You are on page 1of 32

Yunit 1.

INTRODUKSYON SA KULTURANG POPULAR


NG PILIPINAS
Buksan natin ang kaalaman ng Yunit 1

Sa pangkalahatan, ang pag-aaral ng kulturang popular ng isang bansa


ang maituturing na impormal sapagkat, ang malaking nakapagdulot ng pag-
alam at pag-unawa ng konsepto nito ay mula sa midya at o kasangkapang
pangmidya. Sa pamamagitan ng modyul na ito, mapapalawak at mapapalalim
nito ang kasaysayan, kahulugan, kahalagahan at katangian ng kulturang
popular. Dito, mas mauunawaan mo na ang bawat bagay o ang pinag-
uusapan sa kulturang popular o kung ano ang maituturing na kulturang
popular ay may kanya-kanyang de-kahong buhay. Nakabatay sa kung kailan
lamang ito pinagdanas bunga ng kasikatan o pangangailangan ng sitwasyon.
Sa pag-ugnay ng katangian at saklaw nito, mahihinuha na hindi nauubusan
ng bagong uso at pagtangkilik naman ng mga ito nang nakararami sa
minarkahang komoditi ng kulturang popular.
Sa katunayan, ang konsepto ng kulturang popular ay may kaakibat ng
paninindigan at may katotohanang isinisiwalat nito. Hindi man natin
mababalikan ang ating nakaraan, lalo na ang mga ginawa sa ngalan ng
pagtangkilik ng iba’t ibang komoditi ng kulturang popular na kung tutuusin, sa
kabuuan, siyang bumubuo ng ating pagkatao.
Kaya, isang mahalagang bahagi ng ating kultura ang pagsasaalang-
alang kung ano ang popular sa ating kultura sa ngayon.
Ang Yunit na ito ay binubuo ng apat na aralin:
Ang Aralin 1 ay nauukol sa kasaysayan ng kulturang popular.
Ang Aralin 2 ay pagpapalalim mo ng kahulugan nito.
Sa Aralin 3 naman ay ang kahalagahan ng kulturang popular.
Mahihinuha natin kung gaano na kalawak ang sinasakop o sinasaklaw ng uri
ng kulturang ito sa ating pagkakakilanlan at pagkatao;
Habang ang Aralin 4 ay pagpapalawak mo ng mga katangian upang
mas mauunawaan mo pa ang koseptong ito, kalakip dito ang saklaw bilang
sakop ng kulturang popular sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng tao sa lipunan.
Alam kong handa ka na para buksan ito at simulan ang pagkatuto.
O, simulan mo na.

1
Matutuhan mo ang sumusunod

Pagkatapos ng buong Yunit 1 ikaw ay inaasahang:


1. nakapaliwanag nang may pag-unawa ng iba’t ibang pananaw at
konsepto ng kultura at kulturang popular;
2. nakanalisa ang mga positibo at negatibong dulot ng kulturang popular
sa isang lipunan;
3. nalarawan ang kulturang umiiral sa sarling lugar;
4. naisa-isa ang mga impluwensyang ibinunga batay sa katangian at
saklaw ng kulturang popular na umiiral sa sariling lugar;
5. nakasulat ng maikling reaksyon tungkol sa implikasyon ng kulturang
popular sa isang tiyak na aspekto ng buhay ng tao sa lipunan;
6. napahalagahan ang mga implikasyong dulot ng kulturang popular sa
ating tradisyonal na kultura sa pamamagitan ng pagguhit.

Kaya, ihanda mo na ang iyong sarili dahil sisimulan na natin ang


iyong paglalakbay.

Aralin 1. Kasaysayan ng Kulturang Popular

Sa unang aralin, matututuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na


makatutulong sa iyo bilang bahagi at kasapi ng ating lipunan. Nakatitiyak
akong matutugunan mo ang mga sumusunod na layunin:
1. nabibigay mo ang positibo at negatibong konsepto ng kulturang
popular batay sa kasaysayan nito;
2. nauugnay mo ang kasaysayan ng konsepto ng kulturang popular mula
sa kasaysayan nito sa kalagayan ng kulturang mayroon sa ating
bansa.

Paliparin

Bago mo lubos na maunawaan


at matutuhan ang konsepto ng
kulturang popular, basahin at pansinin
mo ang inihanda kong maikling komik
istrip sa ibaba upang mabigyan ka ng
ideya hinggil sa kulturang popular
kung bago pa ang terminolohiyang ito
sa iyo. Punahin ang sitwasyon na
pinaghambing at pinag-iba na pinag-
usapan sa loob ng komik istrip.

Busyok Creative.(2013, December 24). Artclip by Busyok Creative. Retrieve from


https://www.google.com/search?q=www.busyok.com.art+and+design&sxsrf=ALeKk02u0nuloABe8eaJlierSu3SUZE0Vw:1593834048235&source=ln
ms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwitlJrC1rLqAhWbP3AKHTa-DuU
Q_AUoAXoECAsQAw&biw=1034&bih=620#imgrc=DAyzSTnDMWy26M

2
Dugtungan mo ang mga pangungusap sa ibaba batay sa nilalaman ng
komik istrip. Titingnan ko kung naunawaan mo ito.
Ang nilalaman ng komik istrip ay tungkol sa
___________________________________
___________________________________
___________________________________.

Ang ipinakitang pagkakapareho ng pinag-usapan sa komik istrip ay


____________________________________
____________________________________
___________________________________.

Ang ipinakitang pagkakaiba naman ng kalagayan batay sa pinag-


usapan sa komik istrip ay
____________________________________
____________________________________
____________________________________
___________________________________.

Nakita at nalaman mo na ang kaibahan ng kalagayan sa nilalaman ng


komik istrip? Kung ang sagot mo ay tungkol sa pamaraan ng paghintay ng
sagot sa inaasahan ng nagtanong, tama ka. Binabati kita!
Subalit, makikita nating mas nasisiyahan sa reaksyon ang tumanggap
ng sulat kaysa sa naghihintay ng reply sa text message lamang. Malaki
talaga ang pinagkaiba ng dalawang komiks istrip dahil sa paglipas ng
panahon.
Ang konsepto sa itaas sa binasa mong komik istrip ay may kinalaman
sa konsepto ng kulturang popular. Upang mas lalo mo pang maunawaan ito,
basahin ang susunod na babasahin.

