You are on page 1of 2

PANUTO: Suriin ang sosyo-pulitikal na gamit ng wika mula sa

maikling sipi ng talumpati ni dating pangulong Manuel L.


Quezon sa paglikha ng Pambansang Wika.

(…) Sa kanyang makabayang pagsisikap na maitaguyod ang


nasyonalismong Pilipino ay inilagay ni Rizal sa bibig ni Simon, sa
pakikipag-usap kay Basilio, ang sumusunod na kataga, “Ang Kastila ay
hindi kailan man magiging wikang pangkalahatan ng bansa; ang baya’y hindi
kailan man magsasalita nito. Bawa’t bayan ay may sariling wika gaya ng
pagkakaroon niya ng sariling pag-iisip. Pinagpipilitan ninyong mabuti
na hubdan ang sarili ng angking katauhan bilang isang bayan; nalilimutan
ninyo na habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika ay
taglay niya ang isang tanda ng kanyang kalayaan, gaya rin ng pagtataglay
ng kalayaan ng isang tao habang pinangangalagaan niya ang kanyang
sariling laya ng pag-iisip. Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga
kaisipan at mithiin ng isang bayan.”

Kaya, sa pagpapasiyang mapagtibay ng isang wikang pambansa na pinili sa


iba’t ibang wikang sinasalita sa Pilipinas at lalo na sa Tagalog na hindi
lamang siyang katutubong. wika ni Rizal kundi siya ring pinakamaunlad
sa lahat ng wikang umiiral sa bansa, ay isinasakatuparan lamang natin
ang isa sa mga mithiin ng ating bayani bilang paraan ng pagbuo at
pagpapalakas sa ating pagkakaisa.

Sa loob ng mahigit na tatlong daang taon ng kapangyarihan ng Espanya sa


Pilipinas, ang Kastila ay siyang wikang opisyal, gayon man, nang
mapasakamay at pamahalaan ng Estados Unidos ang Kapuluang ito, ang
Kastila ay hindi naging wikang panlahat sa ating bayan. Sa pagkakatatag
ng pamamahalang Amerikano, ang Ingles ay siyang naging wikang opisyal
dito sa atin; nguni’t sa kabila ng pangyayaring ang Ingles ay itinuturo
na sa lahat ng paaralang bayan natin sa loob ng mahigpit na isang
henerasyon, ito’y hindi naging wika ng ating bayan. Sa kasalukuya’y
walang isang wika na sinasalita at nauunawaan ng lahat ng Pilipino, ni
ng nakararami sa kanila, bagay na nagpapatunay lamang na samantalang ang
pagtuturo ng isang wikang dayuha’y maaaring ipag-utos sa isang bayan,
hindi naman maaari kailan man na mapalitan ng wikang iyan ang katutubong
wika bilang kasangkapan ng bansa sa pagpapahayag. Ang dahilan, wika nga
ni Rizal, ay sapagka’t ang pag-iisip ng bansa ay nag-uugat sa isang
wikang panlahat na umuunlad at sumisibol na kaalinsabay ng pagkasulong
ng bansa. Maaari nating hiramin sa loob ng isang panahon ang wika ng
ibang bayan, nguni’t hindi tayo tunay na makapag-aangkin ng isang wikang
pambansa maliban sa pamamagitan ng pagpapatibay, pagpapaunlad at
paggamit ng isang wika na sariling atin.

