You are on page 1of 1

TAKDANG ARALIN 3

Ang “Maria Clara at Ibarra” ay isa sa mga pinakabagong teleserye ng GMA. Kaya naman ay
kinagigiliwan ito ng lahat dahil pinangunahan ng artistang si Barbie Forteza ang pangunahing tauhan
ng teleserye na si Maria Clara o “Klay” Infantes. Si Klay isang abalang nursing student at
nagtatrabaho kahit maliit lang ang nakukuhang sahod nito. Nang dahil na rin sa problema niya sa
pamilya at sa kanilang pamumuhay, hindi natapos ni Klay ang pagbabasa ng Noli Me Tangere na
kinakailangan para sa kanyang Rizal Class. Nakaligtaan ni Klay ang kahalagahan ng kanyang mga
minor na asignatura sa pangarap nitong maging OFW nurse. Mabuti na lang ay binigyan siya ng
kanyang propesor ng pagkakataon sa pamamagitan ng pag-abot sa kanya ng isang sira-sirang kopya
ng nobela. Ang hindi alam ni Klay ay ito pala ang magdadala sa kanya mismo sa loob ng nobela kung
saan siya ay naging si Maria Clara at nakilala niya ang iba’t ibang karakter, isa na dito ay si Ibarra.

Ang batid ng may-akda ng teleseryeng ito sa manonood ay ang mapalawak pa ang kaalaman
natin sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang balangkas ng teleserye ay galing mismo sa nobela ni Jose Rizal
na Noli Me Tangere na siyang naging daan para sa rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga
mananakop. Naisama rin sa teleserye ang iba’t ibang klase ng karahasan at pang-aapi na dinanas ng
maraming Pilipino sa kamay ng malupit na mananakop. Kinuha nila ang ating sariling pagkakalinlan
bilang Pilipino at pinilit sa ating ang kanilang kultura. Tayo ay naging alipin sa loob ng ating sariling
bayan. Ngunit makikita rin sa teleserye kung paano tumindig ang mga Pilipino para sa bayan.
Maraming sakripisyo ang ginawa at buhay na nasawi para lamang makawala tayo sa himagsik ng
mga Espanyol. Ang teleseryeng ito ay talagang pumupukaw sa isang manonood kung ano nga ba ang
kanilang katayuan at kontribusyon bilang isang Pilipino na nabubuhay sa henerasyong ito.

Si Klay ay itinatanghal bilang tayo, ang mga manonood, habang tinitingnan natin ang mga
gawa ni Rizal. Marami sa atin ang kinakailangang basahin ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo noong hayskul. Ngunit hindi natin ito masyadong nabibigyan ng kahalagahan dahil
ang malalim na tagalog at ang makatang porma ng mga nobelang ito ay mahirap intindihin. Kaya
naman ay ipinapakita rin sa karakter ni Klay na siya ay nahihirapan intindihin ang mga karakter kapag
sila ay nakikipag-usap sa Espanyol. Ang palabas na Maria Clara at Ibarra ay nagbibigay ng biswal at
modernong pagkukuwento. Ipinapakita nito ang ating kasaysayan sa kawili-wiling paraan.
Hinihikayat nito ang mga manonood na maunawaan ang kwento at malaman ang higit pa tungkol sa
mga tauhan. Dahil itinataguyod nito ang kahalagahan ng wikang Filipino at Kasaysayan, hinihikayat
din nito ang edukasyon at kritikal na pag-iisip. Ano pa nga ba ang pinaka-mainam na paraan upang
maunawaan ang isang kwento kundi maging parte ng mismong kuwento, diba?

You might also like