3
Galugarin

Kasaysayan ng Kulturang Popular

Unang naimbento ang katagang kulturang popular, noong ika-19


dantaon o mas maaga pa upang tumukoy sa edukasyon at pangkalahatang
"kakalinangan" o "kakulturahan" ng mga taong nasa mas mababang antas ng
lipunan (http//:Wikipedia.com).
Nagsimulang kuhanin at ariin ang kahulugan, bilang isang kalinangan
ng mga taong nasa mababang antas ng lipunan na nakahiwalay mula sa (at
paminsan-minsang laban sa) tinataguriang "tunay na edukasyon“.
Ayon sa Bulwagang Pambayang Birmingham sa Inglatera, ito ay nag-
umpisa sa kapanahunang nasa pagitan ng mga digmaan sa naturang bansa.
Ayon sa Popular culture in early modern Europe (3rd ed.),sinabi ni
Burke, sa katunayan, ang terminolohiyang kulturang popular, ay pumapagitan
sa dalawang magkaibang kultura – ito ay ang kultura ng nasa mataas na
antas sa lipunan at ng nasa mababang antas ng lipunan.
Ang nasabing pagkakaroon ng pagitan ng dalawang kultura, ayon kay
Edward Thompson ay ang ideya ni Gramci ng ‘cultural hegemony’. Ang
implikasyon nito ay kung sino ang dominante at nasa mababa na naging
dominated o subordinate.
Sa pagpapalawak ng usaping ito, sa antas makro, ang pagbabagong
ito sa kultura bilang pagtukoy sa antas sa lipunan ay orihinal na galing sa
elites lalo na ang nasa mataas na posisyon sa lipunan saka naipalaganap sa
buong komunidad. Batay kina Norbert Elias at Michael Foucault, ito ay isang
proseso ng pagiging sibilisado o pagdisiplina na siyang kokontrol sa kanilang
gawi at ugali ng mga karaniwang tao subalit ang prosesong ito ay unti-unting
nahinuha at natuklasan.
Sa kasalukuyan, ito ay isang kulturang para sa pagkonsumo ng masa
o madla, iyong natatanging nagsimula sa Estados Unidos. Nailunsad ang
ideyang ito at naging matatag sa panahong pagwawakas ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Sa gawi sa wikang Ingles, ang popular culture ay pinaiiksi bilang pop
culture o "kulturang pop" at "kalinangang pop", at ang naunang paggamit ay
maitatayang nasa dekada 1960.
Para malaman natin kung naunawaan mo, sagutin ang susunod na
gawain na siyang pagtalakay mo sa iyong pag-unawa sa binasa tungkol sa
kasaysayan ng kulturang popular.

4
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

Ang tinalakay na kasaysayan sa itaas ay makakatulong sa iyo upang


makuha mo ang konsepto ng kulturang popular batay sa kasaysayan. Sa
pagsagot mo sa gawain sa ibaba, mapag-iba mo ang positibo at negatibong
konsepto batay sa kasaysayan nito. Piliin sa tinalakay sa itaas ang tig-tatlong
positibo at negatibong konsepto at isulat ito sa ating Plus/Minus T-Chart sa
ibaba.

Plus/Minus T-chart
+ Positibong Konsepto ng - Negatibong Konsepto ng
Kulturang Popular Kulturang Popular

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Sa palagay ko ay nakasagot ka nang ayon sa hinihingi ng gawain sa


itaas. Sa pamamagitan nito ay mapapalalim ang iyong pag-unawa ng
konsepto ng pag-imbento ng katawagang kulturang popular. Ang susunod ay
maghahamon ng iyong kaisipan at imahinasyon sa pagtatanong nang tungkol
dito.

5
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Ang facebook wall sa ibaba ay sisimbolo ng iyong damdamin at isipan.


Mag-post ng isang tiyak at mapaghamong tanong ukol sa iyong
naunawaanmatapos mong mabasa ang kasaysayan ng kulturang popular
upang pagninilayan ng makababasa rin nito.

Isulat mo rito ang iyong tanong.

Typical facebook layout.(2020).Niretrib sa: Facebook.com.

Sa palagay ko ay nahamon ang isipan ng bumasa ng iyong post sa


facebook wall dahil naunawaan at napagnilayan nila ang tunay na adhikain ng
pag-imbento ng kulturang popular kaugnay sa kalagayan ngayon lalo na sa
ating kultura.Sa ating pagpapatuloy, narito ang isa pang gawain na
magpapalawak ng iyong kaisipan.

6
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Subukin

Sa palagay ko ay lubos mo nang nauunawaan ang ating aralin sa


kasaysayan ng kulturang popular, kaya maghanda ka na para sa maikling
pagsubok. Sagutin ang Anticipation Guide na nagpapakita ng mga sitwasyong
may kaugnayan sa konsepto sa ating kalagayan sa bansa.

Lagyan mo ng tsek (√) ang dalawang patlang kung ang mga naturang
sitwasyon sa loob ng pangungusap ay sinasang-ayunan mo at kung hindi, ay
ekis (x). Pagkatapos, isulat sa ibaba nito ang iyong maikling paliwanag na
may 20 – 30 na mga salita lamang.

Kalagayan ng Kulturang Popular sa ating Bansa


Pinaniniwalaan ko

________1. May kulturang popular na umiiral sa larang ng edukasyon dahil


nagbubunsod ito ng paggamit ng media.

Paliwanag:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________________________________.

________2. Sa antas ng pamumuhay ng mga Filipino, damang-dama ang


agwat ng mayaman at ng mahirap.

Paliwanag:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________________________________.

________3. Ang kulturang popular sa ngayon ang higit na kailangan lalo na


sa aspektong industrialisasyon at konsumerismo.

Paliwanag:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

7
______________________________________________________________
__________________________________________________________.

________4. Higit na nahihirapan na rin ang nasa mataas na antas ng


pamumuhay sa nangyayaring krisis sa ngayon.

Paliwanag:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________________.

________5. Hindi na nararamdaman ang agwat sa bawat estado ng buhay


ng mga Filipino dulot ng pandemya dahil ang antas ng ekonomiya sa buong
mundo ay kapwa naghihikahos.

Paliwanag:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________________________________.

Kumusta ang pagtahak ng unang aralin? Nakatulong ba ang mga


gawaing inihanda ko para sa iyo upang mapalalim at mapalawak mo ang
ugnayan sa kasaysayan ng kulturang popular?
Kung ang sagot mo ay opo, salamat at nasundan mo ang daloy ng
mga gawaing ipinagawa sa iyo sa unang aralin. Binabati kita!
Alam kong naging mapaghamon sa iyo ang mga gawain at
nakaagapay sa daloy nito sapagkat, ang mga sitwasyong nailatag sa iyo ay
malapit sa iyong mga karanasan.
Sundan mo pa ang Ikalawang Aralin sa iyong pagpapatuloy sa
pagtahak ng Yunit 1.

