You are on page 1of 26

Yunit 1.

Ang Modernidad ng Pilipinas at ang Kulturang Popular


Tungo sa Makasaysayang Paggalugad ng Pinagmulan

Buksan natin ang kaalaman ng Yunit 1

Sa pangkalahatan, ang pag-aaral sa kulturang popular ng isang bansa ay


maituturing na impormal sapagkat ang malaking nakapagdulot ng pag-alam at pag-
unawa ng konsepto nito ay mula sa midya at o kasangkapang pangmidya. Sa
pamamagitan ng modyul na ito, mapapalawak at mapapalalim nito ang kasaysayan,
kahulugan at konsepto hinggil sa kulturang popular. Dito, mas mauunawaan mo na
ang bawat bagay o ang pinag-uusapan sa kulturang popular o kung ano ang
maituturing na kulturang popular ay may kanya-kanyang de-kahong buhay.
Nakabatay sa kung kailan lamang ito pinagdanas bunga ng kasikatan o
pangangailangan ng sitwasyon.
Sa katunayan, ang konsepto ng kulturang popular ay may kaakibat nang
paninindigan at may katotohanang isinisiwalat nito. Hindi man natin mababalikan
ang ating nakaraan, lalo na ang mga ginawa sa ngalan ng pagtangkilik ng iba’t ibang
komoditi ng kulturang popular na kung tutuusin, sa kabuuan, siyang bumubuo ng
ating pagkatao.
Kaya, isang mahalagang bahagi ng ating kultura ang pagsaalang-alang ng
kung ano ang popular sa ating kultura sa ngayon.
Ang Yunit na ito ay binubuo ng tatlong aralin:
Ang Aralin 1 ay nauukol sa konsepto ng kulturang popular.
Ang Aralin 2 ay pagpapalalim mo ng kahulugan nito.
Habang ang Aralin 3 naman ay ang iba’t ibang pananaliksik patungkol sa
kulturang popular ng/sa Pilipinas;
Alam kong handa ka na para buksan ito at simulan ang pagkatuto.
O, simulan mo na.

1
Matutuhan mo ang sumusunod:

Pagkatapos ng buong Yunit 1 ikaw ay inaasahang:

1. nakapaliliwanag nang may pag-unawa ng iba’t ibang pananaw sa kahulugan at


konsepto ng kultura at kulturang popular;
2. nakaanalisa ang mga positibo at negatibong dulot ng kulturang popular sa isang
lipunan bilang kasaysayan ng kulturang popular;
3. nakasusulat ng konseptong papel tungkol sa implikasyon ng kulturang popular sa
isang tiyak na aspekto ng buhay ng tao sa lipunan; at
4. napahahalagahan ang mga implikasyong dulot ng kulturang popular sa ating
tradisyonal na kultura sa pamamagitan ng pagguhit.

Kaya, ihanda mo na ang iyong sarili dahil sisimulan na natin ang iyong
paglalakbay.

Aralin 1. Introduksyon ng Kulturang Popular at ang


Kasaysayan ng Kulturang Popular

Paliparin

Bago mo lubos na maunawaan at matutuhan ang konsepto ng kulturang


popular, pansinin mo ang dalawang larawan sa ibaba upang mabigyan ka ng ideya
hinggil sa kulturang popular kung bago pa ang terminolohiyang ito sa iyo. Punahin
ang sitwasyon na pinaghambing at pinag-iba ng dalawang larawan.

2
https://ph.images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrwS22bdTRh6xoAiiC1Rwx.;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDMjExNDczNDAwNQRfcgMy
BGFjdG4DY2xrBGNzcmNwdmlkA2lhaFBZVEV3TGpKNnAxODBYZE5BdndDOU5Ea3VNUUFBQUFDM2lxOEkEZnIDbWNhZmVlBGZyMgNzYS1ncARncHJpZANpX2FadmhpWVE4ZXZN
emk3UzVIeXlBBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNwaC5pbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAM1MARxdWVyeQNwYXlpbmclMjBma
WxpcGlubyUyMHBlb3BsZSUyMGluJTIwYSUyMHN0b3JlJTIwMjAyMAR0X3N0bXADMTYzMDgyODA3MQ--?p=paying+filipino+people+in+a+store+2020&fr=mcafee&fr2=sb-top-
ph.images.search&ei=UTF-
8&x=wrt&type=E210PH91215G0#id=175&iurl=https%3A%2F%2Fwww.thepeninsulaqatar.com%2Fuploads%2F2020%2F08%2F06%2Fpost_main_cover_fit%2F78bdefcf3f1e714840c910
310daf955378348415.jpeg&action=click

https://ph.images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrwJU1GdzRhljQAgx21Rwx.;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDMjExNDczNDAwNQRfcgMyBGFjdG4D
Y2xrBGNzcmNwdmlkA29pbUYzekV3TGpKNnAxODBYZE5BdndEWk5Ea3VNUUFBQUFEUS4udVYEZnIDbWNhZmVlBGZyMgNzYS1ncARncHJpZANOTGo0bkVOc1FiUzZpb3pJLmZ3R1NBBG5fc3VnZwMxMARvcmlnaW4DcGgua
W1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzEwBHBxc3RyA3Nob3BwZWUlMjAEcHFzdHJsAzgEcXN0cmwDMTUEcXVlcnkDc2hvcHBlZSUyMGltYWdlBHRfc3RtcAMxNjMwODI4Mzc3?p=shoppee+image&fr=mcafee
&fr2=sa-gp-ph.images.search&ei=UTF-8&x=wrt&type=E210PH91215G0#id=189&iurl=https%3A%2F%2Fi.ytimg.com%2Fvi%2FJVtxeMl2mew%2Fmaxresdefault.jpg&action=click

Dugtungan mo ang mga pangungusap sa ibaba batay sa nilalaman ng


dalawang larawan sa itaas. Titingnan ko kung naunawaan mo ito.
Ang nilalaman ng dalawang larawan ay tungkol sa
___________________________________
___________________________________
___________________________________.

Ang ipinakitang pagkakapareho ng layunin ng dalwang larawan ay


____________________________________
____________________________________
___________________________________.

Ang ipinakitang pagkakaiba naman ng kalagayan ng dalawang larawan ay


____________________________________
____________________________________
____________________________________
___________________________________.

3
Nakita at nalaman mo na ang pinagkaiba ng kalagayan sa nilalaman ng
dalawang larawan? Kung ang sagot mo ay oo. Binabati kita!
Ang konsepto sa itaas sa binasa mong dalawang larawan ay may kinalaman
sa konsepto ng kulturang popular. Upang mas lalo mo pang maunawaan ito,
basahin ang susunod na babasahin.

