You are on page 1of 10

Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino

ni Dir. Hen. Roberto T. Añonuevo

Nauungkat lamang muli ang usapin sa wikang Filipino kapag pinagmasdan ang pinakabagong dalawampung pisong papel
na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Nakasaad doon ang “Filipino as the National Language 1935” ngunit itinatanong
ng ilan ang katumpakan ng gayong pahayag.
Hindi totoong noong 1935 nilagdaan ang batas at umiral ang Filipino bilang wikang pambansa. Sa bisa ng Saligang Batas
ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika” (akin ang diin). Ibig sabihin, wala pa noong ahensiya ng pamahalaan na mangangasiwa
o magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika. At wala pa ring napipili noong 1935 kung aling
katutubong wika ang magiging batayan ng pambansang wika.
Mababatid lamang ang halaga ng pambansang wika kapag isinaalang-alang na ang Espanyol at Ingles noon ay umiiral
bilang mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Ang siniping probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga
delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal na hindi Tagalog. Kabilang sa pangkat sina Felipe R. Jose (Mountain Province),
Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto
Romualdez (Leyte). Si Romualdez na dating batikang mahistrado ang sumulat ng Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag
ng Surian ng Wikang Pambansa.
Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na
dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang
sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na mag-aaral ng mga diyalekto sa
pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na
wika.” Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na
pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang napili. At pinili ang
Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte), at kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A.
Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu
(Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming
bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at
manunulat.” Hindi nakaganap ng tungkulin si Sotto dahil sa kapansanan; samantalang si Butu ay namatay nang di-
inaasahan.
Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog
“bilang batayan ng wikang pambansa ng Filipinas.” Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng
dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940. Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang pagbubuo at
pagpapalathala ng A TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng Wikang Pambansa. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea
ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7 Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National
Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946. Gayunman, noong 1942 ay inihayag ng
Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas [Philippine Executive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda
na ang kapuwa Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Nagwakas ang gayong
ordinansa nang lumaya ang Filipinas sa pananakop ng Hapon. At muling ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa mga
transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at negosyo. At upang matupad ang mithing Pambansang Wikang Filipino, sari-
saring seminar ang idinaos noong panahon ng panunungkulan ni Lope K. Santos sa SWP (1941–1946). Halimbawa,
iminungkahi ang paglalaan ng pitak o seksiyon para sa wikang pambansa sa mga pahayagang pampaaralan nang
masanay magsulat ang mga estudyante. Pinasimulan noong panunungkulan ni Julian Cruz Balmaseda ang Diksiyonaryong
Tagalog. Lumikha ng mga talasalitaan sa mga espesyalisadong larang ang termino ni Cirio H. Panganiban, halimbawa sa
batas, aritmetika, at heometriya. Isinalin sa wikang Filipino ang pambansang awit nang ilang beses bago naging opisyal
noong 1956, at binuo ang Panatang Makabayan noong 1950. Ipinatupad ang Linggo ng Wika, at inilipat ang petsa ng
pagdiriwang mulang Marso tungong Agosto. Itinampok ang lingguwistikang pag-aaral sa wikang pambansa at mga
katutubong wika sa Filipinas noong panahon ni Cecilio Lopez. Pagsapit sa termino ni Jose Villa Panganiban ay isinagawa
ang mga palihan sa korespondensiya opisyal sa wikang pambansa. Nailathala ang English-Tagalog Dictionary; at
pagkaraan ay tesawro-diksiyonaryo. Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto
1959, na tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa.” Ang “Pilipino” na ibinatay nang malaki sa Tagalog ay maghuhunos
na “Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 “na linangin, paunlarin, at pagtibayin ang Filipino alinsunod sa
umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita mula sa mga dayuhang wika.”
Sa panahon ni Ponciano B.P. Pineda, ang SWP ay nagbunsod ng mga pananaliksik na may kaugnayan sa sosyo-
lingguwistika, bukod sa pagpapalakas ng patakarang bilingguwal sa edukasyon. Naipalathala ang mga panitikan at salin
para kapuwa mapalakas ang Pilipino at iba pang katutubong wika.
Noong 1986, pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986, at sa naturang batas din kinilalang
