You are on page 1of 14

Antas ng

Wika
Antas ng Wika
Pormal Impormal

Balbal
Pambansa Pampanitikan

Dayalektal Kolokyal
Panteknikal

Bulgar
• Pambansa
Ito ang lingua franca sa buong
bansa. Wikang ginagamit sa
edukasyon, pamahalaan,
komersyo, at iba pang
panlipunang institusyon.
• Pampanitikan
Ginagamit sa paglikha ng panitikang
sumasalamin sa damdamin, kaisipan,
at kulturang Filipino sa pamamagitan
ng masining na pagpapahayag.
Halimbawa:
1. Nagsusunog ng kilay.
2. Lumuluha ang langit.
• Panteknikal
Ginagamit sa isang tiyak na larangan
tulad ng agham, teknolohiya,
matematika at iba pa.
Halimbawa:
1. Virus (biyolohiya at teknolohiya)
2. Komposisyon (agham, musika, at
wika)
• Dayalektal/lalawiganin
Ito ang wika ng isang partikular na
lugar lamang.
Halimbawa:
1. Ditse (Ate)
2. Sangko (Kuya)
3. Balay (Bahay)
4. Gurang (Matanda)
• Kolokyal
Ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan kung saan pinapaikli ang
mga salita.
Halimbawa:
1. Kailan kelan
2. Ito ‘to
3. Mayroon meron
4. Ayaw ko ayoko
• Balbal
Pinakamababang antas ng wika sapagkat ito
ang wikang ginagamit ng mga taong hindi
nakapag-aral.
Halimbawa:
1. Conyo
2. Net-text lingo
3. Gay lingo
4. Secret language (G Words, Datkilab)
• Conyo
Ito ay nabuo sa pamamagitan ng
pinaghalong Ingles at Filipino.
Halimbawa:
Hey! Where are you goin? You
make me tawa with your damit.
• Net-text Lingo
Ito ay mas kilala sa tawag na jejemon.
Nabuo dahil sa malawakang paggamit
ng cellphone at Internet.
Halimbawa:
1. HeLlow phowz!
2. MuxtAh kAh naH?
3. 6us2 savaY taU Qwum4in Ma2ya!
• Gay Lingo
Wika ng mga bakla. Unang tinaguriang
“Swardspeak” noong 1970 at mas kilala sa
kasalukuyan na “Bekimon”.
Halimbawa:
1. Chaka - Pangit
2. Lalafez - kakain
3. Purita Mirasol - mahirap
• Secret Language (G-
WORDS)
Gumagamit ng koda sa pagsasalita upang
itago ang kanilang talastasan sa pagsingit
ng letrang G sa bawat pantig ng salita.
Halimbawa:
Agkug ang maggpagpagkaging sag
kagnyag!
• Secret Language (Datkilab)
Ito ay paggamit ng wika na kung saan
binabaliktad ang mga salita.
Halimbawa:
1. Omsim
2. “Alaws arep eh.”
3. Gesi.
4. Ang gandang eabab.
• Bulgar
Mga salitang nagpapahayag ng
kalaswaan at pagmumura. Ito ay
marapat na hindi ginagamit sa
alinmang okasyon o talastasan
sapagkat nangangahulugan ito ng
pagkabarumbado.

You might also like