8
Aralin 2. Kahuluguhan ng Kullturang Popular

Sa ikalawang aralin, matututuhan mo naman ang ilang mahahalagang


bagay na makatutulong sa iyo bilang bahagi at kasapi ng ating lipunan.
Nakatitiyak akong matutugunan mo ang mga sumusunod na layunin:
1. nakapaglalahad nang malalim sa kahulugan ng kulturang popular;
2. naisaalang-alang ang positibo at o negatibong epekto nito sa
buhay ng tao sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda para sa
iyo upang malawakang maunawaanang lalim ng kahulugan ng
kulturang popular.

Ihanda mo na ang iyong sarili sa muling paglipad sa ating unang


gawain.

Paliparin

Sa iyong natapos na unang aralin, nawa ay nakuha mo ang inisyal


maging ang lalim ng layunin ng pag-imbento ng salitang kulturang popular. Sa
pamamagitan nito, mas mapapalalim at mapapalawak mo ang kaalaman mo
rito sa pagdukal ng kahulugan nito.

Bago mo simulan ito, subukin natin ang iyong galing sa


pagkakategorya ng mga salita sa loob ng kahon. Ipangkat sa tatlo batay sa
kung ano kaya ang pinagkakapareho sa isang aspekto o elemento ng mga
salitang ito. Pangalanan mo ang bawat kategorya ng mga salita na iyong
naisama. Sige, pukawin natin ang iyong iskema o ang dating kaalaman,
simulan mo na.

Tradisyon Pamahalaan Pista Physical Distancing


SAP Ekonomiya Pandemya Turismo
Pagsasabong Komoditi Mass media Anti-Terrorism
Bill Hanapbuhay Quarantine

Unang Kategorya Ikalawang Kategorya Ikatlong Kategorya


Pangalan: Pangalan: Pangalan:

9
Kumusta ang iyong nagawa? Napukaw ba natin ang iyong isip? Sa
palagay ko ay napag- ibaiba mo kung saan nabibilang ang bawat salita dahil
ang mga salitang ito ay pamilyar din sa iyo, lalo na ang mga ito ay naririnig
mo ngayon sa mga balita.

Kaya narito ang babasahin mong artikulo mula sa iba’t ibang awtor
upang maliwanagan ka sa kahulugan ng kulturang popular.

Galugarin

Ano ang Kulturang Popular?

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao


para maramdaman ang pagtanggap sa kanila ng nakararami. Ang pag-ayon
sa kulturang popular ay ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa
modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga
modernong produkto ng mga kompanya at modernong mga bansa
(https://www.coursehero.com/file/
53735396/Ano-Ang-Kulturang-ang-Populardocx/).

Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung


ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ito ay maaaring
teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa.
Ayon kay Tolentino (2015), ang kulturang popular ay hindi lang
simpleng nakikiuso kung hindi, ito ay isang tereyn ng tunggalian. Dito
mahahanap ang iba’t ibang value systems ng masa at maging ang mga
negosyante.
Ang tereyn ng tunggalian ay ang pagtukoy ng itaas at ibaba, sino ang
dominante at dinodominahan, ang nasa sentro at ang nasa tabi lamang at
sino ang makapangyarihan at walang kapangyarihan. Ito ay sumasaklaw sa
kultural na kategorya – produksiyon ng kaalaman bilang ano, sino at paano sa
uri, kaalaman, kasarian, sekswalidad at lahi. Dito ay ang pagtukoy rin ng
global at local, tinitingnan nito ang paggalaw ng kapital, ang kaugnayan ng
lokal na karanasan sa pangdaigdigang konteksto. Kaya, anumang
nangyayari sa bansa ay may kinalaman sa nangyayari sa ibang bansa. Lalo
na maging ang nasyonal at transnasyonal. Sa nasyonal, dito nabubuo ang
nasyon at nasyonalismo bilang pambansang identidad. Habang ang
transnasyonal, ito ay pagkalusaw ng pambansang identidad dahil sa
imperyalismo at globalisasyon. Isang internasyonal na solidaridad ng mga
magkakatulad ng karanasan at adhikain.
Binanggit din ni Tolentino na isa sa mga katangian ng kulturang
popular ang kakayahan nitong lumikha ng kita. Isa sa mga nakikinabang sa
kulturang popular ay ang mga negosyante.
Ang kulturang popular ay malaking negosyo na nangangailangan ng
malakihang bilang ng mga indibidwal na tumatangkilik. Walang mabebenta--
produkto, karanasan, serbisyo, brand, kwento, sandali, o panahon--kung
walang bibili--literal, at figuratibo para sa walang kapasidad na tumangkilik,
ang ideya pa lamang na ang ibinebenta ay isang kanasa-nasang bagay. Kahit

10
pa sinasabi na ang kulturang popular ay mga produkto at serbisyong
ipinapataw ng mga nasa itaas--ng mga negosyo at kapitalismo--ang
karaniwang hamon ay kung paano ito gagawing katanggap-tanggap sa mga
nasa ibaba para ang want ay maging need, ang luho ay maging batayang
pangangailangan ng malaking bilang, at ang mga produkto at serbisyo ay
maging sukatan ng indibidwal na pagganap o katuparan. Ang kapangyarihan
ng kulturang popular ay lumikha ng kultura na popular sa labas ng sakop ng
loob ng aktwal na produkto at serbisyo nito, o kung paano ang produkto at
serbisyo ng kulturang popular ay nagiging bahagi ng mga kolektibo ng
individual--nag-uusap, nakikitungo, nakikipagkapwa sa aktwal at virtual na
mundo, magkakilala man o hindi--o sa madaling salita, kung paano ang
kulturang popular ay nagiging vital sa pagkanilalang (becoming, being) ng
mga individual na tumatangkilik sa karanasan nito.
Ang pagkanilalang ay nakabatay sa gitnang uring panuntunan na may
global na dimension: gitnang uri bilang tagpuan ng maykayang kayang
bumaba sa popular na panlasa at ng abang uri na abot-tanaw, abot-kaya
(kahit sa sachet o paminsan-minsan lamang) na madanas; at global dahil sa
yugto ng neoliberal na globalisasyon, ang mga pangarap ay pawang
nakapaloob lamang sa inaalok nito, lalo na ng mga brand para sa global na
hanay ng mga kabataan. Ang akses sa cellphone na I-phone o Samsung
Galaxy, Mac computer at Air Mac, kanluraning fastfood at resto bars, 24/7 na
establisyimento, portable wifi connection, at kulturang mall, halimbawa, ay
pangarap ng lahat ng mga kabataan sa lahat ng bansa at teritoryo sa mundo.
Ang ganitong panuntunan at peg ang siyang magbibigay-substansya sa
pagkanilalang at ng pagdanas ng pagiging global na kabataan: kung paano
umibig, malaglag, mag-Valentine's date, lumigaya, gumimik sa barkada, at
tumanda, pati maging rebelde, magkaroon ng premarital at extramarital
affairs, magdroga, magpatiwakal, at magbagong buhay, o sa madaling salita,
kung paano hip, fashionable, young, at youthful na mabuhay at mamatay.
Sa mundo ng politika, ang kulturang popular ay isang patakaran, ang
pamahalaan mismo bilang “affairs of the state”. Ito ay isang usapin ng
kapangyarihan kung saan may kakayahang magpakilos o magkaroon ng
isang uri ng pag-iisip ang ibang tao. Sumasaklaw ito sa pinakamaraning
bilang ng tao (buong bansa o sektor). Mapapansin nating lahat ay may
pagpapahalaga sa mga produkto ng kulturang popular kahit wala itong
ispesipikong halaga. Ang ideya ng pagiging “culturally odorless” o ang
pagpapahalaga sa bagay ay sumusunod sa parametro nito. Halimbawa na
lamang ay ang mga features ng isang cellphone (Torralba,J. n.d.).
Sa katunayan, isang mekanismo ng liberal na demokratisasyon
sapagkat pinipili ng mga tao ngunit, ang pinagpipilian naman ay
preconstituted at preconditioned gaya kanina ng cellphone. May kalayaan
ngang pumili kung may kakayahang pinansyal naman.
Naliwanagan ka ba sa kahulugan ng kulturang popular mula sa iyong
binasa? Gayon ang lalim at lawak ng kahulugan nito. Hindi mo akalaing
malawak ang saklaw ng impluwensya at higit sa lahat ang sanhi ng paglitaw
nito.
Sa susunod na gawain mo ay ang pagtalakay mo na sa mahahalagang
salita tungkol sa kahulugan ng kulturang popular.

