You are on page 1of 60

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula
Behind every mans success is a woman.
Isang mahalagang bahagi ng lipunan ang mga kababaihan. Marami silang
nagagawa na hindi kayang gawin ng mga kalalakihan. Habang nasa trabaho ang
kanilang mga asawa, sila ang namamahala ng bahay, nagluluto, naglalaba at
higit sa lahat, sila ang nag-aalaga ng kanilang mga anak. Ngunit sa kabila ng
lahat ito, mas kinikilala pa rin ng lipunan ang mga lalaki. At dito nag-ugat ang
Feminismo.
Nagsimula ang Feminismo noong unang panahon dahil sa pananaig ng
isang patriyarkal na lipunan o isang lipunan kung saan mas kinikilala ang
kakayahan ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. At dahil sa
pagdomina ng mga kalalakihan sa lipunan, nagkaroon ng pagkakahon sa mga
kababaihan sa kung ano lamang ang kanilang papel at gampanin sa lipunan
kung kayat nagkaroon ng pangangailangan sa Teoryang Feminismo. Ang
Teoryang Feminismo ay isang teorya na naglalayong iwasto ang mga maling
pananaw tungkol sa kahalagahan, tungkulin at kahulugan ng babae sa lipunan.
Nais nito na ilagay ang mga babae sa kanyang tamang lugar sa isang patriyarkal
na lipunan kung saan hindi pantay ang trato sa mga babae at lalake. Naglalayon
din itong malabanan ang opresyon o pang-aapi ng sistemang patriyarkal sa
kababaihan at mabuwag ang de-kahong imahe na ibinibigay sa mga babae.
Sa isang lugar na laganap ang diskriminasyon lalong-lalo na sa usaping
pampatriyarkal, isang malaking dagok para sa kababaihan ang maging
matagumpay sa anumang larangan at magtamo ng pantay na pagkilala at
karapatan. Sa kasalukuyang panahon, laganap pa rin ang represyon,
1

panggagahis at iba pang anyo ng opresyon sa kababaihan. Ang mga ganitong


kalagayan ay hindi lamang makikita sa tahanan, kundi pati na rin sa trabaho,
paaralan at maging sa mga institusyong nagsusulong ng ganitong kamalayan.
Ang marahas na sistemang ito ng patriyarkal ang nagtulak sa mga kilusang
feminista na isulong ang kanilang adbokasiya laban sa dominasyon ng
kalalakihan sa ating lipunan.
Ang Feminismo ay matagal nang umiiral sa kasaysasyan ng mundo.
Noong ikaanim na siglo sa Greece, sumulat si Sappho ng isang lesbian poetry at
namahala sa isang paaralang pambabae. Noong Ika-15 siglo ay nakilala ang
Pranses na manunulat na si Christine de Pisan bilang isang feminista. Ika-17
siglo naman nang ang aktibista na si Aphra Benn ay naging kabahagi ng West
Indian slave rebellion at sumulat ng 13 nobela. Samakatuwid, ang Feminismo ay
isang kilusan na naglalayong kilalalanin ang papel ng mga kababaihan sa
lipunan at wasakin ang mga nakakahong kaisipang nagpapanatili ng kaapihan ng
babae sa patriyarkal na lipunan.
Ang mga kababaihan sa Pilipinas, bago pa dumating ang mga Espanyol,
ay nakatatamasa ng maginhawang buhay sapagkat karamihan sa kanila ang
nasa matataas na posisyon sa lipunan. Bilang isang tradisyon, ang mga babae
ay kapantay ng mga lalaki sa sinaunang panahon. Maaari silang magmay-ari at
magmana ng mga ari-arian ang maaari rin nila itong ipagbili; maaari rin silang
makilahok sa industriya ng pakikipagpalitan o trade; at higit sa lahat, maaari
nilang halinhan ang kanilang asawa sa pagiging pinuno ng komunidad o
baranggay. Ang mga babaeng asawa naman ay may karapatan rin na bigyan ng
pangalan ang kanyang bagong silang na anak.
Sa kabilang dako, naging kabahagi rin ang mga kababaihan sa
rebolusyon noong 1896 at maging sa kasalukuyan ay kalahok pa rin ang mga
kababaihan sa rebolusyon ng CPP-NPA laban sa pamahalan. Dalawang beses
nang nagkaroon ang Pilipinas ng babaeng pangulo. Patuloy ang paglakas ng
kilusan ng mga kababaihan sa Pilipinas partikular ang GABRIELA na ngayon ay
isa nang party-list.
2

Tulad ng kalalakihan, marapat lamang na mabigyan ng sapat na pagkilala


ang mga babae sa lipunan dahil makailang ulit nang napatunayan ang malaking
ambag ng hanay na ito sa pulitika, kultura, ekonomiya at pati na sa siyensa.
Kayat maituturing na isang malaking pagbabago sa mundo ng panitikan ang
pagkilala sa mga kababaihan. Isang feministang pagkilos ang paggawa ng mga
akdang tumatalakay sa ibat ibang isyung nararanasan ng kababaihan.
Lumitaw ang Feminismo dahil na rin sa paniniwala na ang panitikan ay
nasa kamay ng mga lalaking manunulat na sa kanilang mga akda ay
naglalarawan sa babae bilang mahina, marupok, tanga, emosyonal at
pantahanan. Kung kaya ang mga feministang akda sa Pilipinas ay pinasimulan
nina Genoveva Edroza Matute, Ruth Elynia Mabanglo, Lilia Quindoza Santiago,
Joi Barrios at iba pa. Ngunit hindi lamang sa mga aklat makikita ang Teoryang
Feminismo sapagkat maging sa mga pinapanood nating teleserye at pelikula.
Ayon sa panitik.multiply.com, ang isang akda ay makakapasa sa
pamantayang Feminismo kung: tumatalakay sa pagsasamanatala sa kababaihan
at kung papaano malulunasan ito; naglalahad ng transformasyon ng mga
kababaihan mula sa pagiging pasibo at mahina tungo sa pagiging aktibo at
matatag; nagwawasak ng mga maling paniniwala sa babae bilang nilalang na
pantahanan at seks object; naglalahad ng tungkulin ng mga babae sa
pagpapanday ng isang lipunang malaya at makatarungan.
Napili ng mga mananaliksik ang pelikulang No Other Woman dahil sa
tumatalakay ito sa isang napapanahong paksa, kababaihan at ang kanilang
katatagan sa kabila ng kaliwat kanang pagkasawi sa pag-ibig at pamilya.
Makikita rin sa pelikula ang ibat ibang klase ng babae, at kung paano nila
nalampasan ang bawat dagok sa kanilang buhay. Ipinapakita rito ang tapang at
tibay na taglay ng mga kababaihan kahit harap-harapan silang maloko at masawi
sa pag-ibig, lalo na sa kanilang asawa. Ngunit hindi lang sa pelikulang ito
makikita ang ganitong kwento sapagkat kabi-kabilang pag-aagawan at
pagtataksil din ang makikita sa mga teleserye at pelikulang napapanood ng mga
tao telebisyon at teatro. Naging paborito itong paksa ng mga gumagawa ng
3

palabas sa telebisyon at sinehan sapagkat hindi na bago sa mga manonood na


Pilipino ang mga ganitong pangyayari bagkus isa na lamang normal na senaryo
sa buhay ng bawat babae ang panloloko at pagtataksil sa kasintahan, na
karamihan ay nangyayari sa mga babae. At dito lumilitaw ang dalawang karakter
na makikita sa mga nabanggit na pelikula --- ang asawa at ang kerida.
Kumbaga sa pelikula, ang usapin ng opresyon sa kababaihan ay isa nang
palasak na tema pero patuloy pa ring kumikita sa takilya. Isa itong di mamataymatay na usapin na kinakailangang pagtuunan ng pansin. Walang pinagkaiba ito
sa iba pang sakit ng lipunan tulad ng kahirapan, droga, problema sa edukasyon
at korapsyon. Ito ay malaon nang nilalabanan ngunit hindi lubos na
masolusyunan.
Sa ngayon, masasabing hindi pa rin ganap ang internalisasyon sa
kamalayang feminismo sapagkat maging ang mga institusyong dapat sanay
nagsusulong nito ay kakikitaan ng hindi pantay na pagtingin sa isyu ng kasarian.
Bilang napakaepektibong midyum ng pagpapalaganap ng kaayusan at
tagapagtaguyod ng pamantayan, ang mixed media ay inaasahan sanang maging
instrumento ng ganitong adbokasiya, ngunit sa realidad, itoy nagiging
kasangkapan pa upang lalong manaig ang kulturang patriyarkal. Makikita ito sa
mga ipinapalabas nilang patalastas at ibang programa na may tema ng
subordinasyon ng babae sa lalaki.
Dahil sa mga nabanggit na problema, nais pag-aralan ng mga
mananaliksik ang Feminismong Pananaw sa mga Karakter ng pelikulang No
Other Woman.

Paglalahad ng mga Suliranin


Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklasan ang kasalukuyang imahe
ng mga Pilipina na makikita sa pelikulang No Other Woman at kung paano

naipakita ang Teoryang Feminismo sa nabanggit na pelikula. Sa higit na paguunawa, layunin nitong masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga imaheng naipakita ng mga karakter na babae na
sumasalamin sa mga kababaihan ng modernong panahon?
2. Anong mga tagpo sa pelikula ang nagpapakita at nagpapatunay sa
Teoryang Feminismo?
3. Paano naipakita ng pelikula ang imahe sa kasalukuyang panahon ng mga
kababaihan bilang:
3.1 asawa
3.2 kerida
4. Anu-ano ang mga pagkakatulad ng mga kababaihan sa pelikula at
kababaihan sa kasalukuyan?
5. Anu-ano ang mga pagkakaiba ng mga kababaihan sa pelikula at
kababaihan sa kasalukuyan?

Sakop at Saklaw ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay minimithing alamin ang imahe ng mga kababaihan
sa pelikulang No Other Woman at kung paano naipamalas ang Teoryang
Feminismo sa mga tagpo nito. Upang lubos na maunawaan ang pag-aaral, pinili
ng mga mananaliksik na limitahan ang sakop at saklaw ng mga aspeto ng pagaaral.
Ang pag-aaral na ito ay tatalakay lamang sa Teoryang Feminismo at hindi
gagamit iba pang Teoryang Pampanitikan. Sa kabilang dako, ang pag-aaral na
ito ay limitado lang sa pelikulang No Other Woman. Kaugnay nito, wala nang
ibang gagamiting pelikula ang mga mananaliksik maliban sa nabanggit na
pelikula.

Gamit ang ibat-ibang mapagkukunan ng impormasyon tulad ng mga


aklat, dyornal, peryodiko at maging mga thesis at dissertation, ang mga
mananaliksik ay maingat na maghahanap ng kasagutan hinggil sa naturang
paksa. At matapos na maipon lahat ng mga datos, pagkukumparahin ng mga
mananaliksik ang mga naging resulta at sa ganoong paraan masasagot ang
lahat ng katanungan.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral ng Feminismo ay malaon nang pinag-uukulan ng pansin ng
mga mananaliksik ngunit hindi gaanong marami ang nag-aaral ng relasyon nito
sa mga pelikula sapagkat hindi masyadong nadarama ang kahalagahan nito.
Makabuluhan ang ganitong pag-aaral sapagkat naglalayon itong matuklasan ang
kaugnayan ng Feminismo sa pelikulang No Other Woman.
Sa masusing paghahanap ng kasagutan sa pananaliksik, ang benepisyo
na maaaring maibigay ng pag-aaral ay magiging malaking tulong sa mga
kababaihan, kalalakihan, mag-aaral, mananaliksik-wika at mananaliksik sa
hinaharap.
Kababaihan. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa Feminismo kaya
ang una ring makikinabang ay ang lahat ng babae sa mundo. Ang pananaliksik
na ito ay magiging kanilang repleksyon sa kasalukuyang panahon sapagkat
tungkol sa kanila ang pag-aaral na ito. At dahil din sa pag-aaral na ito, mas
malalaman ng mga babae ang dahilan sa likod ng bawat aksyon na kanilang
ginagawa.
Kalalakihan. Bagamat mas nagpopokus ang pag-aaral sa mga
kababaihan, hindi maitatanggi na makikinabang rin ang mga kalalakihan. Dahil
sa pananaliksik na ito, mas maiintindihan nila ang kahulugan ng bawat galaw at
6

aksyon ng mga babae sa paligid nila. At isa pang pakinabang ng mga


kalalakihan ay mas malalaman nila ang mga pinanghuhugutan ng mga babae sa
tuwing may problema ang mga ito lalong-lalo na sa pag-ibig.
Mag-aaral. Dahil kasama sa mga pinag-aaralan ng mga estudyante ang
mga Teoryang Pampanitikan, magsisilbi ang pag-aaral na ito na isang patunay
ng Teoryang Feminismo. Mas mapapalawak rin ng pananaliksik

na ito ang

kanilang kamalayan sa mga pagbabagong nadadala ng modernong panahon


lalong-lalo na sa tinatawag nilang patriyarkal na lipunan.
Mananaliksik-wika. Ito ay magiging isang magandang salalayan ng higit
pang pagtuklas ng Teoryang Feminismo sa ibat-ibang akdang pampanitikan,
nasusulat man o napapanood. Ang pananaliksik na ito ay maidaragdag sa mga
magiging resorses ng mga pag-aaral tungkol sa Teoryang Feminismo.
Mananaliksik sa hinaharap. Ito ay magiging isang inspirasyon sa
pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa mga koneksyon ng Teoryang Feminismo
sa mga akdang pampanitikan, lalot higit sa mga pelikula.

