You are on page 1of 10

JOSHUA NACARIO

2ND YEAR

FILIPINO 107
UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

MODYUL- 1
1. KATANGIAN NG WIKA

 Halimbawa:
Ang salitang bomba ay nangangahulugan na:
- pampasabog
- igiban ng tubig mula sa lupa
- sikreto o baho ng mga kilalang tao
Mga Katangian Ng Wika

Ang sumusunod ay ang mga katangian ng wika. Sa pag-aaral ng mga ito, malalaman na ang wika ay
nabuo sa sistematikong pamamaraan at patuloy na umuunlad sa paglipas ng mga panahon.

1.) Ang wika ay mayroong sistemang balangkas

Nagiging mabisa ang komunikasyon at pag-uusap dahil sa sistematikong pamamaraan ng pagsasaayos


ng mga titik at salita. Mayroong sinusunod na pamantayan o mga hakbang upang makabuo ng mga
salitang gagamitin. Kapag nakabuo ng mg salita, maaari na itong ayusin bilang parirala, pangungusap,
o talata.
Halimbawa:

 OJESIRZAL
Maaaring buuin bilang JOSE RIZAL ayon sa mga titik
 Maganda Marian artista paborito
Maaaring makabuo ng pangungusap na “Maganda ang paborito kong artista na si Marian.”

2.) Ang wika lalo na kung pasalita, ay mayroong tunog

Maliban sa pasulat na paraan, ang wika ay sinasalita rin. At kapag sinasalita, mayroong tunog na
nabubuo. Sa pamamagitan ng pagbuo ng tunog, nalalaman ang emosyon at kahulugan ng salita. Sa
intonasyon nababatid ang dagdag na kahulugan ng tao sa isang salita.

Ang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng ating baga na naglalabas ng hangin at dumaraan sa voice
box (artikulador) at pagkatapos ay sa ilong at bibig kung saan ito binabago para sa emosyon
(resonador).

Halimbawa:

 Saan ka pupunta? (maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambig o pagalit)


 Oh kumusta ka na? (maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambig o pagalit)
 Huh? (kahit walang direktang kahulugan ang salitang ito, maaari itong mabigyan ng
kahulugan ayon sa tunog na nilikha

3.) Ang wika ay arbitraryo


Sumsalamin ang wika sa pagkakasundo ng mga tao sa ilang lugar. Napagkakasunduan ng mga
mamamayan ang pangunahing wikang gagamitin nila. Saklaw nito ang mga salitang gagamitin sa
kanilang kabuhayan, edukasyon, pagkain, at pagpapalaganap ng kultura at tradisyon. Indikasyon din
na kung hindi nauunawaan ng isang tao ang wikang sinasalita ng mga tao sa isang lugar ay hindi siya
bahagi ng kanilang pamayanan at isa lamang itong dayuhan. Gayunman, kung mamamalagi ito sa
lugar na iyon, ay imposibleng hindi niya malaman at matutuhan ang wika. Dahil magiging bahagi na
rin ng kaniyang buhay ang pananalita, ay mababatid niya rin ang paggamit nito.
Halimbawa:

 Bahay – Kapag mula sa pamayanang Tagalog


 Balay – Kung mula sa pamayanang Bisaya
 Bay – Kung mula sa pamayanan ng mga Tausug
 Casa – Kung Chavacano naman ang sinasalitang wika
4.) Ang wika ay buhay at dinamiko

Dahil pagbabago lamang ang permanenteng bagay sa daigdig, maging ang wika ay nakararanas ng
pagbabago. Sa paglipas ng panahon at mga henerasyon, nabibigyang daan nito ang pag-unlad at
pagbabago ng wika. Isang patunay nito ang konsepto ng makaluma at makabagong pag-uusap. Sa
kulturang Pilipino, mas matalinghaga at mas kagalang-galang pakinggan ang makaluma o tradisyonal
na uri ng pagsasalita. Sa pag-unlad ng teknolohiya, unti-unting naging makabago ang paraan ng
pakikipag-usap na tinatawag na komunikasyon sa kontemporaryong panahon. Bunga nito ang
pagbabago ng kahulugan ng isang salita. Mas lumalawak ang bokabularyo ng mga tao dahil sa mga
bagong ideyang nabubuksan at natutuklasan sa pagbabago ng henerasyon.

