Para sa pag-aaral na ito, ang kulturang popular ay mayroong sumusunod na katangian:
Ang kulturang popular ay ginagawa para sa kita.
Sa pagpapalaganap ng kulturang popular, walang layuning wagas at dalisay. Hindi ito isang proyekto ni Rosa Rosal. Ang ugat ng pagpapayabong sa kulturang popular ay para kumita Ang kulturang popular ay nililikha para bumenta. Sa katangiang Ito, ang kulturang popular ay isang produkto na may ekonomiyang halaga. Tulad ng ibang produkto, na naikubli na ang lakas paggawa na ipinaloob dito. Integral sa layuning kumita ay ang pagtangkilik ng pinakamaraming target na tao, Sa pagkakaroon ng diin sa serbisyong sektor-entertainment, recreation. Tourism-ng kasalukuyang yugto ng kapitalismo, mas lalong nagkakaroon ng halaga ang kulturang popular sa paglikha ng mga produktong magtataguyod ng ganitong industriya: fastfood, mall, information, hotel, restaurant, pelikula, DVD, finance banking airline at iba pa. Ang kasalukuyang diin ng stratehiyang negosyo ay ang pagpasok ng politikal na kawastuhan sa mga tila taliwas na politika ng malalaking establisimento: proteksyon sa kalikasan ng Caltex, pagsuporta sa musika ng Phillip Morris, pagpapakontest sa panitikan ng Palanca at La Tondeña. Pakontest sa sining biswal at ang pinakamagaling na guro ng Metrobank, anti-droga ng Jollibee, pangongolekta ng mga libro para sa mga library ng SM Foundation, Bantay Bata ng ABS-CBN Foundation, at iba pa. Ang popular na cause ay ginagamit na rin sa pagbibigayprestihiyo sa negosyo
Ang kulturang popular ay transgresibo sa mga kategorya.
Malawak ang sakop ng kulturang popular. Ang henyo ng sistema ay naabot nito ang lahat ng kultural na kategorya. Ang komiks, halimbawa, ay binabasa ng mga uri. Kung maykaya ka. DC o animé comics: kung hindi, Aliwan o Hiwaga ng Atlas Publishing Company. Ito rin ay tinatangkilik ng mga kasarian at sexualidad. Kung lalake, binabasa si Kaptain Barbel bilang superhero o si Dyesebel bilang isang sex objek: kung babae, si Roberta bilang ulila o si Dyesebel bilang “kakatwang babae” na nais bigyan ng maternal na pagmamahal. Kung straight, si Dyesebel ay figura ng pagnanasang maternal at sexual. Kung bakla, si Dyesebel ay figura ng transformasyon ng aberrant o pagbabawal sa katanggap-tanggap. Si Dyesebel ang sirenang nakukuha ang lalake kahit na sa kanyang mala malang estado. Ang komiks ay tinatangkilik ng iba’t ibang politikal na persuasyon- kung hindi mulat, ang komersyal na komiks; kung mulat, ang mga komiks tulad ng Ibon Ekonokomiks at ng iba pang nongovernmental organizations na may hayagang politikal na nilalalaman. Ang komiks din ay tinatangkilik ng iba-ibang edad. Ang mga bata ay naso-socialize sa komiks ng kaklase at cartoons sa telebisyon. Ang matatanda naman ay may nostalgia ng kamusmusan, kaya na lamang patuloy ang trading ng komiks at cards, ang pagbili ng kamusmusan sa specialty stores. Ito rin ang dahilan kung bakit patuloy ang pagtangkilik sa mga antidated na komiks, nagiging collectible items sa hinaharap. Kung gayon. Hindi lamang kultural na kategorya ang nilalampasan ng kulturang popular, maging ang kasaysayan ay sinasaklaw din nito. Ang mga lumang komiks, halimbawa, ay nagkakaroon ng ibang ekonomiya at sentimental na halaga sa parehong henerasyon ng tumangkilik nito.
Ang kulturang popular ay ipinapalaganap sa pamamagitan ng teknolohiya.