Galugarin

Kasaysayan ng Kulturang Popular


Unang naimbento ang katagang kulturang popular, noong ika-19 daantaon o
mas maaga pa upang tumukoy sa edukasyon at pangkalahatang "kakalinangan" o
"kakulturahan" ng mga taong nasa mas mababang antas ng lipunan
(http//:Wikipedia.com).
Nagsimulang kuhanin at ariin ang kahulugan, bilang isang kalinangan ng
mga taong nasa mababang antas ng lipunan na nakahiwalay mula sa (at paminsan-
minsang laban sa) tinataguriang "tunay na edukasyon“.
Ayon sa Bulwagang Pambayang Birmingham sa Inglatera, ito ay nag-umpisa
sa kapanahunang nasa pagitan ng mga digmaan sa naturang bansa.
Sinabi ni Burke (2009), sa katunayan, ang terminolohiyang kulturang popular,
ay pumapagitan sa dalawang magkaibang kultura – ito ay ang kultura ng nasa
mataas na antas sa lipunan at ng nasa mababang antas ng lipunan.
Ang nasabing pagkakaroon ng pagitan ng dalawang kultura, ayon kay
Edward Thompson ay ang ideya ni Gramci ng ‘cultural hegemony’. Ang implikasyon
nito ay kung sino ang dominante at nasa mababa na naging dominated o
subordinate.
Sa pagpapalawak ng usaping ito, sa antas makro, ang pagbabagong ito sa
kultura bilang pagtukoy sa antas sa lipunan ay orihinal na galing sa elites lalo na ang
nasa mataas na posisyon sa lipunan saka naipalaganap sa buong komunidad.
Batay kina Norbert Elias at Michel Foucault, ito ay isang proseso ng pagiging
sibilisado o pagdisiplina na siyang kokontrol sa kanilang gawi at ugali ng mga
karaniwang tao subalit ang prosesong ito ay unti-unting nahinuha at natuklasan.
Sa kasalukuyan, ito ay isang kulturang para sa pagkonsumo ng masa o
madla, iyong natatanging nagsimula sa Estados Unidos. Nailunsad ang ideyang ito
at naging matatag sa panahong pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa gawi sa wikang Ingles, ang popular culture ay pinaiiksi bilang pop
culture o "kulturang pop" at "kalinangang pop", at ang naunang paggamit ay
maipepetsang nasa dekada 1960.
Para malaman natin kung naunawaan mo, sagutin ang susunod na gawain
na siyang iyong pagtalakay sa iyong pag-unawa sa binasa tungkol sa kasaysayan
ng kulturang popular.

4
Pangalan: ______________________________________
Kurso at Seksyon: ________________________________Petsa:______________

Talakayin

Ang tinalakay na kasaysayan sa itaas ay makatutulong sa iyo upang makuha


mo ang konsepto ng kulturang popular batay sa kasaysayan. Sa pagsagot mo sa
gawain sa ibaba, mapag-iba mo ang positibo at negatibong konsepto batay sa
kasaysayan nito. Magbigay ng tig-tatlong positibo at tig-tatlong negatibong konsepto
na rin na tinalakay sa itaas na teksto at isulat ito sa ating Plus/Minus T-Chart sa
ibaba. Pagkatapos ay ibigay ang pangungusap mula sa binasang teksto bilang
pagpapatunay ng iyong mga sagot.

Plus/Minus T-chart Tungkol sa Konsepto ng Kulturang Popular

+ Positibong Konsepto ng Patunay na pangungusap mula


Kulturang Popular sa binasang teksto

1. 1.

2. 2.

3. 3.

5
- Negatibong Konsepto ng Patunay na pangungusap mula
Kulturang Popular sa binasang teksto

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Sa palagay ko ay nakasagot ka nang ayon sa hinihingi ng gawain sa itaas.


Sa pamamagitan nito ay mapapalalim ang iyong pag-unawa ng konsepto ng pag-
imbento ng katawagang kulturang popular.

Kumusta ang pagtahak ng unang aralin? Nakatulong ba ang gawaing


inihanda ko para sa iyo upang mapalaliman at mapalawak mo ang hinggil sa
konsepto at kasaysayan ng kulturang popular?
Kung ang sagot mo ay opo, salamat at nasundan mo ang daloy ng gawaing
ipinagawa sa iyo sa unang aralin. Binabati kita!
Alam kong naging mapaghamon sa iyo ang mga gawain at nakaagapay sa
daloy nito upang mas lalo mong maunawaan ang kahulugan ng kulturang popular,
ito ay tatalakayin natin sa susunod na aralin.
Sundan mo pa ang Ikalawang Aralin sa iyong pagpapatuloy sa pagtahak ng
Yunit 1.

6
Aralin 2. Kahulugan ng Kullturang Popular

Ihanda mo na ang iyong sarili sa muling paglipad sa ating unang gawain.

Paliparin

Sa iyong natapos na unang aralin, nawa ay nakuha mo ang inisyal maging


ang lalim ng layunin ng pag-imbento ng salitang kulturang popular. Sa pamamagitan
nito, mas mapapalalim at mapapalawak mo ang kaalaman mo rito sa pagdukal ng
kahulugan nito.

Bago mo simulan ito, mayroon akong facebook wall sa ibaba. Ang facebook
wall sa ibaba ay sisimbolo ng iyong damdamin at isipan. Mag-post ng isang tiyak at
mapaghamong tanong hinggil sa iyong nahinuha sa konsepto ng kulturang
popular upang pagnilayin ng makababasa rin nito. Sige, pukawin natin ang iyong
isipan at damdamin, simulan mo na.

Isulat mo rito ang iyong tanong.

Typical facebook layout.(2020).Niretrib sa: Facebook.com.

Sa palagay ko ay nahamon ang isipan ng bumasa ng iyong post sa facebook


wall dahil naunawaan at napagnilayan nila ang tunay na adhikain at konsepto ng
kulturang popular.
Kumusta ang iyong nagawa? Napukaw ba natin ang iyong isip?

Kaya narito ang babasahin mong artikulo mula sa iba’t ibang awtor upang
maliwanagan ka sa kahulugan ng kulturang popular.

7
Galugarin
Ano ang Kulturang Popular?

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para
maramdaman ang pagtanggap sa kanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang
popular ay ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang
kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga
kompanya at modernong mga bansa(https://www.coursehero.com/file/
53735396/Ano-Ang-Kulturang-ang-Populardocx/).

Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano


ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ito ay maaaring teknolohiya,
pagkain, kasuotan, musika at iba pa.
Ang sakop ng kulturang popular ay malawak higit sa lahat ang nakatuon sa
buhay-buhay ng mga Pilipino. Masasabing noon, ginamit ang katawagang kulturang
popular para sakupin ang bansa at ipaniwala na marapat tangkilikin ang nasabing
ipinakilalang kultura sa bansa.
Sa paglipas ng mga panahon, ito ay ang panahong pagbungad ng
nasyonalismo, dito ginamit ulit ang katagang kulturang popular upang likumin ang
mga Pilipino laban sa kolonyal na mentalidad
(https://kpopwokeculture.wordpress.com).

Sa pagpapalawak pa nito, ayon kay Tolentino (2015), ang kulturang popular


ay hindi lang simpleng nakikiuso kung hindi, ito ay isang tereyn ng tunggalian. Dito
mahahanap ang iba’t ibang value systems ng masa at maging ang mga negosyante.
Ang tereyn ng tunggalian ay ang pagtukoy ng itaas at ibaba, sino ang
dominante at dinodominahan, ang nasa sentro at ang nasa tabi lamang at sino ang
makapangyarihan at walang kapangyarihan. Ito ay sumasaklaw sa kultural na
kategorya – produksyon ng kaalaman bilang ano, sino at paano sa uri, kaalaman,
kasarian, sekswalidad at lahi. Dito ay ang pagtukoy rin ng global at local, tinitingnan
nito ang paggalaw ng kapital, ang kaugnayan ng lokal na karanasan sa
pangdaigdigang konteksto. Kaya, anumang nangyayari sa bansa ay may kinalaman
sa nangyayari sa ibang bansa. Lalo na maging ang nasyonal at transnasyonal. Sa
nasyonal, dito nabubuo ang nasyon at nasyonalismo bilang pambansang identidad.
Habang ang transnasyonal, ito ay pagkalusaw ng pambansang identidad dahil sa
imperyalismo at globalisasyon. Isang internasyonal na solidaridad ng mga
magkakatulad ng karanasan at adhikain.
Binanggit din ni Tolentino na isa sa mga katangian ng kulturang popular ang
kakayahan nitong lumikha ng kita. Isa sa mga nakikinabang sa kulturang popular ay
ang mga negosyante.
Ang kulturang popular ay malaking negosyo na nangangailangan ng
malakihang bilang ng mga indibidwal na tumatangkilik. Walang mabebenta--
produkto, karanasan, serbisyo, brand, kwento, sandali, o panahon--kung walang
bibili--literal, at figuratibo para sa walang kapasidad na tumangkilik, ang ideya pa
lamang na ang ibinebenta ay isang kanasa-nasang bagay. Kahit pa sinasabi na ang
kulturang popular ay mga produkto at serbisyong ipinapataw ng mga nasa itaas--ng
mga negosyo at kapitalismo--ang paratihang challenge ay kung paano ito gagawing
katanggap-tanggap sa mga nasa ibaba para ang want ay maging need, ang luho ay