11
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

Kung lubos mo ngang naunawaan ang binasa mo sa itaas, sagutin mo


ang gawain sa ibaba. Mula sa graphic organizer na word web, isulat mo sa
patlang ang sampung mga susing salita lamang para sa paglalahad mo ng
kahulugan ng kulturang popular batay sa pagkaunawa mo sa iyong binasa.

KULTURANG
POPULAR

Napili mo ba ang mga susing salita lamang upang mas maunawaan


mo ang kulturang popular? Sa pagpapatibay pa ng iyong pag-unawa sa
konsepto ng kahulugan ng kulturang popular, subukin natin ang iyong
natutuhan sa susunod na gawain.

12
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Tingnan natin kung naunawaan mo ang iyong binasa tungkol sa


kahulugan ng kulturang popular. Sagutin ang mga sumusunod kung nakuha
mo nga.
Sa una mong ginawa, pinagpangkat mo ang mga salita sa kahon batay
sa kategorya nito. Ang susunod na gawain ay ang pag-ugnay mo ng
kahulugan ng salita sa larawang ipinakita.

Kaya, tingnang mabuti ang ninanais sabihin ng mga larawan sa ibaba.


Iugnay ang bawat larawan sa mga salita sa loob ng kahon subalit tatlong
tamang sagot lamang ito. Anong salita kaya ang pinakamalapit na may
kaugnayan dito? Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Mula sa tatlong larawang ito magbigay ng sarili mong saloobin sa


mensahe ng larawan. Isulat ito sa katabi ng mga larawan. Naglalaman
lamang ng 40 – 60 na mga salita bawat larawan.

Tradisyon Pamahalaan Pista Physical Distancing


SAP Ekonomiya Pandemya Turismo
Pagsasabong Komoditi Mass media Anti-Terrorism
Bill Hanapbuhay Quarantine

Kaugnay na salita:
_____________________

Sariling Saloobin:
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
Guzman,R. (2020). Unmasking the truth behind your covid-19 face mask. NiIretrib
sa:
________________________
https://www.google.com/search?q=balita+tungkol+sa+pagdedisenyo+ng+face+mask
&sxsrf=ALeKk02Da5ktSkX95Tor4RQC3ncLooGdLg:1593925095615&tbm=isch&so
________________________
urce=iu&ictx=1&fir=LFdcmYLrBVn2fM%252Ccw_mmXNccbmWcM%252C_&vet=1&
usg=AI4_kToWyvNBPto2igZhqtAmbiKmVeuzA&sa=X&ved=2ahUKEwiTm_3YqbXq
________________________
AhUOPXAKHdwkBiAQ9QEwDXoECAgQBw&biw=1034&bih=620#imgrc=LFdcmYLr ________________________
BVn2fM

13
Kaugnay na salita:
_______________________

Sariling Saloobin:
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
Das, S. (2020,July 27). US doctor is spreading joy during the
coronavirus pandemic, one dance video at a time. Niretrib sa: ________________________
indianexpress.com/article/trending/trending-globally/oregon-
doctor-dancing-tiktok-star-6346112/

Kaugnay na salita:
_______________________

Sariling Saloobin:
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
Bangkok Post.(2020).Stop using Zoom, Singapore schools
told.Niretrib sa: https://www.bangkokpost.com/world/ _____________________________
1897805/stop-using-zoom-singapore-schools-told _____________________________
_____________________________

Ang mga larawang pinag-ugnay mo ay alam kong malapit sa iyong


karanasan sapagkat ang mga ito ay kasalukuyang nagaganap. Sa gayon,
alam kong napag-ugnay mo ang mga ito.
Kaya, ngayon subukin natin ang iyong natutuhan sa mga kalagayan
kung may kulturang popular.

14
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Subukin

Bilugan ang OO o WALA at isulat sa patlang ang maikling dahilan mo


kung may nagaganap ba o wala ng kulturang popular sa ipinapakitang
mensahe ng larawan sa ibaba.
OO WALA
1. ________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
Panay News. (2020) .Editorial Cartoon of the Day.
https://www.google.com/search?q=editorial+cartooning+about+covid+19+philippines&sxsrf=ALeKk01hDb-
5bcf__oP7N5yWogfpzzqUZA:1594711242509&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj34YOpmszqAhWGMd4KHXb_CPoQ_AUoA
XoECAsQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=nqM9glipEl7o1M

OO WALA
2. ___________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_______________________________.
Alba, A.(2001). Drugs.
https://www.google.com/search?q=eugene+bacasmas+editorial+cartoon+philippine+star+2018&sxsrf=ALeKk02xOOdnkZSkZ8Q8Bw5q3dY62
ambPg:1594711376237&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiF_-
XomszqAhUDHXAKHd9kCWkQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=sW_9isIMZi7pxM