ang pambansang wika ng Filipinas ay “Filipino.” Kung paniniwalaan ang nasabing batas, “habang nililinang ang Filipino ay
dapat itong payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang
wika.”
Ano ang maaaring ipakahulugan nito? Na ang “Filipino” ay nangangailangan ng isang ahensiyang pangwika na
magtataguyod sa naturang simulain. Ang “Filipino” ay hindi na ang “Pambansang Wika” na nakabatay lamang nang malaki
sa Tagalog, bagkus idiniin ang pangangailangang payabungin ito sa tulong ng mga panrehiyong wika sa Filipinas, bukod pa
ang tinatanggap na mga salita sa ibang internasyonal na wika. At upang “mapayabong” ang pambansang wika ay
kinakailangan ang isang institusyong pampananaliksik, na may mandatong higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika.
Kaya naman sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino nalikha ang Linangan
ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na sa pumalit sa SWP. Malulusaw pagkaraan ang LWP nang pagtibayin at pairalin ang
Saligang Batas ng 1987 dahil iniaatas nito ang pagtatatag ng isang komisyon ng pambansang wika. Naisakatuparan ito
nang maipasa ang Batas Republika 7104 noong 14 Agosto 1991, na nagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Kailangan ang KWF dahil ito ang ahensiyang makapagmumungkahi ng mga hakbang, plano, patakaran, at gawain hinggil
sa mga wika, lalo na sa paggamit ng Filipino bilang pambansang wika. Maihahalimbawa ang kasong isinampa ni Inocencio
V. Ferrer noong 1965 laban kay Direktor J.V. Panganiban at mga kagawad ng SWP; o kaya’y ang kasong isinakdal ng
Madyaas Pro-Hiligaynon Society laban sa SWP upang pigilin itong isakatuparan ang gawaing bumuo ng pasiyang
pangwika na labag umano sa Saligang Batas. Nagwagi ang panig ng SWP na kinatigan ng korte, at sinabing may batayang
legal ang pag-iral ng nasabing tanggapan, bukod sa kinilalang ang “pagdalisay” at “pagpapayaman” ng katutubong wika
[i.e., pagpapakahulugan at talasalitaan] ay kaugnay ng proseso ng “pagtanggap” o “pag-angkin” ng mga salita o
impluwensiya mula sa banyagang wika na siyang magpapatunay na ang Filipino ay buháy na wika.
Higit pa rito, inilantad ng nasabing mga usapin ang pangangailangang paghusayin ang paglinang at pagpapaunlad ng wika,
sagutin punto por punto ang mga argumento ng gaya ni Geruncio Lacuesta laban sa tinawag niyang “Manila Lingua
Franca,” alinsunod sa matalinong paraang nakasandig sa masusing pag-aaral at pananaliksik. Dapat lamang linawin dito na
ang pagiging pambansang wika ay hindi lamang nakatuon sa rehiyon ng Katagalugan, kahit pa sabihing ginawang batayan
ang Tagalog sa pagbuo ng pambansang wika. Ang Filipino, na patuloy na nilalahukan ng mga salita mula sa iba’t ibang
wikang panrehiyon at pandaigdigan, ay sumasailalim sa ebolusyong hindi lamang limitado sa gramatika at palaugnayan
kundi maging sa mga pahiwatig at pakahulugan. Ginagamit na ang Filipino hindi lamang sa panitikan o sa Araling
Panlipunan, bagkus maging sa pagpapaliwanag ng agham at teknolohiya, inhinyeriya at medisina, batas at matematika, at
iba pang larang. Bagaman ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) ay nagpalabas ng bagong kautusan hinggil sa
pagsasakatuparan ng Edukasyong Multilingguwal, ang nasabing patakaran ay hindi basta-basta maipatutupad hangga’t
hindi nababago ang Saligang Batas. Kinakailangang baguhin muna ang probisyon ng Saligang Batas hinggil sa
bilingguwalismo na nagsasaad na tanging Filipino at Ingles ang “mga opisyal na wika sa komunikasyon at pagtuturo,” at
ang KWF ay malaki ang tungkulin sa pagpili kung aling hakbang ang makabubuti sa pagsusulong ng anumang panukalang
polisiya hinggil sa wika.
Maselang bagay ang pagbabago ng mga polisiya, kaya naman dapat ding maging maingat ang Pangulo kung sino-sino ang
itatalaga sa Lupon ng mga Komisyoner ng KWF. Anumang mungkahing patakaran o programang pangwika ang imungkahi
ng lupon, at siyang sang-ayunan ng Pangulo alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas, ang iiral at dapat ipatupad sa
buong kapuluan.
Ang kasaysayan ng KWF ay kasaysayan din ng pagpupundar ng pambansang wikang Filipino. Tuwing babalikan ang
pinag-ugatan ng KWF, matutuklasan ang salimuot ng politika at pakikibaka laban o pabor sa Filipino. Gayunman,
napatunayan ng Filipino na kaya itong tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon, dahil ang
komposisyon ng Filipino ay hindi nalalayo sa naturang wika, kompara sa Ingles na sa kabilang polo nagmumula.
Mga Probisyong Pangwika Saligang Batas
Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.
Saligang Batas ng 1935 Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang
Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.
Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na
adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawagingFilipino.
Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA
SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic, at Kastila.
SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t-
ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA
Disyembre 30, 1937 – iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang
proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.
