Professional Documents
Culture Documents
E-JOURNAL
ABSTRAK
Inilahad sa papel na ito ang rehistro ng wika na ginagamit sa pangisdaan sa Kawit, Cavite bilang bahagi
ng pag-aaral hinggil sa dibersidad ng wika ng lalawigan. Nilayon din ng pag-aaral na ito na puspusang
mailarawan ang debelopment ng nabanggit na barayti ng wika at kung papaano ito napaunlad sa
pamamagitan ng migrasyong pantao. Ang ganitong uri ng mga pag-aaral ay maituturing na papausbong
na mga paksang pangwika sa kadahilanang pumapaloob ito sa konteksto ng lokalisasyon kung saan
nabibigyang-puwang ang kahalagahan ng kulturang lokal. Mababatid sa kasalukuyang pag-aaral na ang
pagkakaroon ng sariling leksikon ng mga mangingisda ay maituturing na isang tiyak at payak na kultura
na pekulyar para sa kanila. Sa gayon, maaaring sabihin na sila ay kabilang sa isang pangkat-wika na may
sariling gawi, paniniwala, at saloobin na may kaugnayan sa trabahong kanilang ginagalawan.
Saklaw ng kasalukuyang pag-aaral ang pagkalap ng mga leksikon na ginagamit sa pangisdaan sa Kawit,
Cavite. Hindi nagtakda ang mananaliksik ng minimum na bilang kaugnay sa mga salitang kinalap.
Isinagawa ang pag-aaral sa tinatawag na Boracay Island batay na rin sa rekomendasyon ng lokal na
pamahalaan ng Kawit. Ang Boracay Island sa nabanggit na bayan ay isang kostal erya na binubuo ng
limang barangay: Pulburista, Samala-Marquez, Aplaya, Kanluranin, at Congbalay-Legaspi.
ABSTRACT
The paper focused on the language register in fisheries used in Kawit, Cavite as part of language diversity in the
province. It aimed to describe the lexical development as part of the study of language variety in relation to people
migration. This study may be classified as an emerging concept in language using the lens of localization. The study
found that people involved in fisheries in Kawit, Cavite have developed terminologies that have become widely used
among fisherfolks in the área. Thus, this proved that language peculiarity is evident.
In this paper, it shall also present the listed lexicons used by fisherfolks who live in Boracay Island having the
following barangays: Pulburista, Samala-Marquez, Aplaya, Kanluranin, and Congbalay-Legaspi.
Keywords
Lexicography, glossary, culture, register of language, variety of language
DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2020, TOMO 6, BLG. 1
PANIMULA
interaksiyon sa isa’t isa. Sa kabilang banda, ang awtentikong datos. Ipanaliwanag ito ni Fraenkel at
barayti ng wika naman ay tumutukoy sa Wallen (2004) bilang uri ng pananaliksik kaugnay
pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng wika mula sa sa pagtalakay sa isang umiiral na penomenong
iba’t ibang rehistro. Nangangahulugan lamang na maaaring makaapekto sa isang grupo. Gumamit
malawak ang saklaw nito dahil ito ay nakaankla sa din ng pamamaraang random sampling ang
kabuuan mula sa kompleks na rehistro ng wika. mananaliksik sa pagtukoy sa mga kalahok ng pag-
Samakatuwid, ang pag-aaral kaugnay sa rehistro aaral. Ito ang nagbunsod upang maisapinal ang
at barayti ng wika ay nararapat tingnan bilang limang kalahok na pawang mga mangingisda sa
penomenong pangwika dahil sa pagiging naturang erya. Hindi isinaalang-alang ang edad
dinamiko at kompleks nito. ng mga kinapanayam sa kadahilanang mapabata o
Ang ganitong uri ng mga pag-aaral ay matanda man, lantad na sa pangisdaan sa mga
maituturing na papausbong na mga paksang nabanggit na barangay. Impormal na anyo ng
pangwika sa kadahilanang pumapaloob ito sa panayam ang ginamit na estratehiya sa pagkalap
konteksto ng lokalisasyon kung saan nabibigyang- ng datos nang sa gayon ay maging natural ang
puwang ang kahalagahan ng kulturang lokal. Ang setting ng pananaliksik. Ang mga pangunahing
kultura sa paliwanag nina Rico at Weed (2002) ay katanungang inihanda ng mananaliksik ay
kinapapalooban ng mga kapansin-pansing nakasentro sa kalagayan ng pangisdaan sa Kawit
saloobin, paniniwala, pagpapahalaga, mga at kaugnay sa mga salita o termino na ginagamit
tuntunin, at gampanin ng isang pamayanan. nila bago, habang, at pagkatapos mangisda.
