You are on page 1of 30

LAPU-LAPU CITY COLLEGE

COLLEGE OF EDUCATION
Don B. Benedicto Road,
Gun-ob, Lapu-Lapu City 6015

FM 114 Kulturang Popular

Modyul ng Mag-aaral

Inihanda ni:

Ma. Kristel J. Orboc, MAEd

Instruktor ng Kurso
FM 114

MODYUL NG MAG-AARAL

Inihanda ni:

Ma. Kristel J. Orboc, MAEd

Instruktor ng Kurso

2
Pangkalahatang-ideya ng Modyul
Ang Kulturang Popular ay Nagpapakita ng kaalaman sa paglikha at paggamit ng
iba’t ibang kulturang popular, e.g. pelikula, musika, komiks at pahayagan, mga
programang panradyo, pantelebisyon na nakaiimpluwensya sa paghubog ng kamalayan
at kaakuhan o identidad.
Naipakikita ang kakayahan sa pagtuturo ng iba’t ibang kulturang popular na
isinasaalang-alang ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.

Upang matulungan ang iyong pagkatuto sa mga aralin, ang modyul na ito ay
naglalaman ng mga aralin sa loob ng isang kabanata. Ang bawat aralin ay dapat
maisagawa sa loob ng dalawang linggo at ito ay nahahati sa mga bahagi, tulad ng
sumusunod:

1. Layunin sa Pagkatuto Ang bahaging ito ay gabay sa resulta ng pagkatuto

para sa yunit ng pag-aaral.

2. Alam mo ba? Naglalayon itong mapukaw ang isip sa ilang mga

kagiliw-giliw na katotohanan na may kaugnayan sa
aralin.

3. Magsimula na Tayo! Matapos ang pagkilala sa mga kinalabasan at

pangkalahatang-ideya para sa bawat aralin, bibigyan
ka ng isang gawain na hahantong sa iyo sa mga
pangunahing konsepto na tatalakayin sa yunit.

4. Tayo na at Tumungo! Ang aktibidad ay susundan ng mga gabay na tanong

na humahantong sa iyo sa mga konsepto na saklaw ng
aralin. Dito, susuriin mo ang iyong nagawa.

5. Siyasatin Natin! Ang mga pangunahing konsepto at isyu ng

pangunahing aralin ay tinalakay nang mabuti sa
seksyong ito na kailangan mong basahin at intindihing
mabuti. Bilang karagdagan, sa iyong pagbabasa ay
may mga Pagsasanay bilang mga kasanayan sa pag
aaral para sa iyo na sagutin nang ilang sandali bago
ganap na magpahinga.

6. Gaano Na Kalayo Ang Upang suriin kung natutugunan ang mga naibigay
Ating Narating? na resulta ng pagkatuto, bibigyan ka ng isa pang
gawain upang masuri ang lawak ng pag-unawa.

7. Pagyamanin Natin! Ang bawat yunit ay natapos sa mga iminungkahing

aktibidad para sa pagpapayaman ng pag-aaral at
karagdagang aplikasyon ng natutunan.

8. Mungkahing Pagbasa Ang bahaging ito ay nagbibigay sa iyo ng isang

listahan ng mga iminungkahing karagdagan na
pagbabasa (karamihan sa online) kung nais mong
mapalalim ang iyong kaalaman sa mga aralin.

3
Kasama rin sa modyul na ito ang isang Kabanata ng Pagninilay sa katapusan ng
bawat kabanata upang isulat ang iyong mga saloobin sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong na self-introspective. Ang mga rubrik ay matatagpuan din Apendiks ng
modyul para sa iyong sanggunian sa paggawa ng iyong mga awtput. Sundin lamang ang
mga tala sa ibaba ng bawat ehersisyo at aktibidad para sa paggabay. Panghuli, ibinigay
ang isang Puna sa Kurso sa pagtatapos ng modyul na ito upang maibahagi mo ang iyong
puna sa modyul na ito. Ang bahaging ito ang magiging batayan namin para sa
pagpapabuti at sa rebisyon sa hinaharap.

Paano matuto sa Modyul na ito?

Alam kong sabik ka nang magsimula. Gayunpaman, may ilang mga bagay na
kailangan mong tandaan upang malaman nang higit ang modyul na ito.

1. Subukan ang paunang pasulit bago magpatuloy sa mga aralin. Ang iyong iskor sa
pagsubok ay magbibigay sa iyo ng ideya kung gaano karaming oras ang kailangan
mong italaga sa bawat aralin.
2. Basahin ang mga tagubilin at alamin ang mahahalagang bagay na dapat gawin.
3. Bago gawin ang mga aktibidad siguraduhin na ang lahat ng mga bagay na
kailangan mo ay handa na.
4. Sagutin ang mga pagsasanay sa bawat aralin at huwag kalimutang sagutin ang
pagtatasa dahil sa gayon ay masusuri mo kung gaano karami ang natutunan mo
sa modyul.

Maligayang pagdating sa pakikipagsapalaran sa pag-aaral na ito!

4
KABANATA 1

Ugnayan ng Wika sa
Kultura at Lipunan;
Ang Kulturang Popular

5
Aralin 1

Ugnayan ng Wika sa
Kultura at Lipunan
Alam mo ba? Layunin sa Pagkatuto

Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 ✓ Naipakikita ang kaalaman sa

hanggang 7,000 ang mga wika sa ugnayan ng wika, kultura at
daigdig, depende sa kung gaano katiyak lipunan at naihahambing ang
ang pangahulugan sa "wika", o kung kultura ng wika noon at ngayon.
paano ipinag-iiba ang mga wika at mga ✓ Naipakikita ang kaalaman sa pag-
diyalekto. usbong ng modernisasyon at
globalisasyon.
✓ Naipakikita ang kakayahang
pagsusuri ng iba’t ibang kultura ng
wika noon at ngayon na nalilinang
ang kritikal at malikhaing pag-iisip.

Magsimula na Tayo!

Panuto: Isulat sa patlang ang lahat na alam mong wika noon at wika ngayon.

NOON NGAYON
_________________________________ _________________________________

6
Tayo na at Tumungo!

Bago natin simulan ang ating talakayan, suriin mo ang iyong sarili kung napapabilang
ka ba sa sinaunang henerasyon o makabagong henerasyon sa paggamit ng wika.

Matapos mong masuri ang iyong sarili sa tingin ko ikaw ay handa na. Halina’t ating
buksan ang ating isipan sa panibagong kaalaman.

Tayo na at tumungo!

Siyasatin Natin!

