You are on page 1of 19

Komunikasyon sa

Akademikong Filipino
G. Hilaria

SIMULAN
Kabanata 1
Mga Konseptong Pangwika

Edward Sapir Henry Gleason


Edward Sapir
Ayon kay Sapir ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at mga hangarin
sa pamamagitan ng isang kusang loob na
kaparaanan na lumikha ng tunog.
Henry Gleason

Masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at
isinasaayos sa pamamaraang
arbitraryo. (1988)
Mga Katangian Ng Wika
1. Ang wika ay mayroong sistemang balangkas.

Nagiging mabisa ang komunikasyon at pag-uusap dahil sa sistematikong


pamamaraan ng pagsasaayos ng mga titik at salita. Mayroong sinusunod na
pamantayan o mga hakbang upang makabuo ng mga salitang gagamitin. Kapag
nakabuo na ng mga salita, maaari na itong ayusin bilang parirala, pangungusap, o
talata.

Halimbawa:
OJESIRZAL
Maaaring buuin bilang JOSE RIZAL ayon sa mga titik
Maganda Marian artista paborito
Maaaring makabuo ng pangungusap na “Maganda ang paborito kong artista na si Marian.”
Mga Katangian Ng Wika
2. Ang wika lalo na kung pasalita, ay mayroong tunog.

Maliban sa pasulat na paraan, ang wika ay sinasalita rin. Maliban pa rito


kapag sinasalita, mayroong tunog na nabubuo. Sa pamamagitan ng pagbuo
ng tunog, nalalaman ang emosyon at kahulugan ng salita. Sa intonasyon
nababatid ang dagdag na kahulugan ng tao sa isang salita.

Ang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng ating baga na naglalabas ng


hangin at dumaraan sa voice box (artikulador) at pagkatapos ay sa ilong at
bibig kung saan ito binabago para sa emosyon (resonador).
Mga Katangian Ng Wika
2. Ang wika lalo na kung pasalita, ay mayroong tunog.

Halimbawa:
Saan ka pupunta? (Maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambig o
pagalit.)
Oh kumusta ka na? (Maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambig o
pagalit.)
Huh? (Kahit walang direktang kahulugan ang salitang ito, maaari itong
mabigyan ng kahulugan ayon sa tunog na nilikha.)
Mga Katangian Ng Wika
3. Ang wika ay arbitraryo.

Sumsalamin ang wika sa pagkakasundo ng mga tao sa ilang lugar.


Napagkakasunduan ng mga mamamayan ang pangunahing wikang
gagamitin nila. Saklaw nito ang mga salitang gagamitin sa kanilang
kabuhayan, edukasyon, pagkain, at pagpapalaganap ng kultura at tradisyon.
Indikasyon din na kung hindi nauunawaan ng isang tao ang wikang sinasalita
ng mga tao sa isang lugar ay hindi siya bahagi ng kanilang pamayanan at isa
lamang itong dayuhan. Gayunman, kung mamamalagi ito sa lugar na iyon, ay
imposibleng hindi niya malaman at matutuhan ang wika. Dahil magiging
bahagi na rin ng kaniyang buhay ang pananalita, at mababatid niya rin ang
paggamit nito.
Mga Katangian Ng Wika
3. Ang wika ay arbitraryo.

Halimbawa:
Bahay – Kapag mula sa pamayanang Tagalog
Balay – Kung mula sa pamayanang Bisaya
Bay – Kung mula sa pamayanan ng mga Tausug
Casa – Kung Chavacano naman ang sinasalitang wika
Mga Katangian Ng Wika
4.
Ang wika ay buhay at dinamiko

Dahil pagbabago lamang ang permanenteng bagay sa daigdig, maging


ang wika ay nakararanas ng pagbabago. Sa paglipas ng panahon at mga
henerasyon, nabibigyang daan nito ang pag-unlad at pagbabago ng wika.
Isang patunay nito ang konsepto ng makaluma at makabagong pag-uusap. Sa
kulturang Pilipino, mas matalinghaga at mas kagalang-galang pakinggan ang
makaluma o tradisyonal na uri ng pagsasalita.
Mga Katangian Ng Wika
Ang wika ay buhay at dinamiko
4. SALITA Lumang Kahulugan Bagong Kahulugan

