You are on page 1of 2

SHS KomFil | Lecture Notes

Antas ng Wika
1.Pormal
Ito ay salitang kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami.
A. Pambansa
Ito ay salitang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa paaralan.
Halimbawa:
ina
anak
asawa
B. Pampanitikan o Panretorika
Ito ay mga salitang may malalalim na kahulugan.
Halimbawa:
Anak - dalita (mahirap)
Alilang - kanin (utusang walang sweldo, pagkain lang)
Balik - harap (mabuti sa harap, taksil sa likuran)

2.Impormal
Ito ay mga salitang ginagamit sa araw-araw na pakikipag-usap.
A. Lalawiganin
Ito ay salitang ginamit sa partikular na pook o lalawigan gaya ng mga Cebuano,
Bikolano at iba pa.
Halimbawa:
Tagalog Ilokano Bikolano Cebuano
Kaibigan Gayyem Amiga Higala
Halik Unggo Adok Halok
Aalis Pumanaw Mahali Mulakaw

KOMFIL 1
B. Kolokyal
Ito ay salitang pinapaikli.
Impormal na salita na ginagamit sa araw-araw na pakikipag-usap.

Halimbawa:
Aysus! (Ay Hesus!)
Nasa’n (Nasaan)
Meron (Mayroon)

C. Balbal /Slang
Ito ay mga salitang nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda
(codes) nila sa kanilang pakikipag-usap.
Halimbawa:
Jowa (Kasintahan)
Jokla (Bakla)
Walanjo/ Walastik (Magaling)

KOMFIL 2

You might also like