You are on page 1of 6

FRIDAY, MAY 12, 2006

Media at Kulturang Popular (Introduksyon sa Plaridel Journal)


Media at Kulturang Popular

Malaki ang papel ng media sa pagpapalawak at pagpapalalim ng


kulturang popular. Hindi nga bat hindi magiging popular ang kulturang
popular kung walang media na nagbibigay katangian ng mass
(pangmalawakan, lalo na sa hanay ng underclass), mediated (pinatagos
at intervened ng media) at overdetermined (kay Althusser na konsepto
ng interrogated ng mga aparato ng estado, kung saan ang media ay may
malaking bahagi dito)?

Matingkad ang media sa pag-unawa kung paano gumagana ang


kulturang popular. Ang media ay ipinopostura bilang egalitaryo, may
misyon at serbisyo ang pangunahing layunin. Sinasambit ng media na
para ito sa paghahatid ng balita at programang walang pinapanigan.
Walang self-reflexivity ang media dahil tila hindi nito pinag-uukulan ng
interes ang sarili gayong wala naman talaga itong layunin, tulad ng
kalakaran sa negosyo, kundi kumita. Nagbabalita ito para kumita,
nakikipagkapwa-ko-mahal-ko para kumita, umuugnay sa mga kapusot
kapamilya para kumita. Ginagawa ang pagkita na tila nanunuluyan sa
mamamayan at sambayanan, kaya paratihan, may periodikong serbisyo
publiko ang media lalo pa sa pahanon ng likhang taot kalikasan na
disaster. Hinihimok tayong magbigay sa mga nasalanta ng bagyo at
pagguho ng mga kabundukan kahit pa walang paghihimok na tumulong
sa pagsasakdal ng mga salarin gayong nasa puwesto naman para gawin
ito.

Itinatago ng industriya ng media ang kanyang sariling interes sa


pamamagitan ng paglalatag ng mga misyong pangkorporasyon, tulad ng
in the service of the Filipino people. Kagyat tayong ginagawang poder
ng paglilingkuran at hinihimok tungo sa mabuting pagkamamamayan.
Serbisyo-publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyong
makakapagpadesisyon sa mamamayang manonood-tagapakinig-
tagapagtangkilik tungo sa ikabubuti ng kanilang panlipunan at historikal
na posisyon. Minamaso ang serbisyong ito na tila nga ba hindi
nakakawing sa pangunahing interes ng industriya ng negosyo. Sa
kasalukuyang punto ng ating pagtunghay sa telebisyon, ang balita ay
nagiging infotainment, kumpleto sa music track sa pagdulog ng
pinakamarahas na karanasan sa krimen, kawalang-katarungan at
kahirapan. Ibinebenta ang mga tagapaghatid ng balita bilang mga
personahe ng showbiz, at ang mga ito may ginagawang endorsers na
manghihimok sa odyens na tumangkilik ng mga produkto.

Ang balita ay nagiging showbiz at ang showbiz ay nagiging balita. Tila


mas naninikip ang mga dibdib ng mga tao sa proliferasyon ng sex videos
nina Piolo Pascual at Ethel Booba kaysa sa 66 na pinatay na peryodista
simula pa 1986 at 49 na aktibistang lider ng mga progresibong
organisasyon simula noong 2001. Ang korporasyon na nagpasikat sa
mga personahe sa multi-media na telebisyon, pelikula, publikasyon,
musika at radyo ay siya ring gumagawa sa mga naturang personahe
tulad ng 24 oras na serbisyo ng pandesal de pugon--bilang pinakamainit
na balita. Sila na may kontrol sa industriya ang siyang may hawak ng
mga ibat ibang pinto nitomula sa sandamakmak na aspirants ng star
searches hanggang sa grupong exklusibong humahawak ng kanilang
training, hanggang sa drama serye, noontime show at gameshows na
kanilang lalahukan, hanggang sa recording studio na maglalabas ng
kanilang album at magtitiyak ng kanilang promotion sa mga fiesta, mall
at bar tour, hanggang sa may dambahin ang masa bilang natatangi. At
ang kawawang Cinderella/o, pupulbusin ng mismong korporasyon ang
mahabang maigsi nitong komersyal na buhay hanggang sa marami sa
kanila ang matira na lamang sa laylayanmga labi at latak ng naunat
nagtangka, nagtagumpay pero hindi lubos, tinangkilik sa isang partikular
na panahon at pangangailangan ng fans at mamimili.

