You are on page 1of 9

Morales, Elisha Jannel P.

Bachelor in Multimedia Arts Major in Film

I. Pamagat ng katha

A. Bakit ito ang titulo?

Ayon sa aking naintindihan, ang “Kapitang Sino” ay sumisimbulo sa

mensaheng gustong ilapat ng mga tao ang pagaaksyon sa kanilang mga

problema sa taong walang pangalan. Isang “sino” na kanilang puwedeng ibahala

ang lahat o kaya naman ay sisihin sa kanilang mga nararanasang problema.

B. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong bigyan o palitan ang titulo nito, ano ito?

At Bakit?

Kahit ako ay kontento na sa titulo dahil nababagay naman ito sa tema at

mensahe, imumungkahi ko na palitan ito sa “Super Strength” dahil ito ay ang

pangalan na ginusto sanang gamitin ni Rogelio bilang kanyang hero name ngunit

pinagtawanan lang ni Bok-bok. Angkop rin ito para sakin dahil si Rogelio ay

inilarawan bilang pangkaraniwang lalaking Filipino, at ang pangalang Super

Strength para sa isang super hero ay tunog pangkaraniwan.

II. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan - Pagbibigay ng uri at paliwanag tungkol dito (uri ng tula, uri

ng maikling kuwento, uri ng dula, uri ng nobela, atbp.)

Ito ay isang maikling nobela.

B. Istilo ng Paglalahad - Paraan ng paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari

(patumbalik-isip, daloy ng kaisipan, in media res, ect.)

Ang kwento ay inilahad sa napaka-kaswal na pamamaraan, na malalagay

sa genre ng superhero fiction para sa mga aksyon ni Kapitang Sino, at sa genre ng


Morales, Elisha Jannel P.
Bachelor in Multimedia Arts Major in Film

slice-of-life para naman sa mga aksyon ni Rogelio. Mapapansin rin na ubod ng

pagbanggit ng mga kulturang popular na makikita sa dekada 80.

C. Sariling Reaksyon

1. Pananalig sa pampanitikang teorya

Sa aking palagay, ito ay nakategoriya sa teoryang

Moralismo, dahil sa makikitang moral na nais iparating ng libro,

tulad ng pagtulong sa kapwa ayon sa kung ano ang kaya mo, at

ang pagtulong ng walang hinihinging kapalit na ipinamalas sa

karakter na si Rogelio

2. Mga pansin at puna

a) Mga Tauhan

Rogelio Manglicmot / Kapitan Sino - Sanay na akong

makabasa ng mga karakter na inilarawan bilang pangkaraniwan,

ngunit may kapangyarihan at mabuting kalooban. Kaya sa aspeto

na iyon, hindi ko na binigyan pansin si Rogelio. Ngunit, gusto kong

ituro na masayang basahin ang kanyang mga pagbibiro at

buweltahan nila Bok-bok, pati na rin ang lumalabas na artistikong

panig niya kapag kasama niya si Tess.

Bok-bok - Siya ang tipo na gusto ko sa isang kaibigan:

sumusuporta, nanghihikayat, at nakakakwela. Ako ay

napapa-”sanaol” sa kanyang matinding katapatan, lalo sa

pangwakas na eksena.
Morales, Elisha Jannel P.
Bachelor in Multimedia Arts Major in Film

Tessa - Noong una ay hindi ako sigurado kung talagang

bulag ang karakter ni Tess, pero natuwa rin ako nang malaman ko

na may karakter na may kapansanan na hindi inilarawan na

masama. Pati ako nakyukyutan dahil sa mga dalang karunungan at

pananaw niya sa mundo.

Mayor Solomon Suico - Ako ay nakikiramay dahil

naiintindihan ko kung bakit niya nagagawang gumawa ng masama

alang alang sa anak.

Aling Chummy - Medyo nadismaya ako kahit alam ko na

may mga hanganan ang kabaitan ng tao tulad ng karakter na ito.

