You are on page 1of 15

KONSEPTO NG WIKA

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA WIKANG FILIPINO

UNANG PAKSA
KAHULUGAN

• Sa simpleng pagpapaliwanag ay ang kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang


Lipunan. Bawat Lipunan sa daigdig ay may wikang ginagamit na tanging pekulyar sa
isa’t isa maging ito ay nasa anyong pasulat at pasalita.
• Nagsisilbing instrument tungo sa mabisang interaksiyon sa kapwa.
KAHALAGAHAN

1. Sa sarili — gamit ang wika, nagagawa ng tao na mapaunlad ang kanyang sarili sa
pamamagitan ng pagtatamo ng mga kaalaman sa kanyang paligid.
2. Sa kapwa — (2100) Honesto OST 'Pananagutan
' Music Video by Gary Valenciano – YouTube bawat isa sa atin ay kinakailangan na
makipagkomyunikeyt upang mapatatag ang relasyong-sosyal.
3. Sa Lipunan — nagagawa ng wika na pagbuklurin ang isang Lipunan dahil mayroon
silang sariling paraan ng pakikipagkomunikasyon na nakabatay sa sarili nilang kultura.
KAPANGYARIHAN

1. Ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan. Anumang pahayag na sabihin


ng isang interlokyutor ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan o interpretasyon sa
mga tatanggap ng mensahe nito. Ito ay tinatawag ding bypassing na ang ibig sabihin ay
maling paniniwala na ang isang salita ay nagtataglay lamang ng isang kahulugan.
Hal. Utong = nipple, sitaw naman sa ilokano.
2. Ang Wika ay humuhubog ng saloobin. Nagagawa ng tao na maging pino sa paggamit ng
mga salita na siyang repleksyon ng kanyang pagkatao. Sa pamamagitan nito, nahuhubog din
ng wika ang mga tamang pag-uugali ng isang tao.
KAPANGYARIHAN

3. Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon. Ito ay pagtanaw sa mga bagay na


magkasalungat na paraan.
Hal. Mabuti at masama, mataas at mababa, pangit at Maganda.
4. Ang kapangyarihan ng wika ay kapangyarihan rin ng kulturang nakapaloob dito.
Kailanman ay himdi maikakaila na kakambal ng wika ang kultura. Anumang salitang
mayroon sa isang Lipunan ay produkto ng kanilang mayamang karanasan mula sa kanilang
interaksiyon sa isa’t isa, kaya hindi nararapat na tingnan ang isang wika ay superior o
inferior dahil ito ay sumasalamin sa kanilang kultura.
GAMPANIN

Ang wika ay nagtataglay ng maraming kahalagahan sa sangkatauhan. Marami itong


nagagawa sa pang-araw-araw na interaksyon ng tao sa kapwa.
1. Impormatibo.
2. Ekspresib
3. Direktib
4. Perpormatib
5. Persweysib
TUNGKULIN (MICHAEL HALLIDAY)

Anumang wika sa mundo ay nagtataglay ng mga tungkulin na tumutulong sa mga gumagamit nito sa pagbuo
ng mga nais nilang gawin o naiisin.
1. Instrumental
2. Regulatori
3. Representasyonal
4. Interaksyonal
5. Personal
6. Heuristic
7. imahinatibo
KATANGIAN

1. May internal na ugnayan. Isa sa sa mga katangian ng anumang wika sa daigdig ay ang
kakayahan nitong makabuo ng pangungusap sa loob ng isang pangungusap o prosesong
relativisasyon.
2. Ang wika ay arbitraryo. Nangangahulugang bawat wika ay may kani-kanyang mga
katawagang ginagamit na idinikta ng isang Lipunan o uniqueness ng isang salita bagaman
magkasingkahulugan. Hal. Aso (Fil) dog (Eng) perro (Span) anjing (Bahasa Malaysia). O
kaya naman, bigas (Tag) begas (Tiruray) bagas (ilokano) bugas (Bisaya)
3. Ang wika ay produktibo at likas na mapanlikha. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang
tao na gamitin ang kanyang katutubong wika sa pagpapahayag na walang kahalintulad.
KATANGIAN