8
maging batayang pangangailangan ng malaking bilang, at ang mga produkto at
serbisyo ay maging measure ng individual na fulfillment. Ang kapangyarihan ng
kulturang popular ay lumikha ng kultura na popular sa labas ng sakop ng loob ng
aktwal na produkto at serbisyo nito, o kung paano ang produkto at serbisyo ng
kulturang popular ay nagiging bahagi ng mga kolektibo ng individual--nag-uusap,
nakikitungo, nakikipagkapwa sa aktwal at virtual na mundo, magkakilala man o
hindi--o sa madaling salita, kung paano ang kulturang popular ay nagiging vital sa
pagkanilalang (becoming, being) ng mga individual na tumatangkilik sa karanasan
nito.
Ang pagkanilalang ay nakabatay sa gitnang uring panuntunan na may global
na dimension: gitnang uri bilang tagpuan ng maykayang kayang bumaba sa popular
na panlasa at ng abang uri na abot-tanaw, abot-kaya (kahit sa sachet o paminsan-
minsan lamang) na madanas; at global dahil sa yugto ng neoliberal na globalisasyon,
ang mga pangarap ay pawang nakapaloob lamang sa inaalok nito, lalo na ng mga
brand para sa global na hanay ng mga kabataan. Ang akses sa cellphone na I-
phone o Samsung Galaxy, Mac computer at Air Mac, kanluraning fastfood at resto
bars, 24/7 na establisyimento, portable wifi connection, at kulturang mall, halimbawa,
ay pangarap ng lahat ng mga kabataan sa lahat ng bansa at teritoryo sa mundo.
Ang ganitong panuntunan at peg ang siyang magbibigay-substansya sa
pagkanilalang at ng pagdanas ng pagiging global na kabataan: kung paano umibig,
malaglag, mag-Valentine's date, lumigaya, gumimik sa barkada, at tumanda, pati
maging rebelde, magkaroon ng premarital at extramarital affairs, magdroga,
magpatiwakal, at magbagong buhay, o sa madaling salita, kung paano hip,
fashionable, young, at youthful na mabuhay at mamatay.
Kung tutuusin, napakalawak ng saklaw ng kulturang popular. Naging bahagi
ito sa pang-araw-araw na buhay ng bawat isa sa atin. Halimbawa lamang nito, ang
pagpauso ng mga kapitalista ng pagbibigay ng regalo tuwing Araw ng mga Puso, isa
itong tradisyon na hindi naman uso noon o hindi nga tinangkilik noon. Subalit, dahil
bahagi na ito ng kulturang popular kung kaya nakasanayan nang lipunan na
ipadiwang ito at kadalasan, napipilitang bumili ng mga bulaklak at kung ano-ano pa
bilang regalo sa minamahal (kasintahan, magulang, kaibigan, guro, katrabaho at iba
pa).
Sa mundo ng politika, ang kulturang popular ay isang patakaran, ang
pamahalaan mismo bilang “affairs of the state”. Ito ay isang usapin ng
kapangyarihan, saan may kakayahang magpakilos o magkaroon ng isang uri ng
pag-iisip ang ibang tao. Sumasaklaw ito sa pinakamaraning bilang ng tao (buong
bansa o sektor). Mapapansin nating lahat ay may pagpapahalaga sa mga produkto
ng kulturang popular kahit wala itong ispesipikong halaga. Ang ideya ng pagiging
“culturally odorless” o ang pagpapahalaga sa bagay ay sumusunod sa parametron
nito. Halimbawa na lamang ay ang mga features ng isang cellphone (Torralba,J.
n.d.).
Sa katunayan, isang mekanismo ng liberal na demokrasyon sapagkat pinipili
ng mga tao ngunit, ang pinagpipilian naman ay preconstituted at preconditioned
gaya kanina ng cellphone. May kalayaan ngang pumili kung may kakayahang
pinansyal naman.
Sa kabuuan, ayon Hornedo (2004), na ang kulturang popular ay isang
kasangkapan upang ipahayag ang damdamin at kaisipang popular. Subalit ang
nasabing pagpapahayag na tinukoy niya ay hindi lamang isang payak na paglilipat
ng nilalaman ng isang isipan sa isipan ng ibang tao. Sinabi niyang ito ay may
radikal mismong intensyon ng komunikasyon dahil ang kasangkapang ito ay isang

9
kapangyarihan sapagkat bukal ang wika sa pagnanasa ng taong abutin at
manipulahin ang kanyang lugar.

Bilang pagtatapos nito, nais kong ibahagi ang sinabi ng kilala at


kapita-pitagang manunulat ng ating bansa na si Bienvenido Lumbera
na nakasulat sa Ingles, “Popular Culture is not created by the
populace… it is culture created either by the ruling elite or by
members of the intelligentsia in the employ of that elite, for the
consumption of the populace.”

Naliwanagan ka ba sa kahulugan ng kulturang popular mula sa iyong binasa?


Gayon ang lalim at lawak ng kahulugan nito. Hindi mo akalaing malawak ang
saklaw ng impluwensya at higit sa lahat ang sanhi ng paglitaw nito.

Sa susunod na gawain mo ay ang pagtalakay mo na sa mahahalagang salita


tungkol sa kahulugan ng kulturang popular.

Pangalan: ___________________________________________Iskor: __________


Kurso at Seksyon: _______________________________ Petsa:_______________

Talakayin

Kung lubos mo ngang naunawaan ang binasa mo sa itaas, sagutin mo


ang gawain sa ibaba. Mula sa graphic organizer na word web, isulat mo sa patlang
ang sampung mga susing salita lamang para sa paglalahad mo ng kahulugan ng
kulturang popular batay sa pagkaunawa mo sa iyong binasa.

KULTURANG
POPULAR

Mula sa sampung naitalang mahahalagang salita tungkol sa kahulugan ng


kulturang popular, pagkatapos ay gawan mo ng may 2 hanggang 3 pangungusap
bilang buod ng kahulugan nito.

10
Magsimula rito:

Ang kulturang popular ay


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Napili mo ba ang mga susing salita lamang upang mas maunawaan mo ang
kulturang popular at naibigay ang buod nito?

Ang Aralin 3 ang magbibigay sa iyo ng iba’t ibang pananaliksik hinggil sa


pag-aaral ng kulturang popular, sa gayon mapalawak mo ang iyong pag-unawa sa
mga pangyayari sa ating lipunan na saklaw ng tinatawag na kulturang popular.

Aralin 3. Mga Pananaliksik sa Kulturang Popular

Sa ikatlong aralin, mas lalo mong mapahahalagahan ang pag-aaral at


pananaliksik ng/sa kulturang popular batay sa impluwensiyang ibinunga sa sarili
mong pagkatao higit sa lahat sa ating lipunan sa kabuuan.