Kahulugan ng mga Terminolohiya


Upang magkaroon ng mas malawak na pang-unawa at interpretasyon sa
ibat-ibang salitang nabanggit sa pag-aaral, inihanda ng mga mananaliksik ang
mga sumusunod na depinisyon:
Asawa. Ito ay isang taong ibinuklod ng Diyos sa isa pang tao sa
pamamagitan ng sakramento ng kasal.
Babae. Ito ay isang mahalagang parte ng lipunan at masasabing
kabaligtaran ng lalaki.

Kerida. Ito ay isang babae na may relasyon sa isang kasal at


pamilyadong lalaki. Karaniwang may kaakibat na emotional attachment ang lalaki
at kerida nito.
No Other Woman. Ito ay isang pelikulang tumatalakay sa love triangle at
di malilimutan dahil sa mga matatapang na linya ng mga karakter na sina Anne
Curtis, Derek Ramsay at Cristine Reyes.
Patriyarkal na Lipunan. Ito ay isang lipunan na mas kumikilala sa mga
kakayahan ng kalalakihan kaysa sa mga kababaihan.
Pilipina. Ito ay isang babaeng naninirahan sa bansang Pilipinas at
matutukoy sa kayumangging kulay at gumagamit ng Wikang Filipino.
Teoryang

Feminismo.

Ito

ay

isang

Teoryang

Pampanitikan

na

naglalayong iwasto ang mga maling pananaw tungkol sa kahalagahan, tungkulin


at kahulugan ng babae sa lipunan.

Kabanata 2
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang kabanatang ito at tumatalakay sa mga kaugnay na literatura sa pagaaral kung saan ang nakalap na impormasyon ay nagpalinaw at nagbigay bisa
sa isinagawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura
Ang

Teoryang

Feminismo

ay nag-ugat

sa

hindi

makatarungang

representasyon na ibinibigay sa mga kababaihan. Hinango ang ganitong


representasyon sa paniniwala ng lipunan na ang babae ay hindi makahihigit sa
lalaki sapagkat ang taglay lamang niya ay ang kanyang katawan. Sa teoryang
ito, ipinakitang ang babae ay kapantay ng lalaki sa lahat ng bagay.
Ang pananaw ng teoryang Feminismo, ay naniniwalang hindi palamuti
ang mga babae. Sila ay tao, mga tunay na tao na dapat kilalanin.
Sa mga akdang mababasang may kaugnayan sa teoryang feminismo,
makikita ang transpormasyong nagaganap na nagiging dahilan ng kaniyang
pagbabago. Ipinakikilala rin ang kanyang matibay na paninindigan.
Dito, ipinahihiwatig ang role na ginagampanan ng mga kababaihan sa
lipunan sa kasalukuyang panahon. Ipinakikita rin dito ang kalakasan at
determinasyon ng isang babae bilang babae, hindi bilang kasarian, kung hindi
bilang isang indibidwal na may pantay na karapatan sa lipunang kanyang
ginagalawan.
Kung pakasusuriin ang Teoryang Feminismo, mapagtutuunan ng pansin
ang kalagayan ng tauhang babae batay sa kalakasan ng kanyang paninidigan.
Mahalaga ring makita ang pagiging makapangyarihan nito sa buong akda o

kwento ayon sa kanyang kilos, gawi at paniniwala. May kalayaan siyang bumuo
ng desisyon at kung paano niya iyon haharapin.
Sa feminismong pananaw ng may akda, pinagtutuunan din ng pansin ang
pagtakas ng babae mula sa mapang-aliping ginagampanan niya sa kwento.
Nangingibabaw din dito ang tema ukol sa pagtatanggol sa sarili o pag-aari ng
pangunahing tauhan.
Ang literatura ay may kakayahang di matatagpuan sa ibang disiplina. Ang
isang obrang pampanitikan kahit nilulumot na sa katandaan ay patuloy pa ring
umaakit ng libu-libong mambabasa kahit na sa makabagong panahon. May
mahika itong literatura na kumukuha ng ating buong katawan, pumupukaw ng
damdamin, nagbibigay inspirasyon, nagtutuwid ng pananaw at nagdudulot ng
bagong karanasan. Marami sa ating pagtingin sa literatura ay nakatuon lang sa
mga naisatitik na at hindi sa kabilang ang mga sabi-sabi at nagpalipat-lipat mula
sa isang henerasyon tungo sa isa sa pamamagitan ng bibig lamang (Lachica,
1996).
Pinagtibay din sa naging pahayag ni Lachica (1996) ang mas malawak na
talakay ukol sa panunuring pampanitikan. Ayon sa kanya, ito ay isang masusing
pag-aaral, pagsusuri at pagpapaliwanag tungkol sa likhang sining ayon sa
paraang paglalahad at paglalarawan ng mga pangyayari sa akda.
Sinabi naman ni Rubin (2001) na ang panitikan ay nagtatampok ng
buhay, kaugalian, mga karanasan at kalagayan ng lipunan o pulutong ng mga
taong naghahari sa kinauukulang panahon. Salamin ito ng panahon,ng
kaligayahan, ng kalungkutan, ng pakikibaka, ng pagbabago, ng pagkakasundo,
at ng pag-unlad. Larawan ng sangkatauhan ang panitikan.
Mamamatay lamang ito kung wala na ang mga nakalimbag na titik at kung
wala ng kakayahan ang tao na makapagpahayag ng kanilang nadarama at
saloobin. Maraming marami ang mawawala sa buhay ng tao subalit ang
panitikan ay hindi matitinag sa kanyang pagyabong.

10

Inilahad naman ni Alejandro (1985) na may dulot na impluwensya sa


buhay, kaisipan at ugali ng tao ang naging ambag ni Salazar sa kanyang
ginawang paghahanap sa tumpak na kahulugan ng panitikan. Ayon sa kanya,
ang panitikan ay nahahati sa dalawang kalagayan. Una, ito ay nagpapaliwanag
sa kahulugan ng kaliwanagan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng
panitikan at ikalawa, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ng mga
damdamin at kaisipan; nagkakaunawaan at nagtutulungan.
Ayon sa Panunuring Pampanitikan ni Torres-Yu (1980), ilang
katotohanang panlipunan ang maaaring maugat mula sa panitikan dahil sa
katangian nito bilang repleksyon ng lipunan. Ibig sabihin, sa pagsusuri sa mga
katangian ng panitikan ng lipunan sa isang tiyak na yugto ng pag-unald nito o sa
pagsiyasat sa tradisyong nilikha nito ay maaaring matambad ang ilang
makahulugang pangyayari sa kasaysayan na lumilikha ng mga pagbabago o di
kaya naman ay ang kairalang kumandili sa mga tradisyong ito. Sa gayon, ang
pag-aaral ng panitikan at ng mga nabuong tradisyon nito ay nagsisilbing
paghawan ng landas, pag-aalis ng mga sapot at pagwawaksi ng mga alamat
tungo sa wastong paglingon sa nakaraan, kaukulang paggamit sa kassalukuyan
at pag-aninaw sa hinaharap.
Kaugnay nito, ang may pinakamahalagang ambag sa ikalulugod ng
gagawing panunuri ay ang iba't ibang pilosopiyang pampanitikan. Alam natin sa
isang banda na ang buhay ng panitikan at ang patuloy na interes dito ay
nakaangkla sa mga mambabasa. Kaya patuloy ang pagsisikap ng pilosopiyang
pampanitikan na magbigay nang matatag at matapat na konsepto tungkol sa
papel ng sining sa buhay ng tao. At dahil sa mabilis na pagdami ng
pampanitikang kritisismo, hinahanapan na ang sining ng iba pang makabuluhan
at napapanahong mga haligi ng pagsusuri. Ang lumawak at bumigat ng
tungkuling ito ng sining ay natuklasan nang ika-19 na dantaon sa isang panahon
ng krisis.

11

Ang feministang kritisismo ay masasabing "isang mowd ng kritikal na


diskursong nagbibigay-diin sa itinakda ng kultura na kaibhan ng kasarian
pagdating sa interpretasyon ng mga akdang pampanitikan." Ang pangkalahatang
tuon ng mga manunulat na feminista, batay sa nabanggit na pakahulugan, ay
ang pagwaksi sa maling aktitud ng kalalakihan na dominasyon at opresyon sa
kababaihan na lumilitaw lalo na sa panitikan at wika. Bilang dagdag, sinisikap ng
mga feministang kritiko na bawiin ang mga akda ng mga babaeng manunulat na
nabaon sa limot at muling uriin ang mga ito mula sa isang nirebisang pagsipat.
Ito marahil ang dahilan kung bakit mas maraming teorista at praktisyoner ng
feministang kritisismo, ayon kay Deborah McDowell, ang kumikiling sa
depinisyon nito bilang "pagwawasto, pagtanggal ng maskara ng mga omisyon at
distorsyon ng nakaraan ang mga pagkakamali ng tradisyon ng kritisismong
pampanitikan na umangat mula sa at nagsalamin ng isang kulturang nilikha,
pinaiiral at pinanghaharian ng kalalakihan."
Ang nagbigay-hugis ng feministang kritisismo ay ang mga impluwensiya
ng kilusang mapagpalaya ng kababaihan, ang pag-unlad ng mga pag-aaral
tungkol sa kababaihan, at ang dagundong ng mga teorya sa Pransiya, Ingglatera
at Estados Unidos. Kung isasaalang-alang itong isang kritikal na kilusan,
maitataya na batang-bata pa sapagkat naisilang lamang yaon noong huling hati
ng Dekada Sisenta o mahigit 20 taon ang nakararaan. Mistulang lindol ang
naging epekto nito sa mga institusyong akademiko, pampanitikan at pangkultura
bunga ng mga pagbabago sa mga haka-haka sa pag-aaral ng panitikan. Itinatag
ng feministang kritisismo ang kasarian bilang pundamental na kategorya ng
panunuring-pampanitikan

sa

mga

usapin

ng

kakaibang

karanasang

pampanitikan ng kababaihan bilang mambabasa, manunulat at kritiko; espasyo


para sa awtoridad ng babaeng kritiko; at mga paraag ng pagmolde ng mga
pagpapahalagang maskulino at feminino sa mga genre ng panitikan, bukod pa
sa iba.
Kung babalikan ang kasaysayan ng kababaihan, kapansin-pansin na
malaon nang umiral ang opresyon sa kanila.
12

Makikita na ang ganitong sitwasyon ito sa iba't ibang lipunan, mula sa


panahon ng mga matatandang sibilisasyon hanggang sa kasalukuyang panahon.
Makikita ito, halimbawa na, sa mababang antas sa lipunan na inokupahan ng
mga Griyego at Romano. Masisipat ito sa negatibong imahen ng mga babae sa
Lumang Tipan tulad na lamang nina Delilah at Batsheba na pawang dahilan ng
pagbagsak ng mga dakilang lalaki. Matatagpuan din ito sa paggamit ng salitang
chattel upang tukuyin ang mga babaing ipinagbibili o ginagamit na pamalit sa
isang transaksiyong ekonomikal. Mababasa ito sa mga akda sa panahon ng
ikalabingwalong siglo, at hanggang sa kasalukuyang dekada, na patuloy na
gumagamit ng imahen ng kababaihan bilang pasibo, madaling matakot, hindi
gumagamit ng isip, kontrolado ng kalalakihan, sentimental, at hindi maaasahan
sa anumang intelektuwal na gawain.
Ang naging tugon ng feministang kritisismo sa ganitong kalakaran sa mga
una nitong taon ay ang pagbulgar sa misogyny ng pampanitikang praktika: ang
mga istiryutipong imahen ng kababaihan sa panitikan gaya ng pagiging birhen o
puta, ang pang-aabusong pampanitikan sa kababaihan sa mga teksto ng
kalalakihan, at ang eksklusiyon ng kababaihan mula sa kasaysayang
pampanitikan. Ang kahihinatnan nito ay ang higit na masigabong feministang
pag-uurirat ng mga pamantayan ng pagpapahalagang estetika at mas radikal na
rebalwasyon sa mga kanonisado.
Sinundan ang naunang yugto ng pag-imbento ng haraya ng kababaihan at
mga istruktura ng banghay ng kababaihan. Naganap ito nang matuklasan ng
mga babaeng manunulat ang kanilang sariling panitikan tulad ng The Awakening
ni Kate Chopin, The Golden Notebook ni Doris Lessing at Les Guerilleres ni
Monique Wittig, na siyang pinalabo ng mga pagpapahalagang patriyarkal na
naghahari sa kultura. Ang malawakang pagbawi ng panitikan ng kababaihan
dulot ng tuon sa panulat ng kababaihan bilang payak na larangan ng pag-uusisa
ay nagpalinaw sa unang pagkakataon ng continuities ng panulat ng kababaihan.