.) Ang wika ay nanghihiram

Dahil ginagamit ang wika sa komunikasyon, hindi maiiwasang magkaroon ng palitan o hiraman ng
mga salita. Mayroong mga salitang walang katumbas sa wika ng isang bansa o pamayanan, kaya
naman ang nagiging solusyon dito ay ang panghihiram. Likas namang katangian ito ng lahat ng wika.
Ito rin ang dahilan kung bakit ang wika ay dinamiko at umuunlad. Sa panghihiram din mas nagiging
bukas sa pagtuklas ng kultura at tradisyon ang isang mamamayan o nasyon.
Ang wikang Filipino ay salamin ng wikang nanghihiram. Magkakahalo ang mga salitang Kastila,
English, Arabe, at iba pang Austronesian na salita. Siyempre kabilang dito ang mga likas na wika
tulad ng Tagalog, Waray, at ibang lokal na wika.

Halimbawa:

 Wikang Italian: Spaghetti


Wikang Filipino: Ispageti
 Wikang English: Computer
Wikang Filipino: Kompiyuter
 Wikang Kastila: Cuarto
Wikang Filipino: Kuwarto
 Wikang Chinese: Siumai/ siu mai
Wikang Filipino: Siomai
6.) Ang wika ay kaakibat at salamin ng kultura

Ginagamit din ang wika sa pagpapaunlad ng kultura ng isang bansa o pamayanan. Sa pamamagitan ng
wika ay mababatid ang makulay na kultura, tradisyon, at pamumuhay ng mga tao. Sa katunayan, para
sa mga dayuhan sa isang bayan, ang mga salitang may kaugnayan sa mga pista, pagdiriwang, pagkain,
at iba pang mahahalagang kagamitan ang nagsisilbing tanda nila sa isang lugar. Iniuugnay nila ang
mga salita sa kultura sa mga tao at lugar para manatili ito sa kanilang isip, na kalaunan ay tuluyang
nagiging pagkakakilanlan ng nito para sa nakararami.

Halimbawa:

 Ang salitang VINTA ay naiuugnay sa Zamboanga City


 Ang PANAGBENGA FESTIVAL ay naging tanyag sa buong Pilipinas kahit hindi naman
lahat ay nagsasalita ng wikang Kankanaey.
 Ang BALUT at ADOBO ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng Pilipinas sa buong mundo lalo
na sa mga dayuhang dumarayo sa bansa.
 Alam nating ang PANSIT, LUMPIA, SIOPAO, at TOKWA ay mula sa kulturang Chinese
kahit na bahagi na ito ng kulinarya ng Pilipinas.
7.) Ang bawat wika ay naisusulat

Kung naisasalita ang wika, kailangan ay naisusulat din ito. Kadikit ng mabisa at malinaw na anyo ng
impormasyon ay ang katangian nitong maisulat at mabigkas. Hindi naman kasi maaaring lahat ng
nangyayari ay pasalita lamang at tatandaan ng utak. Mas nagiging mahalaga ang isang pangyayari o
kaganapan kung maidodokumento ito. Sa pagsusulat din ng mahahalagang ganap gamit ang wika, mas
napapanatili nito ang saysay ng wika at salita mula sa isang bansa, bayan, o maliliit na yunit ng
pamayanan.

8.) Ang wika ay makapangyarihan

Makapangyarihan ang salita at wika. Kung nagagamit ito sa pakikipag-usap sa kapuwa, kaya rin
nitong tuligsain ang isang masamang gawi. Sa pamamagitan ng pasulat o pasalitang paraan ay
maaaring maiparating ang pagsalungat sa hindi wastong pamamamahala o pagturing sa isang tao.
Halimbawa nito ay ang mga ginagawang protesta ng mga militanteng grupo na hindi lamang umaasa
sa mga isinisigaw nila, kung hindi mayroon pang bitbit na mga plaka at karatula. Ang iba naman ay
sumsulat ng editoryal sa mga pahayagan o di kaya naman ay nagbubulalas ng kanilang mga
komentaryo sa mga programa sa telebisyon o radyo.