UGNAYAN: WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

Wika
• Ayon kay Archibal Hill ang wika ay pangunahin at pinaka-elaborate na anyo ng
simbolikong pantao.
• Ayon naman kay Webster ang wika ay sistema ng komunikasyon sa pagitan ng
tao.

Kultura
• Ayon kay Anderson at Taylor (2007) isang komplikadong sistema ng ugnayan na
nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o
isang lipunan sa kabooan.
• Ayon kay Mooney (2011) tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na
naglalarawan sa isang lipunan.
• Ayon kay Panopio (2007) ito ay kabooang konseptong sangkap sa pamumuhay ng
mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuohang gawain ng tao.

Uri ng kultura
1. Materyal
• Gusali, likhang sining, kagamitan at iba pang bagay na nahahawakan at nakikita
ng tao.
2. Di-materyal
• Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao.
Hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaring makikita at maobserahan.

Mga elemento ng kultura

1. Paniniwala o beliefs
• Kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
2. Pagpapahalaga o values
• Ito ay batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-
tanggap at kung ano ang hindi.
3. Norms
• Mga asal,kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan
4. Folkways
• Pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa
kabuuan.
5. Mores
• Tumutukoy sa mas mahigpit na batayan.

7
6. Simbolo
• Ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagsmit nito.

Ugnayan ng wika at kultura

• Kung susumahin malaki ang ugnayan ng wika at kultura sapagkat hindi
mabubuhay ang wika kung walang kultura. Gayundin sa kultural na aspeto hindi
maibabahagi ang kultura, tradisyon ng iba't ibang kultura ng bawat bansa kung
wala ang presensya ng wika.

Pagsasanay

Pagbuo ng Venn Diagram

Panuto: Pagbuo ng Venn DiagramIpakikita ang pagkatutulad at pagkakaiba ng kultura
ng wika noon at sa kasalukuyan. (Makikita sa Apendiks ang rubrik sa pagmarka)

Lipunan
• Ayon kay charles cooley ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na
ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang
sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.

Elemento ng lipunan
1. Tao o mamamayan
- ang pinaka mahalagang elemento ng lipunan nananinirahan sa isang tiyak na
teritoryo o lupang sakop ng lipunan.
2. Teritoryo
- lawak na nasasakupan ng lipunan at tinitirhan ng mga tao.
3. Pamahalaan
- ahensiya na nagpatupad ng mga batas at mga kautusanat nagpapahayag sa
kalooban ng lipunan.

8
4. Soberanya
- pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o mag-utos ng
kagustuhan nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga batas.

Ugnayan ng wika, kultura at lipunan

Anupa’t ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito.
Magagmit din ang isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit hindi itoy
kasimbisa ng wikang likas sa nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari
ay malimit magananap sa bansang masasakop. Natural lamang na pairalan ng
mananakop ang kanyang sariling wika sa kanyang nasasakupan. Ang kultura ng isang
pangkat o grupo ay nakatanim at kusang umuusbong ang isang wikang likas sa kanila.

Maligayang pagbati! Natapos mo na ang nilalaman sa

unang Aralin, ngayon sigurado akong handa ka na sa
pagsagot sa mga katanungan.

Gaano na Kalayo ang Ating Narating?

I. Historical Chart

Panuto: Pagbuo ng isang historical chart hinggil sa proseso ng pagbabago ng paggamit

ng tao sa wika, pagpapahalaga sa kulturang kinagisnan at debelopment sa lipunan
sa kasalukuyan. (Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa kasagutan at makikita sa
Apendiks ang rubrik sa pagmarka)

9
10
Pagyamanin Natin

Indibidwal na Pagsusuri

Panuto: Sumuri ng isang teksto tungkol sa pagbabago ng Wika at sitwasyon ng kultura

noon at ngayon at ang lipunan noon at sa kasalukuyan. Ilahad ang resulta ng
pagsusuri sa paraan ng THE BUZZ/TALK SHOW. Isulat lamang ang iskrip sa
paglalahad. (Makikita sa Apendiks ang rubrik sa pagmarka)

11
MUNGKAHING BASAHIN:

Basahin at panoorin ang mga sumusunod na artikulo at bidyu sa tinukoy na website.

✓ https://networks.upou.edu.ph/8627/wika-kultura-at-lipunan-welcome-message-
by-prof-jayson-d-petras/
✓ https://networks.upou.edu.ph/playlist/wika-kultura-at-lipunan/
✓ https://www.mindmeister.com/1136204830/wika-kultura-at-lipunan

SANGGUNIAN
Badayos,Paquito B. (2008) Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino Mga
Teorya,Simulain,at Istratehiya Ikalawang Edisyon Potrero Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc.,

Jefferson, J. (2011). Wika, kultura at lipunan. Retrieved from

https://www.scribd.com/document/48925807/silabus-2010-2011
Orito, R. (2013). Kulturang popular. Retrieved from
https://www.academia.edu/9686034/KULTURANG_POPULAR

12
Aralin 2
Ang Kulturang Popular

Alam mo ba? Layunin sa Pagkatuto

Ang kulturang popular ang kadalasang ✓ Naipakikita ang kaalaman sa

nagbibigay ng depinisyon kung ano ang pagkakaiba-iba at pagkakaugnay-
ugnay ng political na pananaw, sa mga
maganda at kung ano ang katanggap-
awitin at mga kulturang popular sa
tanggap. Ang pag-ayon sa kulturang kasalukuyan; at
popular, ang nagpapadama sa mgatao ✓ Naipakikita ang kaalaman sa pagsulat
na tanggap sila sa modernismo dahil ng isang pananaw hinggil sa mga
ang kulturang popular aykadalasang pagbabago na tumutugon sa
nagmumula sa mga modernong kontekstong panlipunan local,
produkto ng mgakumpanya at nasyunal at sa globalisasyon.

modernong mga bansa.

Magsimula na Tayo!

Panuto: Isulat ang mga tatak ng mga gamit na iyong sinusuot o ginagamit sa pang-araw
araw.

Damit Sapatos Pagkain

________________ ________________ ________________
________________ ________________ ________________
________________ ________________ ________________

Alahas Sasakyan
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________

13
Tayo na at Tumungo!

Bago natin simulan ang ating talakayan, bigyang pansin ang mga sagot mo sa itaas,
masasabi mo bang ikaw ay tumatangkilik sa gawang Pinoy o mas tinatangkilik mo ang
mga produkto sa ibang bansa.

Sa tingin ko ikaw ay handa na matapos mong masuri ang iyong sarili. Halina’t ating
alamin kung saan ka napapabilang.

Tayo na at tumungo!

Siyasatin Natin!