Paliparin

Kumusta ang iyong paggalugad mula sa kasaysayan at kahulugan ng


kulturang popular? Naging masaya at may pananabik ba? Naging masalimuot, o
may napagtanto ka sa tunay na isinisiwalat nito sa iyong kulturang kinalakihan?
Nang dahil sa nalinawan ka na sa mga dapat mong malaman, bibigyan mo
ng pagpapahalaga ang iyong naturang nalaman at nahinuha sa muling paglipad ng
iyong imahinasyon para mapukaw ito sa pamamagitan ng gawain sa ibaba.
Simple lamang ang iyong gagawin, sa iyong pagninilay-nilay sa iyong
natapos nang pag-aralan, bumuo ng tatlong tanong na nagsisimula sa Paano
kung…. na nakapokus sa ideya ng kalagayan mo ngayon na ibinunga ng epekto ng
kulturang popular. Gawin mong tiyak ang iyong bubuuing tanong. Malaya kang
makalipad sa iyong imahinasyon. Handa, at lumipad na….
1. Paano kung
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

11
_____________________________________________________________
___________________________________________________________?

2. Paano kung
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________________?

3. Paano kung
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________________?

Napabutunghininga ka ba? Madami ba ang naisip mo sanang tanong pa?


Malamang ay nag-iisip ka pa hanggang ngayon. Ibig sabihin nito, napukaw nga ang
iyong imahinasyon higit sa lahat ang iyong damdamin. Ihanda ang sarili para sa
paggalugad ng kaalaman ng araling ito.

Galugurin

Mga Pananaliksik sa Kulturang Popular

Ang sumusunod ay abstrak ng mga pananaliksik. Basahin at talakayin ito.


May naihandang mga tanong upang masagot mo ito bilang iyong pagtalakay.

KURSONG NASA CIT:

(1) Pamagat: Ilang Eksplorasyon sa Pag-aaral ng Kulturang Popular sa


Pilipinas
Manunulat: Louie Jon A. Sánchez
Institusyon: Ateneo de Manila University
Petsa: 2020
Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa paksa ng Kulturang Popular sa Pilipinas
at ang iba’t ibang salik ng tradisyon na umaapekto rito. Ang pananaliksik na ito ay
naglalayong tuklasin ang makasaysayan at intelektuwal na mga pagtutukoy ng mga
pag-aaral sa Kulturang Popular sa Pilipinas, at inilalagay ang mga ito sa
kamakailang pag-aaral ng may-akda ng pangkulturang kasaysayan ng teleserye,
ang telebisyon sa telebisyon ng Filipino. Ipinapalagay ng pananaliksik na ito na ang

12
karamihan sa mga pangunahing ideya at tularan ng Western Cultural Studies ay
mayroon na pinagtibay sa bansa, ang etos ng lokal na larangan ay maaari ring
masuri pabalik sa mga gawa ng mga makabayan na sina José Rizal at Isabelo delos
Reyes. Ang mga proyekto ng dalawa ay ipinagpatuloy ng mga intelektuwal at iskolar
na umusbong noong 1960s hanggang 1970s at higit na nakabalangkas dito, ang
pag-aaral na ito ay nagkomento sa ang kahalagahan at papel
ng interdisciplinarity sa paglitaw ng Cultural Studies at ang pag-aaral ng Kulturang
Popular sa Pilipinas.
Niretbrib mula sa: https://lakbaysulatin.wordpress.com/2020/12/15/likhang-abstrak-
sa-pananaliksik-na-ilang-eksplorasyon-sa-pag-aaral-ng-kulturang-popular-sa-
pilipinas/

(2) Pamagat: Ang Pagkawala at ang Pagbabago ng mga Piling Kulturang


Pilipino
Manunulat: Joshua Villar
Petsa: n.d. (no date)
Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mapaunawa sa mga mamayang Pilipino
tungkol sa mga kaugalian noon na wala na ngayon dito sa Pilipinas. Ito ay binigyang
pansin para malaman o matutuhan ang kulturang Pilipino sa kadahilanan ng mga
lumipas na panahon. Kaya napili ng mananaliksik na magsagawa ng pananaliksik sa
kulturang Pilipino upang makita ang mga naging pagbabago mula noon at sa
kasalukuyan. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mamamayang Pilipino
na nakatira sa Pilipinas, kasama rin dito ang mga posibleng kahihinatnan ng
pagbabago pa sa kulturang Pilipino.
Niretrib mula sa:
https://www.academia.edu/10780269/Ang_Pagkawala_at_ang_Pagbabago_ng_mga
_Piling_Kulturang_Pilipino

(3) Pamagat: Pahiwatig at Yupemismo sa Komunikasyong Pilipino


Manunulat: Elcomblus Contributor
Petsa: Oktubre 29, 2020

Anomang kaparaanan o gawi sa komunikasyon ay dumaraan sa proseso ng


pagwiwika na sumasalamin sa isang umiiral na kultura. Nalilikha ang mga ugnayan
at pagpapakahulugan sa isang seting ng komunikasyon batay sa konteksto na
nagsisilbing maha-lagang tuntungan ng mensahe. Sa madaling salita, ang mga
taglay na salita at kilos ng isang indibidwal ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang
kahulugan batay sa kulturang pinaglalapatan at bumabasa rito. Mahalagang

13
maunawaan ang kultura na nagluluwal ng mga kagawian at kaparaanan sa isang
nabubuong ugnayang pangkomunikasyon upang mabatid ang kabuluhan at bisa ng
isang mensahe. Ang likas na pagiging masayahin ng mga Pilipino ay maaaring
basahin sa positibo at negatibong paraan ng pagiging kuntento o kaya naman ay
kawalang pakialam. Samantala, ang seryosong ekspresyon ng mukha ng
karaniwang mamamayan ng Thailand ay maaaring ipakahulugan ng pagiging
masungit. Sa paraan naman ng pagsasalita, likas sa mga bansang kanluranin ang
pagiging tuwiran at tahas sa pagpapahayag na kabaliktaran sa gawi ng mga Pilipino.

Sa pag-aaral na “Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino” ni


Melba Padilla Maggay (2002), dinalumat niya ang matalas na paggamit ng pahiwatig
sa kalakaran ng pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino. Inilarawan at sinuri niya
ang paggamit ng pahiwatig sa karanasan ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan na
maiuugnay sa tradisyon ng pakikipagkapuwa at makapagpapaunawa sa malalim na
ugnayang nabubuo sa mga pamayanang Pilipino. Ang salitang ugat na “hiwatig” ay
nagmula sa sinaunang Tagalog na tumutukoy sa paraan ng paghahatid ng
nararamdaman at kaisipan ng isang tao sa pamamagitan ng pagliligoy sa
pagpapahayag.

Bakit nga ba maligoy tayo? Sinikap ipaliwanag ni Pamela Constantino (2003)


sa kaniyang papel na “Euphemism/Yupemismo sa Lenggwahe ng mga Pinoy” ang
karaniwang dahilan ng hindi tuwirang pagpapahayag ng ating nararamdam na
nagreresulta sa paggamit ng pahiwatig o kaya’y yupemismo: “Ayaw ng Pilipino na
mapahiya o kaya’y mawalan ng pag-asa sa partikular na oras na iyon ang kanyang
kausap kaya may paraan siya sa pag-iwas.” Maaaring masuri na ang ganitong gawi
ng mga Pilipino sa komunikasyon ay upang mapanatili ang mabuting pakikitungo at
pagpapanatili ng konseptong “pakikipagkapuwa” sa sinomang kausap o
patutunguhan ng mensahe.