Aaminin ko rin na hindi ko masyadong naintindihan ang eksenang

kung saan biglang nagbitaw ng parata kay Rogelio na nauuwi sa

pagkaaresto ng bida at ng kanyang kaibigan.

Aling Baby at Aling Precious - Natawa ako sa kanilang

interaksyon, at sa pagiisip na timeless ang mga kapitbahay na

tulad nila. Mga manang na may OFW na asawa, at walang tigil ang

kayayabang sa isa’t isa. Matalino rin ang paggamit sa mga

karakter na ito upang maihatid ang exposition ng kuwento tungkol

sa mga panloob na politika ng bayan pati na rin sa impormasyong

may mga taong nadudukot sa gabi.

Mayor Samonte - Nakakabanas dahil meron ka agad na

maiisip na taong sa gobyerno na akmang akma sa papel na ito.


Morales, Elisha Jannel P.
Bachelor in Multimedia Arts Major in Film

Malilibang ka na lang dahil nagmistulang normal na may makikita

kang tao sa gobyerno tulad ng karakter na ito.

b) Mga galaw ng pangyayari

Sa una ay natuwa ako sa makwelang istilo ng pagsusulat ni

Bob Ong, lalo na sa pagsalaysay niya sa pamumuhay noong

dekada 80. Natuwa ako sa mga bagay at konseptong ako’y

pamilyar noong binasa ko siya. Hindi ako masyadong naenganyo

sa mga kabanata kung saan pinapakita ang mga aksyon ni Kapitan

Sino, dahil hindi ako mahilig magbasa ng aksyon, ngunit nadala

naman ako sa mga nakakatawang sandali tulad ng holdap sa

bangko na shooting pala ng pelikula, o ang sunod sunod na mga

pangyayaring nagsimula sa pangholdap na tumungo sa sagupaan

ng gorilya, sa paggamit ng karatula ng pelikula ni Sharon Cuneta

para makasagip ng mga tao, hanggang sa pagtigil ng tren.

Kahit na-”spoil” na ako ng aking kaibigan na nakabasa na

ng libro, nagulat pa rin ako sa mga kamatayan ng mga karakter.

Duon ko napansin na napaibig na ako sa mga karakter kahit pa

maikling nobela ang libro.

3. Bisang pampanitikan

a) Bisa sa isip
Morales, Elisha Jannel P.
Bachelor in Multimedia Arts Major in Film

Ayon sa maikling nobela, ito ay nagpapakita ng mga

logistik ng pagiging Super Hero pati na rin ang repercussion sa

magiging reputasyon bilang bayani at sa tao sa likd ng maskara.

b) Bisa sa damdamin

Naipakita dito ang kahirapang pagsunduin ang pagnais na

tulungan ang lahat at ang sa kung ano lang ang makakaya mo.

Naipakita rin ang epekto sa sarili ang pagkawala ng isa sa malaking

motibasyon mo sa pagkilos, tulad na naranas ni Rogelio sa

kamatayan ni Tess.

c) Bisa sa kaasalan

Makikita na nasubukan ang dedikasyon ni Rogelio na

makatulong sa tao. Noong una ay kinailangan niya ng

pagkukumbinsi na gamitin ang kapangyarihan para sa ikabubuti,

na kanyang naidala hanggang sa kanyang kamatayan. Si Rogelio ay

nagpakita ng lakas ng asal

d) Bisa sa lipunan

Maliban sa buhay ng pagiging Super Hero, makikita mo rin

dito ang pagiging talamak ng walang laman na mga pamako -

tulad ng nailarawan sa karakter ni Mayor Samonte sa kanyang

talumpati at korapsyon, at tulad nila Aling Baby at Aling Precious

na saksakan ng yabang at pangako sa mga programs, ngunit ni

wala sa kanila ang nakapagsimula na.