Mababatid sa kasalukuyang pag-aaral na ang Humigit sa limampung termino ang naitala kung
pagkakaroon ng sariling leksikon ng mga saan bahagi nito ang mga kahulugan ng bawat isa.
mangingisda ay maituturing na isang tiyak at Sa paliwanag ni Constantino (2002) hango sa
payak na kultura na pekulyar para sa kanila. Sa teorya ni Howard Giles kaugnay sa pag-aaral ng
gayon, maaaring sabihin na sila ay kabilang sa barayti ng wika, may malaking epekto ang
isang pangkat-wika na may sariling gawi, pagkatuto ng pangalawang wika sa debelopment
paniniwala, at saloobin na may kaugnayan sa ng barayti ng isang wika. Sa teoryang ito
trabahong kanilang ginagalawan. pumapaloob ang tinatawag na linguistic
Gayunpaman, hinimay sa papel na ito ang convergence at linguistic divergence na tinatawag
rehistro ng wika na ginagamit ng mga taga-Kawit na teorya ng akomodasyon. Ang una ay
sa industriya ng pangisdaan bilang panibagong nagangahulugan na ang tao sa kanyang pagnanais
ambag sa pag-aaral ng mga barayti ng wika sa na makipag-interak sa iba ay maaaring gumaya o
Pilipinas. Ilalahad sa papel na ito ang posibleng bumagay sa pagsasalita ng kausap upang bigyang
kontribusyon ng mga taga-Kawit sa leksikon ng pakikiisa, pakikilahok, pakikipagpalagayang-loob,
pangisdaan sa bansa. pakikisama o kaya ay pagmamalaki sa pagiging
Saklaw ng kasalukuyang pag-aaral ang kabilang o kabahagi sa grupo. Sa kabilang banda,
pagkalap ng mga leksikon na ginagamit sa ang linguistic divergence naman ay
pangisdaan sa Kawit, Cavite. Hindi nagtakda ang nangangahulugang pagiging iba sa gamit ng wika
mananaliksik ng minimum na bilang kaugnay sa ng isang tao tungo sa pagbuo o pagkilala sa
mga salitang kinalap. Isinagawa ang pag-aaral sa kanyang kaakuhan o identidad.
tinatawag na Boracay Island batay na rin sa Sa pag-aaral na ito, higit na kinakitaan ang
rekomendasyon ng lokal na pamahalaan ng Kawit. konsepto ng linguistic convergence kahit na mas
Ang Boracay Island sa nabanggit na bayan ay malaki sa kasalukuyan ang bilang ng mga
isang kostal erya na binubuo ng limang barangay: naninirahang dayo (mula sa iba’t ibang lugar sa
Pulburista, Samala-Marquez, Aplaya, Kanluranin rehiyon ng Visayas) sa Boracay Island sa Kawit.
at Congbalay-Legaspi. Nagawa ng mga dayo na iadap ang paraan ng
Sa kadahilanang walang mga nakatalang pananalitang ginagamit ng mga taal na taga-Kawit
datos sa munisipyo ng Kawit kaugnay sa dala ng pangangailangang mabuhay at
kasaysayan ng kabuhayan ng mga taga-Boracay makapamuhay nang matiwasay. Naganap ito
Island, ang pamamaraang deskriptibo ang uri ng dahil sa pangangailangan nilang matutuhan ang
pananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Bahagi nito mga salitang karaniwang ginagamit ng mga taal
pagsasagawa ng panayam na siyang naging na nagsasalita ng Tagalog sa Kawit sa anumang
sandigan ng mananaliksik sa pagkalap ng mga uri ng trabaho upang sila ay kumita. Samantala,
MGA SANGGUNIAN
KONGKLUSYON
Atienza, M. at Constantino, P. Mga Piling
Napatunayan sa pag-aaral na ito na malaking Diskurso sa Wika atLipunan. QC: UP press.