OO WALA
3. ____________________________
________________________________
________________________________
________________________________
_______________________________.
Picuki.(2020). #Chismosavirus.
https://www.google.com/search?q=chismosavirus+meme&sxsrf=ALeKk03d9GYh5PTFqdhK6cUSp2-
DUywUJA:1594711437499&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjfioGGm8zqAhUYMd4KHWfADAcQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bi
h=657#imgrc=37UW-NTBKXA1_M

15
OO WALA
4. ______________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
________________________________
Panay News. (2020). Editorial Cartoon of the Day2.
https://www.google.com/search?q=tet+2020+editorial+cartoon+covid&sxsrf=ALeKk03wm_YMr7w7AkYwQpVlldFMgXSqwQ:
1594711513985&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj3q72qm8zqAhWBfXAKHRGHCHcQ_AUoAXoECAsQAw&
biw=1366&bih=657#imgrc=wRXiDfyJOZ_nDM
indianexpress.com/article/trending/trending-globally/oregon-doctor-dancing-tiktok-star-6346112/

OO WALA
5.
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
____________________________.
Pinterest.(2020).Image.NIretrib sa:
https://www.pinterest.co.uk/pin/841399142859689393/

OO WALA
6.
_____________________________

? _____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
___
RMN.(2020). 500 piso bill. Niretrib sa: https://rmn.ph/traydor-atty-larry-gadon-nais
2020
ipatanggal-ang-larawan-ng-mag-asawang-aquino-sa-limang-daang-piso/500-piso-bill/

OO WALA
7.
2020 _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
Migrante International- Taiwan Chapter .(2013).Kung walang kurap,
May relief agad ang mahirap!. https://www.google.com/search?q=kung+walang+korap+may+relief
+agad+ang+mahirap+meme&sxsrf=ALeKk01JU7bM7uC_Js0_d9Fl3eJyJ346WQ:1594711971630&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=otcNlI0V3dD-
hM%252CLdqilbAFOzIFeM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kS7ChLBSytnwJMd2-
MBERrTCO2TPA&sa=X&ved=2ahUKEwj_3NmEnczqAhWIc3AKHbVKAngQ9QEwAHoECAkQBQ&biw=1366&bih=657#imgrc=otcNlI0V3dD-hM

16
OO WALA
8. ________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
__________________________________
Radyo Bandera Bacolod 103.9 FM. (2020). SAD REALITY|| TWO SIDES OF EDUCATION THIS
PANDEMIC.https://www.facebook.com/radyobanderasweetfmbacolod/photos/a.102385521203983/258531855589
348/

Dama mo ba ang mensaheng nais iparating ng mga larawan sa itaas?


Ipinakita sa atin ng mga larawang ito ang tunay na mukha ng ating lipunang
ginagalawan.
Nawa ang mga kalagayang ito ay nakatulong sa iyo sa pagbuo ng
iyong pagkatuto at lalo na ang repleksyon sa pagkakaroon ng kulturang
popular sa ating lipunan sa ngayon.
Masaklap man ang ipinakita subalit, naniniwala pa rin tayo na may
pag-asa at malalabanan ang mga krisis na natunghayan mo sa mga larawan.
Ang Aralin 3 ang magbibigay sa iyo ng pagpapahalaga ng iyong
natutuhan mula Aralin 1 hanggang sa araling ito. Marahil ay mapagtitibay na
natin ang iyong realisasyon sa susunod na aralin.

Aralin 3. Kahalagahan ng Kulturang Popular

Sa ikatlong aralin, mas lalo mong mapahahalagahan ang pag-aaral ng


kulturang popular batay sa impluwensiyang ibinunga sa sarili mong pagkatao.
Dito mo mapagtanto ang halaga kaya bilang layunin ng araling ito ay:
1. natutukoy mo ang kamaliang ugali at gawi ng mga Filipino bunga ng
impluwensya ng kulturang popular;
2. nakabibigay ng kaangkupang solusyon sa mga kamaliang ugali at gawi
ng mga Filipino na epekto ng kulturang popular;
3. nakapaliwanag sa sagisag na ginuhit bilang simbolo ng kahalagahan
ng kulturang popular;
4. nakasulat ng reaksyon tungkol sa implikasyong dulot ng impluwensiya
ng kulturang popular sa ating gawi at ugali.

17
Paliparin

Kumusta ang iyong paggalugad mula sa kasaysayan at kahulugan ng


kulturang popular? Naging masaya at may pananabik ba? Naging
masalimuot, o may napagtanto ka sa tunay na isinisiwalat nito sa iyong
kulturang kinalakihan?
Dahil sa nalinawan ka na sa mga dapat mong malaman, bibigyan mo
ng pagpapahalaga ang iyong naturang nalaman at nahinuha sa muling
paglipad ng iyong imahinasyon para mapukaw ito sa pamamagitan ng gawain
sa ibaba.
Simple lamang ang iyong gagawin, sa iyong pagninilay-nilay sa iyong
natapos nang pag-aralan, bumuo ng tatlong tanong na nagsisimula sa Paano
kung…. na nakapokus sa ideya ng kalagayan mo ngayon na ibinunga ng
epekto ng kulturang popular. Malaya kang makalipad sa iyong imahinasyon.
Handa, at lumipad na….
1. Paano kung
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________?

2. Paano kung
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________?

3. Paano kung
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________?

Napabuntunghininga ka ba? Madami ba ang naisip mo sanang tanong


pa? Malamang ay nag-iisip ka pa hanggang ngayon. Ibig sabihin nito,
napukaw nga ang iyong imahinasyon higit sa lahat ang iyong damdamin.
Ihanda ang sarili para sa paggalugad ng kaalaman sa kahalagahang ito.

18
Galugarin

Kahalagahan ng Kulturang Popular

Mula sa blog na isinulat ni John(Johnds1095. Fil 12 Blog), naibahagi


niya ang mga kahalagahan ng kulturang popular. Narito at iyong basahin
upang maunawaan mo ang halaga nito lalo na sa iyong sarili.

Ang kahalagahan ng kulturang popular ay higit na nakabatay sa


abilidad nitong kakatawan sa ating identidad ng isang kultura sa
pamamagitan ng pag-unawa kung bakit nabuo ang isang bahagi ng kultura, at
kung ano ang kaugnayan nito sa kasaysayan. Ang pinakamabisang
pamaraan sa pagtingin nitong kulturang popular sa akademikong perspektibo
ay ang pagsusuri sa kung paano ito binigyang-kahulugan o pag-unawa ng
mga tao at kung anong sinasabi nito sa isang panahon. Halimbawa nito ay
kung paano natin inuunawa at tinitingnan ang mga sulat at gawa ni Dr. Jose
Rizal, at kung bakit ito ay naging isang napakahalagang bahagi ng Filipinong
panitikan at kung paano ito ay kasalukuyan naging bahagi ng kulturang
popular. Maaari nating pag-aaralan ang kabuluhan ng mga panulat na ito sa
buhay ni Rizal at noong panahon kung paano namuhay ang mga Filipino
habang sakop tayo ng mga Kastila.