Ang Kulturang Popular

KAHULUGAN NG KULTURA
Ang Kultura ay tumutukoy sa:
- aktibidad ng sangkatauhan
- "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin
ang mga bagay-bagay
- ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang
mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at
iba pa.
- Ang pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong sining at araling
pantao, at tinatawag ding mataas na kalinangan
- Isang binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na
nakabatay sa kakayahan para sa masagisag na pag-iisip at pagkatutuo ng
pakikipagkapwa
- Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga layunin,
at mga gawain na nagbibigay ng katangian sa isang institusyon o panimulaan,
organisasyon, o pangkat.
- sinulat ni Phil Bartle, PhD na isinalin ni Ken Poliran “The simplest definition of
culture is that it is composed of everything symbolic that we learn” Lahat ng kultura
ay natutunan, ngunit hindi lahat na bagay na natutunan ay kultura. Kabilang
dito ang lahat ng ating mga kilos at paniniwala na hindi na ipinapadala sa
pamamagitan ng genes, ngunit ipinapadala (at naka-imbak na) sa
pamamagitan ng mga simbolo.
- Ang simbolo ay walang kabuluhan sa kanilang mga sarili (intrinsically)
maliban na lamang kung sila ay binibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng
mga tao.

KULTURANG POPULAR
Ayon sa Moralistiko/Didaktikong Oryentasyon:
• sinusukat ang kultura sa moralidad at kamalayan ng manonood/mambabasa
•  Ang pananaw na mga ito ay nakasaalang-alang lamang sa mga nagawa na ng
Kanluran (ang mga Klasiko)

14
Ayon sa Oryentasyon ng Kanluran:
• itinuturing ang sariling manipestasyon ng kultura bilang ‘bakya, baduy at
basura’”
• Sa pagsusuri, ang kultura sa iilan ay pareho lang ng kultura ng nakararami. Ang
namamayaning kultura ay ang kulturang nauunawaan ng nakararaming
mamamayan.
• Nararapat na marahil nating itiwalag ang sarili sa mga isteryutipong panahon
upang pagtuunan natin ng pansin ang makapangyarihang impluwensiya ng mga
nilikha o ginawa ng kapwa-Pilipinong manlilikgha/manunulat.

Mga Nakaugnay sa Konsepto ng Kultura

• Pagpasok ng teknolohiya
• Ugnayan ng bumibili at ng may-akda
• Pag-unawa sa karanasan
“Sa madaling salita, anumang pagsusuri ang gagawin sa kultura ay kinakailangang
nakasandig sa malawakang pag-unawa sa konteksto ng kongkretong manipestasyon sa
mga pelikula, radyo, komiks, atbp.”

Ano Ang Kulturang Popular?

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman
kung anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno
na ng teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa
pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang
internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga
ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas
pormal na kilala bilang kulturang popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman
ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang
nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular
ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at
modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng
depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang
popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga
pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at
bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-
ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.

Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing?

May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga:

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante

Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan.
Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi, maging diretso ang buhok,
magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para matawag na maganda. Maaari rin
namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na
hindi na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil
dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante

15
para lang matugunan ang pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay siya namang
nagiging sikat at napapasama sa kulturang popular kinalaunan.

2. Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal at sa
orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at
kasuotan na mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at
bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura

Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga
mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass
production. Ang kulturang popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga
kagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga.

4. Ginagawa ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng
isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-
unti itong napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring
ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.

5. Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin
natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na
ginagamit sa kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at
nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling bansa
dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya dahil walang tumatangkilik
sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan natin ang
kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating kultura.

6. Pagkalusaw ng mga hangganan

Sa tumitinding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa
buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para magkaroon
ng iisang kulturang popular. Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang
kultura, ang sariling kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng kultura ay
nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa.

Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa

kabilang banda, maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito.
Ngunit dapat natin isaisip na ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya
marapat lang na panatilihin pa rin natin at wag kalimutan ang kulturang "unique" at
sariling atin. Hindi dapat natin ito hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang
nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon.

16
Mga Bakas ng Popularisasyon Bilang Aparatong Kolonyal/Komersyal at ang
Kapangyarihan ng Komukunsumong Masa
(sipi mula sa aklat na Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang Pangkalinangan at
Lapit-Pananaliksik. Manila: UST Publishing House, 2004, nina RVNuncio at EMorales-
Nuncio)
Ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipang popular.
Ngunit ang pagpapahayag na ito ay hindi payak lamang sa paglilipat ng nilalaman ng isang isipan
sa isipan ng iba. May radikal na intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng
kapangyarihan dahil bukal ang wika sa pagnanasa ng taong abutin at manipulahin ang kanyang
lugar.
—Florentino Hornedo, Kulturang Popular: Kabuluhan, Midyum, Daigdig at Paninda
Mabisang aparato ng kolonyalismo at komersyalismo ang popularisasyon. Sa panahon
ng pananakop ng Kastila ginamit ang krus, sandata at maskara. Pagdating ng mga
bagong kolonyalistang Amerikano, ginamit naman ang teknolohiya at mas midya. Sa
diskursong ito ang popularisasyon ay pananakop bilang panghihimasok sa kasarinlan
ng kamalayan at katawan. Panlulupig din ito na kinukonsidera ang paggamit ng
simbulo, senyal at materyal na kumakalat dala ng mga inobasyon at istratehiyang
kolonyal at komersyal sa bansa. Ngunit sa bandang huli mayroong tensyon,
kontradiksyon, kapangyarihan at resistans ng mamamayan ang nalilikha.

Mga Bakas ng Kolonyalismo

Ang pagsusuri sa kontexto ng aparatong popularisasyon ay isang mapanuring pagtingin
sa naging epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas. Inuunawa ang salitang kolonyalismo sa
papel na ito bilang texto at kontexto ng pananakop sa Pilipinas. Ang una ay patungkol
sa imahe bilang instrumento sa pagpapalawig ng kaayusan, pananakop at paniniil sa
katawan at kaisahan ng bawat Filipino. Dito sa imahe ng kolonyalismo ipinapalabas ang
pagkakaroon ng simbulong krus, espada at maskara bilang mga natatanging
simbolikong instrumentong ginamit ng mga Kastila para sa panlulupig at pagpapayapa
ng kaayusan ng mga ng mga Filipino. Ginamit ang relihiyon upang maikalat ang
Kristiyanismo sa bansa. Ginamit naman ang dahas at puwersang militar, upang
maipamukha ang katatagan at kalakasan ng mga dayuhan sa pananakop nila gamit ang
istrakturang politikal at ekonomiko. Ginamit naman ang maskara bilang pananakop sa
kultural na lebel—ang paggamit ng comedia at zarzuela upang mahubog ang mga
sinakop sa kaisipan at kostumbreng dayuhan. Subalit masasabing naging mahina ang
imahe ng maskara dahil sa hindi paglaganap ng wikang Espanyol. Naging isang
miskalkulasyon sa loob ng tatlong daang taon ang hindi pag-ayon sa paglaganap ng
nasabing wika.