Morales, Elisha Jannel P.
Bachelor in Multimedia Arts Major in Film

III. Pagpapahalaga ayon sa nilalaman

A. Kalagayang sosyal at pangkabuhayan

Makikita mo ang konsepto ng OFW sa mga pangalawang tauhan - mga

kababayang nagtratrabaho sa ibang bansa at ang kanilang mga pamilyang

nagbebenepisyo sa kanilang pagpupursigi. Mababasa mo rin ang kultura ng mga

anak ng OFW na sinasanay ng mga magulang na tawagin silang Mommy o Daddy

ng kanilang anak, dahil nagtutunog silang mga taong nakaririwasa.

Meron din ang kulturang tsismis na muling makikita sa mga pangalawang

tauhan, kung saan alam ng mga tao ang mga bali-balita nga mga kapitbahay at

ng bayan.

B. Kulturang Pilipino (Para sa mga ingles na aklat, iugnay ang mga ito)

C. Pilosopiyang Pilipino (Para sa mga ingles na aklat, iugnay ang mga ito)

D. Simbolismong Pilipino (Para sa mga ingles na aklat, iugnay ang mga ito)

IV. Implikasyon

A. Kalagayang panlipunan/pambansa

Mabuti na kahit iiral pa rin ang kasamaan sa mundo, ay magagawa mo

ang parte mo para mapabuti ito. Hindi mo kailangan magkaroon ng hindi kapani-

paniwalang mga kapangyarihan upang kumilos. Mabuti pa rin ang makatulong

ayon sa kung ano ang makakaya mo.

B. Kalagayang pangkabuhayan
Morales, Elisha Jannel P.
Bachelor in Multimedia Arts Major in Film

Kung ang lahat ay kusang tutulungan ang sarili, patuloy na uusad ang

mundo. Katulad ng sinabi ni Mang Ernesto sa kanyang anak, na walang pagasa

ang mga taong naghahanap ng mga kakaibang nilalang na magliligtas sa kanila,

kailangan magsimula ang pagkukusa sa sarili. Dahil mananatili tayong mga taong

mapanisi at nagbabahala sa iba - mga taong kuntento sa sirang lipunan.

C. Kalagayang pansarili

Ako ay sumasangayon sa puntong hindi kailangan ng tao ang pansin

upang gumawa ng mabuti. Ang paggawa ng mabuti ay dapat naayon sa iyong

kalooban at sa iyong makakaya, at walang kang hinahanap na kapalit ng

anomang anyo.

V. Buod

Si Rogelio Manglicmot ay isang kumpunero sa bayan ng Pelaez na naging Super

Hero sa pamamagitan ng kanyang nakamamalikhang mga kapangyarihan. Sa tulong at

suporta ng kanyang matalik na kaibigan na si Bok-bok, at ang nakababatang kaibigan (na

kanyang minamahal) na si Tessa, si Rogelio ay nagsilbing bayani sa kanilang bayan sa

pamamagitan ng pagtulong at pagligtas sa kanyang mga kababayan. Siya ay

nabagsagang Kapitan Sino ng mga tao dahil sa pagkalito sa kung ano ang itatawag sa

kanya. Ang paglalakbay ni Kapitan Sino bilang Super Hero ay puno ng mga abentura na

kinasasangkutan ng gorilya, tren, paglalaban ng krimen, at iba pang mga aksyon na ani

mo’y nanggaling sa mga komiks.

Nang kinalaunan, nagkaroon ng mga serye ng pagdukot sa bayan ng Pelaze.

Tumumbad na ang dahilan ay dahil kay Mayor Solomon Suico, na nangdudukot ng mga
Morales, Elisha Jannel P.
Bachelor in Multimedia Arts Major in Film

tao para sa kanilang dugo upang umalalay sa kanyang anak na si Michael. Si Mayor Suico

ay may kapansanan na nagbabago sa kanyang anyo na nagmimistulang bakulaw, at si

Michael ay namana ang kapansanan ng mas malubha. Nilabanan ni Kapitan Sino ang

mayor ng masundan niya ito sa isang abandonadong hospital. Sa huli, namatay si Mayor

Suico at ang kanyang anak. Hinanap ni Kapitan Sino ang pinakabagong biktima ng mayor

at nakita niyang si Tessa ito. Sinugod ni Kapitan Sino sa ospital si Tessa, ngunit hindi na

kinaya ni Tessa at siya ay namatay.