1940 – ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan
at sa mga pribadong institusyong pasanayang pangguro sa buong bansa.
Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang Asambleya noong Hunyo 7,
1940 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
1959 – ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 nanagsasaad na ang
Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o
“Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.
1987 – Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na nagtatadhanang “ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-halong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y may
nucleus, ang Pilipino o Tagalog.
EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO
Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng
14 katinig at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
1940 – binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y.
Oktubre 4,1971 – pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na binubuo ng 31 letra: a, b, c, ch, d, e, f,
g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y, z
Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i,
j, k, I, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z
2001 – muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa
pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong
karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z. Oktubre 9, 2006 – sa kahilingan ng KWF, ang DepEd ay
nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”.
Agosto, 2007 – inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa.
Mayo 20, 2008 – inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.
MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN, AT TUNGKULIN NG KWF
 magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad,
pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;
 magpalaganap ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga patakaran, mga
plano at mga programa nito;
 magsagawa o makipagkontrata sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang ebolusyon,
pagpapaunlad, pagpapayaman at sa dakong huliý istandardisasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.
Saklaw nito ang pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng paglalakip nito mula sa multilinggwal na
diksyunaryo o ng mga salita, mga parirala, mga idyom, mga koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika na sa
kasalukuyan ay karaniwang ginagamit o nakasama na sa lingua franca;
 magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga anyuing lingguwistiko at mga ekspresyon sa lahat ng
opisyal na mga komunikasyon, publikasyon, teksbuk, at iba pang materyales sa pagbasa at pagtuturo;
 ganyakin at itaguyod – sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant at award ang pagsulat at
paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga obrang orihinal, pati na mga teksbuk at mga
materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina;
 lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasalingwika na gaganyak sa pamamagitan ng mga
insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng
mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng mga grupong etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at
iba pang mga aktang lehislatibo, executive issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga
dokumentong opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina at iba pang mga
dayuhang materyales na maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin;
 tawagan ang alin mang department, byuru, opisina, ahensya o alin mang kasangkapan ng pamahalaan o pribadong
entidad, institusyon o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, mga tungkulin at
mga pananagutan nito;
 mangasiwa, sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal, ng mga pagdinig publiko, mga komperensya, mga seminar at iba
pang mga talakayang panggrupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may
kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;
 bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa pagmomonitor at pagrereport
ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal; at isumite sa Tanggapan ng Pangulo at sa
Kongreso ang taunang progress report tungkol sa implementasyon ng mga patakaran, mga plano at mga
programa;
 humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga empleado nito at ng iba
pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang pagganap ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan
nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang kadahilanan;
 organisahin at reorganisahin ang istruktura ng Komisyon, lumikha o bumuwag ng mga posisyon, o magpalit ng
designasyon ng umiiral na mga posisyon upang matugunan ang nagbabagong mga kondisyon o kailanman at
dumarating ang pangangailangan, sa pasubali, na ang naturang mga pagbabago ay hindi makaaapekto sa istatus
ng mga nasa puwesto, ibaba ang kanilang mga ranggo, bawasan ang kanilang mga sahod o magresulta sa
kanilang pagkatiwalag sa serbisyo;
 gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan sa unahan na mga
kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.