Maipapalagay na ganito rin ang namamayaning tradisyon ng pananalinghaga


sa penomena ng pick-up lines na gumagamit ng tayutay bilang pormula sa
paghahasa ng talim at lalim ng pagpapakahulugan sa namamayaning damdamin at
kaisipang nais ipahayag ng isang indibidwal sa kaniyang kapuwa.

Halimbawa:

Tinidor ka ba?
Bakit?
Kasi baluktot ang tuwid na daan.
EDSA ka ba?
Bakit?
‘Di kasi ako makapag-move on.

Niretrib mula sa: https://www.elcomblus.com/ibat-ibang-bahagi-ng-saliksik/

KURSONG NASA COE, CEA at CAS:

14
(1) Pamagat: Ang Pagiging Epektibo ng Isinakomiks na Filipino Klasiks sa Pagtuturo
ng Panitikang Pilipino na May Tuon sa Puntong Sosyal at Moral: Isang pagsusuri
Manunulat: Elcomblus Contributor

Panimula

Isinagawa ang pag-aaral sa layuning maipakita ang kahalagahan ng komiks bilang


isang instrumento sa paglinang ng mga pagpapahalagang moral at pagmumulat sa
mga kabataan sa mga implikasyong sosyal na nakaaapekto sa kanila gamit ang
apat na klasikong nobela na ginagamit sa pag-aaral ng panitikang Pilipino.

Bilang isang bagong anyo ng panitikan, ang komiks ay inaasahang magiging tulay
upang ang mga klasikong akda sa ating panitikan ay makilala at matukoy ng mga
kabataan. Kaya bilang isang pasulong na hakbang, ang pag-aaral na ito ay
tumalunton sa pagtuklas sa maaaring maging papel ng komiks sa pag-unlad ng
panitikang Pilipino sa pamamagitan ng paglalaan ng ilang pahina para sa mga
isinalarawang bersiyon ng Banaag at Sikat ni Lope K. Santos, Kahapon, Ngayon, at
Bukas ni Aurelio Tolentino, Pinaglahuan ni Faustino Aguilar, “Bayang Malaya” ni
Amado V. Hernandez, at iba pang akdang itinuturing na salamin ng ating lahi.

Mga Suliranin

Sinikap na masagot sa pag-aaral na ito ang sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang profile ng mga tagasagot batay sa kanilang:


 Gulang
 Kasarian
 Kurso
 Exposure sa mga lathalain?
2. Alin-alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang matatagpuan sa apat na
Filipino Klasiks?
 Pagmamahal sa Bayan
 Pakikipagkapwa
 Pagkakaisa
 Pananagutang pampamilya
 Pagkamatapang
 Pagiging matatag
 Pagkamagalang
 Pagkamatapat
3. Ano-anong implikasyong sosyal ang matututuhan sa isinakomiks na apat na
Filipino Klasiks?
4. Sa paanong paraan mailalarawan ang mga pagpapahalagang moral na
nakapaloob sa isinakomiks na apat na Filipino Klasiks?
5. Paano mapatutunayan na ang pagsasakomiks sa mga Filipino Klasiks ay
epektibo sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino sa kolehiyo?
Mga Natuklasan

15
Natuklasan ng mananalisik na mainam ngang gamitin ang mga isinakomiks na
Filipino Klasiks sapagkat nagtataglay pa rin ito ng mga pagpapahalagang moral na
nais nating malinang sa mga mag-aaral.

Gayundin, matatagpuan din sa isinalarawang bersiyon ng mga akdang ito ang mga
implikasyong sosyal na nakikita at nararanasan pa rin ng mga Pilipino sa
kasalukuyan.

Matatanggap na rin ng akademikong komunidad ang. ganitong anyo ng “panitikan”


sapagkat tunay na naglalahad ito, sa isang maikli ngunit malamang format, ng
nilalaman ng akdang kabilang sa pag-aaral na isinagawa.

Samakatwid, isang pasulong na hakbang sa pagtuturong interaktibo at integratibo


ang paggamit ng mga isinakomiks na Filipino Klasiks.

Mga Kongklusyon

Batay sa natuklasan sa pag-aaral na ito, nabuo ang sumusunod na mga


kongklusyon:

1. Mainam na gamiting tagasagot ang mga mag-aaral sa isang pananaliksik


upang mapatibay ang isang isinasagawang pag-aaral.
2. Malaki ang naitutuiong ng pagbubuo ng isang pamantayan upang
maisagawa ang isang kapaki-pakinabang na pagsusuri sa anumang anyo ng
akda.
3. Ang komiks ay mabisang behikulo upang maiparating sa mga mambabasa,
lalo sa mga kabataan, ang mga pagpapahalagang moral na mababakas sa
ating tradisyon at kultura.
4. Magagamit ang komiks, tulad ng isinakomiks na Filipino Klasiks bilang
instrumento sa paglinang ng kasanayang pampanitikan ng mga mag-aaral.
5. Ang mga isinakomiks na Filipino Klasiks ay malinaw na nakapaghahatid hindi
lamang ng impormasyon kundi ng kamulatan hinggil sa mga implikasyong
sosyal at mga pagpapahalagang moral na nagaganap sa ating lipunan.
Mga Rekomendasyon

Matapos malagom ang lahat ng mga natuklasan sa pag-aaral na ito, nabuo ang
sumusunod na mga rekomendasyon:

16
1. Iminumungkahi ng mananaliksik na gamiting tagasagot ang mga mag-aaral
sa anumang pag-aaral na gagawin.
2. Iminumungkahi ang pagbubuo ng isang pamantayan sa pagsusuri na
makatutulong sa pagsasagawa ng mag-aaral na may pagkakahawig sa
isinagawang pag-aaral.
3. Iminumungkahi ang pagsasakomiks ng mga klasikong nobelang Tagalog
(bukod sa ginamit na sa pag-aaral na ito) upang mapalawak pa ang
pagkilala sa mga ito ng kasalukuyang henerasyon tulad ng Nena at Neneng,
Banaag at Sikat, Dugo sa Bukang-Liwayway, Timawa, Titser, Dekada ’70, at
iba pa.
4. Iminumungkahi na ipagamit ang isinakomiks na Filipino Klasiks bilang
supplementary reading material sa pagtuturo ng panitikan sa kolehiyo at sa
mga klase sa Rizal (Noli at Fili).
5. Iminumungkahi na ipagpatuloy ang paglalathala ng mga isinakomiks na
Filipino Klasiks at iba pang mga akda upang maging panlaban sa mga
komiks din na may ganitong kalidad na mula sa ibang bansa at nagtuturo
lamang ng maling pagpapahalaga sa mga kabataan.

Niretrib mula sa: https://www.elcomblus.com/ibat-ibang-bahagi-ng-saliksik/

(2) Pamagat: Ang Pulis at Pushang sa Ilalim ng Tulay: Komparatibong


Pagbasa sa Dalawang Popular na Awit
Manunulat: John Leihmar C. Toledo
Taon: 2018
Abstrak
Kinukumpara sa akda ang dalawang bersiyon ng novelty song na “May Pulis sa
Ilalim ng Tulay” mula sa unang bersiyon nito na inawit ng grupong D'Big 3 Sullivans
noong dekada ‘70 tungo sa ikalawang bersiyon nito na inawit ng People's Chorale
noong Martial Law commemoration 2018 sa Luneta Park. Ang parehong awit ay
binasa batay sa tatlong bahagi: ang tunog, ang lyrics at kahulugan, at ang ideolohiya.
Mula rito, natagpuan na ang unang bersiyon ay nagpapatuloy sa mahabang
tradisyon ng mga popular na awit ng protesta noong dekada ‘70 na lumalaban sa
isang pigura ng awtoridad samantala, ang ikalawang bersiyon ay may potensiyal na
makapag-udyok sa tagapakinig na lumikha ng aksiyon at magsulong ng
pagbabagong panlipunan. Tinutukoy din dito ang potensiyal ng mga popular na
awitin na maging makabayan sa proseso ng transmogrifikasyon at/o adaptasyon.