May posibilidad na hindi sana sumiklab ang Rebolusyong 1896 kung naging malawakan sa simula
pa ang pagtuturo ng Espanyol sa mga mamamayan sa kolonya. Repormista ang kamalayan ng
mga edukadong nanguna sa kampanya para sa pagtuturo ng Espanyol. Kung may pagbabago
mang ibubunsod ang pagkakamit ng wika ng kolonyalista, iyon ay tungo marahil sa pagpapatibay
pang lalo sa paghahari ng Espanya sa Pilipinas. Naganap ang radikalisasyon ng kamalayan ng
mga edukadong Filipino sa panahon ng kanilang pakikibaka para sa karapatan ng mga Filipinong
matuto ng Espanyol. Sa pagtatanggi ng mga kolonyalista na ibigay ang wika nila sa mga Filipino,
naliwanagan ang mga ilustrado na layunin ng mga kolonyalista na panatilihing mangmang ang
nasasakupan upang ang mga ito’y manatiling alipin (Lumbera 2000: 91).

17
Kung kaya’t ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito ang wikang
nagbigay ng sariling anyo sa dulang naging kasangkapan dapat sa programang kolonyal.
Dito naisafilipino at naging komedya at sarswela ang mga dulang ito.
Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa ilalim ng
Espanya. Subalit ang pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik
at iba pang lahi ay isang implikasyon ng pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila.
Kung kaya’t aktuwalisasyon ng kamangmangan, pantasya, kahirapan at pagkaalipin ang
pananakop ng Kastila. Ang kolonisasyon ng mga Kastila ay ang pagtatalaga ng katauhan
na sila mismo ang humubog, isang katauhan ng imahen bilang indio sa paningin nila
ngunit naging tensyon at kontradiksyon na gagapi sa kanila.

Ang Mga Tunggaliang Ideolohikal

Ngunit sa pagpasok naman ng mga Amerikano, naging isang daluyan ng pag-aaklas sa
panibagong kolonisasyon ang paggamit ng drama. Halimbawa nito ay ang pagyabong
ng Drama Simbolico sa Maynila at karatig-Katagalugan (Chua 1997) at maging sa mga
drama realistiko na ipinangalan ni Resil Mojares (Don Pagusara 1997:xxi) sa Cebu.
Naturete at nangamba din ang mga Amerikano sa ganitong uri ng pagsasadula gamit
ang mga dramang naisulat nina Aurelio Tolentino (Kahapon, Ngayon at Bukas), Juan
Matapang Cruz (Hindi Aco Patay), Juan Abad (Tanikalang Ginto), at Tomas Remigio
(Malaya). Kung kaya’t tinurin ang mga obrang ito bilang subersibo at mapanganib. Dahil
sa ang nilalaman ng pagtatanghal ay laban sa imperyalistang Amerika, naging palaman
sa publiko ang ganitong pagbabanta (Arthur Riggs, 1981):
…[It] inculcate a spirit of hatred and enmity against the American people and the Government of
the United States in the Philippines, and…to incite the people of the Philippine Islands to open
and armed resistance to the constituted authorities, and to induce them to conspire together for
the secret organization of armed forces, to be used when the opportunity presented itself, for the
purpose of overthrowing the present Government and setting up another in its stead. (sinipi mula
kay Arsenio Manuel ni Doreen Fernandez, 377).
Upang maiwasan ang ganitong pagkakataon sa unang salvo ng mga kolonyalistang
Amerikano, pinalaganap ng huli ang tunggaliang ideolohikal na hindi nakatutok sa
puwersa kundi sa tinaguriang inobasyon at benevolent assimilation. Ipinasok din ang
edukasyon bilang instrumento ng kolonisasyon sa mga Pilipino. Ang ganitong
kaparaanan ng kontrol ay mabisang naisakatuparan. Sinabi ni Renato Constantino na:
“American control of the educational system made possible the distortion and
suppression of information regarding Philippine resistance to American rule and the
atrocities committed by the American army to crush that resistance” (1978: 68).
Ang pangkahalatang ideolohiya ay umikot sa agenda ng pagpapayapa ng resistans bitbit
ng sistemang edukasyunal na inihain ng mga Amerikano. Bukod pa rito, bilang
namamayaning pananaw, sinabi ni Priscelina Legasto (1998: 46-47) na may dalawa pang
kategorya ang ipinagmalaki ng mga Amerikano para alisin ang pagkaatrasado ng mga
Pilipino: una na rito ang sistemang pensionado at ang ikalawa ang pagtuturo ng wikang
Ingles. Dito ngayon naging masalimuot ang baybaying kaisipan at paniniwala sa isang
wika at kulturang labas sa tunay na saloobin at karanasan ng mga Filipino.

