You are on page 1of 7

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

SCIENCE CITY OF MUNOZ NUEVA ECIJA

S.Y. 2019-2020

TEORYANG
FEMINISMO

Agbisit, Mark Kristian

Esquilador, Jezza

Maglalang, Erickson

Mercado, Noreen

BSF 2-1
Panimula

Pinagmulan ng Teoryang Feminismo

Ang teoryang feminismo ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging


pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal,
ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang
maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. Tumatalakay
sa hindi pagkapantay-pantay ng babae at lalaki. Transpormasyon ng isang babae mula
sa pagiging mahina na naging aktibo at matatag. Isang koleksyon ng mga paggalaw at
ideologies na naglalayong pagtukoy, pagtatatag, at ang pagtatanggol ng estado ng
pantay na pampulitika, pang-ekonomiya, pangkultura, at panlipunang mga karapatan
para sa mga kababaihan.

Sa kadahilanang may kasulatan sa mga pag-aaral tungkol sa papel ng kababaihan sa


kasaysayan at kadalasang natatalakay lamang sila kung ang nilahukan nilang laranga’y
panlalaki, minarapat na pagtuunan ng pansin ang mga kababaihan sa pagpapasimula
ng salitang feminista sa noong 1905 at lumaganap sa iba pang mga bansa noong 1912.
Binalangkas ang paksa hindi lamang sa diwa ng Araling Kababaihan kundi sa diwa rin
ng Araling Kabanwahan sa pamamagitan ng komparatibong pag-aaral sa mga
pagkakatulad at pagkakaiba sa naging karanasan ng Pilipinas at Indonesia sa usapin
ng pagsisimula ng feminista sa dalawang bansa.

Feminismo ang teoryang ito ay ginagamit sa pagsusuri ng panitikan at awtor sa punto


de vistangisang babae. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang panitikan ay
hindi nyutral o kaya ay walang kinikilingan sa halip ito ay isang produkto ng panlipunan
at kulturang kalagayan. Maypagkakataong malakas ang dating ng mga feministang
pagsusuri dahil kailangang yugyugin angmga kalakaran at ang malalim na paniniwala
ng tao.Ang kritisismo sa akdang feminismo ay nakatuon kapwa sa mga kababaihan
bilangmambabasa at sa mga kababaihan bilang manunulat. Sa loob ng mahabang
panahon, ang unangtradisyon sa pagsusuri ng panitikan ay ukol sa mga kababaihan
bilang tagakonsumo ng mgaginawang panitikan ng mga kalalakihan. Kabilang sa unang
tradisyon ng panunuri angkadalasang mga imahe at papel ng mga babae sa panitikan.
Sa ikalawang tradisyong pag-aaral naman ay ang pagpansin sa kababaihan bilang
manunulat. Ito ay ukol sa kababaihan bilangtagagawa ng teksto na isang uri ng
panitikan ng mga babae.Sinusuri sa feministang pananaw ang papel na ginagampanan
ng mga babaeng karaktr atang mga temang ikinakabit sa kanila. Ipinapakita rito na ang
mga karakter sa panitikan aymalinaw na pinagsama-samang konstruksyon,hindi
lamang ng mga manunulat kundi magingngkulturang kinabibilangan nila para itaguyod
ang patuloy na dominanteng kalagayan ng mgalalaki sa lipunan at kultura.Sa pagtakbo
ng panaho at kasaysayan, marami ang namulat sa pangangailangangbigyang-pansin
ang mga kababaihan kung hanggang saan ang partisipasyon nila sa mgainstitusyong
panlipunan. Lumalakas ang pagnanasang baguhin ang tradisyon na ang nakasulat
akda ng kalalakihan ay sapat na upang kumatawan din sa karanasan at mundo ng
babae. Ito angbatayan sa pangangailangan ng pagbabago upang malayang mabuo ng
babae ang kanyang sarili.Sa teoryang ito, maaring tignan ang imahen,
pagpapakalarawan, posisyon at gawain ngmga babae sa loob ng akda at maaring
ilantad din ang mga “de kahong” mga imahen ng mgababae sa akda. Ito'y maaring
binubuo ng mga panlipunan, kultural, pulitikang pamamalakad,teorya, at moral na
pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan
ngkasarian.Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa
tao at mundo.Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong
pananaw na ang nais iparating ayang kabuuan ng pagkatao at mundo.

Mga Taong Nagpasimula ng Teoryang Feminismo

Ang kilusang femenismo o ang Association Femenista Filipina ay natagpuan sa lungsod


ng Manila na may layuning makilahok ang mga kababaihan sa Public Affairs. Ang
sinaunang grupong ito ay binubuo ng 11 na kababaihan na sina Trinidad Rizal,
Clemencia Lopez, Bonifacia Delgado de Barretto, Maria Arevalo, Sofia Reyes, Helen C.
Wilson, Paz Natividad Vda de Zulieta, Maria F. De Villamor, Teresa Solis, Agueda at
ang huli ay si Jacoba Paterno. Pinamunuan sila ni Conception Felix, Si Trinidad Rizal
bilang secretary at si Bonifacia Delgado de Barretto bilang treasurer at sina Clemencia
Lopez, Maria F. De Villamor, Maria Arevalo at si Helen C. Wilson bilang miyembro ng
mga direktor ng grupong ito.

Naganap ang unang pag pupulong sa bahay ni Paz Natividad Vda de Zulieta sa
Salsedo Street na ngayimon ay bahagi na ng Rizal Avenue.

Impluwensya sa Panitikan

Sa pagkakataon ng feminismo ang mga kalakasan at kakayahang pambabae Iang at


ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan ang impluwensya nito sa panitikan sa
madaling salita Ang babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinapakita
ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan na ito.