13

Maging noon hanggang ngayon, walang "Ina ng Lahat ng Teorya"


("Mother of All Theories") o nag-iisang sistema ng kaisipan na siyang bukal ng
mga pundamental na ideya na sinasandigan ang feministang kritisismo. Ito ang
kanyang malaking kaibhan sa ibang kontemporanyong teoryang kritikal, walang
hinahalaw na anumang solong awtoridad o baul ng mga sagradong teksto tulad
ni Saussure para sa mga istrukturalista, Freud o Lacan sa kaso ng mga kritikong
saykoanalitiko, Marx ng mga sosyalista, o Derrida na sinisipi ng mga
dekonstruksyonista. Sa kabilang dako, kinakatawan ng feministang kritisismo
ang samut-saring mga posisyon at estratehiya ng isang marubdob na debateng
panloob. At ang mga ito ay nabuo mula sa iba't ibang batis gaya ng nabanggit na
mga pasimuno ng mga kasangkapang analitikal. Isang sukli sa pag-aaral ng
panitikan.
Sa pagtatangka ng kababaihan na bigyang-turing ang sarili, nagsisimula
siya sa pagsasabing "Ako ay isang babae." Hindi ito ginagawa ng mga lalaki.
Makikita rito ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ng dalawang katuringang
"maskulino" at "feminino." Ang lalaki at hindi babae, ang nagbibigay-turing sa
kababaihan, isang anomalya na nag-uugat pa sa Lumang Tipan.
Sapagkat naikalat sa kalalakihan, walang partikular na kasaysayan ang
mga babae, wala silang natural na pagkakaisa-isa. Hindi sila nakapagbubuklod
na kagaya ng ibang mga grupong inaapi (halimbawa, ang mga itim, ang mga
manggagawa, ang mga rasang etniko). Kung ang lalaki ang Siya (the One), ang
babae ang Iba (the Other). At ang pamamayaning ito ng kalalakihan ay
pinahihintulutan, at iginigiit, ng mga panlipunang institusyon batas, pilosospiya,
siyensiya, relihiyon, pamilya, edukasyon, pulitika, at iba pang bahagi ng
ideolohikal na sistema.
Samakatwid, naisaloob ng kababaihan ang ganitong kalipunan ng
paniniwala na "natural" ang kanilang aping kalagayan na sa katunaya'y
nagmumula sa ideolohiyang patriyarkal. Si de Beauvoir ang nanguna sa

14

paglahad na walang esensiyal na kalikasan na tutukoy sa kababaihan. Ibig


sabihin, "ang babae ay hindi ipinanganak na babae, siya ay nagiging babae."
Isa pang haligi ng feministang kritikal na pananaw si Virginia Woolf, ang
may-akda ng mga tekstong nalahiran ng iba't ibang anyo ng feminismo katulad
ng To the Lighthouse, A Room of One's Own at Mrs. Dalloway . Partikular na
pagkiling ni Woolf ang mga suliranin ng manunulat na babae. Paniwala niya na
kinakaharap nito ang maraming sagkang dulot ng mga puwersang panlipunan at
pang-ekonomiko. Isang limitasyon niya kung ihahambing sa mga lalaki ay ang
kakulangan ng edukasyon.
Tarok ni Woolf ang lalim ng pagkalubog niya sa kumunoy ng pagiging
babae. Hinihingi ng ideolohiya na ang mga babae ay maging mapagbigay,
dalisay at matapat. Umaabot ito, kung gayon, sa paggamit ng babae ng
pagkukunwari at disimulasyon upang makasulat sapagkat bawal sa babaeng
magsalaysay ng kanyang mga tunay na karanasan bilang isang babae o
maglantad ng kanyang sekswalidad.
Niyakap ni Woolf ang pagkakaiba ng pagsulat ng babae sa lalaki batay sa
pagkakaiba ng kanilang karanasang panlipunan. Siya mismo'y sumulat bilang at
tungkol sa babae at tumuklas ng mga teknik at wika na tunay na maglalarawan
ng mga karanasan ng kababaihan sa kanyang kapaligiran. Winakasan niya ang
kanyang buhay nang mabigong lagpasan ang kanyang sekswalidad sa praktika
ng androgyny. Sa isang banga'y sinasabing isang protesta ito sa marahas na
patriyarkiya, samantalang may nagbanggit naman na nais ni Woolf na wakasan
na ang kaakuhan batay sa kasarian na sinasalamin ng pabugso-bugsong
pagsalaysay sa kanyang mga nobela.
Ang feminismo sa Dekada Sisenta ay kinakitaan ng ibayong sigla sa
punto ng pagtakda ng depinisyon ng panulat ng kababaihan ayon sa feministang
pamantayan. Ilan sa maimpluwensiyang mga aklat na lumabas ay ang Sexual
Politics (1969) ni Kate Millet, The Female Imagination (1975) ni Patricia Meyer
15

Spacks, Literary Women (1977) ni Ellen Moers, A Literature of Their Own (1977)
ni Elaine Showalter, at Thinking About Women (1979) ni Mary Ellman. Ani
Showalter:
Since 1979, these insights have been tested, supplemented,
and extended so that we now have a coherent, if still
incomplete, narrative of female literary history, which
describes the evolutionary stages of women's writing during
the last 250 years from imitation through protest to selfdefinition, and defines and traces the connections throughout
history and across national boundaries of the recurring
images, themes and plots that emerge from women's social,
psychological, and aesthetic experience in male-dominated
cultures.
Ang pagsusuri ng mga nabanggit na awtor ay "nagpaliwanag sa mga
pamamaraang ginamit sa mga teksto sa paglalarawan sa kababaihan bilang
pasibo at masokistang nilalang, na ang identidad ay nakaugnay sa kalalakihan".
Galit na nakatuon ang obra ni Millet sa itinuturing niya na marahas na
sistemang patriyarkal kayat di siya nagpamalas ng paggalang sa awtoridad ng
may-akda na isang aktibong pakikilahok ng isang mambabasa na isa ring babae.
Pakikidigma diumano ng tauhang si Rojack sa The American Dream ni Norman
Mailer laban sa kababaihan ang pagpatay nito sa asawa at paggawa ng sodomy
sa kanyang katulong. Puna lamang ng mga kritiko na hindi representatibo ang
pinili ni Millet na mga manunulat at hindi sapat ang kanyang pang-unawa sa
teorya, lalo na sa usapin ng di-malay at ideolohiya.
Mas may sopistikasyon ang Thinking About Women ni Ellman na
umiinog sa tesis na umiral sa lahat ng lebel ng kultura sa Kanluran, ang
tinagurian niyang "pag-iisip sa pamamagitan ng analohiyang seksuwal. Makikita
ito sa palasak na paggamit ng pagkakaiba ng kalalakihan at kababaihan tungo
sa pag-intindi sa lahat ng phenomenon ng buhay." Layon ni Ellman na ibulgar
ang palasak na paggamit ng mga salitang kaugnay ng pagdadalantao at
pagluluwal sa pagtukoy sa mga gawaing pangkaisipan. Isa pang tinalakay niya
ay ang konsepto ng phallic criticism o ang pagpuna ng isang lalaking kritiko sa
16

teksto ng isang babae sa paraan ng maraming imaheng sekswal. Bukod dito'y


inilahad ni Ellman ang mga istratehiya ng mga manunulat na babae na
magwawaksi sa mga istiryutipo sa paraan, halimbawa, ng siste (humor) at
parikala (irony).
Ang Literary Women ni Moers ay patungkol sa mga naisulat ng mga
babaeng manunulat tulad nina George Eliot, Jane Austen, Harriet Beecher Stowe
at iba pa sa huling dalawang dantaon. Tinalakay niya ito "bilang dinamiko at
masiglang tagalikha ng tradisyon ng pagsusulat ng kababaihan." Tiningnan ni
Moers ang mga babaeng manunulat sa konteksto ng tradisyon ng pagbubuklod
ng mga indibidwal na manunulat sa kanilang pagsisikap na makasulat at
makapaglimbag. Ang mga paksang nadiskubre ay ang mga pangarap at
pangitain ng mga babaeng manunulat, ang pagiging ina, seksuwalidad at marami
pa.
Sa Estados Unidos, isang napakaimpluwensiyal na kritiko ay si Showalter
na kilala sa kanyang A Literature of Their Own. Ang uri ng kritisismo na
kanyang itinaguyod ay tinatawag na gynocritics . Wika niya:
The program of gynocritics is to construct a female
framework for the analysis of women's literature, to develop
new models based on the study of female experience, rather
than to adapt male models and theories. Gynocritics begins at
the point when we free ourselves from the linear absolutes of
male literary history, stop trying to fit women between the lines
of the male tradition, and focus instead on the newly visible
world of female culture.
Iminungkahi ni Showalter na ang gynocritics bilang pag-aaral ng panulat
ng kababaihan at pagiging malikhain nito ay naghahandog ng pinakamasiglang
pamantayan para sa isang buong feministang teoryang pampanitikan. Bilang
dagdag, ibinalangkas din niya sa tatlong bahagi ng tradisyon na likha ng
kababaihan na naglalarawan ng kanilang natatanging karanasan. Ayon sa kanya:
During the Feminine phase, dating from about 1840 to
1880, women wrote in an effort to equal the achievements of
the male culture, and internalized its assumptions about
17

female nature. The distinguishing sign of this period is the


male pseudonym, introduced in England in the 1840s, and a
national characteristic of English women writers. . American
women during the same period adopted super feminine littleme pseudonyms (Fanny Fern, Grace Greenwood, Fanny
Forester), disguising behind these nominal bouquets their
boundless energy.
In the Feminist phase, from about 1880 to 1920, or the
winning of the vote, women are historically enabled to reject
the accommodating postures of feminity and to use literature
to dramatize the ordeals of wronged womanhood. .a
generation of New Women redefined the woman artist's role
in terms of responsibility to suffering sisters.
In the Female phase, ongoing since 1920, women
reject both imitation and protest-two forms of dependency-and
turn instead to female experience as the source of an
autonomous art, extending the feminist analysis of culture to
the forms and techniques of literature.
Ang isang suliranin nito ay ang pamamayani ng esensiyalismo sapagkat
naniniwala ito na ang esensiya o ang kalikasan ng pagkababae ay tunay na
nakaugat sa kung sino ang awtor at sa ipinapalagay na kakaibang karanasan ng
kababaihan.
Ang feminismo sa Pransiya ay kinakitaan ng mabigat basahin at mahirap
unawaing-kritikal na mga teorya. Ipinalalagay diumano na ang mambabasa at
kritiko

ay

magkasinglalim

ang

kaalaman

sa

mga

teoryang

tulad

ng

Dekonstruksyon at Marxismo kayat nababansagang elitista. Dito angat sa lawak


at lalim ng teorya sina Julia Kristeva, Helene Cicoux, Luce Irigara at iba pang
feminista. Tinitingnan nila na ang "feminino" ay "defined represented, or
repressed in the symbolic systems of language, metaphysics, psychoanalysis,
and art." Pinakaimpluwensiyal sa feministang teoryang Pranses ang mga itinuro
ng Neo-Freudian na saykoanalistang si Jacques Lacan, dekonstruksyonistang
pilosopo na si Jacques Derrida, at istrukturalistang kritiko na si Roland Barthes.
Hinggil sa ugnayan ng usaping pangkababaihan at wika, isinaad ni Showalter na:
French feminists have described l'ecriture feminine, a
practice of writing "in the feminine" which undermines the
18

linguistic, syntactical, and metaphysical conventions of


Western narrative. It is not necessarily writing by women; it is
an avant-garde writing style like that of Joyce. However, the
most radical French feminist theorists also believe that
l'ecriture feminine is connected to the rhythms of the female
body and to sexual pleasure jouissance , and that women
have an advantage in producing this radically disruptive and
subversive kind of writing.
Susog ni Julia Kristeva na ang diskursong babae na tumatalikod sa
tradisyon ay isang anyo ng feministang pagkilos, isang pampulitikang
pagbabalikwas. Samantala, si Helene Cicoux naman ay naniniwala na isa itong
puwersang rebolusyonaryo. Kapwa impluwensiyal sina Kristeva at Cicoux sa
proseso ng "rethinking the maternal" sa antas ng panulat at wika. Tinatayang
magiging mahalaga ang kanilang impluwensiya sa feministang kritisismo sa
Estados Unidos at Ingglatera sa Dekada Nobenta. Sa kabilang dako, binigyangdiin ni Irigaray ang pagpapatahimik sa kababaihan dulot ng mga paniniwala nina
Plato, Hegel, Freud hanggang kay Levi-Strauss. Magkakaroon ng kaganapan
ang kababaihang walang ari ng lalaki kung maigigiit nila ang ispesipisiti bilang
babae, ang kanilang pagkakaiba sa kalalakihan, at ang mga sistema ng
representasyon ng kalalakihan. Ang kahalili diumano ng ari ng lalaki ay ang
buong katawan ng babae.
Sa kabuuan, palosentrismo (phallocentrism) ang nangunang teorya sa
feminismo sa Pransiya. Diin nito ang kasaklawan ng pamamayani ng kalalakihan
bilang sabjek, na siyang nagtutulak sa kanila para itulak ang kababaihan sa
kalagayang ang babae ang lahat na hindi babae. Ito ang paghahari ng phallus,
ng salita ng kalalakihan bilang batas , ang kalalakihan bilang bukal ng
kahulugan.
May alinlangan ang ilang kritiko sa kaangkupan ng feministang kritisismo
para sa lahat ng bansa. Pinabulaanan ni Gayatri Spivak ang pagiging unibersal
ng aplikasyon ng feminismo. Makabubuti diumano ang paggamit ng mga teorya
sa pagpapalinaw ng mga teksto mula sa mga mahihirap na bansa kung
isasaalang-alang ang mga presuposisyon at kaligirang pinagmulan ng mga
19

teorya. Subalit, may kabuluhan din ang gayong mga teorya lalo na yaong
nagbibigay-pansin sa mga pagbasa ng ideolohiya sa pagbuo ng mga nilalang sa
isang lipunan. Sa lahat nga ng mga larangan, ayon sa mga kritikong sina
Patrocinio P. Schweickart at Eklizabeth A. Flynn, ang kilusang feminista ang
siyang nasa ubod ng mga puwersang kritikal sa pagkilatis ng mga pamamaraan
sa pagbasa ng paghubog ng kasarian sa karanasan at pag-uugali. Sentral sa
ganitong pagbasa ang isyu ng kasarian. Ibig sabihin, wika ng Pilipino-Amerikano
na si Schweickart, magiging tuon ng feministang teorya ang karanasan at interes
ng mga mambabasang babae. Kung babalikan muli ang usapin ng kabuluhan,
naninindigan si Soledad S. Reyes na mapakikinabangan ng ating bansa ang
mga

teoryang

namukadkad

sa

panahon

ng

Postistrukturalismo

sa

pagpapaliwanag sa mga ugnayan ng kapangyarihan na palasak sa mga nobela


at maikling kuwentong Pilipino. Giit ni Showalter:
The intellectual trajectory of feminist criticism has taken
us from a concentration on women's literary subordination,
mistreatment, and exclusion, to the study of women's
separate literary traditions, to an analysis of the symbolic
construction of gender and sexuality within literary discourse.
It is now clear that what we are demanding is a new universal
literary history and criticism that combines the literary
experiences of both women and men, a complete revolution
in the understanding of our literary heritage.
Sadyang sa panulat ng babae nabibigyang-daloy ang problematiko ng
feministang kritisismo hinggil sa pagsanib ng teoretikal at personal. Kung
maituturing bilang isang indikasyon ang mismong kasaysayan ng pakikitunggali
ng kababaihan na hitik sa sakripisyo ng mga babae dulot ng kanilang pagsapi sa
kritikal na kilusang radikal, maaaring may katotohanan ito lalo na't kung
uunawain na ang nasabing kasaysayan at pagpapahayag ay itinakda ng mga
isyu ng gender at kaibhan ng seks.

