You are on page 1of 3

Arellano University

Juan Sumulong Campus


2600 Legarda St. Sampaloc Manila

ALFARO MARISOL S. January 23 2021

BSED- FILIPINO

Mga Gawain 

Gawain 1 Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Paano nagbabago ang wika?


Ang wika ay buhay, ito ay daynamiko. Katulad ng kultura, ang mga pagbabago sa lipunan ay
naghahatid ng pagbabago sa porma ng wika. Dahil likas sa tao ang pagpapadali sa mga bagay-
bagay at dulot na rin ng teknolohiya at modernisasyon, ang pagbabago ng wika ay kitang-kita sa
paraan ng pakikipagkomunikasyon ngayon ng mga tao. Ilan lamang sa mga dahilan kung bakit
nagabbago ang wika ay ang pagbabago ng panahon, paglitaw ng mga makabagong imbensyon o
kaisipan, pagpapadali ng mga bagay, pagpapalit ng kahulugan ng mga salita atbp,

 2. Bakit sinasabing ang wika ay nakabatay sa kultura?

Ang kultura ay pagkakakilanlang sarili ng isang pangkat, bilang ang wika ay ang
sinasalitang medium ng komunikasyon ng isang pangkat malaki ang kaugnayan nito sa kung
paano hinubog at nahuhubog ang kultura ng isang pangkat.

Nagpapahayag ang wika ng pagkakakilanlang kultural sa pamamagitan ng interaksyon at


komunikasyon. Dulot din ng interaksyon na hatid ng wika kung kaya’t nadaragdagan at
nahahaluan ang pagkakakilanlang kultural ng isang indibidwal. Sa pamamagitan din nito,
nauunawaan natin ang ibang tao na nagtataglay din ng sari- sariling pagkakakilanlan dahilan
upang umugnay tayo sa kanila at makaapekto sa pagbabagong pangkultural at wika na taglay
natin. Ang interaskyon ding ito’y nagsasanhi ng pagkakaroon ng di- malay na koneksyon kahit
na magkaiba ang kultura ngunit nagkaka-ugnay o nagkakaroon ng pananaw sa isang isyu na
pareho nilang alam.

 Gawain 2. Isa-isahin ang antas ng wika at magbigay ng tig-2 halimbawa nito.

Limang Antas ng Wika MGA HALIMBAWA


Formal- Ito’y malawakang kinikilala ng pamayanan, ng
bansa at ng mundo bilang medium ng komunikasyon.
Tanggap rin at ginagamit ito ng mga dalubhasa, o
nagtuturo ng wika.
A. Pambansa
Ito’y ang wikang umabot na sa pagiging opisyal
na wika ng bansa at itinuturo na sa mga
paaralan. Ginagamit rin ito ng pamahalaan
bilang opisyal na wika sa
pakikipagkomunikasyon paulat man o pasalita.
B. Pampanitikan Mabulaklak ang dila
Ito ang pinakamayamang uri ng antas ng wika Di-maliparang uwak
dahil ginagamitan ito ng masining na paggamit Kaututang dila
ng mga salita at pagkakabuo ng mga salita gaya Balat sibuyas
ng idyoma at tayutay. Ang mga salitang gamit Taingang kawali
dito’y karaniwang malalim, hindi literal, Nagbukas ng dibdib
matalinghaga, makulay at masining.
INFORMAL- Karaniwang palasak, at madalas na
gamitin sa pang araw-araw na pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
A. Lalawiganin bilot (Batangas, tuta)
Dayalektal, palasak at natural na ginagamit sa tubal (Batangas, labahing damit)
isang partikular na lugar ngunit maaaring ambot (Bisaya, ewan)
hindi maintindihan ng iba. Mayroon itong kaon (Bisaya, kain)
katangi-tanging punto, tono at mga salitang balay (Ilocano, bahay)
sila lamang ang nakakaunawa. biag (Ilocano, buhay)
Malakat (hiligaynon, Aalis)
Natuod (waray, Naniniwala)
Mapintas (Ilocano, Maganda)
Nasi (kapampangan, Bigas)
Bilot (Batangueño, Tuta)
Igsura (bisaya, Ulam)
Sinisilyo (Bicolano, Barya)
A. Kolokyal Kamusta – musta
Pangaraw araw na ginagamit na salita na Ganoon – ganun
hinalaw sa orihinal na porma na pinanggalingan Puwede – pede
nito. Natural na phenomenon nito ang At saka – tsaka
pagpapaikli ng salita upang mapabilis ang daloy Kuwarto – kwarto
ng komunikasyon. Pahinge – penge

A. Balbal syota – kasintahan  


Slang sa ingle. Itinuturing na pinakamababang datung – pera
antas ng wika dahil todas – patay
ito’y mga salitang nabuo mmula sa impormal na olats – talo
paraan. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na dekwat – nanakaw  
sumusulpot sa kapaligiran / ginagamit sa purita – mahirap
lansangan.

You might also like