2. KAHALAGAHAN NG WIKA

Ngunit bago dumako sa pagtuklas sa katangian ng wika, marapat lamang na malaman ang
kahalagahan ng wika. Sa pag-alam ng kahalagahan nito, magkakaroon ng kabatiran na dapat
pagyamanin ang wika upang manatili itong bahagi ng ating araw-araw na pamumuhay.

Narito ang tatlong dahilan kung bakit mahalaga ang wika:

1. Ginagamit itong medium sa pakikipag-usap o komunikasyon. Pinakamabisang paraan ng


pakikipag-usap ang paggamit ng mga salita o wika. Mas naipakikita nito ang emosyon at mas
malinaw na naipapahayag ang saloobin.
2. Sumasalamin sa kultura at sa henerasyon. Sinasabing ang wika ay yaman ng isang bansa. Sa
paamagitan ng wika, nalalaman kung mula saan at paano nabubuhay ang isang nilalang. Sa
wikang ginagamit din nababatid ang kinabibilangang henerasyon ng isang tao. Sa paglipas
kasi ng panahon, nagbabago ang wika.
3. Mabisang instrument sa pagpapalaganap ng kaalaman. Ang diwa ng buhay ay ang matuto ng
mga bagay. At dahil sa wika, mas madali at mabisang naipalalaganap ang kaalaman sa
mundo, pasalita man o pasulat.
3. KAHALAGAHAN NG KULTURA

Ang Kahalagahan ng Kultura

Mahalaga ang isang kultura sapagkat ito ang nagbibigay ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o


grupo na kasapi sa isang komunidad o lipunan. Ang bawat kultura mayroon ang mga pangkat o grupo
ay natatangi sa iba pang pangkat. Ibig sabihin, ang kultura ay isang kayamanan na mayroon ang isang
pangkat na sila lang ang mayroon. Ang kultura ng isang pangkat o grupo ng mga tao ay sumasalamin
sa mayaman nila na kaugalian, tradisyon, selebrasyon, kagamitan at maging kasabihan noong unang
panahon na iningatan hanggang sa ngayon

Ang pagpreserba sa pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ay mahalaga dahil ang mga ito
ang nagbibigay kulay sa yamang kultural ng isang bansa. Natatangi o bukod-tangi ito sa ibang mga
bansa. Kadalasan, isa ito sa mga rason kung bakit dinadayo ang isang bansa. At ang ganitong mga
pangyayari ay lubos na nakakatulong sa ekonomiya ng isang bansa.

Kaya, nararapat lamang na bigyan ng importansya ang kultura sapagkat ang mga ito ay sumasalamin
sa kayamanan meron ang isang pangkat o grupo. Kayamanan na hindi lamang materyal kung hindi ay
maging ang mga kaugalian, tradisyon na patuloy parin na pinapakita at ginagawa hanggang ngayon.

PAUNANG PAGSUBOK
1. C
2. C
3. D
4. B
5. A

MGA GAWAIN
1. Wika ang ginagamit natins sa pakikipagtalastasan, dahil ditto ay napaparating natin o
nailalahad natin an gating saloobin at naiisi. Sa pamamagitan din nito ay madali nating
nalalaman ang gusto iparating n gating kapwa. Nagkakaunawan atayo sa pamamagitan ng
WikaMahalaga ito sapagkad ito ang nag bubuklod sa bawat tao di lang sa ating bansa, gayun
din sa ibaIto ang kaluluwa ng bansa at sumasalamin sa ating lipunan at siyang sunmasagisag
sa ating bansa at siyang nagiging susis a pagkabuklod buklod ng mfa mamamayan

2. wlaang wika kung walang bansa, at walang bansa kung walang wika, dahil hindi matatawag
na bansa ang isang lugar kung wlang wika at hindi matatawag na wika ang wika kung kung
hindi galing sa isang bansa

3. Dahil ang wika at kultura ang siyang tumutulong sa atin upang malaman ng ibang lahi o
bansa ang ating kasaysayan at ang ating pagiging malikhain pag dating sa mga bagay bagay.