Ang interarktibong partisipasyon ng fans, personahe at korporasyon ay


nagtitiyak na ang fans ay hindi lamang mga sekular na relihiyoso kundi
mga mamimili, ang artista bilang komersyal na santo at ang korporasyon
bilang dambana ng pangangailangan, pananalig at pag-asa. Sa bawat
pagtext sa Debate, pagpila ng kontestant at papili ng home partner, sa
direktang pag-adres ng tagapaghatid ng balita, tinutunghayan ang
manonood bilang hayagang kinakausap para mamili (to choose at to
shop), na kakatwa ang salita dahil sabayan nitong natuhog ang dalawang
akto na kalahok sa serbisyo-publiko ng media. Namimili tayo ng
impormasyon na papaniwalaan, papanigan, paninindigan, at sa
maraming pagkakataon, tila at aktwal na ipagpapatayan.

Sa huling usapin, hindi naman nagsisinungaling ang media kapag


sinabing serbisyo ang hatid nito. Bahagi ang media ng sektor ng serbisyo
(service sector) na nagbibigay-diin sa mga negosyong hindi lumilikha ng
produktong yaman kundi ng finansyal na yaman. Kabilang sa sektor ng
serbisyo ang entertainment, hotel at turismo, fastfood at retail,
edukasyon at kalusugan. At sa hampas ng neoliberal na globalisasyon,
ang lahat ng serbisyong kalahok nito ay unti-unti nang binubuksan para
sa kompetisyon at partisipasyon ng mga higanteng manlalaro.

Ang dulot ng lahat ng kaganapan sa media ay ang konstruksyon ng afekt


o dating na nagbibigay-diin sa panggitnang uring konsumeristang
identidad. Sa aking palagay, ang usapin at identidad ng
pagkamamamayan (citizenship) ay pumapailalim na lamang sa mas
binibigyan ng importansyang identidad ng konsumerista. Ang mabuting
mamamayan ay sa unang usapin, mabuting mamimili. Ang papel ng
ganitong media ay para bigyan ng paglilimian at pagpipilian ang
mamimili kundi man para makapamili ito o maging mulat man lamang
sa aspirasyon ng posibilidad. Lumilikha ang media ng dating ng pag-asa
para sa konsumeristana kahit wala siyang kakayahang bumili ng
pinakabagong modelo ng cellphone ay magiging mulat naman siya sa
pamamagitan ng malawakang direkta at pisan na marketing sa
kaalamang mayroon nang modelo at produktong hihigit pa bago pa man
siya makabili ng kanyang maaabot-kaya. Ginagawang abot-tanaw ng
media ang pangarap tungo sa posibilidad na akses sa komoditi.

Tayo na mamimili ay overdetermined naman ng aparato ng media


katuwang ang iba pang ideolohikal at represibong aparatoang ating
pagkatao. Sa pang-araw-araw na seduksyon ng media, tulad ng pang-
araw-araw na aktibidad ng malling at panonood ng sine, ginagawang
plebisito ang kumpiyansa sa ating panggitnang uring konsumerista at
postmodernong pagkatao. Tila tayo nag-eehersisyo ng ating karapatan
para sa impormasyon at pamimili gayong lahat ng ating kalistenikong
pag-eensayo sa konsumerisopati na rin ng liberal na demokrasyaay
humahantong, sa huling usapin, sa pagtataguyod ng negosyong interes
ng media.
Iisipin ng mambabasa nitong introduksyon na napaka-party pooper ko
naman gayong kay raming ligayang handog ng pagtunghay sa mga
texto-produkto ng media. Hindi naman maitatatwa ang katangiang ito ng
medianakakapanghalina ang seduksyon ng konsumerismo at
liberalismo. Ang saya-saya ng mundo ng showbiz na kasalukuyang
nagbibigay ng lehitimong akses sa iba pang tradisyunal na pag-aaring
kapitallupa at finansyal na yaman, maging ng edukasyon. Kung
maganda ang pangangatawan at makinis ang mukha, kung batat may
determinasyon, ang pag-aartista sa pangunahin at pagmomodelo,
pagiging beauty queen o bikini winner, maging ang pagiging
pinakamagaling na a-go-go o macho dancer sa mga pipitsuging bars, sa
sekundaryo ang panibagong pasaporte sa aspirasyon ng panlipunang
mobilidad. Paano ko ito itatatwa sa napakaraming umaasang makilahok,
maging bahagi at maging integral?