Kaugnay na Pag-aaral
20

Ang mananaliksik ay nakapangalap ng mga limitadong ideya at mga


kaugnay na pag-aaral na nakasentro sa pananaw na feminismo. Sinuri nilang
maayos at pinagtuunan ng panahon at pansin ang bawat detalyeng kanilang
nakalap. Sa disertasyon ni Santiago (1992), binigyang diin niya na Physically,
socially, politically and intellectually, woman were discriminated. They served as
the minority group and considered materialistic, fickle and individualistic.
Gayunpaman, isinalaysay din niya na ang mga Filipina ay higit na nakatutok sa
mga problema ukol sa pamilya at mga tungkulin niya sa tahanan hanggang sa
malaman nito ang kaniyang karapatan, responsibilidad at mga pribelehiyo.
Ang pag-aaral na isinagawa ni Jara (2001) ay may pagkakaugnay sa mga
naunang pag-aaral. Ang paglalarawan sa mga tauhan, piling pangyayari at
pagpapahalagang Pilipino ang naging sentro ng kanyang pagsusuri gamit ang
limang pagdulog sa panunuring pampanitikan. Ang paggamit ng mananaliksik sa
nabanggit na batayan ay nakatulong nang malaki sa isinagawang pag-aaral.
Sinasaklaw ng panunuring pampanitikan ang sining ng mabisang
paglalahad ng mga kaisipan at damdaming ipinahahayag ng manunulat at ng
kanyang tagasuri o kritiko. Udyok ng hangaring makabuo ng isang makulay na
daigdig ng karanasang sa simula'y namamahay lamang sa kanyang malikot na
guniguni, ang manunulat ay lumilikha ng masining na panitikan. Sumusulat
bunsod ng damdaming mapanlikha sapagkat iyon ang iniatas ng kanyang isip at
kalooban. Maaaring maging matalinhaga o mahirap unawain ang kanyang
likhang-sining ayon na rin sa kanyang katauhan, pamamaraan at walang
sinumang makapagbabago nito dahil na rin sa kalikasan na kakanyahan at sa
kalikasan ng sining.
Sa kabilang dako, ang bawat manunuri ay may kani-kaniyang layunin sa
ginagawang pagsusuri. Naghahanap siya ng kalawakang mapapanuluyan at
mapag-aangkupan ng likhang-sining at ang katumbalik nitong layunin, ang
paghahanap ng mga likhang-sining na sapat at angkop sa pangangailangan ng
panahon at paligid. Sa katuparan ng mga layuning ito, ang kritiko ay nasa isang
walang hanggang pagtuklas ng mga batayang sangkap ng pagsusuri upang
21

makalikha ng mga makabuluhang pamantayang tutugon sa hinihingi ng


kasalukuyan, tungkol sa pananagutang panghinaharap at kapwa sasaklaw sa
pansarili at pandaigdig na kalawakan.
Mula naman sa ibang pag-aaral na nauukol sa kababaihan, tinalakay ni
Garcia (1989) na ang mga kababaihan ng Trojan na ipinamalas

ni Reyna

Hecate ay elegante, may kabutihang asal, mataas na pagtingin sa iba, may


matatag na paninindigan at may pagmamalaki sa kung anung meron sila. Bunga
nito, ang mga kababaihahan ng Trojan ay kinilala bilang kagalang-galang at
pinagpipitagang mga babae na hinangaan ng mga kalalakihan ng Trojan, ngunit
sa kabilang banda, hindi sila pinapayagang makihalubilo sa mga kaganapan
nagaganap o ginaganap sa palasyo. Ang isinagawang pag-aaral ni Garcia, ay
nakapukaw din ng pansin ukol sa bahaging ginagampanan ng mga kababaihan
sa mga kaganapan at kabuhayan ng kani-kanilang bansa.
Ayon kay Robles (1989) sa kanyang pag-aaral na pinamagatang
Feminsm in the Selected Short Stories of NVM Gonzales and Nick Joaquin; Two
Filipino Perceptions in the Philippine Setting napag-alaman niyang ang mga
tauhang babae ay either female stereotypes who were masochists or ego
frenzied, perverse and materialistic. Ang mga tauhang babaing ito, gayunpaman
ay nagpamalas ng kakaibang katapangan sa paglaban at pag-aalsa para sa
kasalukuyang katayuan nila sa pamayanang kanilang kinabibilangan.
Si Cortez (1996) ay naniniwalang ang mga kababaihan ay madalas na
pinagsasamantalahan

at

naaabuso

maging

sa

katauhang

kanilang

ginagampanan sa literature. Ang mga kababaihan ay hindi kontento at hindi


nasisiyahan sa kondisyon at sitwasyong meron sila o kung anu ang nararanasan
nila. Hinahanap nila at ninanais nilang maranasan ang kalayaang ipinagkakait sa
kanila. Hinahangad din nila na magkaroon ng pantay na pagtingin at pagtrato sa
kanila na katulad ng pagtingin sa mga kalalakihan lalo na pagdating sa abilidad
at produktibidad.

22

Sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan, ayon kay Fengoson (1981)


ipinahayag niyang ang mga kababaihan ay nagsa-walang kibo o nanahimik n
lamang kumpara sa mga kalalakihan. Kung ang mga kalalakihan ay tagumpay sa
dominated fields, ang kababaihan naman ay mas pinagtutuunan ng pansin ang
mga gawaing unfemine and unnatural Kung ang lalaki ay possesive o mapagangkin, siya ay kinokonsiderang mapagtanggol at responsible. Sa kabilang
banda, kung ang babae ay naging possesive, siya ay pinaniniwalaang makitid
ang utak at madamot na indibidwal.
Mula pa rin sa ideya mula sa pag-aaral ni Robles, ang feminismong
pananaw ay hindi nalalayo sa kasalukuyang isyu ukol sa kasarian at
nangangailangan mabigyan ng kaukulang pansin ang nasabing isyu. Kaugnay
din ng nabanggit, ang pag-aaral ay nananatili sa katotohanang bagaman ang
nakaraan ay tumatalakay at nauukol sa mga tauhang babae ni Nick Joaquin at
NVM Gonzales, na kamakailan ay nag-aral din sa mga tauhang babae ni Dr.
Jose Rizal.
Ang mga kaugnay na pag-aaral at ang mga bagong inbestigasyon ay may
mga pagkakapareho at pagkakatulad kung pakasusuriing mabuti. Ang lahat ng
mga nadaanang pag-aaral maging ang mag kasalukuyang inbestigasyon ay
nagpapamalas at mahihinuha ang kombinasyon ng modes of critical approaches
namely: the sociological, psychological, impressionistic approaches.
Batay kay Andal, The present study does not duplicate any aspect of the
study coverage of the related studies reviewed. Nevertheless, the wealth of
information taken from them helped this writer greatly in conceptualizing the idea
of feminism as treated in the novels of Rizal specifically as it relates to the
Filipina during the Spanish Regime.
Ang pag-aaral na isinagawa ni Valeria (2001) ay nagpapakita ng
pangangailangan ng paggamit ng pelikula higit sa lahat kung ang pelikula ay
nagpapakita ng reyalidad sa lipunan, pangkasaysayan at ang paglalantad ng
masining na kapangyarihang taglay ng pelikula ay ilan lamang sa elementong
23

hinahanap sa pelikula ng mga nagtuturo ng komunikasyon. Ang pag-aaral na


ginawa ay naglantad na masanay ang mga guro na gamitin ang media na
pamaraang panturo upang ang mga mag-aaral ay mahikayat na hindi lamang
anyo ng panlibangan ang media kundi kagamitang panturo sa pag-unawa sa
aralin. Kaya ang industriya ng pelikula at ang akademya ay magkatulungan na
makamit ang magandang resulta. Nalaman din sa pag-aaral na bihira sa mga
guro ang nanuod ng mga pelikulang Pilipino kung kayat may epekto ito sa
pagganyak nila sa mga mag-aaral at ang paggamit ng pelikula at ng lipunan ang
panunuring pampelikula at pagpapahalaga sa pelikula bilang sabdyek ay hindi
lamang para sa program o kurso ng komunikasyon subalit mailalapat o mailalapit
sa ibang kurso sapagkat ang pelikula ay bahagi n gating buhay. Ito ay higit na
nangangailangan ng aktibong paglalapat sa pag-aaral ng pelikula tulad ng
sosyolohiya, Humanities, Literatura, Valyus at iba pa.
Sa pag-aaral ni Abangan (2000) ay iminungkahi niya na sikaping
mapukaw ang damdaming makabayan ng mga mag-aaral upang sa kanila
mismo magsimula at manggaling ang pagmamahal sa kulturang Pilipino. Sa
panig ng mga mag-aaral dapat may palagiang pagsususri ng kuwento, nobela at
pelikula upang Makita nila ang kahinaan at kahusayan ng mga akdang
pampanitikan. Gayundin laging bigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong
maipahayag ang kanilang mga punto o maibibigay ang naging bias ng tiyak ang
pelikulang kanilang sinuri.
Ang katungkulan ng kababaihan ay nagbabago kasabay ng pagbabago ng
mga tradisyon, kondisyon ng ekonomiya, maging sa loob at labas ng tahanan. Ito
ay maaaring maihalintulad sa pag-aaral ni Andal (1999) na nagpapakita ng
pagkakaugnay ng lawak ng imahisnasyon at paggawa ng mga malikhaing
kasulatan noong panahon ng mga Espanyol. Sa kabilang palad, may pagkakaiba
ang nilalaman ng pag-aaral sa mga imaheng nalikha pagkatapos ng mga
nagdaang kolonyalismo at ng kolonyalismo ng mga Amerikano.
Ayon naman sa pag-aaral ni Castro (1996), ang tungkulin ng kababaihan
ay naipapakita sa kanilang pagsulat. Datapwat maaari silang makilala bilang
24

babae sa pamamagitan ng paraan ng kanilang pagsulat, hindi pa rin nito


tahasang mailalantad ang kanilang katauhan.
Ang kaugnay na literatura at pag-aaral ay parehong tumatalakay sa imahe
ng kababaihan sa literatura ng Pilipinas. Makikita ang pagkakaiba dalawa sa
kung paano ipinaliwanag ang paksa. Ang persepsyong na ginamit ng feministang
si Castro (1996) ay hindi lumalampas sa kung ano ang depinisyon ng feminismo.
Hindi niya nabanggit kung ano ang kanyang paniniwala sa personalidad ng
kababaihan, posisyon at katungkulan o kahalagahan sa lipunan. Ang tingin
naman ng kalalakihan sa kababaihan ayon sa kanyang pag-aaral ay: ang
kababaihan bilang sex object. Natatamo lamang ng babae ang respeto bilang
isang tapat na asawa, ina, anak, kasintahan at relihiyosa.
Ang Feminismo sa modernong pag-aaral sa madaling sabi ay tungkol sa
pagkakasangkot ng kababaihan hindi lamang sa seryoso at mahahalagang
usapan kundi maging sa kasaysayan rin. Ito ay tumatalakay sa dalawang
paraan. Una, ang pagsusuri sa mga gawa ng babaeng manunulat at
pagkakaroon nila ng kapangyarihan patungkol sa usapang kasarian at kung
paano sila masangkot dito at sa usapang sekswalidad. Sinaad ng mga feminsita
patungkol sa konsepto ng kapangyarihan na ito ay matibay na nakabase sa
pagkakaugnay ng kalakasan at kalabisan. Di tulad ng paliwanag ng iba, ang
konsepto ng kapangyarihan ayon sa teyoryang peminismo ay tumatalakay sa
usapang kasal (Ick, 1999).
Sinabi naman ni Salcedo (1999) sa kanyang pag-aaral na ang mga
asawang babae ay hindi pa din naaalis sa mga tradisyunal na tungkulin tulad ng
gawaing bahay, pag-aalaga ng bata at sa mga responsibilidad sa tahanan.
Anumang tagumpay na natamo na kanyang anak ay ipinagpapasalamat sa
kanila. Kadalasang mas malapit ang mga anak sa kanilang ina kaysa sa ama.