MGA TANONG NA SASAGUTIN

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

PAGPAPAHALAGA
1 Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar. Sa
lugar na ito, gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa wikang ito
naipahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas, kaugalian,
pagpapahalaga

1. Oo, sapagkat kung alam natin ang ugnayan ng wika at kultura, ay hindi mawawala sa ating isip
na tayoy mga Pilipino saan man tayo mapadpad, sa pamamgitan din nito ay mapapaunlad natin
an gating wika at kultura na siyang sumasalamin sa ating bansa

MODYUL-2

1. iba't ibang uri ng lipunan:

1. Hunting-Gathering societies

*Sila ang pinakaunang lipunan ng tao

*Pinakamaliit na sukat (mga banda ng pamilya)

*Karamihan sa mga oras ay ginagamit sa paghahanap ng pagkain

2. Horticultural societies

*Simula ng domestication ng mga halaman at hayop

*Semi-nomadic

*Ang produksyon ng pagkain ay isang pangunahing panlipunang pagsisikap

*Ang dibisyon ng paggawa ay nagbabago lalo na sa kasarian

3. Agrarian societies

*Binuo ang malakihang agrikultura

*Malaking lipunan na may malalaking lungsod

*Lipunan na Multiethnic

*Malaking dibisyon ng paggawa


*Mga tungkulin sa teknolohiya ng pagsasaka

4. Industrial societies

*Advanced na teknolohiya sa maraming larangan

*Mas mababa sa 10% ng populasyon ang kasangkot sa produksyon ng pagkain

5. Post-industrial societies- ang yugto ng pag-unlad ng lipunan kapag ang sektor ng serbisyo ay
lumilikha ng higit na kayamanan kaysa sa sektor ng pagmamanupaktura ng ekonomiya.

2. Iba’t-ibang Uri ng Ideolohiya (Mga halimbawa)


Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng Ideolohiyang lumaganap sa daigdig.

1. Kapitalismo – Ito ay sistemang pangkabuhayan kung saan mas makapangyarihan ang mga
pribadong mangangalakal kaysa pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng isang bansa.
2. Monarkiya – Isang pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa iisang tao lamang. Sa
pamahalaang ito, hari o reyna ang namumuno.
3. Demokrasya – Sa ideolohiyang ito, ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan.
Ang mga nasasakupan ay may karapatang magsalita laban sa gobyerno at magtalaga ng bagong
mamumuno sa pamamagitan ng botohan.
4. Totalitaryanismo – Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng mga
taong makapangyarihan. Ang lahat ng desisyon, usapan at kilos ng tao sa isang bansa ay hawak ng
pamahalaan.
5. Awtoritaryanismo – Uri ng pamahalaan kung saan ang taong namumuno ay
pinakamakapangyarihan sa lahat. Kalimitang tinatawag din na diktador ang taong namumuno dito.
6. Sosyalismo – Isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay hawak ng
iisang grupo ng tao lamang. Ang layunin nito ay magkaroon ng pagkakaisa at magkaroon ng
pantay na distribusyon ng yaman ang mga nasasakupan.

2. Mahalaga ang Ideolohiya Sapagkat nandito ang mga Bagay na pinaniniwalaan mo. Nandito ang
Bagay na pinaglalaban ng bansa na ninanais ng mga Mamamayan nito.

Mahalaga ang pagaaral ng Lipunan dahil Ito ang tumutulong upang mapanatili ang kaunlaran ng
bansa. Kung wala ang pangkat ng tao na gumagawa o kumikilos para sa ikauunlad ng isang bansa ay
wala din ang isang bansa. Mananatili lamang itong lugmok sa kahirapan. Kung wala ang lipunan
maaring hindi din magkakaunawaan ang bawat isa at wala ding magandang ugnayan ang mga tao sa
kapwa nila tao.