Makikilala lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay naipapalaganap. Kinakailangan ng mga teknolohiya para maipaabot ito sa mga tao. Ang teknolohiyang ito ay maaaring media-print, broadcast, film, computer at iba pa. Ito ay maaaring domestikong teknolohiya, tulad ng telebisyon appliance o mga ga na voltage ng imported na appliances. mga branded na damit at sapatos, koleksyon ng anik-anik na nakadispley sa sala o kwarto at iba pa. Ito ay maaaring kultural na teknolohiya-tulad ng edukasyon at sining. Ang usapin ng teknolohiya ay isyu ng media: paano ito ipinapalaganap sa mga tao? Bukod dito, ang isa pang isyu ng media ay mediation: Paano ito namamagitan sa pagdaloy ng impormasyon at teknolohiya sa pagitan ng tuwirang lumilikha at kumokonsumo ng kulturang popular? Paano nagtataguyod ng kulturang popular ang mga negosyo't estado sa isang panig, at mamamayan sa kabilang panig? Ano ang ibinawas at idinagdag ng mamamayan sa kanilang tinanggap na produkto ng kulturang popular? Ang teknolohiya ang siyang nagpapadaloy ng kulturang popular sa iba't ibang partikular na kalakaran. Iba ang pagtangkilik ng print ad sa ad sa sinehan. May medium specificity ang teknolohiyang nagpapadaloy ng kulturang popular na nakakaapekto sa ating paraan ng pagpapakaranasan. Kung gayon, ang media ay nagpapahiwatig ng paraan ng pag- technologized sa atin bilang konsumer at sa karanasan ng pagkonsumo. Sa pamamagitan ng media, ang kapaligiran ng kulturang popular ay nagkakaroon ng imahen na magpapaaninag sa ideal na afekt (affect) na nais nitong i-project sa prospektibong tagapagtangkilik. Kaya sa ganitong kalakaran, ang mga espasyo tulad ng mall at squatter colony ay maaaring sipatin bilang media rin na nagpapaaninag ng angkop na kalakaran ng pag-iisip at pagkilos. Ang importanteng isipin sa teknolohiya ay ang paraan nito ng pag-mediate pamamagitan sa parating di- magkapantay na realidad-ang ideal at afektibone realidad ng negosyo at ang parating salat na materyal na realidad ng mamamayan.
Ang kulturang popular ay pumapailanlang sa nosyon ng sado-masokismo.
Ang materyal na realidad ng mamamayan ay paratinang salat sa pamantayan ng ideal. Sa usapin. halimbawa, ng jeans. kung dati'y ang kaya lamang ng indibidwal ay kadena jeans o yaong mga patahing kopya ng brand labels, sa kanyang pagyaman ay tumataas din ang kanyang pamantayan. Kung dumating ang kanyang materyal na kapasidad para makabili ng Jag o Jordache, ang pamantayang kanyang nais ay nakaangkla na sa Levi's at Guess. At kung maabot na niya ito. tataas naman ang pamantayan tungo sa designer jeans. Hindi magkakaroon ng kapanatagan at kaligayahan batay sa akto ng kasalukuyan pagbili. Sa likod ng utak ng namimili, mayroon pang mas mahal na nakaalpas sa kanyang material na kakayahan. Ang paglaganap ng fake na t shirt na naglalaman din naman ng brand at emblems ay hindi lamang isang akto ng rebelyon sa global na sistemang nagbibigay-halaga sa otentisidad at copyright. Ito ay pahiwatig rin ng sado-masokistang relasyon ng mga mamimiling hindi makabili ng tunay, at ng mailap na brand labels. Ang akto ng pagbili ay hindi lamang akto ng pagpapahiwatig ng kakayahang makabili: higit sa lahat, ito ay akto ng pagkamit ng afekto at imaheng sinisiwalat ng produkto. Nag-buy in ang mamimili sa parehong produkto at afektong dulto nito. Ang ganitong katangian ng kulturang popular ay lumilikha rig fetisismo para sa produkto. Hindi na makakasapat ang anumang pagkamkam ng produkto, tulad ng parating kulang ang anumang idagdag ni Imelda Marcos sa bilang ng sapatos mayroon na siya. Ang mismong tao ay nagiging isang fetisistikong objek, isang bagay na pumapatungkol sa di mapupunan na pangarap para sa sarili. Ang sado-masokismo ang libidinal drive. ang sikoanalitikal na nagpapadaloy ng projeksyon at pangarap ng indibidwal. para tumangkilik ng produkto ng kulturang popular. Ang produkto ang nagpapahiwatig. kaya di kailanman makakapunan, ng kakulangan ng tumatangkilik. At ito ang trahedya, ang balon ng pasakit at pagdurusa, at kasiyahan, ang ego-ideal ng paghahanap at pagtuklas, ng sado-masokismo.
Ang kulturang popular ay nanggagaling, pangunahin, sa sentro.