18
Mga Bakas ng Komersyalismo: Pagpasok ng Radyo at Telebisyon Bilang
Domestikasyon at Komodipikasyon o Pakikisangkot ng Mass Media sa Buhay ng
Komukunsumo Nito
Kasama ng radyo, ang telebisyon ay bunga ng imbensyon at eksperimentasyon dala ng
mapusok na edad ng industrialisasyon hanggang di nagtagal pumasok ang mga
imbentong ito sa larangan ng komersyo. Ang teknolohiya at inobasyon ang naging
sisidlan ng panibagong pagbulusok ng komidipikasyon ng pangangailangan ng tao.
Impormasyon ang naging bentahe, naging bagong tutok sa panahong itinatalaga ng
kapital ang pag-angat o pagbagsak ng isang bansang yumayakap sa ideolohiya at
praktika ng imperyalistang Amerika. Dahil nga nasa ilalim ng pamunuang Amerikano
ang Pilipinas noon, madaling naipasok sa merkado ang gawang Kano. Kasama na rito
ang oportunidad sa pagpasok partikular ng radyo at telebisyon at pangkalahatan ng mas
midya. Sa katunayan sa pagdating ng radyo sa bansa ay nakitaan na ng gamit sa palitan
at bilihan sa merkado at komersyo. Ganito ang pananaw ni Clodualdo del Mundo Jr.: “So
good was the response to this medium of information and entertainment that in 1928, the
local distributor of a famous American-manufactured radio set saw it fit and without
doubt, profitable to establish their own radio station…So it went from experimental to
plain business” (1986:69).
Samantala, pumasok naman ang telebisyon bilang bahagi ng mekanismong politikal
upang palakasin at pabanguhin ang imahe ng isang Pangulong nagnanais muling
tumakbo. Si Judge Antonio Quirino ang gumawa ng paraan upang gamitin ang isang
midyum na kilalang-kilala at patok na patok sa Amerika noong dekada singkwenta.
Subalit naging bigo si Elpidio Quirino sa kanyang planong politikal na mahalal muli
kahit na naging tagumpay ang pagpasok sa bansa ng telebisyon sa tulong ng kanyang
kapatid. Ngunit kung hindi naman nagtagumpay sa unang sigwa ng pagpasok ng
telebisyon sa larangan ng politika, kabaligtaran naman ito sa nangyari sa pagpapaunlad
ng industriya ng mas midya at ng negosyo sa bandang huli. Ganito ang paliwanag ni
Clodualdo del Mundo, Jr. (sa Patajo-Legasto, 1998) nang sa bandang huli, napunta sa
mga kamay ng mga negosyante ang mas midya. Katulad halimbawa ng isang istasyon,
napilitan silang sumuung sa batam-batang industriya ng telebisyon. “Bolinao Electronics
Corporation…not only had to set up and maintain a TV station, but also had to arrange
for the distribution and sale of TV sets. Because it was directly responsible for the people
buying TV sets, it was bound to continue operations at any cost” (del Mundo, Jr. 1986:
74).
Bunga nito nakisangkot ang mas midya bilang daluyan ng impormasyon at
enterteynment na kinagigiliwan ng tao. Bawat tahanan ay nagnanais na magkaroon kung
hindi man radio, tv set o ng pareho. Pumasok na ang moda ng produksyon at
distribusyon ng mas midya sa Pilipinas. Sa simula ang distribusyon ay nakatuon sa
napripribilehiyong iilan na may salapi at kapangyarihan para magmay-ari o magkaroon
ng akses sa mas midya. Sapagkat ang pamantayan ay negosyo, katulad nang nabanggit
iilan lamang ang nagkakaroon ng akses dito. Subalit babaguhin lahat ito nang ang
kulturang ito na sinusustene ng iilan ay tututok sa kultura ng komukunsumong masa.
Ang pagkonsumo sa produkto ng mass media—radyo, telebisyon, pahayagan—ay
nagtatakda ng pagtangkilik sa kalakaran ng oras o panahon. Ang mass media ay
kinokonsumo hindi dahil ito ay mahalaga sa panapanahong yugto, kundi nagbibigay ito
ng tuluyang pangagailangan ng tao sa lahat ng yugto ng panahon. Sabi ni Philip Abrams:
“Unique among the mass media, radio and television are given opportunities by time, by the fact
that they have the whole day, everyday, to dispose of, and that they can break up the day” (sa
Casty, 1973: 90). Ang prosesong ito ay domestikasyon ng mas medya sapagkat ang bawat

19
programa sa radyo at palabas sa telebisyon ay tuluyang naihahatid nang walang puknat,
nang walang hinto sa pandinig, sa paningin at sa kamalayan ng tao. Dagdag pa ni Alice
Guillermo: “Much of the effectivity of the TV medium as a conveyor of values and hence of
ideological content lies in its immediate accessibility: with a flick of a dial, the images spring to life
and all at once there is created the illusion that these images are within us, around us and that
they unfold in space as the world outside our domestic confines” (1989: 204).
Lahat na yata halos ng galaw, hilig, pagpapahalaga, hitsura, problema, kaalaman at iba
pa ay tumatakbo bilang mga nag-aagawang tema sa programa o produkto ng mass
media. Lahat ng ito ay nakasilid ika nga sa idiot box (TV) o talkies (radio) na mistulang
nagbebenta ng tema at produkto sa pagkonsumo ng tao. Dahil dito, ang galaw, isip at
damdamin ng tao ay nakakahon sa diskurso ng mass media. Sinusuyod ito bilang
praktika ng pang-araw-araw na pamumuhay sa lipunan. Sinasang-ayunan ito ni Nick
Couldry nang sabihin niyang: “We can understand the media’s ability to become ‘obligatory
passing points in the general circulation of images and discourse, not as something superimposed
on social practice from the outside; instead it endlessly reproduced the details of social practice
itself” (2000: 5).
Kung bakit ganito ang kinahihinatnan ng mga komukonsumo ng mass media ay sa
dahilang hindi na ito tinitingnan bilang repleksyon o representasyon ng realidad; bagkus,
ang mass media mismo ay bumubuo na ng realidad ng tao. Kalabisan mang sabihin,
subalit ito ang nagdidikta kung ano ang kakainin, iinumin, susuotin, aalamin,
papanoorin, pakikinggan, sasabihin ayon kay Rolando Tolentino (2001). At sa
kaganapang ito nagiging mistulang normal at natural lamang ang pagkonsumo sa
pangkahalatang diskurso at praktika ng mga tao.

Ang Diskurso ng Kulturang Popular sa Panahon ng Komersyalismo

Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at pinapalaganap
mula sa sensibilidad ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay patungo sa
kamalayang naghahari ang makabago, mapusok, marangya at makapangyarihan. Ang
kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbulo, pananda, paninda at
komoditi sa karanasan ng tao na namulat sa mabilisang pagbabago sa isang sibilisasyon.
Tinatangkilik ito dahil sa popular at higit sa lahat tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at
huling puntirya. Paano? Dapat munang isaalang-alang ang kahalagahan ng teknolohiya
at inobasyon sa isang bansa. Sinabi ni Tolentino na:
Makikilala lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay naipapalaganap.
Kinakailangan ng mga teknolohiya para maipaabot ito sa mga tao. Ang teknolohiyang ito ay
maaaring media—print, broadcast, film, computer at iba pa. Ito ay maaaring domestikong
teknolohiya tulad ng telebisyon…Ito ay maaaring kultural na teknolohiya—tulad ng edukasyon
at sining (2001: 7).
Ang industriya, imprastraktura, telekomunikasyon at merkado ay mahahalagang
sangkap sa komersyo ng isang bansa. Napasimulan ang lahat ng ito sa pagpasok ng mga
Amerikano na sila ang nagpalakad at nakinabang sa negosyong pambansa ng Pilipinas
sa panahon ng Komonwelt at Unang Republika, partikular ang pagbibigay pantay-
karapatan sa mga Amerikano sa negosyo at kalakalan sa panunungkulan ni dating
pangulong Manuel Roxas. Ang implikasyong ekonomiko nito sa usapin ng uring
panlipunan ay umikot (at umiikot hanggang ngayon) sa namumuhunan, sa mga
negosyanteng may salapi. Kung kaya’t ang teknokrasya ay ginamit para mapanatili pa
lalo ang sangkalan sa pagpapaigting ng mga interes at kapritso ng mga kapitalista. Ang
pagbubukas ng pinto sa mga bagong teknolohiya ang naging dahilan kung kaya’t ang
pagnanasa ng lahat sa uso at makabago ay bigla-biglang natutugunan. At dahil na rin