salik ang migrasyon tungo sa debelopment ng 1996.
barayti ng wika sa isang lugar. Sa kaso ng Kawit,
Cavite, dekada 80 nang unti-unti nang Campbell, R. Media and Culture: An Introduction
nagsisulputan ang mga dayuhan mula sa to Mass Communication. USA: St. Martin.
Kabisayaan at inokupa ang Boracay Island sa 1998.
Kawit bilang panibagong lugar kung saan sila
makapamumuhay nang maayos at matiwasay. Eastman, C. (1982). Language planning: an
Kamag-anak system ang siyang naging introduction. San Francisco. Chandler and
pangunahing dahilan kung bakit mabilis na Sharp. (1982).
nagsidami ang angkan nila. Sa kabilang banda,
hindi nila alintana kung anumang uri ng English, L. English-Tagalog Dictionary.
pamumuhay ang daratnan nila sa pagdating nila Mandaluyong: National. 2007.
sa Kawit, nagsipagpagawa sila ng kani-kanilang
mga tirahan na nakatayo sa dagat. Hindi nila ito Enriquez, V. Neo-Colonial Politics and Language
nakita bilang hadlang bagkus nagsilbi pa itong Struggle in the Philippines. QC: Akademiya
oportunidad sa kanila upang makahanap ng ng Sikolohiyang Pilipino. 1984.
hanapbuhay – ang pangingisda.
Kaugnay sa wika, hindi na rin naging Fraenkel, J. & Wallen, N. How to Design and
mahirap sa kanila na iadap ang Tagalog-Cavite. Sa Evaluate Research in Education. Manila:
paglaon ng panahon, natural na lamang nila itong National. 1994.
natutuhan dahil na rin sa dalawang tiyak na
pangangailangan: sentimental at instrumental na Haugen, E. Blessings of Babel: Bilingualism and
pangangailangan. Nagsilbing sandata ang wika sa Language Planning. USA: Walter. 1987.
Newmark, P. Approaches to Translation Theories. Stovall, J. Writing for the Mass Media 3rd ed.
England: Pergamon. 1999. USA: _____
Otero, M.R. et al. Glosari sa Edukasyon. QC: UP Zgusta, L. Manual on Lexicography. Czech:
Sentro. 2002. Academia. 1971.
.
Santiago, A. Sining ng Pagsasaling-wika 3rd ed.
Manila: Rex. 2003.
Si CHRISTIAN GEORGE FRANCISCO ay kasalukuyang nagtuturo ng mga kursong Filipino sa antas gradwado
sa Pamantasang De La Salle-Dasmarinas. Nagtapos siya ng digring PhD sa Filipino sa Pamantasang Normal ng
Pilipinas taong 2010. Sa DLSU-D, nagsilbi siyang tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino at Panitikan simula
taong 2008-2009; Kawaksing Dekano noong 2009-2012; at Dekano ng Dalubhasaan ng Malalayang Sining at
Komunikasyon simula 2012-2019. Sa kasalukuyan, siya ang Direktor ng bagong tatag na School of Governance,
Public Service, and Corporate Leadership sa naturang pamantasan.
Taong 2009 hanggang 2016, nagsilbi siyang kalihim ng National Committee on Language and Translation sa
NCCA at sa taong 2015 hanggang sa kasalukuyan, siya ay naglilingkod bilang miyembro ng teknikal na komite sa
programang Filipino sa Commission on Higher Education (CHEd).
Aktibo sa pagdalo at pagbabasa ng papel sa mga pandaigdigang kumperensiya sa wika gayundin sa mga pagbibigay
ng panayam ukol sa wikang Filipino sa Amerika at Asya.