MGA KAKAILANGANING KAHANDAANG ASAL


1. Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga
huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga
institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. Mas
malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo
ng isang magkakaibang maraming tao.

2. Hunting-Gathering Societies
Holticultural societies
Agrarian Societies
Industrial Societies
Post-Industrial Societies

3 Kapitalismo 
Monarkiya
Demokrasya
otalitaryanismo 
Awtoritaryanismo
Sosyalism0

4. OO, Mahala itong pagaralan sapagkat Ang kahalagahan ng lipunan ay higit pa sa


kahalagahan ng yaman o anumang salapi ito ay isang grupo ng tao kung saan nagtutulong
tulong ang mga tao. Dito rin nila nakikita ang kanilang mga pangangailangan sa buhay at siyang
nagsisilbing daan upang tayo ay magkaroon ng matalinong pagpapasya sa lahat ng gawain

PAUNANG PAGSUBOK
1. 1.A
2. 2.A
3. 3.A
4. 4.B
5. 5.B
MGA DAPAT GAWIN
1. Ang lipunan ay binubuo ng mamamayan at ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-
samang naninirahan sa isang komunidad.
2. Isa itong grupo ng mga tao o mamamayan na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa
mga huwaranng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na binabahagian ng iba’t ibang
kultura at mga institusyon
3. Lipunang Katutubo na nahahati sa tatlo ang maharlika, timawa at alipin
4. Naipamamalas ang  malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa rehiyong Asya sa
mayamang katangian at  kakayahan ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan nito at sa
ibat -ibang larangan  ng buhay Asyano ( pampulitika, pang-ekonomiya, pampamahalaan, at
uganayan sa  
pagitan ng rehiyon ) mula sa sinaunang kabihasnan patungo sa mga kasalukuyanglipunan
bansa tungo sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.lipunan at bansa tungo sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano
5. Ang Wikang Filipino ay tanda ng matibay na tali na nagbibigkis sa bawat Pilipino. Isang
pintong bukas sa kaunlaran para sa makabagong lipunan. Tunay na sandalan hindi lamang
ng kapuluan kundi ng iba’t ibang larangan na talaga namang makatutulong sa pagsulong ng
bayan. Ang Wikang Filipino sa lipunang makabago ay isang patunay, na ang pamana ng
kahapon ay susi ng kaunlaran ng sa ngayon.
6. Ito ay tumutukoy sa pananaw o pagpapahalaga sa wika na maaaring
mahiwatigan sa iba'tibang kontekstong paggamit sa wika. Rebyung Kaugnay na Pag-aaral.
7. Ang ideolohiyang pang wika ay ang mga ediya o kaisipan. Ito ay sistema ng
mga ediya na naglalayong maipaliwanag ang daigdig at mga pagbabago dito.
Maituturing din itong pamantayan at gabay ng mga pinuno kung paano nila
pamamahalaan ang kanilang nasasakupan.
8. Ito ay may iba’t-ibang ideolohiyang lumaganap sa Pilipinas tinatawang itong
demokrasya, komunismo at sosyalismo.

9. ang ideolohiyang pangkabuhayan o pang-ekonomiko ay tumutukoy sa mga


pamantayan may kinalaman sa pangkabuhayan ng bansa at sa paraan ng
paghahati hati ng mga kayamanan nito sa mga mamamayan.

10. Ito ang nagsisilbing kaisipan, pamuntunan o pundasyon ng sistemang pang-


ekonomiya at pampolitikal na bansa.

11. Ang demokrasya, sa literal na kahulugan, ay ang pamamahala ng mga tao


(mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala").
Nasa gitna ng iba't ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na
ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga tao", ngunit may
mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at
awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at
hindi nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang
ginagamit sa kadalasan ang katagang demokrasya sa konteksto ng isang
pampolitika na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng
pamamahala.