Kasaysayan ng Wikang Filipino


Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito nagsimula bilang Tagalog
(kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na. Isang arkipelago ang
Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay
nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat
na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang
literatura ng Filipinas." Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng
wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo
sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-
aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin
na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng
komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."
Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog
ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong
Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa." Noong
1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa
pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang
pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si
Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na
tawag sa wikang pambansa. Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand
Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang
batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." Noong panahon naman ng
Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon
noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika." Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay
nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga letra na f, j, q, v, at z. Dahil dito, ang
dapat na maging baybay ng pangalan ng ating bansa ay Filipinas at ng pambansang wika ay Filipino, gaya ng
ipinanukala ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura Virgilio Almario sa kaniyang librong Filipino
ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa. Tama rin na
isama ang mga letrang tulad ng f at v
kung gusto nating makapag-ambag talaga ang mga wikang katutubo sa wikang pambansa. Halaw ang mga ito sa
mga magagandang wika ng mga Ivatan, Ifugaw, at Manuvu na katutubong grupo sa bansa. - John Iremil E.
Teodor

Si Manuel L. Quezon ay ang tinuturing “Ama ng Wikang Filipino” sapagkat sa kanyang


pamumuno nagsimula ang pagbuo ng Wikang Pambansa. Sinabi niya na ang mga mamamayang may
isang nasyonalidad at isang estado ay nararapat na magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan
ng lahat.
Ito ang mga pangyayaring naganap bago tuluyang naging Filipino ang ating pambansang wika:
1. 1935 Konstitusyon  Artikulo 14, Seksiyon 3: “Hangga’t hindi ng iba ang batas, ang Ingles at
Kastila ang patuloy na gagamiting opisyal”
2. Nobyembre 13, 1936: Itinatag ng Batasang Pambansa Blg. 184 ang Suriang Wikang
Pambansa (SWP). Pinili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
3. Hunyo 7, 1940: Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 na
kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas.
4. Agosto 3, 1959: Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong na
tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa.”
5. 1973 Konstitusyon Artikulo 15, Seksiyon 2 at 3: “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang
Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga
wikang opisyal ng Pilipinas."
6. 1986: Pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986, at sa naturang
batas din kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay “Filipino.
7. 1987 Konstitusyon (Panahon ng Rebolusyonaryong Gobyerno: Pangulong Corazon C.
Aquino): Binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6
na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
8. Mayo 12, 2015: Iginigiit ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na gamitin ang "Filipino," sa
halip na "Pilipino," sa pagtukoy, hindi lang sa pambansang wika, kundi pati sa "tao at kultura
ng Filipinas."
Surian ng Wikang Pambansa
 Si Norberto Romualdez ay ang dating batikang mahistrado na sumulat ng Batas Komonwelt
Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Tinakdaan siya na magsaliksik, mag-
aral, magpasiya kung aling wikang katutubo ng Pilipinas ang dapat maging batayan ng wikang
pambansa, at bumuo ng isang diksiyonaryo at gramatika at iba pang patnubay para sa
paggamit at pagtuturo ng wikang pambansa.
Kung Bakit Naging Pilipino ang Tagalog
 Ito ang nirekomenda ng Committee on Official Language ng Kumbensiyong Konstitusyonal.
 Sinabi rin ni Najib Mitry Saleeby na ang wikang Tagalog ay may kahigitan kaysa sa mga ibang
katutubong wika, sa kadakilaan at kaunlaran ng wikang ito. Malaki din ang relasyon nito sa
sentro ng kalakalan ng bansa at sa mga pabansang bayani.
 Hindi sumangayon ang mga ibang delegado galing sa iba’t ibang rehiyon sa mabilisang pagpili
ng wikang Tagalog bilang batayan ng wikang Pilipino at natalo ang mga sumangayon sa
wikang Tagalog sa botohan.
 Noong taong 1939 pinili ang wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa alinsunod sa
atas ng 1935 Konstitusyon. at tinawag itong ‘Pilipino’ sa bisa ng atas pangkagawaran ni
Kalihim Jose E. Romero noong 13 Agosto 1959, na inilabas para sa nalalapit na Linggo ng
Wika.
Pagkakaiba ng Pilipino at Tagalog
 Dahilan ng Pagkakaiba: Ang Tagalog ay ang wikang katutubo ng mga Tagalog at hinirang
noong 1939 na maging batayan ng wikang pambansa alinsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon.
Ang Pilipino ay pangalang itinawag sa nabuong wikang pambansa sa bisa ng atas
pangkagawaran ni Kalihim Jose E. Romero noong 13 Agosto 1959
 Dahilan ng Kawalan ng Pagkakaiba: Ang wikang tinawag na Pilipino noong 1959 ay
nagtataglay pa rin ng mga katangian ng Tagalog. Kaya may mga akusasyon ng purismo, o
pagiging purong Tagalog ng wikang Filipino.
Kung Bakit Tinawag Na Wikang Filipino ang Wikang Pilipino
1. Nais nitong ihiwalay ang Wikang Pambansa sa batik na Tagalog ng “Pilipino.”
2. Nasa pangalan ng “Filipino” samakatuwid ang panukala noon at ngayon na mula sa batayang
Tagalog ay aktibong ilahok sa pag-unlad ng Wikang Pambansa ang mga wikang katutubo ng
Filipinas.
“In the process of its growth and diffusion, Tagalog will incorporate words from the other dialects,
and as it becomes more and more the language of the nation, it will become less and less the
dialect of Manila, dropping elements that are peculiarly local, and standardizing itself to meet
national need and to express national life and culture.”
(Trinidad A. Rojo, 1937)
 Buod: Ang Wikang Filipino ay mananatiling Tagalog sa ubod ngunit may mga matatawarang
halò mula sa mga wikang katutubo ng Filipino

Pagkakaiba ng Pilipino at Filipino


Pilipino
 Nakabatay lamang sa iisang dayalekto (Tagalog)
 Nagsisimula sa titik P sapagkat walang titik F ang abakada. (Walang tunog na F sa Tagalog.)
Filipino
 Bukod sa dayalektong Tagalog, kinakailangan din na ang lahat ng umiiral na mga dayalekto
at wika (Ingles, Kastila, Intsik at mga wikang katutubo) ay mabigyan na rin ng pagkakataon
na makisangkot at maging batayan sa pagpapaunlad at paglinang sa ating wikang pambansa,
ang wikang Filipino.