Ayon sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ikinuwento at ipinakita ni


Rizal kung paano tayo naghirap nong panahon ng mga Kastila. Makikita natin
sa kasaysayan kung paano namuhay ang mga Filipino sa isang mapang-api
at European/white supremacist na lipunan. Sa panahon ng kolonisasyon ng
mga Amerikano, maaari nating pag-aralan ang aktor na si “Weng-weng” na
naging bida sa mga produksyong batay sa mga James Bond film, makikita rin
natin ang pagbuo ng isang elemento sa komedya natin na ginagamit
hanggang ngayon, ang pagtingin sa mga pandak o bansot bilang komikal na
karakter.

Siguro sa pinakahinahamon na aspekto ng kulturang popular ay ang


pagkakaiba nito sa mataas na porma ng sining. Ito ay subhetibo at ang mga
hangganan sa pagitan nila ay hindi na gaano kalakas. Halimbawa, sa mga
talakayan natin sa klase marahil makababanggit ng mga palabas kagaya ng
“How I Met Your Mother” at “The Walking Dead”, at sa tingin natin, ito ay
maituturing na isang mataas na sining. Kahit na masasabi nating ang mga
palabas na ito ay nagpapakita ng mga kwentong moralidad o humanity.
Maraming kulturang Kanluranin ang hindi sumasang-ayon sa ating
interpretasyon at maaari nilang masasabing ito ay isang mababang anyo ng
sining na may murang story arc at walang kwentang sulat. Lumalabo ang mga
hangganan dahil sa pag-iiba ng pagtingin ng mataas na sining sa iba’t ibang
kultura. Kung ang isang tunay na gawa ng mataas na sining ay magiging
popular commercially at magiging accessible, magiging pop midya ba ito?
Mawawala ba ang artistikong halaga?

19
Sa kulturang Filipino, karamihan ng mga consumer ng popular na
midya ay galing sa middle at low class. Pero ang pop midya ay ginagawa
para humikayat ng masa, at madaling maunawaan, at matatawag nating
adiktibo. Bakit sa mas mataas na antas ng lipunan, ito ay hinahamak? Isang
pagsubok ito sa pagiging elitista. Ang ating kulturang popular ay minsang
nagpapakita ng mga pangkat na ayaw natin maging bahagi – ang mga fangirl
ni Daniel Padilla, o ang mga madaling mapapasaya na tagapanood sa
Wowowee. Nagpapalabas din ito ng ating pagtanggap sa pagiging bÌgot,
halimbawa ang ating pagtanggap ng homophobia at ang ating pagiging
ignorante sa ibang hindi masyadong kilala na Filipinong kultura, katulad ng
Muslim Mindanao. Halatang mga isteryotayp ito, pero nagiging
makapangyarihan ito at nahihiya ang mga taong may mataas na
intelektwalidad at sopistikasyon. Kahit na, dapat natin pinag-aralan ang
kulturang ito dahil ang mga isteryotayp na ito ay nasa forefront sa paghahalo
ng ating naibahaging kultura.

Hindi natin dapat tinatanggi ang ating kulturang popular, ngunit dapat
nating yakapin sa isang katuturan. Naghihirap ang ating bansa sa
paghahanap sa ating pambansang pagkakakilanlan. Sa pagtanggap ng ating
kulturang popular, kahit gaano ka “jologs” o “jeje” ito, malalaman natin kung
sino tayo bilang Filipino at mas tayo’y umaasa sa pag-unlad sa ating midya
para sana makakuha tayo ng pag-unawa ng sinasabing “sopistikasyon” .
May napagtanto ka ba sa katatapos na binasa? Talagang nasa lahat
ang pagbibigay ng pagpapahalaga sa kulturang nasa harap na natin, hindi
man ito kinagisnan ngunit unti-unting bumubuo ng ating kaakuhan at
pagkakakilanlan. Maiisip mong, sino nga ba ang tunay na Filipino? Kaya
pagnilayan mo iyan. Narito ang susunod na ipagagawa ko sa iyo, upang
mapag-isipan at masuri mo ang mga gawi at ugaling Filipino sa kulturang
popular.

20
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

Para mas mapagtibay pa ang iyong pagpapahalaga sa iyong kaalaman


tungkol sa kulturang popular, may inihanda akong gawaing magpabunsod sa
iyong malalim at mapaglarong isipan.
Sa maikling tulang isinulat ni German Gervacio na “Sa mga FB Online
Store Owner”, magbigay ng limang maituturing mong naging kamalian ng
karaniwang mga Filipino na tahasang bunga ng kulturang popular sa araw-
araw nilang gawi at ginagawa. Sa iyong pagsagot, gawing tiyak at hindi
kailangang kopyahin mula sa tula. Sagutin mula sa iyong pagkaunawa sa
mensahe ng tula.
Nakapagtatakang nalaman mo , Nakabibilib na naaninag
Malay ka rin na japeyk , Na pipis at tuyot ang dibdib ko
Ang magaspang-maitim kong balat , Ang relong nagha-hang
Katulad ng inaalok mong flat-TV , Kaya ipinaskil ang karatula
Kaya ipinansilaw ang replika , Kaya ipinantakaw
Ng amazing papaya at gluta , Ng guess at monte blanc
Ang herbal breast enhancer

1. _______________________________________________________

2. _______________________________________________________

3. _______________________________________________________

4. _______________________________________________________

5. _______________________________________________________

Naliwanagan ka ba sa ipinagawang gawain sa iyo? Nawa ay


napalaliman ang iyong hinuha sa mga sitwasyong kinakaharap ng bawat
Filipino na naging epekto ng kulturang popular. Sa pamamagitan nito, mas
makikita mo ang tunay na mga pangyayari bilang karaniwang gawi at ugali ng
mga Filipino. Mula rito, mapapahalagahan mo ang kulturang mayroon tayo sa
pagkilala ng ating pagka-Filipino. Sundan at sagutin ang susunod na gawain.

21
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Sa limang sinagot mo sa Talakayin sa itaas, pumili lamang ng tatlong


naisulat bilang mga kamaliang gawi at gawain ng mga Filipino. Sa tatlong
napiling ito, magbigay ng isang kaangkupang tiyak na solusyon sa bawat
kamaliang ito.

