You are on page 1of 3

RAYMUNDO, Russel G.

BSESS 1B

Panitikan sa Kasalukuyan (1986)

 Kaligirang Kasaysayan

- Muling nabawi ng mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin ng


may labing-apat na taon. Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero
hanggang ika-25 nito ay namayani ang tinatawag na “People’s Power” o “Lakas
ng Bayan”. Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan ng mga
mamamayan na tunay na tatak-Pilipino. Sa apat na makasaysayang araw ay
naroon ang magkakahawak-kamay at balikat sa balikat na barikafa, higaan sa
kalye, pagsalubong ng mga ngiti, pagmamakaawa, pagsasabit ng mga bulaklak sa
mga taong nasa tangke na lulusob sana sa pinararatangang dalawang “rebelde”-
Enrile-Ramos, sapagkat sumama na sa pangkat ni Aquino.
- Muling naipamalas ng mga Pilipino ang samahang bayanihan tulad ng
pagbabahagi ng mga pagkain at inumin. Lumabas ang pag-uugaling Pilipino.
Muling nasilayan ang pagtutulungan, pagmamalasakitan, pagkakaisa,
pagbabayanihan, pagkamatiisin, pagmamahal sa bayan, pagsunod sa batas, pag-
unawa sa kapwa, pananalig sa Panginoon at marami pang iba na iisa ang tibok ng
puso, iisa ang pulso, walang relihiyon, walang rehiyon, marunong man o
mangmang, mayaman o mahirap.
- Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring Pilipino, ang mga Pilipinong
marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling
bansa sa salita man o sa gawa. At para sa mamamayang Pilipino, ito pa lamang
ang tunay na bagong Republika-“Ang Tunay na Bagong Republikang Pilipinas”.

 Kalagayan ng Panitikan
- Bagamat iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang
Pilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mga
pagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga Tula, Awiting Pilipino, sa mga
Pahayagan, sa mga Sanaysay at Talumpati, at maging sa mga Programa sa
Telebisyon.

 Panulaan sa Kasalukuyan
- Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang
pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata:
A. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may
tiwaling gawain.
B. Pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan.
Halimbawa: Giting ng Bayan ni Francisco Soc Rodrigo
- At dahil nakatamo ng kalayaan sa pamamahayag ang mga manunulat, ang galak
at tuwa sa kanilang mga puso ay mababakas na nag-uumapaw. Walang
pakundangan nilang naipahayag ngayon ang kanilang nais ipahayag.

 Awiting Pilipino
- Ang Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E. dela Peña, ang Handog ng
Pilipino sa Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa mga awiting nagpakita ng
makasaysayang tagpong naganap sa sambayanang Pilipino na hinangaan sa
sandaigdigan. Ang bjnuhay na awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa
panulat ni Jose Corazon de Jesus ay ang pangunahing pumailanlang ngayon sa
mga radyo at telebisyon. At dahil sa pagiging makasaysayan nito noong
nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi ngayon sa “Constitutional
Commission” na gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas.

 Sanaysay
- Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipino
sa nakamit na bagkng kalayaan.

 Maikling Kwento
- Ang katangian ng maikling kwento sa ngayon ay dala o buhat sa naging
kagawiang pagsusulat ng mga makata noong panahon ng Hqpon. Noong panahin
na iyon ay ipinagbawal ang paggamit ng ibang salita maliban sa kanilang wika.
Kayat nailimbag sa gintong pahina ng panitikanvg Filipino ang maikling kwento.
Bagamat sa panagong ito ay naging masigasig ang mga manunulat sa kanilang
katha, nanumbalik, nag-ala-dagliang kawalan ng banghay ng kwento. Nagkaroon
ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagkwekwento. Ang mga paksang dati ay hindi
naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang sa pagtalakay ng paksa. Madula
ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan
at ito’y tinawag na kontemporaryong maikling kwento.

 Radyo at Telebisyon
- Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na niloloob nang
walang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa
telebisyon. Marami na sa panahong ito ang mga komentarista sa radyo at
telebisyon kung saan pawanag laman ng bibig ng mga ito ang hayagang pagpuna
nila sa mga gawain ng mga nasa pwesto.

 Pahayagan, Magasin, at iba pang Babasahin


- Matapos mawakasan ang Batas-Marsyal, tila hudyat narin ito ng
pagpapanumbalik sa karapatan ng lahat ng mga Pilipino hinggil sa
pamamahayag.
Dumami pa ang nagsulputang mga pahayagan sa panahkng ito
A. Inquirer
B. Manila Bulletin
C. Manila Times
D. Philippine Standard

 Panitikan sa Computer Age


- Chat, Facebook, Twitter, Blog, Instagram, Tumblr, You Tube, Jejemon, Unli,
Website, USB, E-mail, Download, Wifi Connect, Burn, Scan, CD. Ito ay ang mga
salitang karaniwan nang ginagamit ngayon sa ating wika at masasabing dulot ng
teknolohiya. At dahil parte na ng ating buhay ang teknolohiya, mabilis ang
pagbabagong idinulot nito sa buhay at lipunan. Mabilis din ang pagbabago sa
papel na ginampanan ng impormasyon sa ating trabaho, buhay, at pag-iisip. Ang
mabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng mabisang sandata ng
teknolohiya ang computer, cellphone, at internet. Naging biswal na
manipestasyon ng demokratisasyon sa internet, ng pamamahayag ang blogging,
isang anyo ng pagsusulat sa espasyo ng internet na nagbibigay kakayahan sa
sinumang may internet akses na magsulat ng kanyang nais isulat, at “ipalimbag”
ito sa isang pandaigdigang saklaw. Ang presensya ng mabilisang input at
feedback sa impormasyon ay isang katangiang hindi pa kayang lubos na gayahin
ng isang print-based system.
- Kasunod nito ang pagsulpot ng mga networking sites gaya ng Friendster at
Facebook, naging madali ang pagpapahayag ng mga tao sa kanilang saloobin
hinggil sa isang bagay. Sa libro (at minsan sa internet narin), ay makakakita tayo
ng akda na naisulat sa pamamagitan ng naghaharing paraan ng pagtetext ang
Hu-U-ismo. Kung saan ang karakterisasyon ng ganitong klase ng texting ay
gumagamit ka bilang texter ng mga karakter na mas pinaikli at pinaarte ang
dating. Sila ang mga Pinoy na nagagawang ibahin ang wikang Ingles sa punto na
hindi na ito maunawaan.
- Samantala, ganito din ang pangyayari sa isang nabuong paraan ng
pamamahayag, ang Jejemonismo kung saan ito naman ay pagpapalit ng karakter
na ginamit sa pagtetext.
A. Cellphone – nabago nito ang pang-araw araw na komunikasyon, dito nabuo ang
Hu-U-ismo at Jejemon.
B. Computet – Lol, BRB
C. Internet – dito naglipana ang mga blogging sites kung saan hayagan ang
pagpapahayag ng saloobin ng sinuman na nais makisawsaw sa isyu.

You might also like