20
dito naging mahusay na kasangkapan ang teknolohiya upang lumikha ng artipisyal na
pagnanasa, hilig at fanstasya. Ikinumpol ang produksyon sa pamamagitan ng
teknolohiya para sa higit na nakakaraming tao—ang masa. Ayon kay Teresita Maceda
(Lagda 1999) binaha ng mga produktong buhat sa Amerikanong kulturang popular ang
Pilipinas at dahil dito nagmistulang di makatakas sa Amerikanisasyon ang masa kahit
na hindi sila natutong lahat ng Ingles o nakapag-aral.
Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang bumubuo
ritor: ang una’y kultura at ikalawa’y popular. Ang kultura ay isang pinagsasaluhang
praktika at mentalidad ng tao. “Culture is both the ‘arts’ and the values, norms and
symbolic goods of everyday life. While culture is concerned with tradition and social
reproduction, it is also a matter of creativity and change” (Barker, 2000: 35).
Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang tahasang
kahulugan ito. Ang kultura ay masasabing mayroong reflexibong kahulugan na
maaaring nakabatay sa katangian, salik at deskripsyon na sumasanga-sanga sa usapin ng
politika, ekonomiya at kasaysayan. Sinasabi naman ni Tolentino (2001) na ang kultura ay
isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o kabuuan ng isipan sa mga kilos at bagay-
bagay na likha nito o nilikha para rito. Pahayag niya: “Ito ay tumutukoy sa afinidad ng
indibidwal na kaisipan sa iba pang kolektibong kaisipan…(H)alimbawa ang hindi
namang magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-malay (unconscious) na
ugnayan dahil sa parehong balitang kanilang nabasa sa pahayagan o napakinggan sa
radyo tungkol sa mga pamabansang isyu” (2001: 4-5).
Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang pang-uri
na nangangahulugang “kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.” (1983: 87,
salin). Numerikal din ang isang pakahulugan ng popular. Popular ang isang bagay o tao
kung maraming tumatangkilik. Ang afirmatibong aksyon na pagtangkilik ang lumilikha
ng bilang. Sa isang banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao mula sa
salitang populus (“people” sa Ingles) sa wikang Latin.
Sa ideolohikal na usapin, sa pagsasanib ng dalawang salitang ito, ang kulturang popular
ay unang lumitaw at naintindihan sa pagsapit ng modernong panahon sa Europa bilang
kabaligtaran ng mataas na Kultura (may empasis sa malaking K). Kultura ito ng
namamayaning kaayusan at inaangkin ng naghaharing uri sa lipunan. Ang produkto ng
Kultura nila ay tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang masa ay bakya
at mababang uri (Adorno at Horkheimer, sa During 2000). Pakiwari ni Chris Baker dito:
“A variant of high-low cultural boundary, and one which reproduces the’inferiority of
the popular, is that which decries commodity-based culture as inauthentic, manipulative
and unsatisfaying” (2000: 44).
Saan nanggagaling o ano ang sentrong pinagluluwalan ng kulturang popular?
Sinasabing ang gumagawa o sumusugal sa kulturang ganito ay yaong mga
transnasyunal at translokal na kapitalista. Wala ng geopolitikal na hangganan ang
pagpasok ng makabagong musika, literatura, pagkain, damit, kaisipan, ideolohiya at
marami pang iba. May rasyonalisasyon ng pang-araw-araw na tunguhin ang mga tao na
naiimpluwensiyahan ng mga bagay o komoditi mula sa labas. Humahatak ito sa
pangkalahatan na sumanib at makiuso at nagiging pananda ng kasikatan sa panloob na
geograpi ng kilos at gawi ng tao (Ritzer, 1990). Kay Lumbera (1997) usapin ng loob at
labas ito, ang kulturang popular ay galing sa labas na kaiba sa pambansa o folk na
kulturang nasa loob ng bansa. Nang tumagal, ang puwersang ito na mula sa labas ay
pumasok na sa sensibilidad, pagpapahalaga, kaugalian ng mga tao. Matatawag natin
itong kultura ng kamalayang popular na mas matindi pa sa pisikal na pagtangkilik

21
lamang ng produkto. Kapag napasok na ang kamalayan, nagiging bahagi na ng kalooban
ang mula sa labas.
Sa bandang huli ng spectrum, makikita ang kalagayan ng mga komukonsumong masa.
Sa ganitong sitwasyon pinaniniwalaang ang kulturang popular ay maiintindihan, hindi
sa yugto ng produksyon ng mga produkto, bagkus sa pagkonsumo nito.