Nakakalungkot na aminin na labas na ito sa poder ng kritikal na pag-


aaral ng media. Ang media advocacy ay kinakailangan ng paglahok sa
mga aktwal na industriya ng media. Ang puwang sa edukasyong media
ay ang paglalatag hindi pa ng fundasyon dahil hindi naman kohesibong
infrastruktura ang pag-aaral ng media o ang tertiaryong edukasyon,
kundi ng pagtatanim sa puwang ng mismong infrastruktura sa
alternatibong kakanyahang panunuri o kritikalidad sa mismong
operasyon at praxis ng media, kasama ng napakaraming nag-aaral para
maging media practitioners rito. Sa isang banda, magkahalintulad na
spero ang media at edukasyon dahil mayroon itong kakanyahang maging
pro-active sa transformasyong panlipunan. Tinatanggap ang mga debate
sa loob at katuwang na labas ng mga sperong ito gayong sa huli, hindi
naman talaga nababago ang substansya ng mundo ng sperong ito. Pero
may nababago at may mababago kahit paanoito ang pananalig kaya
marami pa rin ang nakikibaka mula sa loob nitong spero. Sa kabilang
banda, ang produksyon ng impormasyon at kaalaman mula sa mga
sperong ito ay nagtitiyak, higit sa lahat, ng substansasyon ng
hegemoniya ng parehong naghahari at pinaghahariang uri.

May tasitong pagtanggap na ang sperong intelektwal ay kapital na


kayang bilhin at ipamili ng may hawak na aktwal na kapital. Pero wala
namang mundo na nasa labas ng mga magkakasalikop na sperong ito.
Ang pagbabagoradikal at reformismo manay nangangailangang
isaalang-alang ang intrinsikong hegemonikal na katangian ng mga spero.
Kaya ang kakanyahan ng edukasyong media ay ang pakikipagtunggali sa
mismong refleksyon at representasyon nito: na ang texto-produkto ng
media, sa kasalukuyang antas ng negosyong media, ay matutunggali
lamang mula sa labas nito, sa edukasyong media na ang kinakausap ay
hindi ang mismong negosyo ng media kundi ang itinatanging sektor ng
edukador at skolar sa media.

Ito ang naghahabi ng mga sanaysay na kasama sa espesyal na isyung ito.


Tinutunggali ni Sarah Raymundo ang nosyon ng popular, hinihimay ni
Emil Flores ang nosyon ng Pinoy superhero, binabatikos ni Soledad
Reyes ang AM airwave comradeship, tinatalikdan ni Danilo Arao ang
politikal na kulturang nagpapatanggap sa serialidad ng pagtaas ng presyo
ng presyo ng gasoline, binibira naman ni Ruben Canete ang
konstruksyon ng pagkalalake at urbanidad sa mga billboards ng Bench
underwear, at pinaangat naman ni Shirley _____ ang nosyon ng panahon
sa pelikula ni Lino Brocka sa pagtahak ng transnasyonal na panahon sa
pelikula ng Hong Kong na direktor na si Wong Kar Wai. Sa madali at
mahirap na salita, binibigyan ng kontexto ang pag-unawa sa mga
kulturang popular na karanasan tungo sa pagsisiwalat ng anyo, laman at
substansya ng textualisasyon at komodifikasyon nito.

Bilang isyu editor, nagpapasalamat ako sa mga skolar sa pagtitiwala sa


kanilang mga sanaysay, rebyu, panayam at anotasyon na malathala rito;
sa mga referee na sila man ay humimay sa mga akda sa proseso ng
pagpapabuti ng pag-aangkop ng historikal at panlipunang kontexto; kina
_____ at Berinice _____ at ng Office of Research and Publication ng
College of Mass Communication; at kay Dekano Nicanor G. Tiongson
na hindi lamang nagbigay ng napakahalagang suporta kundi nagpatibay
sa pangangailangan ng gawaing skolarship sa kolehiyo.

You might also like