng framework o modelo kung saan ginamit ang apat na component
Pagpapalawak
ng pangungusap
Napipili ang mga angkop na salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa
kausap,pinag-uusapan,lugar, panahon,layunin at grupong kinabibilangan
3. Pinipili ng nagsasalitang huwag na lang sabihin ang kanyang intensiyon dahil sa iba’t ibang
kadahilanan tulad nang nahihiya siya, at iba pa.
Narinig at naunawaan
Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon
Dell Hymes - Magiging mabisa ang komunikasyon kung ito ay isasaayos. Pagsasaayos ng komunikasyon
S- (Setting)- Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao. Mahalagang
salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga tao. Katulad ng pananamit, ikino-consider ang lugar na
pinangyarihan ng pakikipagtalastasan upang maiangkop ang paraan ng ating pananalita.
Hal: Kapag tayo ay nanonood ng isang pormal na palatuntunan, hindi tayo nakikipag-usap sa
ibana parang tayo ay nasa kalsada lamang o nasa isang kasayahan.
P-( Participant )- Ang mga taong nakikipagtalastasan. Isinasa-alang-alang ang ating kausap upang
pumili ng paraan kung paano siya kakausapin. Hindi natin kinakausap ang guro sa paraang ginagamit
natin tuwing kausap ang ating mga kaklase o kaibigan.
E- ( Ends )-Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng konsiderasyon ang pakay o
layunin sa pakikipag-usap. Hindi ba’t kung tayo ay hihingi ng pabor ay gumagamit tayo ng paraan na
nagpapakita ng pagpapakumbaba?
A-( Act sequence )- Ang takbo ng usapan. Bigyang-pansin ang takbo ng usapan. Minsan ay nag-
uumpisa tayo sa mainit na usapan at kapag mahusay ang nakikipag-usap ay madalas ito humahantong sa
mapayapang pagtatapos.
K- ( Keys )-Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-alang ang
sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di pormal. Wala makagugusto kung mga salitang balbal ang
gagamitin sa isang pormal na okasyon.
I- ( Instrumentalities )-Tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat. Dapat isaisip ang midyum ng
pakikipagtalastasan. Iniaangkop ang midyum na gagamitin sa kung ano ang sasabihin natin at kung saan
ito sasabihin.
N- ( Norms)- Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. May mga
sensitibong bagay na kung minsan ay limitado ang ating kaalaman. Sa mga ganitong sitwasyon, suriin
muna kung ang ilalahad ay tama o hindi. O may paksang ekslusibo.
Pag-unawa batay sa pagtukoy sa sino, paano,kalian, saan, bakit nangyari ang sitwasyong komunikatibo
Ang pagsaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang impormasyong pinag-
uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Isinasa-alang-alang ang kontekstong sosyal ng isang
wika.
• Paano nakikita kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibong sosyolingguwistiko?
Fantini ( 2004 ) Isang propesor sa wika. Salik-panlipunang dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika,
ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar at iba pa.
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino (Kakayahang Pragmatik at Istratedyik)
Tagabigay ng intepretasyon -> Mensahe -> Tagabigay ng Impormasyon -> Mensahe (Siklo)
2. Ekspresyon ng mukha ( Pictics )- Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang
mensahe ng tagapaghatid.
4. Vocalics- Ito ay ang pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
6. Proksemika ( Proxemics )- Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap. Iba’t ibang uri ng
proxemic distance: Una, ang pag-uusap na intimate 0 hanggang 1.5 feet. Ikalawa, sinasabing personal ang
pag-uusap 1.5 hanggang 4 feet ang pagitan. Ikatlo, kapag 4 hanggang 12 feet ang pagitan o Social distance
.Ikaapat ay tinatawag na public kung saan ang pagitan 12 feet nagtatalumpati.
7. Chronemics- Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paano ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Job
interview
Layunin nitong magdedebelop ng mga epektibong komunikatibo. Natutukoy nito ang kaugnayan
ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto. Kakayahang pragmatik
Ang Istratedyik ay ang kakayahang magamit ang verbal at di verbal na mga hudyat upang
maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o
mga puwang (gaps) sa komunikasyon.