Maraming aspekto ang kulturang popular-may folk o gawa ng Kristianong grupo sa kapatagan: katutubo o mga taal na grupong Filipino: Islamiko o mga tumanggap ng relihiyong Islam: at iba pa. Ang diin ng pagaaral ay ang aspekto ng kulturang popular na nanggagaling, sa pangunahin, sa urban na sentro. Sa politikal. ekonomiya at kultural na kaayusan ng bansa na nagbibigay ng pangunahing halaga sa sentro, ang mga rehiyon ay nilikha ng namamayaning kaayusan para salaminin ang imahen ng sentro. Dito sinisimulang ipalaganap at ipatanggap ang uso, ang bebenta at kikita. Inaakala ng namamayaning kaayusan na kung ano ang "in" sa sentro ay siya ring susunggaban ng mga nasa rehiyon. Kung humatsing ang sentro, nagkakaroon ng sipon ang lahat, ika nga. Hindi lubusang angkop ang ganitong pananaw. Ang rehiyon ay espasyo ng aktibong produksyon ng sarili at nasyonal na identidad. Sa maraming pagkakataon, ang rehiyon rin ang produksyon ng global na identidad, tulad ng mga partikular na barangay na nagpapadala ng partikular na pang-overseas contract work. Ang sentro na tinutukoy sa pag-aaral na ito ay hindi lamang ang mga sentro sa loob ng bansa, kundi ang mga sentro ng urbanidad at kosmopolitanismo. Ang mga modelo nito'y hindi lamang ang Manila. Cebu o Davao: ang tunay na pinanggagalingan ng kulturang popular ay nanggaling sa East at West Coasts ng United States sa historikal na relasyon nito sa bansa bilang dating kolonisador, at Japan. Hong Kong. Singapore at Middle East sa kasalukuyang relasyon ng mga bansang ito bilang employer ng mga Filipino overseas contract worker (OCW). Ang uso ay nanggagaling sa iba-ibang relasyong paggawa at panlipunan kung saan nakapaloob ang maraming Filipino. Ang sayaw na Macarena ay ipinalaganap ng mga dance instructor (DI) at ng mga Filipino sa Amerika at Japan: ang shawarma ng mga Filipino na galing sa Middle East: ang Tamaraw-FX taxi ng mga enterpreneur na OCW: gayon din ang play station, VCD, betamax. Karaoke at iba pa. Ang sentro ang nagtataguyod ng pamantayan ng urbanidad at kosmopolitanismo. Kung mas maraming marka ng panggitnang uri, mas urban ang tao. Ang pangangailangan ng libangan at amenidad sa syudad ang siyang nagtatakda nito. Ang aircon na sasakyan, halimbawa, ay proteksyon laban sa dumi, polusyon at init ng kapaligiran, at dami ng sasakyan sa syudad. Ang ganitong pamantayan ng pagiging urban ay dinadala sa kultura ng biyahe sa kanayunan at kapuluan. Hindi na makatulog kung hindi aircon, nahihilo na sa biyahe kung walang amenidad ng urbanidad. Kosmopolitanismo naman ang tumutukoy sa afektong sopistikasyon dulot ng pagkakaroon ng ugnay ng local sa global na pamantayan at pamayanan. Kosmopolitan ang nilalang kung may dating itong world-class. kung nabahiran ito ng pagkataong internasyonal. Ang kakatwa sa kasalukuyang kasaysayan ay marami na ang Filipino, bagamat walang ekonomiyang kakayanan, ang may akses sa internasyonal-maging ang mga NGO. people's organizations, estudyante at skolar, Ocw. pamilya ng immigrant at iba pa. Sila ang nagdadala ng mga marka ng kosmopolitanismo sa bansa at global na antas. Ang pagiging urban at kosmopolitan ay nakabatay sa paghahangad na magkaroon ng panggitnang uring tinig sa uugnay ng lokal at global. Kabilang din dito ang pangongolekta ng mga temno at bulgar na bagay na dinidispley sa sala at kwarto. Ang tila eklektikong koleksyon ng diploma, larawan, souvenir ng kasal at debut, Jollibee at McDonald give-aways, tiket ng konsert, stationaries, photo stickers at iba pa ay mga pagtatangkang magkaroon ng urban at kosmopolitan na pagkatao. Pinupunan ng mga kinolektang bagay ang mga kwento at hangarin ng indibidwal, pamilya at grupo na hindi hiwalay sa pambansang naratibo ng pag-unlad at pagiging world-class. Ang mga modelo ng bansa ay hindi rin naman hinubog mula sa panloob lamang na pananaw. Ang dikta ng International Monetary Fund, World Bank, Asian Development Bank at World Trade Organization ay may malaki't malalimang papel sa paghubog ng pag-unlad ng bansa. At hindi ito maihihiwalay sa usapin ng pagpasok ng aspirasyon ng indibidwal at kolektibo dulot ng kulturang popular.