Mga Susing Salita: awiting-bayan, awiting popular, ideolohiya, makabayan, novelty


song, pulis

Niretrib mula sa: https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/7004

17
(3) Pamagat: Si Kenkoy Bilang Kuwelang Ingles sa Komiks: Isang Pagdalumat
sa Karabaw English Bilang Instrumento ng Pagsilong ng Makabayang Diwa sa
Panahon ng Kolonyalismong Amerikano; 1029-1934
Manunulat: Maria Margarita M. Baguisi
Taon: 2018

Abstrak
Ang tinaguriang “Carabao English” ay inilalarawan bilang isang katawa-tawa at hindi
kanais-nais na paraan ng komunikasyon. Kinikilala ito bilang paaran ng pilit na
paglakip sa dayuhang wika kung saan nagkaroon ng korupsiyon (sariling maka-
Pilipinong pagbabaybay) ang wikang Ingles dahil sa naging paghahalo nito sa
wikang Filipino. Tatangkain ng papel na ito na matunton ang naging paggamit sa
“Carabao English” na mababakas sa mga diyalogo na inilarawan ni Tony Velasquez
sa kaniyang likhang-sining na Kenkoy Komiks. Si Kenkoy ang kumatawan sa
‘kuwelang Ingles’ na sa unang pagtingin ay katawa-tawa ngunit kung bibigyan ng
malalim na pagsusuri ay nagpapahiwatig ng mga makabayang aral at mga
tunggalian sa isang kolonyal na lipunan. Ang layunin ng pag-aaral ay mabigyan ng
masusing pagtalakay at masuri ang mga simbolismong pumapaloob sa Kenkoy
Komiks na makikita sa ilustrasyon at mga linya nito. Bukod pa rito, layunin ding
mabigyang-linaw at maisakonteksto ang nilalaman ng sining ng pagguhit at wikang
“Carabao English” sa ilalim ng pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas at ang
papel at paggamit ng nasabing wika sa layunin ng may-akda upang maisulong ang
kaniyang mithiing pagkabansa. Matutunghayan mula sa pag-aaral ang pagtugon at
ang pakikipagtunggali ng lipunang Pilipino sa panahon ng mga kultural na
pagbabago sa dagok ng kolonisasyon mula sa komiks. Iminumungkahi ng pag-aaral
na nagkaroon ng proseso ng akulturasyon sa wika kung saan sinasalamin nito ang
pag-angkin ng lipunang Pilipino sa mga dayuhang elemento, ngunit nagkaroon ng
pagtatakip upang maipagpatuloy ang diwang makabayan sa kabila ng kaayusang
kolonyal na pinatatakbo ng Estados Unidos sa bansa.

Mga Susing Salita: komiks, Carabao English, Kenkoy, patriotismo, wika

Nitetrib mula sa: https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/6927

(4) Pamagat: Pagsasapanganib ng Wika at Rebaytalisasyon ng Wika sa


Polisiyang Pangwika na Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-
MLE) sa Iloilo: Pagtingin sa Maykro Lebel na Pangangasiwang Pangwika
Manunulat: Jonevee B. Amparo
Taon: 2020
Abstrak
Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika. Naging usapan ang
paggamit ng mother tongue sa akademikong pagtuturo sa mga mag-aaral sa

18
elementarya bilang bahagi ng K-12 na kurikulum. Ang pag-aaral na ito ay sumusuri
sa epekto ng polisiyang pangwika na Mother Tongue Based-Multilingual Education
(MTB-MLE) sa rebaytalisasyon at pagsasapanganib ng mga umiiral na wika sa
Pilipinas sa usapin ng oportunidad at akses sa edukasyon.
Bilang isang naitakdang polisiyang pang-edukasyon gamit ang Top-Bottom na
pagpaplano at pagpapatupad, ang MTB-MLE ay hindi maikakailang isang politikal
na desisyon na makakaapekto sa dominante at maliliit na wika sa usapin ng
oportunidad at diskriminasyon kaya mahalagang tingnan ang estado ng mga wika sa
ekolohiyang pangwika na humahamon sa tagapagsalita nito gayundin sa kalagayan
ng mga mag-aaral sa klasrum, at sa programang pang-edukasyon.
Gamit ang pagtalakay sa ekolohiyang pangwika nina Wendel at Heinrich (2012), at
sa maykro lebel na pagpaplanong pangwika ni Baldauf (2005), layunin ng papel na
ito na suriin at talakayin ang epekto ng isang naitakdang polisiyang pangwika sa
edukasyong nakapaloob sa MTB-MLE sa pagsasapanganib at rebaytalisasyon ng
wikang Hiligaynon sa larang ng edukasyon, at suriin ang epekto ng maykro lebel na
pangangasiwang pangwika sa kabuuang polisiya. Ipinapakita ng resulta ng pag-
aaral na ilan sa mga nakitang dahilan sa pagsasalungat ng mga stakeholder sa
polisiya ay ang kakulangan ng training ng mga guro sa paggamit ng Hiligaynon
bilang midyum sa pagtuturo at pagtuturo nito bilang isang sabjek, linggwistik atityud,
at ekonomik na kondisyon ng Iloilo. Ayon sa pag-aaral, hindi man nagsasapanganib
ang polisiya sa Hiligaynon na pangunahing wika sa Iloilo at isa rin sa mga
pangunahing wika sa bansa, nalalagay naman sa alanganin ang pagkatuto ng ilang
mag-aaral na hindi unang wika ang Hiligaynon.
Susing salita: multilingguwalismo, Mother Tongue Based-Multilingual Education,
ekolohiya ng wika, pagsasapanganib ng wika, pangangasiwang pangwika
Niretrib mula sa: https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/8029

May napagtanto ka ba sa katatapos na binasa? Talagang malawak ang


sakop ng kulturang popular lalo na ang impluwensyang dulot nito sa ating buhay.
Masasabi nating ito ay bumubuo ng ating kaakuhan at pagkakakilanlan. Maiisip
mong, sino nga ba ang tunay na Pilipino? Kaya pagnilayan mo iyan. Narito ang
susunod na ipagagawa ko sa iyo, upang mapag-isipan at masuri mo ang mga gawi
at ugaling Pilipino sa kulturang popular.

19
Pangalan: __________________________________________

______________________________________________

_____________________________________________
Kurso at Seksyon: _______________________________Petsa:_______________

Talakayin

Sa pagtalakay mo ng ating ikatlong aralin, magpangkat na may tatlong (o


dalawang) kasapi. Pumili kayo ng isang pananaliksik na talakayin. Sa pagtalakay
nito, punan ang mga hinihingi sa ating categorize organizer. Gawing malinaw at
tiyak ang inyong sagot. Ibahagi lamang ang mahahalagang salita sa pagsagot nito.
Gawain 1: Pabalik-tanaw sa Pananaliksik
Pamagat ng Napiling Pananaliksik: _________________________
Manunulat: ________________________________________

LAYUNIN TAGATUGON PAMARAAN RESULTA HINUHA


(Gawing (Ano ang (Paano (Ano ang INDIBIDWAL sa
tanong ang pinagmulan ng isinagawa ang natuklasan sa pagsagot - lagyan ng
pangalan ng gumawa
layunin ng datos upang pagsagot sa pananaliksik pagkatapos ng bawat
pananaliksik) sagutin ang tanong matapos sagot
tanong (layunin) ng gawin ito?)
(Ano ang iyong
(layunin)?) pananaliksik?) napagtanto (nahinuha)
yungkol sa pananaliksik
kaugnay ng
impluwensyang dulot ng
kulturang popular?