Sa pang-impluwensyang pampanitikan ang teoryang feminismo at ginagamit sa


pagsusuri ng panitikan at awtor sa Punto de Vista ng isang babae kung isasalin sa
ingles at point of view ito ay Ang pagkakaintindi o ano ang mga opinyon ng mga
mambabasa sa Isang akdang nabasa, ngunit sa teoryang feminismo ito ay nakapokus
sa punto ng mga kababaihan sa isang akda. Sa pagsusuri nito binibigyang tugon ang
mga kadalasang imahe at papel ng mga Babae sa isang akda. Sapagkat ipinapakita
kung ano ang kahalagan ng kababaihan sa isang lipunan at kung ano ang naitutulong
nito sa pagkakabuo at karanasan ng mga kababaihan. Kadalasan ang teoryang
feminismo ang ginagamit ng ibang manunuri sa mga panitikan sa pagkuha ng Punto de
Vista ng isang babae sapagkat marami ng umarangkada na kababaihan ngayun.

Layunin ng Teorya

Ang layunin ng Panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae


at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang
isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan. Halimbawa na lamang ay pagdating sa mga
trabaho, karamihan sa mga babae ay hindi nabibigyan ng pagaasang makuha ang
gusto nilang trabaho sa kadahilanang ito ay hindi angkop sa kanyang kasarian, okaya
naman ay dahil hindi naniniwala ang kanyang trabahong pinapasukan sa kanyang
kakayahan. Kaya’t nasaad na ang layunin ng panitikan na feminismo na iparating sa
lahat na marami ring gawaing panlalake ang kayang gawin ng mga babae.

Naglalayon itong mawala ang dekahong imaheng ibinibigay sa babae. Sa paksa,


makatotohanang inilalarawan ng mga karanasan ng kababaihan sa matapat na
pamamaraan. Sa estilo, Malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita. Sa
porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko sa tauhan, hindi na de-kahon
ang mga kababaihan kundi aktibo na.

Sinusuri sa feministang pananaw ang papel na ginagampanan ng mga babaeng


karakter at ang mga temang ikinakabit sakanila. Ipinapakita rito na ang mga karakter sa
panitikan ay malinaw na pinagsama-samang konstruksyon, hindi lamang ng mga
manunulat kundi maging ang kulturang kinabibilangan nila para itaguyod ang patuloy na
dominanteng kalagayan ng mga babae sa lipunan at kultura.

BUOD NG PELIKULA

LOCAL

“Glorious “

Isang istorya ng ina Na kung saan naghahangad ng Kalinga sa kanyang asawa subalit
Ang kanyang asawa ay walang panahon upang harapan ito dahil nakatuon ng pansin
Ang kanyang asawa sa trabaho at madalas Ang kanilang pagaalitan bilang magagawa,
malayo sa pagkakabuo bilang magagawa, Isang inang nagngangalang Gloria Na hilig
Ang paggawa of paghuhulma ng Paso. Sa kanyang kalungkutang panahon nakilala nya
si Gino, Isang lalaking bata Na halos kalahati Ang edad sa kanya. Sila ay nagkaroon ng
ugnayan bilang magkaibigan hanggang sa lumalim ito at naging magkarelasyon sila
kahit Ang edad nila'y malayo sa isa't-isa. Sa kanilang malalim Na relasyon, nagkaroon
ng anak si gloria Kay Gino, ngunit Ang magulang ni Gino ay tutol sa kanilang
pagsasama kayat naman nakiusap Ang magulang ni Gino Kay Gloria Na mas piliin Ang
kinabukasan ni Gino dahil bata palamang ito. Kayat naman napagdesisyonan ni Gloria
Na Iwan so Gino kahit Na masakit ito para sakanya dahil mas pinili din ni Gloria Ang
kinabukasan ni Gino hanggang sa tuluyan ngang iniwan ni Gloria di Gino ng walang
kaalam alam, nabuhay Ang anak ni Gloria Kay Gino kahit Na wala ng koneksyon sila sa
isa't-isa. Pinili ni Gloria Na Bitawan Ang lahat para lang Kay Gino.

BANYAGA

" US "

Sinamahan ng kanyang asawa, anak na lalaki at anak na babae, si Red at sila ay


bumalik sa bahay nila sa may tabing dagat na kung saan may malaking plasa at kung
saan siya lumaki bilang isang bata. Ayaw niya sanang bumalik pa dahil sa
pinagmumultuhan siya ng kaniyang karanasan mula sa nakaraan, at sa takot na baka
may masamang mangyari sa kaniyang pamilya. Ang kanyang pinakamasamang
karanasan at takot ay naging isang katotohanan ng isang gabi ay may apat na mga
estrangherong nakasuot ng kulay orange na damit at may dalang gunting ang
dumatuing sa kanilang bahay, na pinilit ng mga Wilsons na labanan para mabuhay.
Nang kanila itong makita ng maayos natakot ang pamilya nang malaman na ang bawat
magsasalakay ay kumukha ng hitsura ng bawat isa sa kanil ganun din sa mga
sumalakay sa ibang bahay.

REFERENCES:
Paredes A. (2013). TEORYANG FEMINISMO. Retrived from:
https://prezi.com/1kiwy1kphuie/teoryang-feminismo/

Tapungot, C.(2015).Teoryang feminismo. Retrived from:


https://www.scribd.com/doc/253740047/TEORYANG-FEMINISMO

Kevin W. (2018). Association Feminista Filipina Historical Marker. Retrived from:


https://www.hmdb.org/m.asp?m=25095

You might also like