You are on page 1of 7

Prinsesa Urduja: “Mitong-May-Katwiran”

bilang Talastasan, Simbolo, Representasyon at Kaalaman


ni Elizabeth Morales-Nuncio

ISANG PAGSUSURI

Ipinasa ni:
Angelo B. Barquilla

Ipinasa kay:
Dr. Adriano D.C. Balagot

Oktubre 15, 2017


Ang Traypokalisadong Pagtingin kay Prinsesa Urduja Tungo sa Imortal na Eksistensyang

Sosyo-Kultural sa Lipunan

Sa pagpapalagay ni Elizabeth Morales Nuncio sa kanyang pagbasa, nagkaroon ng

transpormasyong Mito-Kuwento-Dokumento-Mito-Teksto ang usapin tungkol sa kuwento ni

Prinsesa Urduja at ang kaharian ng Tawalisi na nagpapatibay ng kanyang argumento sa pagiging

Mitong-May-Katwiran nito. Ipinagkasundo n’ya, kung gayon, sa kanyang pagbasa, ang tatlong

malalaki at nag-uumpugang pagtingin –positivismo, konstraktivismo at feminismo upang

iangkop ito sa ideyal at aktwal na kaayusang panlipunan ng mga Pilipino sa iba’t ibang panahon

–samakatuwid ang pag-aangking si Prinsesa Urduja at ang kaharian ng Tawalisi ay isang

malaking bakas at misteryo ng nakaraan na nagiging isang progresibong hakbang sa pagmamapa

ng kamalayang pangkaakuhan.

Hindi ganap na pinasusubalian ni EMN na tunay at bahagi ng kasaysayan ng Pangasinan si

Prinsesa Urduja at ang kaharian ng Tawalisi bagamat ang pagtataguyod n’ya rito bilang Mitong-

May-Katwiran ay maaaring ipagpalagay na bukas s’ya sa asimilasyon sa pagpapatotoong

panlipunan ni Prinsesa Urduja. Ang pagbabahagi n’ya ng pagbasang positivismo (maaaring hindi

totoo ang kuwento bagamat bukas pa rin ito sa pagbabago sapagka’t marami pang ibang

ebidensya tulad ng Chinese scripts na maaaring maglahad ng iba pang impormasyon tungkol sa

prinsesa at sa kan’yang kaharian) ay patunay, na tulad ng ibang iskolar na nagsusuri, si EMN ay

nasa pagitan ng mga naglalakihang pagtingin tulad ng positivismo, konstraktivismo at feminismo

datap’wat inilihis n’ya ang pagbabanggaan ng mga ito sa kan’yang pagbasa sa pamamagitan ng

kan’yang paglalahad sa proseso ng pagkakaroon ng ‘multiplisidad ng katotohanan’ upang ganap


namang pasubalian ang inilalatag n’yang palagay na si Prinsesa Urduja ay isang ‘Mitong-May-

Katwiran’ –na ang katotohanan ay ‘subjective’ at dapat na alisin ang dikotomiya sa pagitan ng

pag-aaral (logos) at mito (mythos) na katumbas rin ng dikotomiya sa pagitan ng kasaysayan at

mitolohiya.

Ang katotohanang inilalatag ng mga pangunahing lapit sa kuwento ni Prinsesa Urduja ay nagba-

vary batay sa limitasyon at pamamaraan kung paano ito tinitingnan. Kung ibabatay sa paninging

pang-agham, na nakakiling sa positivismo, mayroong pangkalahatang pagpapalagay na hindi

totoo ang kuwento ng prinsesa at ng kan’yang kaharian bagamat nanatiling bukas sa ebolusyon

ang katotohanang tinatanggap ng agham dahil sa kakayahan ng mga hindi pa nadi-decipher na

simbolo sa Chinese script na maaaring makapagbigay ng mga karagdagang impormasyon.

Dagdag pa ang hindi matukoy na geograpikal na lokasyon ng kaharian bunga ng iba’t ibang

pagpapalagay ng mga nagtatangka at ilang mga kontrobersya sa mga detalye ni Batuta sa

kan’yang dokumento. Bagamat kung ikukumpara sa konstraktivismo, ang positivismong

nakaangkla sa ‘exactitude’ ng mga datos, ay higit na katiwa-tiwala bagamat hindi ito ang nag-

iisang namamayani sa lapit sa pagsusuri kung totoo nga ba si Prinsesa Urduja o hindi. Ito ay

dahil bukas ang paningin sa konstraktivismong nagpapaningning na ang katotohanan ng mito ay

nakabatay sa mga bakas nito sa uri ng pamumuhay at paniniwala ng mga tao.

Sa konstraktivismo, malinaw na pinasususubalian na ang katotohanan ay nakasalalay sa kontrol

ng tao sa pamamagitan ng paghahango nito mula sa kolektibong karanasan at paniniwala ng tao

sa lipunan. Samakatuwid ang mito ay may katotohanang nakabatay sa pamamaraan ng pagkilos

at paniniwala ng mga taong tumatanggap nito. Isang mahalagang punto ang eksistensya ni
Prinsesa Urduja sa mga Ibaloi, na mas kilala bilang Deboxah. Batay sa pag-aaral ni Pungayan sa

pamumuhay ng mga Ibaloi, isa si Deboxah o Prinsesa Urduja sa mga ninuno nila na pinatitibay

ng tradisyon ng pagpapangalan sa anak kasunod ng kanilang mga dakilang ninuno.