25

Kabanata 3
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng paraan ng pananaliksik, batayan ng
pananaliksik at pamamaraan ng pagsasagawa ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik
Ginamit sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ang metodolohiyang
deskriptibo. Ito ang napili ng mananaliksik bilang angkop na disenyo sa
pananaliksik upang masuri at makakuha ng mga impormasyon sa suliraning may
kinalaman sa Feminismong Pananaw sa mga karakter ng pelikulang No Other
Woman Ang pamamaraang ito ayon kay Calmorin (2000), ay nauukol sa
kasalukuyang pangyayari sa paligid, gawi, kilos at katangian ng grupo. Ang
pagsusuri ng pelikula ay ginamit sa pag-aaral na ito.
Ayon naman kay Best (2003), ang deskriptiv na pananaliksik ay
naglalarawan at may interpretasyon na kung ano ang kasalukuyang nagaganap.
Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng pag-uugnay, mga praktis na nagaganap,
paniniwalang proseso at nadamang epekto.
Sa pagsusuri ng pelikulang No Other Woman, ginamit ng mga
mananaliksik ang pamamaraang palarawan at pasuri. Inilahad kung paano
ipinakita ng mga karakter ang kasalukuyang imahe ng mga babae sa bansa at
kung paano nagamit ang Teoryang Feminismo sa mga tagpo sa pelikula.
Sa pamamagitan ng pamamaraang pasuri, ang bawat eksena sa pelikula
ay pinanood at kinilatis ng mga mananaliksik upang mailarawan ang
Feminismong Pananaw sa nasabing pelikula. Isinaalang-alang ang mga
babaeng karakter at mga diyalogong nabanggit sa buong pelikula upang
mapalutang ang nais iparating ng director sa mga manonood gayundin ang mga
26

pagkakatulad at pagkakaiba nito sa kasalukuyang panahon na siyang


pinagbatayan ng paglalahad ng implikasyon ng mga ito sa maayos na
pagpapahiwatig ng Teoryang Feminismo at makabuluhang pag-uugnay ng buong
pelikula sa bansa.
Isinaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula ang mga dulog sa pagtalakay
ng panitikan. Ang dulog sosyolohikal o panlipunan ay tumatalakay sa pakikipagugnayan ng tao sa tao at tao sa lipunan. Sa dulog na ito, sinusuri ang kilos at
sambit ng bawat tauhan batay sa paraan ng kanyang pakikisangkot sa bawat
eksena sa pelikula. Sinuri ang kaangkupan ng kilos ng bawat tauhan batay sa
kung ano ang tinatanggap sa lipunang Pilipino.

Instrumento ng Pananaliksik
Ginamit na batayan ng pag-aaral ang pelikulang No Other Woman.
Iniangkop sa pag-aaral ang paglalarawang-tauhan, lalong-lalo na sa mga
kababaihang tauhan, at pagsuri sa bawat diyalogong kanilang nasambit sa
pelikula. Pagkatapos nito, iniugnay ang mga nasuring konsepto sa imahe ng mga
kababaihan ng kasalukuyang panahon.
Inihalintulad ang pelikula sa Teoryang Feminismo upang mailantad ang
konsepto ng mga tauhan at ang kani-kanilang linya sa kabuuan ng pelikula.
Binigyang-diin ang pagtalakay sa pagkakapareho at pagkakaiba ng buong
pelikula sa kung ano ang obserbasyon ng mga mananaliksik sa modernong
panahon. Pinagtuunan din ng pansin ang paglalarawan sa takbo ng pag-iisip ng
mga tauhan na masasalamin sa kanilang kilos at pag-uugali.

27

Tritment ng mga Datos.


Ginamit sa pag-aaral na ito ang mga limbag na tesis, disertasyon, dyornal,
mga aklat at ibat ibang babasahing may kaugnayan sa paksa.
Una, ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga babasahing tumatalakay
sa Feminismo sapagkat ang mga kababaihan ang pokus ng pag-aaral. Sinuri at
pinili sa mga ito ang ginamit na batayn. Pinag-isipang mabuti ang sangay ng
panitikang nais pag-aralan.
Ikalawa, masuring pinanood ng mga mananaliksik ang pelikula at inilista
ang bawat mahahalagang pangyayaring itinampok sa kabuuan ng palabas.
Ikatlo, binigyang halaga ang mga nakalap na datos mula sa mga tauhan
at diyalogo. Isa-isang pinagtuunan ng pansin ang mga elementong ito. Iniugnay
sa Teoryang Feminismo, kung saan ang pagkakatulad at kaibahan ng pelikula sa
lipunan.
Ikaapat, matapos masuri ang mga element, pinalutang mula sa mga ito
ang Feminismong Pananaw at iniugnay ito sa mga imaheng panlipunan ng mga
kababaihan.

28

Kabanata 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa presentasyon at interpretasyon ng
mga datos sa pananaw ng Teoryang Feminismo sa mga karakter ng pelikulang
No Other Woman.

1.

Mga imaheng naipakita ng mga karakter na babae sa pelikula na

sumasalamin sa mga kababaihan ng modernong panahon


Ang pelikulang No Other Woman ay isang pelikulang tumatalakay sa
dalawang uri ng babae na sumasalamin sa modernong panahon. Ang una ay
isang mabuting asawa na tapat sa kanyang kabiyak at ang pangalawa naman ay
isang kabit na nadala ng tukso at nakiapid sa mayroon ng asawa. Ang dalawang
uri ng ganitong kababaihan ay lumilitaw sa kasalukuyan. Ang una ay tanggap ng
lipunan at isang magandang halimbawa ng kababaihan ang pangalawa naman
ay hindi tanggap ng lipunan at mababa ang tingin ng karamihan.
Sa pelikula, ang karakter na si Christine Reyes na gumanap bilang
Charmaigne Escaler ang sumasalamin sa unang uri ng kababaihan. Isang siyang
mabuting asawa sa kanyang kabiyak na si Derek Ramsay na gumanap bilang
Ram Escaler at isa rin siyang mabuting anak sa kanyang mga magulang na sina
Babygirl Dela Costa (Carmi Martin) at Mario Dela Costa (John Arcilla). Si
Charmaigne ay isang mabuting ehemplo ng kababaihan. Ngunit dumating ang
puntong naghihinala na siya sa ikinikilos ng kanyang asawa. Malakas ang
kanyang kutob na may iba itong kinakasama sapagkat naging malamig na ang
pakikisama nito sa kanya. Sa una ay nagpakita lang siya ng pagtitiis sa kabila ng
galit na kanyang nararamdaman. Naging mahina siya kaya ang kanyang ina ang
tinakbuhan niya upang hingan ng payo. Kahanga hanga ang mga binitawang

29

linya ni Carmi Martin na nagbigay lakas ng loob kay Charmaigne upang maging
malakas at ipaglaban ang kanyang asawa sa kabit nito.

Carmi Martin: Ang mundo ay isang malaking Quiapo,


maraming snatcher, maagawan ka, lumaban ka!
Christine Reyes: Ano bang mahirap kalaban? Yung
putang mahirap o yung putang mayaman?
Carmi Martin: Pareparehong puta lang yun! Ang
mayaman ang gamit niya original na Hermes. Yung sa
mahirap, bili lang sa Greenhills. Panahon na para i-pack mo
na yang Lucy Torres mo, ilabas mo na dyan si Gretchen
Barretto, ako nang bahala sa red stiletto mo!

Si Carmi Martin ay nagpakita ng isang palabang ina at handang tulungan


ang anak para sa karapatan nito sa kanyang asawa. Nang dahil sa mga sinabi
niya ay pinilit ni Charmaigne na baguhin ang sarili niya, nag ayos siya ng sarili at
lumabas sa de kahon upang maging palaban at hindi magpatalo sa kerida ni
Ram.
Sa modernong panahon ay marami ang katulad ni Charmaigne na mabait
at hindi suwail na anak. Sila ay tapat at mahal na mahal ang kanilang mga
asawa subalit may mga pagkakataong napapabayaan na ng mga kababaihan sa
modernong panahon ang kanilang pigura kaya ang resulta ay naghahanap ang
mga lalaki ng ligaya sa piling ng iba. Nagtitiis na lamang sila sa malamig na trato
ng kanilang mga asawa sapagkat takot sila na iwan sila nito at sumama sa
kanilang mga kirida. Subalit may hangganan din ang pagtitiis, kinakailangan din
na ipaglaban kung ano ang sa tingin mo ay iyo. Kung ayaw mong maagawan
kailangan lumaban ka kung hindi sa huli ikaw din ang magmumukhang talunan at
kawawa. Kaya naman ang mga kababaihan na katulad ni Charmaigne ay
nababalot ng galit at selos at natututong makipag away at makipagsagutan sa
kinakasama ng kanilang kabiyak. Nagpapalitan sila ng maaanghang na salita at
gagawin ang lahat mapapunta sa kanila ang mahal nila.Mayroon din namang tao
30

na katulad ng ina ni Charmaigne na kayang ipagtanggol ang kanilang mga anak


upang magwagi sa mahal nito.
Si Anne Curtis naman na gumanap bilang Kara Zalderiaga ang
sumasalamin sa ikalawang uri ng babae. Isa siyang mapaglarong babae at hindi
iniisip ang damdamin ng mga lalaking nahuhulog sa kanya. Siya ang naging
hadlang sa relasyon nina Ram at Charmaigne. Isa siyang kabit. Nagpadala siya
sa tukso at sa bugso ng kaniyang damdamin. Bago pa man sila magkakilala ni
Ram ay isa na siyang malanding babae na nakikipaglaro lang sa mga nakikilala
niyang mga lalaki. Papaibigin niya ang mga ito at pagkatapos ay bigla bigla na
lang niya iiwan.Napakarahas niya pagdating sa pag ibig. Marami ang nahuhulog
sa kanyang bitag ng dahil na rin sa kanyang pisikal na kaanyuan.Totoong
napakanda at nakakaakit ang katawan ni Kara kaya hindi mo masisisi ang iba
kung mahulog sila sa alindog niya. Katulad ng ginagawa niya sa iba ay wala
siyang balak na magkagusto kay Ram at hindi niya ginusto na maging kabit. Ang
nais niya lang ay magsaya at makipaglaro kay Ram.

Anne Curtis: No consequences, no pressures! And kiss


me and dont you dare fall in love with me.
Anne Curtis: Wala naman akong planong paghiwalayin
yung mag-asawa. Were just two consenting adults having
fun, theres no emotional attachment.

Subalit sa paglalarong ito ay hindi niya inaakala na mamahalin niya ng


sobra si Ram kaya nagawa niyang makipag-agawan kay Charmaigne. Sa una ay
pilit niyang itinatanggi na may pagtingin na siya kay Ram subalit hindi na rin niya
napigilan ang kanyang sarili at umamin na nga siya sa kanyang nararamdaman.
Umasa siyang baka mahalin din siya ni Ram. Naging pabaya siya sa
nararamdaman niya kaya namuo sa kanyang isipan ang galit at pagkaiinggit kay
Charmaigne.

31

Anne Curtis: Anong gagawin ninyo if the only man that


you love is unfortunately married! Im not gonna give up Ram
without putting up a god damn fight!

Sa panahon ngayon ay parami ng parami na ang katulad ni Kara na isang


kabit. Ang iba ay nakikipaglaro lamang at ang iba naman ay naghahanap lang
naman ng kaligayahan at pagmamahal ng isang lalaki subalit ang pagkakamali
nga lang nila ay sa maling lalaki nila nahanap kaya naman ay hindi maiiwasang
magkaroon ng tunggalian sa pagitan ng dalawang kababaihan na ito. Hindi rin
maiiwasan na may mamuong galit,poot o suklam sa pagitan ng legal na asawa at
ng kabit. Ang ganitong pangyayari sa pagitan ng mga kababaihan ay tunay na
lumilitaw sa modernong panahon
Ang iringan sa pagitan nina Kara at Charmaigne ay lalong tumindi. Ang
dating Charmaigne na matiisin ay hindi na nakatiis na ilabas ang galit niya. Wala
ni isa sa kanila ang gusto magpatalo at gusto nila na mapasakanya si Ram.
Humantong pa sila sa eksenang nagbabatuhan sila ng mga maaanghang na
salita sa bawat isa. Ang malala pa ay pati pisikal na sakitan ay nagawa din nila.

Christine Reyes: Mababaliw siguro ako kung malaman


kong may babae siya. Baka mapatay ko yung kabit, silang
dalawa actually.
***
Christine Reyes: Marunong ka bang magluto?
Anne Curtis: I tried but its not for me.
Christine: Ano ka ba, the best way to a man's heart is
through his stomach. Pero sa ganda mong yan, marami kang
alam na shortcut.
***
Anne Curtis: Anything I can do to help you?

32

Christine Reyes: Naku huwag na, mamaya makita mo na


nilalagyan ko ang pagkain mo ng lasonNatakot ka ba?
Sorry ah, mejo off ang humor ko lately.
***
Anne Curtis: You can call me anything, a snake, a
mistress, other woman. But I will never be a pathetic, boring
wife.
***
Anne Curtis: Mamayang gabi habang humihilik, kakatok
siya sa kuwarto ko.
***
Christine Reyes: Ang marriage ay parang exclusive
village lang. Kailangan bantayan mo para hindi makapasok
ang mga squatter.
Anne Curtis: Buti nakapasok ka pa dito sa resort. Bawal
kasi ang ugaling squatter dito eh.
***
Christine Reyes: Alam mo ba ang tawag sa mga
umaagaw ng asawa? Ahas!...Bikini mo ba yan o balat mo?
Kaya pala magaling kang gumapang.
***
Anne Curtis: Katulad ka ba ng mga furnitures nyo?
Kaunting pressure lang bumibigay na?