KAMALIAN KAANGKUPANG SOLUSYON


1. __________________________ 1.____________________________
___________________________ ____________________________
2. __________________________ 2. ___________________________
___________________________ ____________________________
3. ___________________________ 3.___________________________
___________________________ ____________________________

Mabisa kaya ang naibigay mong solusyon sa mga kamaliang ito? Sana
ay bahagi ka ng solusyon sa mga kamaliang madalas na ginagawa ng kapwa
nating mga Filipino. Para masukat ang pagpapahalaga mo sa mga
kaalamang natamo tungkol sa kulturang popular, gawin ang susunod.

22
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Subukin

Matapos mong mabasa nang mabuti ang isang artikulo na isinulat ni


John (2013) at masagutan ang Talakayin at Palawakin, alin sa kanyang
ibinahaging ideya at kalagayan ang kahalagahan ng kulturang popular?
Malaki ba ang naitulong sa iyo ng mga ito upang maliwanagan ka sa
kahalagahan nito?
Sa mga ideya at gawaing naibigay sa iyo, subukin natin ang antas ng
iyong pagpapahalaga sa pagkatuto ng kulturang popular.
Mag-isip ng dalawang icon na iguguhit mo na siyang kakatawan sa
kahalagahang naibahagi sa artikulo. Saka isulat ang iyong maikling
ipaliwanag nang 30 - 40 salita lamang sa bawat paliwanag ng guhit.
ICON Paliwanag
1. _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
______________________________
_________.

2. _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
______________________________.
Masaya ako at iyong natapos ang Aralin 3. Kumusta ang mga natapos
na aralin? Malawak na ba ang iyong pag-unawa tungkol dito? Masaya ka rin

23
ba sa kaalamang natutuhan? Natutuwa ka ba sa iyong mga sinagot? Para sa
huling aralin ng Yunit 1, mapagtibay pa natin ang nahugot na kaalaman mo sa
mga naunang aralin. Malapit na tayong matapos. Sana napanatili natin ang
iyong interes hanggang sa huli. Kaya, narito ang huli nating aralin, pagbutihan
mo pa.
Aralin 4. Katangian at Saklaw ng Kulturang Popular

Sa ikaapat na aralin, mabigyan ka ng malinaw na konspeto ng


kulturang popular sa iba’t ibang aspekto ng lipunan at alam kong pagkatapos
ng pag-aaral mo rito, matutuhan mo ang mga ito.
1. nakabibigay ng mga aspektong nakaiimpluwensya sa pagkakaroon ng
kulturang popular;
2. nasusuri ang mga impluwensyang naidulot ng kulturang popular sa
ating kulturang tradisyonal.
3. nabibigyang solusyon mo ang mga sitwasyong may pag-aalinlangan
tungkol sa pagpapayabong ng iyong sariling kultura.
4. nakasulat ng reaksyon tungkol sa implikasyong dulot ng impluwensiya
ng kulturang popular sa ating gawi at ugali.

Paliparin
Buhayin muna natin ang iyong pananabik sa pagkatuto upang
mapanatili natin ang iyong interes sa pag-aaral sa modyul na ito. Alam kong
malayo-layo na ang iyong tinahak. Kung kaya, maglaro muna tayo.

B I N G O

Free
Space

24
Puntos Pattern Panuto
5 L Siyam na mga Susing Salitang naglalarawan bilang
kahulugan ng kulturang popular

3 Tatlong taon o panahong binanggit na nagsimula


ang kasaysayan ng kulturang popular

10 Free Space Anim na mahahalagang konsepto ng


pinagmulan ng kulturang popular

2 Paubos Kahalagahan ng kulturang popular

Kumusta? Nasiyahan ka ba sa paglaro ng Bingo? Isang paraan ito


upang makapagbalik-aral ka sa natutunan mo. Alam kong nasugutan mo ito
nang tama dahil ito ay mahahalagang punto na dapat mong alalahanin. Para
sa huling aralin na ito, masusubok pa ang iyong isip lalo na sa mga sitwasyon
sa kasalukuyan at kalagayan ng buhay ng mga Filipino sa pag-aaral mo ng
mga katangian at saklaw ng kulturang popular.

Galugarin

Katangian at Saklaw ng Kulturang Popular

Ang isang artikulo mula sa Course Hero ay naglahad ng ilang mga


katangian at saklaw ng kulturang popular. Inisa-isa sa ibaba ang pagkakaroon
ng kulturang popular sa isang bansa (https://www.coursehero.com).

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante

Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng


isang pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangang maging maputi,
maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para
matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa
mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng
wala silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil dito, napipilitan
bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante para

25
lang matugunan ang pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay siya
namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang popular kinalaunan.

2. Latak (Residue)

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili


sa mahal at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi
makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kaya sila ay nagkakasya
na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura hanggang sa ito na ang
maging uso at gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura

Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit,


ang mga mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang
produksyon o mass production. Ang kulturang popular ngayon ay ang mga
pagkakapare-pareho ng mga kagamitan na nabili ng mga tao sa murang
halaga.

4. Ginagawa ng tao

Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao


--maaaring ay isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa
paggaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa main stream. Ito ang
tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang panghanapbuhay,
pampasikat o tikis na panlibangan lamang.

5. Larangan ng gahum

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng


mataas na tingin natin sa isang gahum ng bansa. Kung ano ang mga gamit,
damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay ating
tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa ating
paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-
unti nitong kinikitil ang ating sariling industriya dahil walang tumatangkilik sa
ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan
natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating kultura.

6. Pagkalusaw ng mga hangganan/ Postmodernistang pananaw

Sa tumitinding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura


at sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng
mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan na ng
distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang sariling kultura, komersyal
at popular na kultura. Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit
at nagiging isa.

Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan


ng tao. Sa kabilang banda, maaari rin namang tayo rin ang magpauso at
gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat natin isaisip na ang kulturang popular

26
ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na panatilihin pa rin natin at
di dapat kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin ito
hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang nagbibigay depenisyon
sa kasalukuyang panahon.

Ayon naman kay Tolentino (2013), ang mga katangian ng kulturang


popular sa karagdagan ay ang mga sumusunod:

1. Ginagawa para sa kita


Halimbawa: GMA Kapuso Foundation, Wowowee at mga katulad nito

2. Transgresibo sa mga kategorya


Ibig sabihin, lumalagpas sa mga hangganan ng kasarian, lahi, uri, edad
o lokasyon at kultura.
Halimbawa: lahat ay may cellphone (mura, mahal, brand new, GSM,
GQ, laruang cellphone)

3. Ipinapalaganap sa pamamagitan ng teknolohiya


Kadalasan ang uri ng midyum ay mass media o kultural na midya
(edukasyon, sining at iba pa)

4. Usapin ng mediation o paano ipinalalaganap


Nagkakaroon ng manipulasyon upang lumikha ng nais na epekto
Halimbawa: mga komersyal ng Jollibee at Mc Donald

5. Pumapailanlang sa nosyon ng sado-masokismo


Ito ay laging may pagnanasa sa produkto o tinatawag na “commodity
fetishism”. Kaya may pakiramdam na salat o kulang, at handang
masaktan o manakit upang mapunan, kahit sandal, ang nasa.

