You are on page 1of 4

Kulturang Popular

“Makakaalis ba tayo ng bahay na hindi nakapagpahid ng isandaan at


isang produkto sa ating katawan? Bakit tila kulang tayo kapag nakalimutan
natin ang ating cellphone? Bakit para tayong nanghihina kapag hindi
nakainom ng ating pag-araw-araw na bitamina at energy drink, kahit
malusog naman ang ating pangangatawan? Bakit tayo conscious kapag
nakaligtaan nating mag-deodorant, kahit wala naman tayong putok sa
katawan? Bakit madalas pakiramdam natin ay mga karakter tayo sa isang
pelikula, at ang mga dinaranas natin ay laging may masayang wakas? ...”
Rolando Tolentino

Ang Kultura
Sa artikulo ni Torralba, nagbigay si Williams (1976) ng tatlong kahulugan
ng kultura:
1. “general process of intellectual, spiritual, and aesthetic development.”
2. “a particular way of life, whether of a people, a period or a group.”
Tumutukoy ito sa “lived culture” o kulturang kinapapalooban ng marami
o mayoryang tao sa isang lipunan. (Mga pang-araw-araw na gawain at gawi:
Pananamit, Pagkain, Malling, Pagbibiyahe (jeep, lrt, mrt, traysikel, paglalakad),
Komunikasyon (telebisyon, pelikula, kuwentuhan,tsismisan) at iba pa
3. “the works and practices of intellectual and especially artistic activity”
Ang pagpasok at pagsasabuhay ng kulturang ito ay nangyayari dahil sa mga
pagpapakahulugan o signifying practices.

Ang Popular
Dalawa ng posibleng gamit ng “popular” sa salitang kulturang popular:
1. Bilang pang-uri(adjective)
a. Sikat, Uso. Kapag sinabing “sikat” ay kilala ng maraming tao at kapag
sinabing “uso”, ito ay tinatangkiliko kinokonsumo ng maraming bilang ng
tao. Sikat na kultura, usong kultura
2. Bilang pangngalan(noun)
a. Mula sa salitang Latin na “populus” o “from the people”
b. Kultura ng tao, kulturang mula sa tao

Ang Kulturang Popular


Ayon kay Rolando Tolentino, “ang kuturang popular ay may
kapangyarihang lumikha ng kulang at sobra sa atin. Lagi nitong ipinamumukha
ang ating kasalatan sa ideal na ginawang mabisong pamantayan ng
panggitnang-uring pamamuhay.” Dagdag pa ni Tolentino na “hindi libre ang
kulturang popular. Tunay na nararanasan lamang ito ng mga may kakayahang
bumili at magbayad (2004:iv).”

Sa aklat ni Nuncio sa pahayag ni Tolentino, “ang kulturang popular ay


ginawa para sa kita. Ang anomang bagay na ipinapasok ng negosyo at maging
ng estado bilang bago para tanghaling standard ng pamumuhay ng
nakararami ay kailangang kumita. Ang anomang egalitaryong adhikain ng
negosyo ay, sa kalaunan, nanghihikayat ng pagtangkilik para sa kita nito.
Ginagawa ito dahil ang pangunahing produktong ibinebenta ay lifestyle o ang
komodipikasyon ng middle-class na buhay ang siyang ipinapamayani bilang
katanggap-tanggap na pamantayan ng panlipunang karanasan(2012:12).”

Sang-ayon pa rin kay Nuncio, ang kulturang popular ay nagtataglay rin ng


kakayahang gumawa ng sarili nitong espasyo’t nasasakupan na nakasandal
sa tatlong aspekto: pangangailangan, pagtangkilik, at pagbuo ng
sentro(2012:13-15).
a. Pangangailangan
Ang damdamin at pag-iisip hinggil sa pangangailangan ay maaaring
bunga ng ekonomikal, politikal, at kultural na aspekto. Ginagamit ang
kulturang popular bilang isang bagay/instrumento na lumilikha ng “kita” na
primerong bahagi ng ekonomiya. Ang simbolikal na batayan sa kapasidad
ng isang indibidwal na punan ang kanyang pangangailangan ay batay sa
kakayahan niyang kumita. Tulad nga ng nabanggit ni Rolando Tolentino na
“ang kulturang Popular ay ginawa para sa kita”, ang kapangyarihan sa
ekonomiyang espasyo ay ibinabatay sa kita ng isang indibidwal.