Matindi ang naidudulot ng pag-ibig sa mga tao.Katulad ng sa pelikulang


ito ay ganito din ang nangyayari sa reyalidad. May mga pagkakataong mas
malala pa ang nangyayari sa reyalidad kaysa sa pelikulang ito. May mga balita
na humantong pa sa patayan ng dahil sa pangangaliwa ng mga asawa.
Ngunit sa bandang huli ay ang muhing nararamdaman nina Kara at
Charmaigne sa isat isa ay nawala. Natuto silang magpakatawaran. Nagparaya
na si Kara sa kanyang nararamdaman para kay Ram sapagkat kanyang
napagtanto na mali na ang kanyang ginagawa at si Charmaigne naman talaga
33

ang may karapatan sa pagmamahal ni Ram. Nagparaya si Kara para na din sa


ikakabuti ng lahat.
Sa realidad ay lumilitaw din ang ganitong pangyayari. Ang mga babaeng
magkaaway ay nagkakapatawaran para na din sa ikabubuti ng lahat at para na
din matahimik at wala ng gulo. Sa ganitong sitwasyon ay kelangan talaga na may
magparaya na kahit na masakit man sa damdamin ay kailangan gawin para sa
ikatatahimik ng lahat at ng hindi na lumaki pa ang gulo.
Totoong napakagandang pelikula ng No Other Woman na nagpapakita
ng magandang aral para sa mga kababaihan, may asawa at pamilya. Mas
makakabuting marami ang makapanuod nito upang magsilbing leksyon na din
para sa lahat upang malaman nila ang mga posibilidad na mangyari sa pagiging
hindi tapat sa isang relasyon at paghahanap ng ligaya sa piling ng iba.

2.

Mga tagpo sa pelikula na nagpapakita at nagpapatunay ng Teoryang

Feminismo
Ang Feminismo ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging
pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal,
ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang
maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae, at
transpormasyon ng isang babae mula sa pagiging mahina na naging aktibo at
matatag.
Isang tagpo sa pelikula na may kinalaman sa teorya ay ang pagpapagitna
ni Charmaine (Christine Reyes) sa away ng kanyang asawa at ama.

Christine Reyes: Sige na naman pano naman po kame


makaka abot ng 50th ni Ram, his doing his best. Ang tagal na
nito tama na.
34

Hindi lahat ng mga babae sa kasalukuyang panahon ng ating lipunan na


may sariling pamilya ay tanggap ng kanilang ama o mga magulang ang kanilang
mga asawang lalaki. May ilan pa rin na hindi tanggap dahil sa ugali ng lalaki o
dahil sa pamilyang pinanggalingan.
Isa pang eksena ay ang pagpapakita na karapatan lamang ng asawang
babae na siya lang ang nag-iisa sa buhay ng kanyang asawang lalake.

Christine Reyes: Ram asan kana ba?


Derek Ramsay: Hello babe, Im just stock in a long meeting,
susunod na ko.

Pero sa totoo lang, si Ram ay kakatapos lamang kumain kasama si Kara.


Ang pag sisinungaling ay isa sa aspetong nakakasira sa relasyong mag asawa,
isa itong malakas na pwersa at marami na itong napaghiwalay na mag-asawa at
marami na rin itong nasirang pamilya. Tapat man ang lalaki sa harap ng kanyang
asawa/maybahay, pero dahil na rin sa tukso kaya nagagawa nitong lokohin ang
asawa, isang patunay na di-pantay ang lalaki at babae sa lahat ng bagay.

Carmi Martin: Tingnan mo ang ama mo?! Wag na wag


makalapit sakin yan kundi babayagin ko yan!
Christine Reyes: Ma calm down baka naman hindi kerida
yan baka business partner lang.

Ang paghihinala ay isa rin sa mga aspetong nakakasira sa relasyong mag


asawa. Nakakasira ito ng relasyon lalong-lalo na at may mga pagkakataong may
mga naghahatid ng tukso sa isang tao lalo na sa isang pamilyadong lalaki.
Ngunit hindi rin tama na puro pagdududa ang isang relasyon, dapat pantay ang
lalaki at babae sa pagtitiwala sa kani-kanilang katuwang.

35

Tukso at kasinungalingan ang palaging magkatambal sa paninira sa


relasyon. Paano mapipigilan ng isang tao ang tukso kung palaging marami ang
nagbabadya na magsinungaling ang isang tao sa kanyang katuwang. Maraming
ang mga nasisirang pamilya dahil sa ganitong sitwasyon, lahat iyon ay dahil sa
mapanirang tukso.

Christine Reyes: Wala kang gana?


Derek Ramsay: May gana pero Im just really tired.
Christine Reyes: Whats wrong? May iba ba?
Derek Ramsay: Wala nobody!
Christine Reyes: Si Kara ba?!
Derek Ramsay: Si Kara? Babe, its just you, ikaw ang
mahal ko, okay?

Ang paulit ulit na pagsisinungaling ay ang ugat ng mas malalim na pag


dududa sa isang tao, minsan ang akala ng marami na ayos na ay siya palang
magpapagulo sa sitwasyon. Sa sitwasyon ni Sharmaine, alam na niya ang lahat
ngunit wala siyang ginawa tungkol dito dahil na rin payo ng kanyang ina na
alamin muna kung sino ang kalaban at wag magpadalusdalos at alamin muna
ang lahat bago gumawa ng susunod na hakbang.

Christine Reyes: Ram ayoko na! Ram, bakit? Anong


kulang, pangit ba ko? Hindi ko na alam Ram, mababaliw na
ko kakaisp kung bakit? Pano mo to nagawa, ang sakit sakit
maghiwalay na tayo.

Ayon na rin sa depinisyon ng Feminismo na dapat pantay pantay ang


kababaihan at kalalakihan sa ating lipunan, ang dalawa ay may karapatang
magdesisyon para sa kanilang buhay at magdesisyon kung sino ang gusto nilang
makasama habangbuhay.
36

Ang pelikulang ito ay nagpapatunay sa Teoryang Feminismo dahil


tumutukoy ito sa prinsipyo o paniniwala na dapat maging pantay ang mga babae
at mga lalaki sa pag tamasa ng mga karapatangpantao. Ipinapakita at
pinapaliwanag ng pelikulang No other woman ang halaga ng pagkakapantaypantay ng ano mang kasarian sa ating lipunan.

3.

Mga paraan kung paano naipakita ng pelikula ang imahe ng mga

kababaihan bilang:
3.1 asawa
Marami sa mga asawang babae ay nagsisilbing tau-tauhan na lamang sa
bahay. Madalas, hindi na sila nabibigyan ng atensyon ng kanilang mga asawa.
Tumatayo silang mga palamuti ng kanilang mga tahanan at gumaganap bilang
tagasilbi sa kanyang mga anak. Batay sa linyang,

Carmi Martin: Tingnan mo yang ama mo, wag siyang


makalapit-lapit sa akin kundi babayagin ko yan

Dahil sa nakakita ang ama ni Charmaine ng mas bata, mas may hubog
ang katawan, mas maganda at mas maipagmamalaki, ipinagpalit niya ito sa
asawa niya. Nagsilbi itong mitsa upang magsiklab ang galit at pagkamuhi ng ina
ni Charmaine sa ama nito. Daan rin ito upang maging matapang sa paraang
paglaban ng kanyang emosyon bilang asawa at bilang babaing nasasaktan sa
ginagawang emosyonal na pang-aabuso ng kanyang asawa. Dahilan upang
pagsabihan ang kaniyang anak na pare-pareho lamang ang mga lalaki at kapag
itoy nangabit,
Carmi Martin: Give that bitch a good fight.

37

Sumisiklab ang emosyon ng mga asawang babae sa tuwing pagtataksilan


sila. Nariyan ang mayat mayang pagdududa nito sa asawa at pagbugso ng
damdamin. Lalo na sa parteng:

Carmi Martin: Kapag ang lalaki mayat maya napapalit ng


babae, ok lan yan, walan problema dun at least sayo pa
umuuwi. Kapag ang lalaki, hindi na napalit at may suki na
siyang kabit, dun lumaban ka na.
***
Christine Reyes: Hindi ko kailangan makipag-agawan at
bakit ko kailangang ipaglaban kung alam kong akin?
***
Carmi Martin: Dahil ang mundo ay isang malaking
Quiapo, maraming snatcher, maaagawan ka, lumaban ka.
***
Christine Reyes: Alin ba ang mas mahirap kalaban, yung
putang mayaman o putang mahirap?
***
Carmi Martin: Pare-parehas na puta lang yun, yung
putang mayaman original na hermes, yun putang mahirap,
binili sa greenhills.

Hindi maipagkakaila na mapaghinala ang kababaihan. Ngunit sa puntong


ito, masasabi nating ang tamang hinala nila ay naka-batay na rin sa kilos at gawi
na ipinamamalas ng kani-kanilang mga asawa.
May pagkakataon namang nagiging api-apihan ang babae, nawawalan
sila ng tiwala sa kanilang mga sarili, pagkabahala at pagkaconscious sa
kanilang pisikal at emosyunal na katangian. Sanhi ng kanilang transpormasyon o
pagbabago ng paraan ng paggayak, pagbihis, pagkilos at pakikisalamuha.
Paraan din upang maging matapang at ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang
asawa. Ito ay makikinita sa linyang,
38

Christine Reyes: Ram bakit, anu bang kulang? May


kulang ba sa niluto ko? Panget ba ako? Bakit? Hindi ko alam
eh! Nababaliw na ako sa kakaisip. Bakit? Paano mo ito
nagawa? Ansaket!

May mga bagay na kailangang limitahan. May mga limitasyong dapat na


tandaang hanggang doon na lamang. Batay sa masusing pag-aaral sa pelikulang
No Other Woman, maayos at malinaw na naipakita ang imahe ng kababaihan
bilang aawa. Naihayag nila ang ibat ibang karakter na ginagampanan ng isang
asawang babae sa panahon ngayon. Walang bayas na naipakahulugan rin sa
pelikulang ito ang tunay na esensya ng kasal at kahalagahan nito lalo na sa
isang babae, na sentro ng pag-aaral.
3.2 kerida
Dahil sa moderno na ang panahon ngayon, madami na ang nagbago, maging
ang paraan ng pamumuhay at ang mala-Maria Clara na katangian ng mga
kababaihan ay unti-unti nang nagkangwawala.
Sa ngayon, madaming babae ang pumapayag na maging kerida o maari na
ring sabihing pampalipas oras o libangan ng mga lalaki at mas kilala bilang
kabit.

Derek Ramsay: Im married


Anne Curtis: No consequences, no pressure, Im not
gonna be your mistress Ram, a woman only be a mistress if
there is emotional involment at wala akon balak mainlove
sayo.. Kiss me and dont you dare to fall in love with me.

Nakikipagtalik sila sa mga lalaki kahit hindi pa nila ito gaanong kakilala.
Pumapayag silang magkaroon sila ng ilegal na relasyon na kung saan labag ito
sa kautusan at mata ng simbahan. Sa panahon ngayon, maraming kababaihan
ang mapupusok, mas pinaiiral nila ang pangangailangan ng kanilang mga laman
39

kaysa sa mas mahahalagang bagay o mga bagay na mas dapat nilang


iprayoridad. Mas ginugusto nilang maranasan ang pansamantalang kaligayahan
sa piling ng lalaking hindi nila pag-aari.

Anne Curtis: You can call me anything you want, a snake,


a bitch, another woman but I can never be a pathetic, boring
housewife.

Hindi nila alintana ang anumang sabihin o ipula ng mapanghusgang lipunan


sa kung anu ang kanilang ginagawa. Mas matapang pa sila sa legal na asawa.
Mas nagpapakita sila ng motibo, karapatan at dahilan upang makasira ng dating
maayos at masayang pamilya.

4.

Pagkakatulad ng mga kababaihan sa pelikula at ng sa kasalukuyan


Maraming mga katangiang ipinagkatulad ang mga kababaihan sa pelikula

at kababaihan sa kasalukuyan. Isa na rito ang pagiging mapagmahal sa asawa.


Hindi natin maitatanggi na mula pa noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago
ang mga kababaihan pagdating sa pagmamahal. Kitang kita ito kung paano
asikasuhin ni Charmaine ang kanyang asawang si Ram. Isang pagkakatulad ng
babae sa pelikula at ngayon ay kung paano nila estimahin ang asawa at kung
paano nila bigyang halaga ang otoridad ng asawa.
Pagiging palaban. Ang paghihirap ng mga asawang babae dahil sa
pangangaliwa ng kanilang asawa. Kung paano nila hinahandle ang sitwasyon
pag nahuli nilang may kalaguyo ang kanilang asawa. Tulad ng karakter ni Carmi
Martin sa eksena kung saan nahuli niyang may kalandian ang kanyang asawa.
Umiiyak noon si Carmi Martin ngunit palaban. Ipinapakita rito na ipinaglalaban ng
mga kababaihan kung ano ang kanila lalo na pagdating sa kanilang asawa.
Patunay ay ang sinabi ng ina ni Charmaine.
40

Carmi Martin: Ang mundo ay isang malaking Quiapo.


Maraming snatcher. Maaagawan ka! Lumaban ka! Kailangan
mong bantayan para hindi makapasok ang mga squatter!"