6. Nanggagaling, pangunahin, sa sentro


Hindi nanggagaling sa mga tao kundi ibinaba sa mga tao gaya ng
urban bilang sentro – sa pambansa, mula sa mga lungsod; sa global,
mula sa “first world” o makapangyarihang kapitalistang bansa.

Pinaghambing ni Torralba (n.d.) ang kultura at popular na matutunghayan sa


ibaba.

27
Balikan natin ang Kultura Balikan natin ang Popular
 Isang construct  Isa ring condtruct
 May nagaganap na  Nakabatay sa kultura
diskriminasyon: Nililikha
Sino/ano ang kabilang at hindi Binabago
kabilang Ayon sa
Ano ang dapat at hindi dapat pangangailangan at interes
gawin  Ginagawa sa sarli at sa
ibang tao
 Nililikha batay sa
pangangailangan at interes
Nililikha/Ginagawa sa sarili
Ginagawa ng iba sa atin

 Samakatuwid, ideolohikal ang konsepto ng kultura at


popular

Ano ang Ideolohiya? Ano ang Ideolohiya?


 Maaaring tumutukoy sa:  Maaaring tumutukoy sa:
Material practice:
Sistematikong Nadadanas sa pang-araw-
Katipunan ng mga araw na buhay (mula sa
ideya ng isang mga ordinary hanggang sa
grupo o sektor mga espesyal na okasyon)
May paglilihim, Larangan ng tunggalian:
pagtatago at Kumakahon, sumisira o
pagbabago para sa gumagawa ng mga bagong
interes ng mga konotasyon (kahulugan)
makapangyarihan para sa panlipunang
kaayusan (social order)
Ideogical forms: Mga
bagay na “Antas ng kamalayan –
nagpapakita ng paano tayo mag-isip at
partikular na imahen kumikilos batay sa ating
ng mundo (hindi iniisip”
nyutral) - Rolando
Tolentino

28
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

Mauunawaan mo pa ang mga impormasyong ibinahagi sa iyo sa


susunod na gawain upang mapalawak pa natin ang iyong pag-unawa sa
tinalakay sa itaas.
Sagutin ang gawaing inihanda para sa iyo. Narito ang categorize
organizer upang masukat kung naunawaan mo ang mga dating aralin natin.
Panuto: Magbigay ka ng apat na aspektong nakaimpluwensya (gawin
ito na nasa susing salita) sa pagkakaroon ng Kulturang Popular.

Nakaimpluwensiya sa Pagkakaroon ng Kulturang Popular

Maikling Paliwanag ng susing salita:

Upang palawakin mo pa ang iyong nasagot sa Talakayin, narito ang


susunod na gagawin sa Palawakin.

29
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Makikita sa ibaba ang isang fish bone, na siyang pupunan mo ng iyong


sagot tungkol sa mga impluwensyang naidulot ng kulturang popular sa ating
tradisyonal na kultura. Mula sa binasa at iyong karanasan, magbigay ng anim
na mga sitwasyon mula sa kinalalakhang gawi natin na binago ng kulturang
popular. Gawing tiyak, maikli at malinis ang iyong mga sagot.

KULTURANG

POPULAR

Noon:
Ngayon:

Mga Impluwensyang idinulot ng Kulturang Popular sa ating Kulturang


Tradisyonal
KULTURANG TRADISYONAL

30
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Subukin

Sa kabuuang pag-aaral mo sa Aralin 4, ano ang iyong napagnilayan


tungkol sa kulturang popular? Kaya, sa huling gawain mo sa araling ito,
sumulat ng maikling sariling reaksyon hinggil sa implikasyon ng kulturang
popular sa gawi at ugali ng mga Filipino ngayon. Isusulat ito sa isang talata
na may 45 – 65 na mga salita lamang. Maging tiyak at direkta sa pinag-
uusapan upang malinaw kong makuha ang puntong nais mo. Gawing malinis
at malinaw ang gawa.
Magsimula rito:
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________________________________________________.

Malugod kitang binabati, sapagkat natapos mo na ang ating


Unang yunit! Ano ang damdamin mo sa katatapos na yunit?
May pananabik bang ipagpapatuloy sa susunod na Ikalawang
Yunit? Kumusta ang iyong naging bagong kaalaman? Nagbigay
ba sa iyo ng bagong realisasyon sa mga pangyayari sa ating
lipunan? Paano naman sa iyong sarili? Nawa ang bagong
kaalamang ito ay magbubunsod ng mabunga at mabuting gawi
at ugali sa iyong sarili, higit sa mga desisyon mo sa iyong
buhay. Malaki at malawak na ang impluwensya ng kulturang
popular sa ating bansa sa panahon ngayon, kaya nararapat
lamang na maging maingat tayo at positibo sa mga krisis na ito.
May pag-asa pa tayong umahon at sabay-sabay tayo sa
pagbangon. Pagpalain ka.

31
Tseklist para sa Alternatibong Gawain
Yunit 1. Introduksyon ng Kulturang Popular sa Pilipinas

Nilalaman

Mabisang ipinapakita ba ng mag-aaral ang mga sumusunod:

Pamantayan Oo Minsan Hindi Kabuuang


Iskor 15 - 11 10 - 6 5-1 Iskor
1. Angkop at wasto ang
mga sagot sa tanong/
kalagayan
2. Malinaw ang mga
ibinigay na paliwanag sa
mga punto na dapat na
talakayin
3. Komprehensibo at
malawakan ang talakay
sa bawat sagot
4. Nagpapakita nang
lubos na kaalaman sa
nilalaman ng buong
talakay
5. Umaayon ang mga
nilalaman ng talakay sa
ideya na sinagot

Pagsulat ng Sariling Reaksyon

Komponent Oo Minsan Hindi Kabuu-


20 - 15 14 - 7 6-1 ang
Iskor
1. Maayos at organisado

2. Malinaw at mababasa ang mga


sulat
3. Walang mekanikal at tipograpikal
na mga mali
4. Umaayon sa paksa at
makabuluhan
5. Tamang naibabahagi ang mga
punto batay sa paksang pinag-
uusapan

32

You might also like