12. Mahalaga ang lipunan para sa ating mga tao. Ang isa sa kahalagahan ng
lipunan ay nagsisilbi itong tirahan para sa atin. Bilang isang indibidwal,
nagsisilbi itong tirahan sapagkat tayo ay natututong makihalubilo sa iba pang
mga miyembro nito. Sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa iba, nahuhubog at
napapaunlad nito ang ating pagkatao.

13. ang isang maunlad na lipunan ay isang komunidad na may kalayaan at may
kakayahan na mamahala sa sarili nito. Ito ang komunidad kung saan
makakamit ng mga tao ang kanilang maga karapatan at pangangailangan.Sa
maunlad na lipunan lahat ng mga tao ay nagtutulong-tulong upang itaguyod
ang kapayapaan at katiwasayan ng pamumuhay.

MGA TANONG NA SASAGUTIN

1. ang layunin ng lipunan ay magtulungan at mag kaisa para makamit ang


mithiing kabutihan para sa lahat.
2. ang pamayanan o komunidad ay isang yunit panlipunan na may
pagkakapareho tulad ng mga pamantayan, relihiyon, halaga, kaugalian, o
pagkakakilanlan. Ang mga pamayanan ay maaaring magbahagi ng isang
pakiramdam ng lugar na matatagpuan sa isang naibigay na lugar na
pangheograpiya o sa virtual space sa pamamagitan ng mga platform ng
komunikasyon.

3. MAPABUTI AT MAPANUNLAD ANG LIPUNAN

Ang pangunahing layunin ng lipunan ay mapabuti at mapaunlad ang


kalagayan ng bawat mamamayan upang matamo ang kabutigang
panlahat

Ang tunay na layunin ng lipunan ay ang Kabutihang panlahat

Ito ay ang kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa Lipunan

Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa


kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.

Tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, sa Likas na Batas Moral.

4. ang mga katangian ng maayos na lipunan ay nagtutulungan sa bawat isa,


may matiwasay at tahimik na pamumuhay, walang gulong nagaganap at
malinis ang kapaligiran

5. Ang lipunan ay isang grupo ng mga tao na binibigyan ng katangian. Ito rin


ay ang mga pangkat ng tao na nagkakaisa. Ang kultura ay nagpasalin salin
ng mga kaugalian, tradisyon, paniniwala, selebrasyon, kagamitan,
kasabihan at pamumuhay ng mga tao sa iisang lugar

6. Ang pinakamahalagang sangkap ng isang bansa ay ang ideolohiya nito


sapagkat sa tulong nito magkakaroon ng batayan ang isang estado
kung papaano niya papasunurin ang lahat ng mga mamamayan na
kanyang nasasakupan. Maging ang mga batas na maaari niyang ipatupad
dito ay base sa kanyang paniniwala at pagtingin sa kung anong paraan
ang nararapat upang mapaganda ang takbo ng isang bansa. Ito man ay sa
ekonomiya, politikal, atbp aspekto ng pamahalaan.

7. Pamantayang sinusunod ng mga mamamayan • Pwersang nagpapakilos


sa kanila bilang isang bansa • Ideolohiya – salitang ugat na idea o kaisipan
na tuwirang sinusunod ng mga tao • Lipon ng mga kaisipang
pinaniniwalaan at pinanghahawakan ng maraming tao na kumikilos ayon
sa mga ideya, simulain, prinsipyo o paniniwala na napapaloob ditto
8. 1. Ideolohiyang Pangkabuhayan 
2.  Ideolohiyang Pampulitika 
3. Ideolohiyang Panlipunan

9. Ito ang nagsisilbing kaisipan, pamuntunan o pundasyon ng sistemang


pang-ekonomiya at pampolitikal na bansa.

10. Ito ay tumutukoy sa pananaw o pagpapahalaga sa wika na maaaring


mahiwatigan sa iba'tibang kontekstong paggamit sa wika. Rebyung Kaugnay na Pag-
aaral.

11.

You might also like