Kulturang Popular: Isang Pagsasaayos sa Kapangyarihan ng Kultura at Masa sa

Panahon ng Komersyalismo
Lubhang nakakulong sa diskurso ng kawalang kapangyarihan ang papel ng masa sa
kontexto ng kulturang kanilang nililikha at lumilikha sa kanila. Sa ganitong kadahilanan,
nararapat na gamitin at basahing muli ang pagteteorya ng terminong kulturang popular.
May tatlong kategorya ang paggamit ng mga katagang ito. Ang kulturang popular ay
isang pag-aangkin sa puntodebista ng gumagamit o komukonsumo nito. Ito ay kultura
ng tao, ng masa at masasabing dikta ng komukonsumo. Paanong mangyayaring dikta ito
ng masa? Ang mga produkto ng kulturang popular ay ginagawa kasa-kasama ang masa
sa isipan ng mga kapitalista. Hindi ba’t bago lumustay ng malaking puhunan sa isang
produkto ang isang negosyante, tinitingnan at sinusuri muna kung magugustuhan ba ito
ng konsumer? “Judgments about popular culture are concerned with question not of
cultural or aesthetic value (good or bad taste) but of power and the place of popular
culture within the wider social formation” (Barker, 2000: 48). Ang produksyon sa
kalakaran ng kulturang popular ay nasasapawan. Ang mga kapitalista ay dapat na
sumunod at mamalagi sa paggawa ng may matataas na serbisyo at produkto. Sa
pamamagitan ng makabagong pamamaraan sa produksyon at paggamit ng teknolohiya
napapanatili ang kalidad at kahusayan. Ang produksyon sa kulturang popular ay
maramihan sapagkat inaabot nito ang masa. Subalit ang ganitong takbo o kalakaran ay
naglalagay ng alanganin sa mga kapitalista. Sapagkat gamit din ng nasabing teknolohiya
at pananaw sa maramihang produksyon, nasasapawan sila ng mga maliliit ngunit
makapangyarihang retailer o negosyante. Dito pumapasok ang mga imitasyon ng mga
produkto sa merkado, halimbawa ang mga pekeng pantalon, damit, bag; payrited na
tape, cd, at dvd; suplus na appliances tulad ng computer, tv, radio, cd player, kotse at
marami pang iba. Sa ganitong tunggalian ang may matataas na kalidad na produkto ay
binibigyan ng proteksyon ng batas. Ngunit ang kalaban nito ay ang puwersa ng
mamimili na siyang nagpapasya sa pagkonsumo kahit na ang produkto ay peke, payrited
o imiteyted. Isang kasagutan kung bakit mataas ang pagtangkilik dito ay ang presyo ng
serbisyo at produkto—lahat ito ay mura kumpara sa orihinal, awtentik at patented. Hindi
rin natin masasabing labas ito sa kalakaran ng kulturang popular. Hindi ang isyu ng
legalidad ang punto rito, kundi ang tunggalian at tensyon sa espasyo ng paggamit ng
kapangyarihang pumili at bumili. Ang boses ng masa bilang konsumer ang gumagawa
sa malaking bahagdan ng pagkilos ng produkto at serbisyo sa merkado at sa lipunan sa
kabuuan. Inululugar ang kapangyarihan ng masa bilang espasyo ng tunggalian at pag-
aaklas sa merkado o lipunan. Babagsak ang isang kapitalista kung hindi patok sa masa
ang kanyang produkto. Sapagkat ang pag-aangkin ng kapangyarihan ng masa ay
nakatutok sa kalayaan ng konsumer na mamili sa produkto o serbisyong kanyang
bibilhin. May kalayaan sa pagpili ang konsumer, samantalang ang kapitalista ay
nakakulong sa produksyong walang katiyakan at katatagan pagdating sa merkado.
Ang lugar ng elit, aristokrat at burgis ay yaong gamitin ang kanilang salapi para sa
produksyon at wala ng iba pa. Samantalang ang masa mismo ang tuwirang may
kapangyarihan upang buhayin, ipagpatuloy at buuin ang kulturang popular. Maling
sabihin na ang kulturang popular ang namamayaning kaayusan na binuo ng mga elit. Sa

22
bahagdan ng pagbubuo ng kulturang ito maliit na porsyento lamang sila bilang
prodyuser-konsumer. Ang punto ng kulturang ito ay wala sa produksyon kundi nasa
pagkonsumo. Ang trending kung anong palabas o produkto ang dapat pamalagiin ay
dapat na nakasunod sa kagustuhan, desisyon at pagtangkilik ng mga komukonsumo;
kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa pagkalimot at pagkalugi. Kung
kaya’t nawawala sa ere ang isang palabas sa telebisyon kung hindi ito nagustuhan ng
manonood. Nalalaos ang isang usong damit kung wala nang nagsusuot. Nalalaos din
ang mga artista o aktor kung lumipat sa iba ang kanilang dating fans. Sa katapusan,
nagsasara ang isang kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng saysay sa mga
tao.
Ang kulturang popular ay lugar ng tensyon at kontradiksyon, kapangyarihan at
resistans. Tunay ngang nakikinabang ang mga kapitalista sa pag-ikot ng transaksyon sa
negosyo, industriya at kulturang popular. Ngunit nagiging pupugak-pugak na mithiin
na ang magkamal ng malaking kita, sapagkat magastos ang kagustuhan ng konsumer.
Ang pangunahing tungkulin ng kapitalista o prodyuser ay pasayahin at gawing kuntento
ang konsumer, ngunit alam nating walang katapusan ito. Isa pa, kailangan nilang
sustenahin ang kanilang lugar sa merkado dahil sa kompetisyon. Kailangan din nilang
magkaroon ng palagiang inobasyon sa serbisyo at produkto, at bigyan ng maraming
benepisyong libre at iba pang gimik ang konsumer upang manatiling tapat na
tagapagtangkilik. Hindi ba’t magastos ang ganitong kalakaran ng kulturang popular?
Kung may kontrol man sila iyon ay dulot ng kanilang salapi, subalit hindi
pangmatagalan ito sa dahilang madaliang guguho ang kapital dahil sa walang hinto at
hindi matigil na kagustuhan ng mga komukonsumo. Ang kulturang popular sa mga
kapitalista ay lugar ng pakikipagbuno. Samantala sa masa ito ay isang bukas na lugar ng
malayang pagpili o paghulagpos.

Pagsasanay

Pagsulat ng Ulat Naratibo

Panuto: Magbahagi tungkol sa mga nakikitang pagbabago o mga popular na klase na
mga awitin, politika at kultura.

Awitin
____________________________________________________________________________________________________________________________________________

Politika

23

Naging kontrobersyal ang Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 at bagaman hindi

naman ito binawi ng KWF, hindi rin naman ito laganap na sinunod sa bansa maging
ng mismong pamahalaan.

Maligayang pagbati! Natapos mo na ang nilalaman sa

unang Aralin, ngayon sigurado akong handa ka na sa
pagsagot sa mga katanungan.

24
Gaano na Kalayo ang Ating Narating?

Pagbuo ng Hambingang Diagram

Panuto: Pagbuo ng Hambingang Diagram na nagpapakita ng pagkakatulad at

pagkakaiba ng political na pananaw, sa mga awitin at mga kulturang popular sa
kasalukuyan (Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa kasagutan)

25
Pagyamanin Natin

Pagsulat ng Posisyong PapelS

Panuto: Pagpapakita ng pag-unawa sa kulturang popular sa pamamagitan ng pagsulat

ng posisyong papel,

_____________________________________________________________________________
(Pamagat)

______________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________ _

26
MUNGKAHING BASAHIN:

Basahin at panoorin ang mga sumusunod na artikulo at bidyu sa tinukoy na website.