Katulad ng sa kasalukuyan. Ganitong ganito rin ang mga eksena sa


realidad. Makikita rin natin ang pagdadamayan ng mga kababaihan sa mga
pagkakataong may pinagdadaanan ang bawat isa. Kitang kita ito sa parehong
eksena kung saan nagdadamayan ang mag-iina. Winika rin ni Carmi Martin ang
mga katagang,

Carmi Martin: Ahas ka pero mas ahas ako sayo.


Tahimik lang ako pero pagkinanti ako, nanunuklaw ako!.

Kapansin-pansin ang pagkapalaban ni Carmi. Sa mga katagang ito


mapapansin na ang mga babae ay may ugaling pag kinanti ay papalag ng mas
matindi. Ganyan rin sa kasalukuyan, tahimik lamang sa una ngunit kapag
sumobra na ay hindi na mapipigilan at lalaban. Ipinakita ni Charmaine Escaler
(Christine Reyes) na kaya nyang ipaglaban ang pagmamahal sa asawa.
Mapang-akit rin ang mga kababaihan ngayon maging sa pelikula. Ang
mga two piece ni Anne na naglantad ng ganda ng hubog ng kanyang katawan ay
isa sa pang-akit ng ginawa ng pelikula. Hindi lamang ang artistang si Anne ang
nagdala ngunit pati na din sina Derek Ramsay at Christine Reyes. Hindi lamang
sa pananamit ito kapansin-pansin ngayon. Sabi pa ni Kara Zalderiaga (Anne
Curtis),
Anne Curtis: No pressure! And kiss me and dont you
dare fall in love with me.
Hindi na rin masyadong binibigyang halaga ng mga babae ang kanilang
kapurihan. Masyado nang mapusok ang mga kababaihan sa modernong
panahon. Mapapansin rin ang paninindigang ipinamalas ni Kara sa pelikula.

41

Anne Curtis: Were just two consenting adults having


fun, theres no emotional attachment.
***
Anne Curtis: Im not gonna give up Ram without
putting up a god damn fight! You can call me whatever you
want, snake, bitch or other woman, but I promise you, I will
never be a pathetic and boring housewife.
***
Anne Curtis: Gagawin ko ang lahat huwag mo lang
akong iiwan!

Sa panahon ngayon, mayroon na ring mga babaeng pumapayag


makipagrelasyon kahit na alam nilang may asawa na ang lalaki. Sila yung mga
babaeng tinatawag ng marami bilang kerida. Tulad sa pelikula, si Anne Curtis sa
katauhan ni Kara Zalderiaga ay gumaganap na kerida.
Ipinakita rin ang pagiging mahina ng babae pagdating sa pag-ibig. Sa
pelikula, pinlano ni Karang paibigin si Ram at paglaruan. Si Kara ay babaeng
nakikipaglaro lamang sa pag-ibig ngunit hindi sinasadya na tuluyang mahulog sa
realidad na magkagusto sa lalaking may asawa na.

5.

Pagkakaiba ng mga kababaihan sa pelikula at ng kasalukuyan


Sa panahon ngayon ay marami ng pelikula ang nagsisilitawan na

mayroong kinalaman sa pakikipag apid o pagkakaroon ng relasyon sa ibang


babae. Sapagkat patok ito sa mga manunuod dahil tumatalakay ito sa isa sa
mga problema ngayon ng mga pamilya at marami ang nakakarelate sa mga
ganitong kwento. Isa na nga dito ang No Other Woman ni Ruel Bayani na
naging box office hit sa takilya. Marami ang nakawaksi nito dahil nakabase na
din ang daloy ng istorya sa reyalidad at marami ang pagkakatulad sa
kasalukuyan. Subalit mayroon din namang mga pagkakaiba ang pelikula sa
42

kasalukuyan lalo na sa pagganap ng mga kababaihan dito. Ngunit limitado o


konti lang ang mga pagkakaibang ito sapagkat halos kaparehas ng pelikula ang
nangyayari sa reyalidad.
Isa sa mga mapapansin sa pelikula ay pinaglalabanan ng dalawang
babae na sina Anne Curtis bilang Kara Zalderiaga (kabit) at Christine Reyes
bilang Charmaine Escaler (asawa) si Derek Ramsay bilang Ram Escaler. Si Ram
dito ang unang natukso na mangaliwa sa kanyang asawa. Nung una ay tapat
siya sa kanyang asawa at hindi sumasagi sa isip niya na mangaliwa. Ayaw
niyang matulad sa kanyang ama na naging iresponsable sa kanyang pamilya.
Ang nais niya lang ay magkaroon ng maayos na pamilya. Subalit di niya ito
natupad at nagpadala siya sa tukso na pinagmulan ng gulo sa relasyon nila ni
Charmaine. Walang gustong magpatalo kina Kara at Charmaine at nagbitaw sila
ng mga maaanghang na konbersasyon para lang magwagi at magkaroon ng
karapatan sa pagmamahal ni Ram. Kung ikukumpara natin ito sa kasalukuyan ay
hindi lang mga lalaki ang nagkakaroon ng pagkakasala at humahanap ng iba
upang mapunan ang pagkukulang ng kanilang mga asawa kundi pati na rin mga
babae sa panahon ngayon ang nagsisimulang mangaliwa sa mga kanilang mga
kabiyak. Kung mapapansin natin ay hindi ganun kilala sa panahon ngayon na
babae ang nangangaliwa. Konti lamang ang ating nahihinatnan tungkol sa isyung
ito. Madalas nating naririnig o nakikita na mga lalaki ang nandadaya sa kanilang
mga asawa.
Ang isa pa nilang pagkakaiba ay ang pagpapakumbaba ng karakter na si
Kara. Sa senaryo kung saan nabangga si Ram sa truck na may laman na mga
bakal ay naging malala ang kalagayan nito kaya dinala ito sa ospital. Nilapitan ni
Kara si Charmaine na nagdarasal para sa kaligtasan ng asawang si Ram. Hindi
niya intensyon na gumawa ng gulo at makipag away sa kanya. Gusto lamang
niyang humingi ng tawad sa malaking kasalanang nagawa niya at sa panggugulo
niya sa relasyon nila ni Ram. Inamin niya ang kanyang mga pagkakamali at
humingi ng tawad kay Charmaine. Subalit labis na nagluluksa si Charmaine sa
mga pangyayari kaya naman hindi niya agad ito napatawad at pinaalis na
43

lamang niya si Kara. Samantalang sa kasalukuyan ay mas nangingibabaw pa


ang pride sa mga tao kaysa naman aminin nila ang kanilang pagkakamali. Ang
pride ang madalas nagiging rason ng di pagkakaintindihan at pag aaway ng
mga tao. Walang may nais magpakumbaba at ipaglalaban nila kung anu sa tingin
nila ang tama kahit sa paningin ng mga taong nasa paligid nila ay mali naman
ang kanilang ginagawa. Mas gugustuhin pa ng mga kabit na ipaglaban nila ang
gusto nilang lalaki at handa silang makipag away kahit na marami ang turing sa
kanila ay mababa at walang karapatan. Hindi na maiaalis sa paningin at isipan
ng mga tao ang mababang pagturing sa mga kabit. Kung ihahambing sa isang
teleserye ay sila ang mga kontrabida at sila lagi ang nagmumukhang masama.

Anne Curtis: I didnt come here to bother you. I just


really want to tell you something before I leave. Im so sorry
for everything that I did. Kasalanan ko talaga ang lahat. Im so
stupid. Ive made to think na mamahalin din niya ako pero
ganyan talaga kapag nainlove ka na mababaliw ka talaga. I
knew all along na mali ang ginawa ko but I just try to convince
myself na baka piliin niya ako, baka mahalin din niya ako, but
in the end of the day ikaw pa rin ang mahal niya, ikaw pa rin
ang uuwian niya, ikaw ang pipiliin niya.

Ito ang linyang sinabi ni Kara ng inaamin niya ang mga kasalanang
kanyang nagawa. Nangibabaw din sa puso ni Kara ang pagpapakumbaba.
Tanggap niya kahit hindi na siya patawadin ni Charmaine dala na rin ng bigat ng
kanyang kasalanan. Kahit si Ram na lang ang patawarin nito ay ayos na sa
kanya yuon. Mas mapapanatag siya kung magiging ayos na ulit sila ni Ram dahil
siya naman talaga ang punot dulo kung bakit nangyari ang kaguluhang ito. Ito
ang linyang binitawan ni Kara kay Charmaine na nagpapatunay ng kanyang
pagpapakumbaba at pagpaparaya,

Anne Curtis: Im not expecting you to forgive me but


please patawarin mo na lang si Ram.

44

Bihira na lang sa panahon ngayon ang may kayang gawin ang ginawa ni
Kara. Nagparaya na lang siya para sa ikakabuti ng lahat at para hindi na rin
lumaki ang gulo na kinasangkutan niya.
Sa katapusan ng pelikula ay nagkapatawaran ang mga karakter at naging
maayos na ang relasyon ng bawat isa. Natanggap nila ang pagkakamali ng
bawat isa at naging masaya na sila kung anu ang nagging buhay nila ngayon. Sa
pagbabalik ni Kara ay may anak na sina Ram at Charmaine. Kita sa kanilang
mga mukha na wala ng galit na nakatanim sa kanilang damdamin at nagbatian
sila sa pamamagitan ng kanilang mga ngiti. Patunay ito na wala ng bahid ng
sama ng loob sa isat- sa. Maganda ang naging wakas ng kwento sapagkat
naging maligaya na ang mga karakter sa estado ng kanilang buhay. Kung
ikukumpara ito sa kasalukuyan ay ang madalas na mangyari ay hindi
nagkakapatawaran ang mga babae. Nananaig sa kanilang damdamin ang poot
at galit. Walang may nais magpatalo sa bawat isa. Hirap silang tanggapin at
patawadin ang bawat isa at mayroon pa ding ilang na namamagitan sa mga ito.
Marami ang nakakaintindi sa sitwasyon nilang ito dahil sino ba naman ang may
gustong may kahati sa kanyang asawa. Syempre walang may kagustuhan nuon
kaya handa silang makipag agawan at makipag away para lang sa kanilang
minamahal.
Totoong napakalaking problema ang naidudulot ng pagtataksil sa asawa
at malaki din ang naidudulot nito sa mga bata kung sakaling may anak naman
sila. Maaaring magrebelde ang mga ito at ang masaklap pa ay baka gawin nila
ang ginagawa ng kanilang mga magulang sapagkat aakalain nilang baka tama
iyon. Kaya ang mabuting gawin ay maging tapat tayo sating mga kabiyak at pag
isipang mabuti ang posibilidad na mangyari sa ating mga di tiyak na desisyon.
Kung ating mapapansin ay hindi ganoon karamihan ang kanilang
pagkakaiba. Konti lang ang ating masusuri na kaibahan ng mga kababaihan sa
kasalukuyan at kababaihan sa No Other Women sapagkat ang pelikula ay
tumutukoy base sa tunay na nangyayari ngayon sa mga pamilya. Halos
45

karamihan ay ang kanilang pagkakatulad. Pero kahit na ganoon man ang


mahalaga ay nag bigay ito ng sariling aral sa bawat pamilya at ito ay naging
isang magandang halimbawa upang hingi tumatak sa ating isipan na gumawa ng
pagkakasala.

46

Kabanata 5
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang

kabanatang

ito

ay

tumatalakay

sa

lagom,

kongklusyon

at

rekomendasyon sa pag-aaral ng pananaw ng Teoryang Feminismo sa mga


karakter ng pelikulang No Other Woman.

Lagom
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang Feminismong Pananaw sa mga
Karakter ng pelikulang No Other Woman ay naglalayong matuklasan ang
kasalukuyang imahe ng mga Pilipina na makikita sa nabanggit na pelikula at
kung paano naipakita ang Teoryang Feminismo sa mga tagpo. Sakop din ng
pag-aaral na ito ang pagtuklas ng pagkakapareho at pagkakaiba ng mga
kababaihan sa pelikula at sa modernong panahon.
Sa higit na pag-uunawa, layunin nitong masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Anu-ano ang mga imaheng naipakita ng mga karakter na babae na
sumasalamin sa mga kababaihan ng modernong panahon?
2. Anong mga tagpo sa pelikula ang nagpapakita at nagpapatunay sa
Teoryang Feminismo?
3. Paano naipakita ng pelikula ang imahe sa kasalukuyang panahon ng mga
kababaihan bilang:
3.1 asawa
3.2 kerida
4. Anu-ano ang mga pagkakatulad ng mga kababaihan sa pelikula at
kababaihan sa kasalukuyan?
5. Anu-ano ang mga pagkakaiba ng mga kababaihan sa pelikula at
kababaihan sa kasalukuyan?

47

Ginamit sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ang metodolohiyang


deskriptib-analitik na kung saan sinuring mabuti ng mga mananaliksik ang mga
tagpo sa pelikula na nagpapatunay sa Teoryang Feminismo at ang mga
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa mga kababaihan sa modernong panahon.