Isulat dito ang Isulat dito ang Isulat dito ang Isulat dito ang Isulat dito ang
tanong: sagot: sagot: sagot: sagot:
Sagot ng unang
kasapi:

(1) Pangalan:
Sagot ng ikalawang
kasapi:

(2) Pangalan:

20
Pangalan: __________________________________________

______________________________________________

_____________________________________________
Kurso at Seksyon: ______________________________Petsa:_________________

Palawakin
Para mas mapagtibay pa ang iyong pag-unawa sa sakop ng kulturang
popular sa ating lipunan may inihanda akong gawaing magpabunsod sa iyong
malalim at mapaglarong isipan.
Sa maikling tulang isinulat ni German Gervacio na “Sa mga FB Online Store
Owner”, magbigay limang maituturing mong naging kamalian ng karaniwang
mga Pilipino na tahasang bunga ng kulturang popular sa araw-araw nilang
gawi at ginagawa.
Sa iyong pagsagot, gawing tiyak at hindi kailangang kopyahin mula sa tula.
Pagkatapos ay bumuo ng tatlong tanong batay sa iyong napunang sinagot bilang
kamalian ng mga Pilipino na mensahe ng tula. Sagutin mula sa iyong pagkaunawa
ng mensahe ng tula.

Gawain 2: Pagninilay-nilay para sa Paksa


I. Nakapagtatakang nalaman mo, II. Malay ka rin sa japeyk
Na pipis at tuyot ang dibdib ko Ang relong nagha-hang
Katulad ng inaalok mong flat-TV, Kaya ipinansilaw ang replika,
Ang herbal breast enhancer. Ng guess at monte blanc.

III. Nakabibilib na naaninag


Ang magaspang-maitim kong balat
Kaya ipinaskil ang karatula
Ng amazing papaya at gluta,

KAMALIANG NAPUNA SA MENSAHE NG TULA

1. _______________________________________________________

2. _______________________________________________________

21
3. _______________________________________________________

4. _______________________________________________________

5. _______________________________________________________

PANGKALAHATANG TANONG MULA SA NAPUNANG MENSAHE NG TULA

Tanong (1): _____________________________________________________


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tanong (2): _____________________________________________________


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tanong (3): _____________________________________________________


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Naliwanagan ka ba sa ipinagawang gawain sa iyo? Nawa ay napalaliman


ang iyong hinuha sa mga sitwasyong kinakaharap ng bawat Pilipino na naging
epekto ng kulturang popular. Sa pamamagitan nito, mas makikita mo ang tunay na
mga pangyayari bilang karaniwang gawi at ugali ng mga Pilipino.
Sa ganito maari ka nang makapagsimula sa pagbuo ng inyong tesis na
pahayag para sa pagsulat ng inyong Konseptong Papel. Sundan at sagutin ang
susunod na gawain.

Pangalan: __________________________________________

______________________________________________

_____________________________________________
Kurso at Seksyon: ______________________________Petsa:_________________

Subukin

Sa kabuuang pag-aaral mo sa Aralin 3, pagkasunduan ng pangkat kung


anong tanong ang pipiliin para gawing tesis na pahayag. Isulat ito batay sa hinihingi
ng gawain sa ibaba. Bago ang lahat balikan muna natin ang pagsulat ng tesis na
pahayag upang magsilbing rebyu na babasahin para sa inyo.

22
Babasahing Rebyu para sa Pagsulat ng Tesis na Pahayag:
Pananaliksik: Pagpili ng Paksa, Pagbuo ng Tesis na Pahayag at Balangkas
Anomang pananaliksik ay isang pagtatangkang tumuklas ng isang bagong
bagay o kaalaman sa pamamagitan ng masinop at sistematikong proseso ng
pagbuo nito. Hindi lubusang maisasakatuparan ang anomang siyentipiko at
emperikaf na proseso sa pagsa-saliksik nang hindi naliiinang ang mga
preliminaryong kasanayan na inaasahan sa pagsa-sakatuparan nito. Sinasabing ang
mabisang pananaliksik ay nakabatay sa makabuluhang suliranin na tinatawag na
gap. Ang pagpapasya sa kritikal na isyu o gap ng pananaliksik ang pangunahing
kailangang isaisip ng mananaliksik sa pormulasyon ng pipiliing paksa, pag-buo ng
pahayag na tesis, at gabay sa pagbabalangkas.
Sa larangan ng agham panlipunan, halimbawa, inaasahan ang isang gap ng
pananaliksik na nagpapalawig at humahamon sa pangkasalukuyang kaalaman,
teorya,o mga palagay. Makatutulong din ang gap ng pananaliksik sa paglilinaw ng
tiyak na konteksto ng paksa at makapagsasagawa ng pagtataya ukol sa
mahahalagang ambag sa binabalak na pag-aaral at kaibahan nito sa mga naunang
naisagawa na. Sa madaling salita, ang gap at isyung pampananaliksik ang
magsisilbing punong katuwiran at argumento sa kabuuang latag ng pananaliksik.
Kung gayon, kinakailangang umisip ng isang matalino at kritikal na isyung
pampananaliksik na magbubukas ng makabuluhang mga posibilidad. Simulan ang
panimulang gawaing ito sa pagpili at pagpapasiya ng tiyak at limitadong paksa batay
sa mga sumusunod na katangian ng mahusay na paksa sa larangan ng wika at
kultura: (1) tiyaking ang paksa ay malapit sa interes ng mananaliksik at
pagkokonsidera sa kapakanan ng paksa; (2) makapagtitiyak ng sapat na materyales
o sanggunian; (3) makabubuo ng mga tiyak na suliranin at haypotesis; (4) may
katangiang napapanahon at nakapag-aambag sa kasalukuyang kalagayan o
penomena sa larangan ng wika at kultura; (5) may matibay na kaugnayan at
kabuluhang mapaglalapatan ng angkop at malayang metodo o pamamaraan; at (6)
paksang nakapagpapayaman sa pag-unawa, pagdalumat, at pagpapahalaga sa
anomang isyu o usapin sa larangan ng kultura at wika.
Sa pagsisimula ng pagpili ng paksang pampananaliksik, nakabubuo ang mga
mananaliksik ng malawak na paksa na kinakailangang limitahan at itakda ang
saklaw upang higit na mailinaw ang tiyak na pokus ng pananaliksik. Ilan sa mga
panukalang istratehiya ng University of Illinois ang maaaring isagawa sa
pagpopokus ng isang malawak na paksang pampananaliksik: (1) lumikha ng
tentatibong pokus; (2) itala ang mga nalalaman sa paksa o mga tanong tungkol sa
paksa at hanapin ang higit na interesante; (3) magsaliksik ukol sa kaligirang
impormasyon ng paksang napili; (4) magpasya para sa partikular na perspektiba o
pananaw sa napiling paksa; at (5) limitahan ang pagsasaliksik sa tiyak na panahon.
Ayon kay Simbulan (2008), marapat na isaalang-alang sa pagpili ng paksa
kung para kanino ang gagawing pananaliksik, na magtitiyak sa benepisyo ng
kaalamang paniahatan na lilikna ng mga mambabasang mapag-isip, may bukas na
pag-iisip at may matatalas na pag-iisip. Sa ganyang pananaw ni Simbulan,
maaaninag na mahalaga rin ang linaw ng adbokasiyang panlipunan sa pagpili ng
paksa lalo sa larangan ng pambansang kultura at wika.
May ilang tiyak na pokus sa paglilimita ng paksang pampananaliksik na
nakatuon sa uri, panahon, grupong kinabibilangan, perspektiba, edad, kasarian, at
lugar. Ang mga pokus na nabanggit ay maaring makapaglilinaw sa parametro ng
pananaliksik. Halimbawa sa paksang:

23
“Pagbanghay sa Iba’t ibang Imahe ng Kababaihan sa Piling TV
Adbertisment”
Pagbanghay sa iba’t ibang imahe = pokus sa pananaw o perspektiba
Kababaihan = pokus sa kasarian
Piling TV Adbertisment = pokus sa uri
Matapos ang pagpili at paglilimita ng paksa, mahalagang gawain din sa
pagsisimula at pagtataya sa potensyal ng paksa ang pagbuo ng tesis na pahayag na
makatutulong upang mabigyang-diin ang perspektiba ng binabalak na pag-aaral.
Nagsisilbing gabay ang tesis na pahayag upang mailinnita ang paksa sa pokus at
limitadong isyu. Naitala sa Online Writing Lab ng Purdue University ang ilang tips sa
pagsulat ng tesis na pahayag:
1.Tukuyin ang uri ng papel na isusulat batay sa katangiang analitikal
(pagtalakay sa isang isyu at ebalwasyon ng isyu o ideya ng madla), ekspositori
(layuning mag-paliwanag sa madla), o agumentatibo (pagbuo ng katuwiran ukol sa
isang paksa at paggigiit ng tiyak na katibayan; maaaring ang katuwiran ay isang
opinyon, panukalang polisiya, isang ebalwasyon o sanhi at bunga, o interpretasyon).
2.Kinakailangang maging tiyak ang tesis na pahayag at kinakailangang
saklawin lamang nito ang tatalakayin sa iyong papel na sinusuportahan ng mga tiyak
na patunay.
3.Kadalasang inilalagay ang tesis na pahayag sa katapusan ng unang tatata
ng iyong papel.
4.Maaaring magbago ang iyong paksa habang nagsusulat, kung kaya
maaaring rebisahin ang tesis na pahayag batay sa pagkakatalakay sa papel.

Halimbawa ng tesis na pahayag:


Ang iba’t ibang imahen ng kababaihan sa piling adbertisment ay maaaring
basahin batay sa isyu ng komodikasyon at pagkalakal sa uring ito.
Ang iba’t ibang imahen ng kababaihan sa piling adbertisment sa larangan ng
komo-dipikasyon at pagkakalakal.
Ang iba’t ibang imahen ng kababaihan sa piling adbertisment ay may
kinalaman sa intensiyon ng mga kapitalista na gawing komoditi at kalakal ang uring
ito.
Sa unang tesis na pahayag, inilalatag ang isyu ng papel bilang isang
panukalang lente ng pagsusuri. Sa ikalawang tesis na pahayag naman, nasa antas
ng payak na paglalahad lamang ng paksa at isyu ang punto ng pagkakasulat.
Samantalang sa ikationg tesis na pahayag, malinaw ang argumentatibong katangian
ng papel sa paglalahad nito ng kani-yang tiyak na pananaw at argumento sa
paksang napili. Sa ganitong punto, nais ko ring linawin ang halaga ng pagkakaroon
ng tiyak na pananaw at panig sa pagbubuo ng tesis na pahayag lalo kung ito ay may
layuning argumentatibo. Gayundin, kahit pa nga ang layunin ng paksa ay nasa
anyong ekspositori at analitikal, mahalaga ang tiyak na pananaw upang
makapagbuo ng matatag na tunguhin ang papel.
Matapos piliin at limitahan ang paksa batay sa napagpasiyahang pokus at
panguna-hing argumento o pananaw na nilinaw sa tesis na pahayag, makatutulong
ang paglalatag ng tentatibong balangkas na naglalaman ng mahahalagang aspekto

24
at punto na tatalaka-yin sa kabuuan ng pananaliksik. Kailangang ibatay ang daloy
ng isasagawang balangkas sa mga naitalang tiyak na suliranin o layunin ng
pananaliksik. Maaaring gumamit ng pormal na paraan ng pagbabalangkas na
gumagamit ng mga titulo at subtitulo upang mabusising mailatag ang mahahalagang
punto ng pananaliksik. Samantala, maaari rin naman isagawa ang impormal na
pagbabalangkas na naglalaman lamang ng pagtatala sa mahahalagang punto ng
isasagawang pagtalakay sa papel.
Niretrib mula sa: https://www.elcomblus.com/ibat-ibang-bahagi-ng-saliksik/

Magsimula rito:
Piniling tanong: _____________________________________________________

Tesis na Pahayag mula sa tanong: Gumawa ng tatlo ngunit mula lang ang konsepto
sa piniling tanong:

Tesis na Pahayag (1):


___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Tesis na Pahayag (2):


___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Tesis na Pahayag (3):


___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Malugod kitang binabati, sapagkat natapos mo na ang ating


Unang yunit! Ano ang damdamin mo sa katatapos na yunit? May
pananabik bang ipagpapatuloy sa susunod na Ikalawang Yunit? Kumusta
ang iyong naging bagong kaalaman? Nagbigay ba sa iyo ng bagong realisasyon sa
mga pangyayari sa ating lipunan? Paano naman sa iyong sarili? Nawa ang bagong
kaalamang ito ay magbubunsod ng mabunga at mabuting gawi at ugali sa iyong
sarili, higit sa mga desisyon mo sa iyong buhay. Lalong-lalo na at ikaw ay susulat ng
isang konseptong papel mula sa iyong naranasan at napag-aralan. Nasasabik
akong maisulong mo ang konseptong iyong nabuo upang makapagsulat ng papel
pampananaliksik. Pagsikapang matapos ito dahil sa ganito makapag-ambag ka sa
ating lipunan. Mabuhay ka. Pagpalain ka nawa ng Poon.

25
Tseklist para sa Alternatibong Gawain
Yunit 1. Introduksyon ng Kulturang Popular sa Pilipinas

Nilalaman

Mabisang ipinapakita ba ng mag-aaral ang mga sumusunod:

Pamantayan Oo Minsan Hindi Kabuuang


Iskor 15 10 5 Iskor

1. Angkop at wasto ang


mga sagot sa tanong/
kalagayan
2. Malinaw ang mga
ibinigay na paliwanag sa
mga punto ng dapat na
talakayin
3. Komprehensibo at
malawakan ang talakay sa
bawat sagot
4. Nagpapakita nang lubos
na kaalaman sa nilalaman
ng buong talakay

5. Umaayon ang mga


nilalaman ng talakay sa
ideya na sinagot

Pagsulat ng Tesis na Pahayag

Komponent Oo Minsan Hindi Kabuu-


10 8 6 ang
Iskor
1. Maayos at organisado

2. Malinaw at mababasa ang mga sulat

3. Walang mekanikal at tipograpikal na


mga mali
4. Umaayon sa paksa at makabuluhan

5. Tamang naibabahagi ang mga punto


batay sa paksang pinag-uusapan

26

You might also like