Device na ginagamit sa pagpapagalaw ng


Mouse daga kursor ng kompiyuter

Isang mobile device na karaniwang mas


Tablet Tableta, uri ng gamot malaki
sa cellphone

Bahagi ng social media account kung


Wall Dingding; bakod saan
maaaring mag-post ang mga kaibigan
Mga Katangian Ng Wika
5. Ang wika ay nanghihiram

Dahil ginagamit ang wika sa komunikasyon, hindi maiiwasang magkaroon


ng palitan o hiraman ng mga salita. Mayroong mga salitang walang katumbas
sa wika ng isang bansa o pamayanan, kaya naman ang nagiging solusyon dito
ay ang panghihiram. Likas namang katangian ito ng lahat ng wika. Ito rin ang
dahilan kung bakit ang wika ay dinamiko at umuunlad. Sa panghihiram din mas
nagiging bukas sa pagtuklas ng kultura at tradisyon ang isang mamamayan o
nasyon.
Mga Katangian Ng Wika
5. Ang wika ay nanghihiram

Ang wikang Filipino ay salamin ng wikang nanghihiram. Magkakahalo ang


mga salitang Kastila, English, Arabe, at iba pang Austronesian na salita.
Siyempre kabilang dito ang mga likas na wika tulad ng Tagalog, Waray, at
ibang lokal na wika. Wikang Italian: Spaghetti Wikang Filipino: Ispageti

Wikang English: Computer Wikang Filipino: Kompiyuter

Wikang Kastila: Cuarto Wikang Filipino: Kuwarto

 Wikang Chinese: Siumai/ siu


Wikang Filipino: Siomai
mai
Mga Katangian Ng Wika
6.
Ang wika ay kaakibat at salamin ng kultura

Ginagamit din ang wika sa pagpapaunlad ng kultura ng isang bansa o


pamayanan. Sa pamamagitan ng wika ay mababatid ang makulay na kultura,
tradisyon, at pamumuhay ng mga tao. Sa katunayan, para sa mga dayuhan sa
isang bayan, ang mga salitang may kaugnayan sa mga pista, pagdiriwang,
pagkain, at iba pang mahahalagang kagamitan ang nagsisilbing tanda nila sa
isang lugar. Iniuugnay nila ang mga salita sa kultura sa mga tao at lugar para
manatili ito sa kanilang isip, na kalaunan ay tuluyang nagiging pagkakakilanlan
para sa nakararami.
Mga Katangian Ng Wika
6.
Ang wika ay kaakibat at salamin ng kultura

Halimbawa:

Ang salitang VINTA ay naiuugnay sa Zamboanga City


Ang PANAGBENGA FESTIVAL ay naging tanyag sa buong Pilipinas kahit
hindi naman lahat ay nagsasalita ng wikang Kankanaey.
Ang BALUT at ADOBO ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng Pilipinas sa
buong mundo lalo na sa mga dayuhang dumarayo sa bansa.
Alam nating ang PANSIT, LUMPIA, SIOPAO, at TOKWA ay mula sa kulturang
Chinese kahit na bahagi na ito ng kulinarya ng Pilipinas.
Mga Katangian Ng Wika
7. Ang bawat wika ay naisusulat

Kung naisasalita ang wika, kailangan ay naisusulat din ito. Kadikit ng


mabisa at malinaw na anyo ng impormasyon ay ang katangian nitong
maisulat at mabigkas. Hindi naman kasi maaaring lahat ng nangyayari ay
pasalita lamang at tatandaan ng utak. Mas nagiging mahalaga ang isang
pangyayari o kaganapan kung maidodokumento ito. Sa pagsusulat din ng
mahahalagang ganap gamit ang wika, mas napapanatili nito ang saysay ng
wika at salita mula sa isang bansa, bayan, o maliliit na yunit ng pamayanan.
Mga Katangian Ng Wika
8.
Ang wika ay makapangyarihan

Makapangyarihan ang salita at wika. Kung nagagamit ito sa pakikipag-


usap sa kapuwa, kaya rin nitong tuligsain ang isang masamang gawi. Sa
pamamagitan ng pasulat o pasalitang paraan ay maaaring maiparating ang
pagsalungat sa hindi wastong pamamamahala o pagturing sa isang tao.
Maraming Salamat

Sana ay may natutuhan kayo ngayon!!!


Oras para sa
mga
katanungan

You might also like