Samakatuwid, bukod sa katotohanang may isang Prinsesa Urduja, ang pangalan n’ya rin ay

associated sa depinisyon ng mga Ibaloi sa isang babaeng may malalakas na katangian at isang

maharlika.

Sa tinging feminismo, pinasusubalian naman ang usapin ng katauhan at kapangyarihan ng babae

sa lipunan na isang ideyal na katotohanang tinatanggap ng mga Pilipino na s’yang pinatutunayan

ng kuwento ni Prinsesa Urduja. Dito papasok ang usapin ng eksistensya ng pre-kolonyal na

sibilisasyon na sumusuporta sa tripartite view ng kasaysayan ng Pilipinas ayon kay Rizal at ang

pagpapalagay na ang sibilisasyong Pilipinong hindi pa nababahiran ng western culture ay umiral

–na naglulundo sa pagpapalagay na ang mga Pilipino ay sibilisado na at hindi pagano bago ang

panahon ng mga Kastila. Kung ituturing na ganito nga, sa panahong pre-kolonyal, kung saan

umiral ang kaharian ni Prinsesa Urduja, ang mga Pilipino ay may monarkiyang uri din ng

pamayanan kung saan ipinakikita ang subersyon ng kapangyarihan ng babae sa lipunan kan’yang

kinabibilangan.

Ang pagbasa ni EMN kay Prinsesa Urduja ay nagtangkang humulo ng isang bagong pagtingin sa

kuwento ni Prinsesa Urduja batay sa positivismo, konstraktivismo at feminismong pagtingin –ito

ay ang pagiging isang Mitong-May-Katwiran ni Prinsesa Urduja. Sa pagpapatibay nito, malaki

ang naging gampanin ng paglalahad ng pagiging daynamiko ng katotohanan dahil sa

pagkakaroon nito ng multiplisidad. Ayon sa argumento ni EMN, ang pagsusuri sa dokumento ni


Batuta, ang pag-uusap ng tungkol sa mito at ang pagbabahagi ng mga pala-palagay batay sa local

na kasaysayan partikualr na ang Pangasinan ay naglulundo sa iba’t ibang interpretasyon at

kolektibong karanasan upang magkaroon ng asimilasyon si Prinsesa Urduja sa pagmamapang

pangkaakuhan ng mga Pilipino.

Kung gayon, naging traypokalisado ang lapit ni EMN, tulad na rin ng pagbasang ginawa ni

Crisanta H. Flores sa kanyang papel na Prinsesa Urduja at ang Kaharian ng Tawalisi: Kung

Paano Naimapa ang Mito sa Espasyo ng Pangasinan at sa Pambansang Kamalayan ng

nakakiling sa mga datos ng positivismo, pag-iral ng katotohanan mito sa lipunan sa paninging

konstraktivismo at feminismo. Gamit ang persepsyon ng mga dulog na ito, wala mang tiyak na

pagsang-ayon at pagtutol sa eksistensya ni Prinsesa Urduja at ang kaharian ng Tawalisi, ang mga

pagpapalagay na nabuo sa pamamagitan ng mga nilikhang statement ng mga iskolar, phenomena,

simbolismo at talastasan ay sapat na upang makahanap si Prinsesa Urduja ng puwang o espasyo

sa sosyo-kultural na aspekto ng lipunan.

Kung tutuusin, wala na sa usapin kung totoo o haka-haka lamang si Prinsesa Urduja kundi nasa

proseso na tayo ng asimilasyon ng isang bahagi ng katotohanang ang sibilisasyon ng kaharian ni

Prinsesa Urduja ay ang orihinal na sibilisasyong mayroon ang mga Pilipino bago pa dumating

ang mga Kastila. Hindi na rin natin tinitingnan kung ano man ang motibasyon sa pagtatangka ni

Rizal na imapa ang kaharian ng Tawalisi dahil sa impluwensya ng metrical romance sa kaniyang

panahon o sa pangangailangang mapatunayan ang sibilisasyon sa ebidensya ng megalithic

structiures kundi kung paano natin tinatanggap na may isang babaeng namuno sa isang kaharian
sa Pangasinan bilang simbolo ng katapangan at kadakilaan na tunay na ipinagmamalaki ng mga

Pilipino.

Ang mga pagtinging positivismo, konstraktivismo at feminism ay mga pundasyong unti-unting

nagtaguyod sa espasyo ni Prinsesa Urduja sa sosyo-kultural na kamalayan, pagbuo ng katwiran

sa pagkilala sa karapatan at kakayahan ng mga babae at pagbuo ng katauhang Pilipino batay sa

kanyang paraan ng pamumuhay, kaugalian at paniniwala. Samakatuwid, ang mga pagtalakay na

ito ay nagsilbing pagpupuno sa mga pagkukulang upang tanggapin na si Prinsesa Urduja ay

makatotohanan upang tanggaping bahagi ng sibilisasong Pilipino. Ito ang nagsisilbing daan

upang magkaroon ng immortal na eksistensya sa aspektong sosyo-kultural ang mito ni Prinsesa

Urduja na labas sa anumang katotohanang limitado ng mga batayan ng kasaysayan at artefactual

na pagpapalagay.

Sanggunian:

1. Prinsesa Urduja at ang Kaharian ng Tawalisi: Kung Paano Naimapa ang Mito sa
Espasyo ng Pangasinan at sa Pambansang Kamalayan ni Crisanta H. Flores, LAGDA

2. From Myth to History and Back Again ni Kieran Egan, https://www.sfu.ca/~egan/AERA-


Mythto.html

3. Mythistory, or Truth, Myth, Hystory, and Historians ni William H. McNeill

You might also like