Matapos ang kamatayan ni Tessa, nawalan ng gana sa buhay si Rogelio at tinutok

niya na lang ang sarili sa pagiging Super Hero. Kinompronta siya ng kanyang ama, si

Mang Ernesto, at sinabing hindi kasalan ni Rogelio ang kamatayan ni Tessa at tumigil na

siya kung hindi na siya masaya. Inamin din ng ama na siya ang kalahating kapatid ni

Mayor Suico. Sinubukan ni Mang Ernesto na mapagtanto ng anak na ang pagiging bayani

ay hindi sa pamamagitan ng pagkilala ng madla, kundi ang paggawa ng mabuti.

Matapos ang kamatayan ni Mayor Suico, tumugon sa bakanteng posisyon si Vice

Mayor Samonte bilang Mayor ng Pelaez. Nagtayo ng pagdiriwang si Mayor Samonte,

kung saan sa huli ay hinandog niya si Kapitan Sino ng 30 libong piso. Ngunit, maraming

mga impostor ang isa isang lumapit at nagangking bilang tunay na Kapitan Sino.

Nagkaroon ng kaguluhan, at may taong naghagis ng granada. Rogelio (na nakasuot ng

Kapitan Sino) ay dali daling tinakpan ang granada at ang pagsabog gamit ang sariling

katawan, na sumira sa kanyang suot at naglantad sa lahat na siya ang tunay na Kapitan

Sino. Si Aling Chummy, na nagmistulang nawalan ng katinuan, ay sinisi siya sa

kamatayan ng asawa kahit namatay ito dati pa. Sumang-ayon ang mga tao sa paligid na
Morales, Elisha Jannel P.
Bachelor in Multimedia Arts Major in Film

si Kapitan Sino ang may kasalanan sa maraming bagay, at siya ay inaresto ng mga pulis

pati na rin si Bok-bok.

Samantala, may mapanganib na virus ang lumalaganap sa mundo, at ito ay

nakarating sa Pilipinas. Upang makahanap ng lunas, ang mga duktor sa mundo ay

nagpasyang kumuha ng dugo sa mga tao na tutugma sa lunas na kanilang nililikha.

Kasama sa mga kinuhaan ng dugo ay sina Rogelio at Bok-bok. Tumugma ang dugo ni

Rogelio at dali dali siyang kinuha ng mga experto, naiwan si Bok-bok na siyang

nahawaan ng sakit. Matapos makuhaan ng maraming dugo, si Rogelio, mahina at

nahihilo, ay pilit na hanapin ang mga magulang. Habang naglalakad, nilapitan siya ng

lalaki na may karga na bata at tinanong kung nakagagaling talaga ang dugo ni Rogelio.

Nang sinabi ni Rogelio ay oo, siya ay sinaksak ng lalaki upang makuha ang dugo.

Namatay si Rogelio, pati na rin ang kanyang mga magulang na nahawaan ng sakit.

Sumunod sa kamatayan ni Rogelio, dumalo si Bok-bok sa isa nanamang

pagdiriwang para sa karangalan ng namatay na bayani. Habang nagtatalumpati si Mayor

Salmonte, imbis na parangalan si Kapitan Sino, ay puno ito ng kasinungalinagan ukol sa

serbisyo niya sa bayan. Nilapitan siya ni Bok-bok, at sinapak sa mukha. Sa huli, gumaling

si Bok-bok sa kanyang sakit, at siya ang nagpatuloy sa karangalan ni Kapitan Sino.

You might also like