Malaki ang kaibahan ng tinatawag na ekonomiko at politikal na


larangan. Ang ekonomikong larangan ay batay sa kita at produksiyon.
Habang ang politikal na larangan ay nakasandig naman sa tinawag na
pagsasanib ng personalidad at kapangyarihan sa puwesto. Hindi sabay na
taglay ng isang tao ang kapangyarihang ekonomiko at politikal, madalas
na kinakailangan pang gamitin ang isa upang makuha ang isa pa. Ngunit
sa likod ng kaibahang ito halos tuwiran ang impluwensya ng dalawa sa
isa’t isa pagdating sa bahagi ng kapangyarihan. Nagiging elemento ang
“kita” at personalidad ng isang indibidwal sa kanyang kakayahang
lumikom ng kapangyarihan mula sa dalawang larangan. Bukod dito, ang
kultural na aspekto ng pangangailangan ay batay sa pagnanasa ng
indibidwal na makagawa ng sarili niyang identidad mula sa mga nalikom
niyang katayuang ekonomikal at politikal. Ang kakayahan niyang kilalanin
ang sarili bilang isang mamimili na bahagi ng magkakaugnay na
ekonomiko at politikal na puwersa ang nagiging batayan sa kulturang
kanyang kinikilala. Dahil sa ang kulturang ito ay nagbabago at umaayon sa
produksiyon at politikal na sistema, patuloy ang pagiging dinamiko ng
kultura, kahit na tradisyunal man ito.

b. Pagtangkilik
Bilang bahagi ng kabuuang kultural, ang kulturang popular ay
umaayon sa kolektibong pagnanasa sa bahagi ng ekonomikong
produksiyon. Ang mga pangangailangan, likas man ito o artipisyal, ay
kinikilala batay sa uri ng pagtangkilik na inaayunan ng mga mamamayan
sa lipunan. Dahil sa ang isang produkto ay bunga ng interaksyon ng
ekonomiya, politikal, at kultura ay maaaring bigyang halaga ng mga
naniniwala rito sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga ito. Ang
pagsasagawa ng kilos na ito ang bumubuhay sa likas at artipisyal na
pangangailangan ng isang tao. Maliban sa usapin ng panghihikayat sa
mga mamimili, nagiging batayan din ang pagkilala at pagtanggap niya sa
mga pangangailangan na pumapasailalim sa kanya. Isinasagawa niya ito
bago tuluyang umayon sa isang pagkilos tulad ng pagtangkilik. Mula sa
pagtangkilik na isasagawa ng kumokunsumo, uusbong ang isang produkto
na pilit muling tatawagin ang pansin ng mamimili. Maaaring ang
produktong ito ay hango sa naunang gawa na dati nang ipinakilala sa
mamimili, o bagong produkto na inihahain sa mga mamimili. Ang mga
produktong ito ay maaaring kongkreto o abstraktong bagay na bunga ng
pangangailangan at tinutugunan ng malawakang pagtangkilik.

c. Pagbuo ng sentro
Ang kapangyarihan ng kulturang popular bilang isang tagapagdikta ay
lumilikha ng mga di lantad na pagbabago sa lipunan. Ang mga
pagbabagong ito a g siyang nagsisilbi bilang mga elemento at pundasyon
upang bumuo ng panibagong sentro sa likod ng nagaganap na
de/sentralisasyon sa urbanismong espasyo. Hindi lamang heograpikong
usapin ang tinutukoy sa prosesong ito, kundi maging ang pagkakaroon at
pag-usbong ng panibagong sentro na pagbabatayan ng dumaraming
sistema ng de/sentralisasyon. Ang pagbabago sa lipunan ay maaaring
pagbatayan ng pangangailangan at pagtangkilik na masasabing krusyal sa
konsumpsiyon na nagaganap dahil sa pagnanasa ng mga tao sa uso.
Samakatuwid, nahuhugot ng kultural popular ang espasyong
kinakailangan nito sa pamamagitan ng pagbuo ng lugar na luluklukan ng
sistematikong pananaw na nilikha nito. Gamit ang dinamikong pagbabago
ng elementong sangay, patuloy na gunagawa ang kulturang popular ng
mga sentro na pinagbabatayan ng de/sentralisasyon.

May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito


ang mga:
1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante
Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng
isang pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi,
maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa
para matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga
negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na hindi na sila
mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at iba pa.
Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng
mga negosyante para lang matugunan ang pangangailangan na ito. Ang
produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang
popular kinalaunan.

2. Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili
sa mahal at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi
makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kaya sila ay
nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura hanggang
sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura


Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit,
ang mga mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang
produksyon o mass production. Ang kulturang popular ngayon ay ang mga
pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng mga tao sa murang
halaga.

4. Ginagawa ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao
--maaaring ng isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa
paggaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa mainstream. Ito
ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang
hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.

5. Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng
mataas na tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga
gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay
ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa
ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling bansa
dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya dahil walang
tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas
napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa
sarili nating kultura.

6. Pagkalusaw ng mga hangganan


Sa tumitingding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura
at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya
ng mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan
na ng distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang sariling kultura,
comersyal at popular na kultura. Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay
na ginagamit at nagiging isa.

You might also like