Kalabisan na sa aking ilarawan pa kung gaano kahalaga sa ating bayan ang


pagkakaroon ng isang wika na magagamit ng lahat sa kanilang pag-uusap
araw-araw. Hindi maaaring Ingles o Kastila, maliban na lamang marahil,
kung bagaman, kung makaraan na ang maraming henerasyon at sa napakalaking
gugol. Hindi tayo makapaghihintay ng ganoon katagal. Dapat na sa lalong
madaling panahon ay makapag-usap tayo nang tuwiran sa pamamagitan ng

Sipi mula sa: https://www.officialgazette.gov.ph/1937/12/30/speech-of-president-quezon-announcing-the-creation-of-a-


national-language-december-30-1937/?fbclid=IwAR0W6aBdri6uKn3nUBUQAzmE4dKxhctpG2JOIc-4Te0dikgZxH4xRs6G3Fg
iisang wika. Kailangan natin ang kanyang lakas upang lubusang mabigkis
tayo sa iisang pagka-bansa na malakas at matibay. Makapagbibigay ito ng
inspirasyon at sigla sa ating kilusang bayan at magdudulot sa ating
pagka-bansa ng isang bagong kahulugan na hindi natin kailan man
naipahayag nang sapat at lubusan. Bilang Pangulo ng Pilipinas, di
miminsa’t mamakalawang nadama ko ang malaking kahihiyan na magsalita sa
mga tao sa pamamagitan ng isang interprete doon sa mga lalawigan ng
Kapuluan na ang wikang ginagamit ay Ilokano, o kaya’y Bisaya, Kapampangan
o Bikol.

Ang pagkakaroon natin ng sariling wikang pambansa ay hindi


nangangahulugang tatalikdan natin sa ating mga paaralan ang paggamit o
pag-aaral ng wikang Kastila, lalo na ng Ingles, na sa ilalim ng ating
Saligang-batas, ay siyang batayan ng ng pagtuturo sa paaralang primarya.
Pangangalagaan ng wikang Kastila para sa atin ang ating kalinangang Latin
at siya nating magiging kasangkapan sa pakikipag-ugnayan sa ating dating
inang lunsod gayon din sa Amerika Latina; ang Ingles, dakilang wika ng
demokrasya, ay siyang mag-uugnay sa atin magpakailan man sa mga mamamayan
ng Estados Unidos at magdudulot sa atin ng mga karunungang nakasulat at
iniingatan sa wikang ito.

Nagkaroon ng panahon na tila hindi maaari sa mga Pilipino na pagkasunduan


nilang ang isa sa mga katutubong wika ay piliin na maging wikang
pambansa, nguni’t sa wakas ay napakilala nating lahat na kung ang isang
wikang dayuhan ay matatanggap natin para maging wikang opisyal ng
Pilipinas, lalong matuwid namang dapat nating tanggapin ang isa sa mga
wikang katutubo natin upang maging wikang pambansa nitong ating bayan.
Hindi sa pagbibigay ng lagpas na pagpapahalaga sa tungkuling ginagampanan
ng isang wikang panlahat sa buhay ng isang bayan, maaaring banggitin
natin ang katotohanan na sa Silangan ang kaisa-isang bansang nakagawa
ng pinaka-malaking pagkasulong at nakasapit sa isang mataas ng kala-
gayan sa angkan ng mga bansa, ay ang tanging bansang may isang wikang
panlahat—ang Hapon. At ang alin pa mang ibang bansa na nakapagtamo ng
pagka-bansa at sa kapang-yarihan, maging sa lupalop ng Amerika at sa
Europa, at maging sa Aprika, ay bansang may isang wika na pambansa at
panlahat.

Ngayong araw na ito, sa pagpapatibay sa Tagalog bilang saligan ng wikang


pambansa ng Pilipinas, ay naisakatuparan natin ang isa sa pinakamimithing
pangarap ni Rizal.

Wala nang lalong mabuting paraan ng pagpaparangal natin sa banal niyang


alaala sa anibersaryong ito ng kanyang pag-papakasakit sa kapakanan ng
ating malayang pagkabansa.

Hinahangad ko para sa inyong lahat ang isang Maligayang Bagong Taon.

Sipi mula sa: https://www.officialgazette.gov.ph/1937/12/30/speech-of-president-quezon-announcing-the-creation-of-a-


national-language-december-30-1937/?fbclid=IwAR0W6aBdri6uKn3nUBUQAzmE4dKxhctpG2JOIc-4Te0dikgZxH4xRs6G3Fg

You might also like