Buod ng Natuklasan
Matapos ang pag-iimbestiga at pag-iinterpret ng mga datos, natuklasan ng
mga mananaliksik ang mga sumusunod:
1. Ang mga kababaihan sa pelikula ay nagpakita ng mga imaheng matiisin
ngunit matapang, mabuti pero hindi mahina, malaro ngunit marupok
pagdating sa pag-ibig at higit sa lahat, ipinaglalaban kung ano ang sa
tingin niya ay kaniya.
2. Ang nagpatunay sa Teoryang Feminismo ay ang mga tagpong
pagpapagitna sa away pamilya, pagtatanggol sa mga mahal sa buhay,
pagiging matapang sa kabila ng mga problema, pagsasabi ng mga
hinaing sa kabiyak at paggawa ng mga matitinding desisyon.
3. Ipinakita ang karakter ng isang asawa bilang matapang, ekspresib,
emosyonal ngunit isang mapagmahal na kabiyak. Samantala, ang kerida
naman, ayon sa pelikula, ay nagpakita ng mga katangiang mapang-akit,
mapusok at palabang babae.
4. Ang mga pagkakatulad ng mga kababaihan sa pelikula at ng sa
kasalukuyan ay pagiging mapagmahal sa asawa, pagiging palaban,
pakikipagdamayan, mapang-akit, mapusok at binibigyang halaga ang
otoridad ng asawa.
5. Limitado lamang ang mga pagkakaiba ng mga kababaihan sa No Other
Woman at ng sa modernong panahon sapagkat halos kaparehas ng
pelikula ang nangyayari sa realidad. Ang mga pagkakaiba ng mga
kababaihan sa pelikula at ng sa kasalukuyan ay pagpapakumbaba ng

48

karakter ng kabit, pagpaparaya pagdating sa pag-ibig at pagpapatawaran


ng mga dating magkaalitan.

Kongklusyon
Matapos ang masinsinang pag-aanalisa ng mga resulta ng pananaliksik,
ang mga sumusunod na kongklusyon ay nahinuha:
1. Ang mga imahe ng kababaihan sa pelikulang No Other Woman ay
malinaw na naipakita at ang pelikula ay tunay na sumasalamin sa kung
ano ang estado ng patriyarkal na lipunan sa modernong panahon.
2. Ang lahat ng tagpo o eksena sa pelikula ay talagang nagpapatunay sa
Teoryang Feminismo dahil na rin sa pagpapahuwad ng direktor ng ibatibang katangian ng isang Babaeng Filipina.
3. Malinaw ang pagpapakita sa pelikula ng dalawang karakter na asawa at
kerida at ang kani-kanilang kalakasan at kahinaan sa bawat problemang
dumadating sa kanilang buhay.
4. May mga pagkakapareho ang mga kababaihan sa pelikula at sa
modernong panahon at ito ay nangangahulugan na ang pelikula ay isang
repleksyon sa kung ano ang nagyayari sa kasalukuyang lipunan.
5. Mayroon ding mga pagkakaiba ang mga kababaihan sa pelikula at sa
modernong panahon at ito ay nangangahulugan na hindi nilimitahan ang
mga kakayanan ng mga karakter sa pelikula at hindi purong ibinase sa
nangyayari sa lipunan.

Rekomendasyon

49

Batay sa

mga

nasabing

kongklusyon,

inirerekomenda

ang

mga

mananaliksik ang mga sumusunod:


1. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na iugnay ang pelikulang No Other
Woman sa iba pang Teoryang Pampanitikan.
2. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na gumamit ng iba pang pelikula sa
pagsusuri at pag-aanalisa ng karakter.
3. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na tuklasin ang implikasyon sa
patriyarkal na lipunan ng pananaw ng Teoryang Feminismo sa ibat-ibang
pelikula.
4. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na masuri pa ang Feminismong
pananaw sa ibat-ibang klase ng sining at panitikan.
5. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na alamin ang kahalagahan ng
patriyarkal na lipunan sa ibat-ibang akdang pampanitikan.

TALASANGGUNIAN
A. Mga Aklat
50

Agoncillo, Teodoro A. at Fe B. Mangahas. Philippine History: Expanded and


Updated Edition. Quezon City. C&E Publishing, Inc. 2010
Alejandro, Rufino M. Sining at Pamamaraan ng Pag-aaral ng Panitikan. Manila.
Alemars Publishing House. 1990
Alzona, Encarnacion. The Filipino Woman. Manila. Philaw Book Supply. 1934
Beckson, Karl at Arthur Ganz. Literary Terms: A Dictionary, 3rd Edition. New
York City. The Noonday Press. 1989
Cortez, Irene. The Philippines and the Elements of All Forms of Discrimination
Against Women. Sunday Times, August 1996.
Flynn, Elizabeth A. at Patrocinio P. Schweickart. Gender and Reading: Essays
on Readers, Texts, and Contexts. Baltimore and London. The Johns
Hopkins University Press. 1986
Garcia, J. Neil C. The Likhaan Book of Criticism 1992-1997. Philippines.
University of the Philippines Press. 2000
Gregorio, Luis. It Started With Eve. Philippine Press, December 1991
Humm, Maggie. The Dictionary of Feminist Theory. Columbus. Ohio State
University Press. 1990
Lachica, Veneranda. Literaturang
Publications. 1996

Filipino.

Valenzuela

City.

Grandwater

Laguio, Perfecto E. Our Modern Woman. Manila. Philaw Book Supply. 1932
Reyes, Soledad S. Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong
Pagtuturo ng Panitikan. Pasig City. Anvil Publishing, Inc. 1992
Santiago, Erlinda et.al. Panitikang Filipino, Kasaysayan
Pangkolehiyo. Manila. National Bookstore. 1989

at

Pag-unlad,

Showalter, Elaine, et.al. The New Feminist Criticism: Essays on Women,


Literature, and Theory. New York City. Pantheon Books. 1985
Yu, Rosario Torres. Panitikan at Kritisismo. Manila. National Bookstore. 1980

B. Di Lathalaing Tesis/Disertasyon
Abangan, Veronica S. Walong Pelikulang Filipino: Isang Masintahing
Pagsusuri. Disertasyon. Cebu Normal University. Cebu. 2000
51

Andal, Lourdes. Gender Consciousness Among Selected Women in Jose


Rizals Noli Me Tangere and El Filibusterismo. Di-Lathalaing Tesis.
University of Batangas. Batangas. 1999
Buenaflor, Filipina Dimaano. Reflections on Confucian Thoughts and Socio
Moral Values as Gleaned in Pearl Bucks the Good Earth. Unpublished
Master Thesis. University of Batangas. Batangas City. 2005
Lumbera, Bienvenido L. Pelikul:. An Essay on Philippine Film. UP Press.
QuezonCity. 1989
Marasigan, Lourdes S. The Male Characterization in Five Selected Filipino Short
Stories in English Unpublished Mastery Thesis. University of Batangas.
Batangas City. 2004
Pearsal, Marilyn. Women and Values: Teachings in Recent Feminist
Philosophy. USA. Wordsworth Publishing Company. 1999
Valera, Isolde F. The Satus of Filipino Film Industry as Perceived by
Communication Educators-Implications to Media Education. Tesis.
Pamantasang Lungsod ng Maynila. 2001.

C. Internet
http://panitik.multiply.com/journal/item/32/ANG-FEMINISMO-BILANGTEORYANG-PAMPANITIKAN?&show_interstitial=1&u=2Fjournal%2Fitem
http://tl.wikipedia.org/wiki/Teoriyang_pampanitikan
http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/24?&show_interstitial=1&u=%2Fjour
nal%2Fitem
http://www.panitikan.com.ph/criticism/feministangkritisismo.htm
http://wwwhirayaninanaybunso.blogspot.com/2008/10/ang-kamalayangfeminismo-sa-panitikang.html
http://journals.upd.edu.ph/index.php/rws/article/viewFile/3111/2928
http://www.panitikan.com.ph/criticism/feministangkritisismo.htm
http://filipino3zchs.multiply.com/journal?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal
http://www.peacefulguys.freewebtools.com/rich_text_1.html
http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/24/Teoryang-Pampanitikan
52

http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html

D. Peryodiko/Dyornal
Cantos, Edesa C. Feminismong Pananaw sa Nobelang Dekada 70 ni Lualhati
Bautista. High School Blog Vol.1 No.1. pp.4-6
Castillo, Gelia Tagumpay at Sylvia Hilomen Guerrero. The Filipino Women: A
Study in Multiple Roles. Journal of Asian and African Studies Vol.4 No.1.
pp. 18-29

APENDIKS A
BUOD NG PELIKULA

53

Ang pelikula ay tumatalakay sa pagnanais ng isang lalaking mapabuti ang


antas ng pamumuhay ng kanyang pamilya upang mapantayan o mahigitan ang
yaman ng kanyang biyenan at ipamukha sa kanyang amang kaya niyang
buhayin ang kanyang pamilya. Nguni't ang pagpupunyagi ay nabahiran ng
kasalanan nang patulan niya ang anak ng negosyanteng kanyang sinusuyo.
Isang furniture designer-producer si Ram (Derek Ramsay), na tapat sa
asawang si Charmaine (Cristine Reyes) at gustong mamuhay nang maayos para
sa kinabukasan ng kanilang magiging pamilya. Sa panahong iniaalok niya ang
kanyang mga disenyo upang makuha ang kontrata mula sa Costa Luz beach
resort, makikilala niya si Kara (Anne Curtis), anak ng may-ari, si Mr. Zalderiaga.
Matitipuan siya ni Kara at hindi siya tatantanan hanggang hindi bumibigay ang
kanyang pagkalalaki dito. Paglalabanan ni Ram ang kariktan ni Kara, ngunit
mapilit ang babae, at sasabihing wala siyang tangkang umibig sa lalakio ibigin
nito.

Sa paningin ni Kara, isa siyang liberated woman na nakukuha ang

anumang gustuhin niya.

Bagamat mahal ni Ram ang maybahay niyang si

Charmaine, madadarang din ito sa init ni Kara. Matutuklasan ni Charmaine ang


nangyayari, ngunit tigas nang tatanggi si Kara na mawala sa kanya si Ram. Dito
nagsimula ang suliranin sa pagsasama nina Charmaine at Ram.

APENDIKS B
POSTER

54

APENDIKS C
CURRICULUM
VITAE
I.

Personal Data
Name
:
Von

Eric A. Damirez

Address

Sto.

Nio Village,
Bolbok,
Batangas

City
Birthday
:

November

28, 1995
Age

:
17
years old

Nationality
:
Filipino
Religion

Roman Catholic

II. Educational Attainment


College

University of Batangas
(2012 present)

Secondary

University of Batangas
55

(2011 2012)
Elementary

Bolbok Elementary School


(2007 2008)

III. Honors/Awards
College

FES Quiz Bee (Champion)


Inter-Org Quiz Bee (3rd place)

High School

Salutatorian, Mathematician of the Year,


Researcher of the Year

Elementary

Salutatorian, Best in Math, Best in English

IV. Organization (In-School)


College
High School
Elementary

:
:
:

Future Engineers Society, TECG, SG


The Westernian Pioneer, Teatro Anino, SSC
N/A

V. Organization (Out-School)
N/A
VI. Community Involvement
N/A
CURRICULUM VITAE
I. Personal Data
Name

Mary Grace B. Adarlo

Address

Sitio 2, Tinga Labac, Batangas City

Birthday

August 6, 1995

Age

17 years old

Nationality

Filipino

Religion

Roman Catholic

II. Educational Attainment


College

University of Batangas
(2012 present)

Secondary

Casa del Bambino Emmanuel Montessori


56

(2011-2012)
Elementary

Tinga Labac Elementary School


(2007 2008)

III. Honors/Awards
College
High School
Elementary

:
:
:

N/A
N/A
Salutatorian

IV. Organization (In-School)


College
High School
Elementary

:
:
:

Future Engineers Society


N/A
N/A

V. Organization (Out-School)
N/A
VI. Community Involvement
N/A

CURRICULUM VITAE
I. Personal Data
Name

Khee Jane C. Aguda

Address

#104 Banaba Center, Batangas City

Birthday

November 29, 1995

Age

17 years old

Nationality

Filipino

Religion

Roman Catholic

II. Educational Attainment


College

University of Batangas
(2012 present)

Secondary

Banaba West National High School


(2011-2012)

Elementary

Banaba East Elementary School


57

(2007 2008)
III. Honors/Awards
College
High School

:
:

Elementary

1st Semester Deans Lister


Valedictorian, Leadership Award,
Journalist of the Year
N/A

IV. Organization (In-School)


College
High School
Elementary

:
:
:

Future Engineers Society, TECG, SG


N/A
N/A

V. Organization (Out-School)
YFL (Youth for Family and Life)
VI. Community Involvement
Kapisanan ng Kabataan
CURRICULUM VITAE
I. Personal Data
Name

Sylvia M. Macatangay

Address

Ambulong Bulihan, Batangas City

Birthday

January 9, 1995

Age

17 years old

Nationality

Filipino

Religion

Roman Catholic

II. Educational Attainment


College

University of Batangas
(2012 present)

Secondary

University of Batangas
(2011-2012)

Elementary

Ambulong Elementary School


(2007 2008)

III. Honors/Awards
58

College
High School
Elementary

1st Semester Deans Lister


N/A
Achiever

:
:
:

IV. Organization (In-School)


College
High School
Elementary

:
:
:

Future Engineers Society, TECG


N/A
N/A

V. Organization (Out-School)
N/A
VI. Community Involvement
N/A

CURRICULUM VITAE
I. Personal Data
Name

Nicole Marie R. Purino

Address

Bago Ibaan, Batangas

Birthday

November 29, 1995

Age

17 years old

Nationality

Filipino

Religion

Roman Catholic

II. Educational Attainment


College

University of Batangas
(2012 present)

Secondary

Saint James Academy


(2011-2012)

Elementary

Sabang Elementary School


(2007 2008)

III. Honors/Awards
College
High School

:
:

N/A
N/A
59

Elementary

Fourth Honor

IV. Organization (In-School)


College
High School
Elementary

:
:
:

Future Engineers Society


N/A
N/A

V. Organization (Out-School)
N/A
VI. Community Involvement
N/A

60

You might also like