✓ https://www.scribd.com/doc/63538582/Pagsusuri-Ng-Musikang-Filipino
✓ https://www.scribd.com/doc/22052559/TATSULOK-by-BAMBOO

SANGGUNIAN

Badayos,Paquito B. (2008) Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino Mga

Teorya,Simulain,at Istratehiya Ikalawang Edisyon Potrero Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc.,

Jefferson, J. (2011). Wika, kultura at lipunan. Retrieved from

https://www.scribd.com/document/48925807/silabus-2010-2011
Orito, R. (2013). Kulturang popular. Retrieved from
https://www.academia.edu/9686034/KULTURANG_POPULAR

REPLEKSIYON NG KABANATA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan dito bilang iyong dyornal at ibahagi ang
iyong mga sagot sa loob ng chat sa pangkat ng Facebook Messenger bilang bahagi ng
aming pagsubaybay.

1. Ano ang iyong alam tungkol sa paksa bago ito tinalakay? Ano ang natutuhan mo
pagkatapos ng araling ito?
__________________________________________________________________________________

2. Paano mo mailalapat ang iyong natutunan sa iyong kasalukuyang buhay bilang

isang mag-aaral at sa iyong pangarap na pangarap?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Ano ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa aralin na gusto mong
matutunan? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

27
APENDIKS

RUBRIKS SA KABANATA 1, Aralin 1

Pagsasanay: Rubrik sa Venn Diagram

Pamantayan Marka
Kaayusan ng Konsepto (10%)

Nilalaman (80%)

Kaugnayan ng Nilalaman (10%)

KABUUAN

Pagyamanin Natin: Rubrik sa Indibidwal na Pagsusuri

Krayterya Napakahusay Mahusay Limitado Nangangailangan
20 15 10 pa ng Pag-unlad
5

Nilalaman Lubhang substansyal at Substansyal ang mga Hindi gaanong Kulang ang mga
40% makabuluhan ang mga impormasyong substansyal ang mga impormasyong
impormasyong inilahad inilahad ukol sa paksa. impormasyong inilahad. inilahad ukol sa
ukol sa paksa. Naipamalas ang Limitado ang naipahayag paksa. Hindi
Naipamalas ang lubos na pagkamalikhain sa na maayos na
pagkamalikhain sa pagpapahayag ang nilalaman/mensahe ng ng naipahayag ang
pagpapahayag ang nilalaman/mensahe ng paksang napili. nilalaman/mensahe
nilalaman/mensahe ng paksang napili. ng paksang napili.
paksang napili. 6 4

8 2

Impak Mahusay na pinag- isipan. Mahusay na pinag- May ilang bahagi na Naghatid ng
40% Nakapaghatid ng isipan. nakalilito sa diwang kaguluhan at
napakamakabuluhang Nakapaghatid ng nais ipabatid. kalituhan sa diwang
diwa sa mambabasa. makabuluhang diwa nais ipabatid sa
sa mambabasa. mambabasa.
8 6 4
2
Mekaniks Walang pagkakamali sa Halos walang Maraming Napakarami at
(Ispeling at gamit ng mga salita, pagkakamali sa pagkakamali sa gamit nakagugulo ang
Paggamit ng kapitalisasyon, gamit ng mga salita, ng mga salita, mga pagkakamali
Salita) 20% pagbabaybay at kapitalisasyon, kapitalisasyon, sa gamit ng mga
pagbabantas. pagbabaybay at pagbabaybay at salita,
pagbabantas. pagbabantas. kapitalisasyon,
pagbabaybay at
3 2 pagbabantas.
4 1

RUBRIKS SA KABANATA 1, Aralin 2

Gaano na Kalayo ang Ating Narating: Rubrik sa Hambingang Dayagram

Pamantayan Marka
Kaayusan ng Konsepto (10%)
Nilalaman (80%)

Kaugnayan ng Nilalaman (10%)

KABUUAN

28
Pagyamanin Natin: Rubriks sa Pagsulat ng Posisyong Papel
4 3 2 1 Kabuua
n
Panimula 10 Ang Ang panimulang Sinubukang Hindi
% panimulang talata ay gumamit bigyan ng maganda
talata ay ng kasabihan, manunulat ang
nakatatawag anekdota, ng mahusay panimula at
pansin at katanungan o na panimula walang
naangkop sa pahayag ngunit ngunit kaugnayan
mga paksa. hindi nakatatawag walang sa paksang
Ginamitan ng pansin. koneksyon tinalakay.
mahusay na sa paksang
kasabihan, tinalakay.
anekdota,
katanungan o
isang
nakatatawag
pansin na
pahayag.
Pagkasunud- 30 Malinaw ang Hindi gaanong Hindi Nakalilito at
sunod ng % pagkasunud- malinaw ang maayos ang walang
Kaisipang sunod ng pagkasunud-sunod pagkasunud- kaayusan sa
inilahad punto at ng punto. sunod ng pagkasunud-
paliwanag na mga punto sunod ng
madaling na halos mga
maunawan at hindi na puntong
nakaaaliw mauunawaa inilahad.
basahin. n ang
puntong
ipinababatid.
Kaangkupan 30 Lahat ng Karamihan sa mga May isang Lahat ng
ng paliwanag % paliwanag ay paliwanag at paliwanag paliwanag ay
sa paksa, angkop, halimbawang na hindi angkop
kalinawan ng mahalaga at ibinigay ay angkop sumusuporta sa paksang
balangkas mahusay na at mahalaga sa sa posisyon tinalakay.
nailahad na paksang tinalakay. ng
sumusuporta manunulat
sa paksang sa paksang
tinatalakay . tinalakay.
Pagkabuo ng 20 Lahat ng Karamihan sa mga Maraming Lahat ng
pangungusap % pangungusap pangungusap ay pangungusa pangungusa
, baybay, ay mahusay maayos na nabuo. p na hindi p ay hindi
grammar, na nabuo mahusay o maayos ang
gamit ng gamit ang maayos ang pagkabuo.
malaking titik iba’t ibang pagkabuo. May
at bantas anyo at uri ng May mga maraming
pangungusap mali sa mali sa
. grammar at baybay,
baybay. bantas, at
paggamit ng
malaking
titik.
Wakas 10 Ang Gumamit ng Sinubukang Hindi
% panwakas na kasabihan,anekdota bigyan ng maganda
talata ay , katanungan o manunulat ang wakas at
nakatatawag pahayag ngunit ng mahusay walang
pansin at hindi nakatatawag na wakas kaugnayan
angkop sa pansin. walang sa paksang
mga koneksyon tinalakay.
mambabasa. sa paksang
Maaaring tinalakay.
gumamit ng

29
mahusay na
kasabihan,
anekdota,
katanungan o
isang
nakatatawag
pansin na
pahayag.

PUNA SA KURSO

Sa bahaging ito maaring magtala ng mga puna sa kurso.

______________________________________________________________________________

30

You might also like