4. Ang wika ay isang penomenong-sosyal. Nangangahulugan lamang ito ng pagkakaroon ng


komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang bilang ng tao.
5. Ang wika ay kakambal ng kultura. Kailanman ay hindi apaghihiwalay ang wika sa kultura.
Dahil bawat wika sa daigdig ay produkto ng mayamang karanasan ng isang lipunan. Hal.
“sasama ka ba sa libing?” sa halip na “makikipaglibing ka ba?”
6. Ang wika ay tunog. May mga wika sa daigdig na tinatawag na tonal-language gaya ng
wikang Hapones, Intsik at Koreano. Ibig sabihin mayroon silang mga salitang magkakapareho
ang ispeling subalit nagiging magkaiba ang kahulugan kapag nag-iba ang tono ng pagbigkas nito.
TEORYA SA PAGKATUTO NG WIKA

1. Paniniwala ng mga Behaviorist. ang mga bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto
ng wika at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng
kanilang kapaligiran.
2. Paniniwala ng mga Inativist. Ang mga bata ay nagtataglay ng isang likas na salik upang matamo
ang pagkatuto sa wika.
3. Paniniwala ng mga cognitivist. sa paniniwalang ito nakapaloob ang dinamikong proseso ng
pagkatuto sa wika kung saan ang tao ay walang humpay sa kanyang pag-iisip sa pagtanggap ng mga
impormasyon mula sa kanyang paligid.
4. Paniniwalang Makatao. Nakapokus sa damdamin at emosyon ng isang tao. Mas mabilis na
natututunan ng tao ang wika kung wala siyang pag-aalinlangang gamitin ito.
ANTAS

Ayon kay Tumangan (1986), “ang wika ay mahalagang bahagi ng Lipunan sa dahilang ito ang kasangkapang kailangan sa pakikipagtalastasan” kaya
naman sa ating pakikipag-usap sa kapwa ay pinipili natin ang mga salitang dapat gamitin.

1. Balbal. Slang sa Ingles, tinatawag ding singaw, karaniwang ginagamit sa lansangan, at itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
Hal. 1. Eskapo (takas ng bilangguan)
2. istokwa (naglayas)
3. tiboli (tomboy)
4. brokeback (lalaki sa lalaking relasyon)
5. shorlog,kyorlog, borlog (tulog o matulog)
6. ping ping kuping kinuping-kuping ng saging
7. SANdara Park, SANdra Bullock, SUNshine
8. KYUKS (piso)
HALIMBAWA NG BALBAL NA WIKA

Hal. 9. HEYMS (daang piso)


10. KYAW (libong piso)
11. THOUSAND (piso)
12. HAWAII (50 piso)
13. TWINKLE (20 piso)
14. DAO ( taong masama ang ugali)
15. DAUTERO/DAUTERA (lalaki/babae masama ang ugali)
16. GABU (gabi)
17. KAGABU (kagabi)
ANTAS

Hal. 18. WATASHI (ako)


19. HAGGARAD (pagod)
20. OKANI (salapi)
2. Kolokyal. Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
Hal. Alala,lika, naron, kanya-kanya, antay
3. Lalawiganin. Mga salitang karaniwang salitain o diyalekto ng mga katutubo sa lalawihan gaya ng
mga Cebuano, batangueño, Bicolano, atbp na may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita.
HALIMBAWA NG LALAWIGANIN

Tagalog Ilokano Sebuano Bikolano

Aalis Pumanaw Molakaw Mahali

Kanin Inapoy Kan-on Maluto

Halik Ungngo Halok Hadok

Kaibigan Gayyem Higala Amiga

Ibon Bilit Langgam gamgam


ANTAS

4. Pambansa. Ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong
pangmadla. Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.
Hal. Aklat, ina ama, dalaga, masaya
5. Pampanitikan. Ito ang may pinakamayamang uri. Mayaman sa paggamit ng idyoma, tayutay; at
iba’t ibang tono, tema at punto. Karaniwan itong ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa at
mananliksik.
Hal. Mabulaklak ang dila, balat sibuyas, taingang kawali, nagbukas ng dibdib

You might also like