Kung Bakit Hindi Na Lang Halo-halo ng mga Wikang Katutubo ang Wikang Pambansa
 Ayon kay Geruncio Lacuesta, ang tinawag niyang “Filipino” o “Manila lingua franca” ay may
halo-halong salita mula sa iba’t ibang wika, lalo na sa Ingles, Espanyol, Ilokano, at kolokyal
na Tagalog Maynila. Nag-organisa si G. Lacuesta ng unang Anti-Purist Conference noong 22–
26 Oktubre 1966 at humatak ito ng mga kapanalig na kaaway ng SWP. Ang ikalawang
kumperensiya ay idinaos noong 13 Enero 1968 sa UP. Sa loob ng taóng iyon ay naitatag ang
Modernizing the Language Approach Movement (MOLAM).
 Ngunit ayon kay Rojo:
“We do not believe that anyone has any idea of how such a fusion is to be accomplished. We have
never seen a single concrete suggestion. It would be possible for a linguist familiar with Philippine
languages to evolve such a fused dialect, but we doubt if anyone would ever use it.”
 Mali ang pag-akusa ng purismo dahil hindi isinaalang-alang ng mga kaaway ng Pilipino na
hindi maaaring ganap na maiba ang isang wika sa naging batayang wika nitó.

Tungkulin ng mga Estudyante sa Paglinang ng Pambansang Wika


 Sa mga huling taon ng Dekada ‘60, umiral ang militanteng aktibismo ng mga estudyante
laban sa tinuturing na imperyalismong kultura.
 Aktibismo ng mga estudyante: mga samahang kagaya ng Kabataang Makabayan (KM) at
Samahan ng Demokratikong Kabataan (SDK) ay naglunsad ng mga protesta laban sa mga
“kaskla-suklam na kasunduan” sa pamamagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
 Wikang Pilipino ang ginamit noon sa mga pahayagan at pagwelga sapagkat naniniwala silang
ang paglaya natin sa wikang Ingles ay simula ng paglaya natin sa Estados Unidos.

Kasalukuyang mga Kontrobersiya sa KWF


 Naging kontrobersyal ang pagmungkahi ng KWF na palitan ng "Filipinas" ang kasalukuyang
pantukoy sa bansa na "Pilipinas" dahil sa maraming institusyon na ang naitatag gamit ang
"Pilipinas." Dahil nga pantukoy ito sa pangalan ng bansa at sa dami na rin ng institusyong
gumamit ng "Pilipinas," mangangailangan na ng batas para maipatupad ito.
 Bukod sa legalidad, ipinasok din ni Dr. Purificacion Delima, kagawad ng KWF, ang usapin ng
"consistency" sa mga opisyal na katawagan dahil Filipino ang tawag natin sa wika, habang
Pilipino ang tawag sa tao.
C. Biswal na Presentasyon

D. Panganganinag

Matthew Aviso
Naalala ko na noong mga unang linggo ng Filipino sa taong ito, naging paksa na ang bias sa
Tagalog bilang basehan ng Pambansang Wika. 1 Sa aking pagsasaliksik para sa LT1 ko lamang
nalaman na may tawag pala dito - purismo. 2 Ito ang pagiging purong Tagalog ng wikang Filipino
(Almario, 2014).3 Bagamat ako’y isang Tagalog, nararamdaman ko kasi na hindi naging
makatarungan na Tagalog ang basehan para sa Filipino. 4
Dinahilan ko na ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagkakaunawaan, hindi nagkakaisa,
at naghihirap ang Pilipinas ay dahil sa  kakulangan natin ng isang tunay na pinaghalo-halong wika. 5
Sa pag-aaral ko na lamang napagtanto na hindi ito posible. 6 Nasabi nga Trinidad A. Rojo, “It would
be possible for a linguist familiar with Philippine languages to evolve such a fused dialect, but we
doubt if anyone would ever use it.”7
Oo nga naman, sino ang gagamit ng halo-halong wika sa mga opsiyal na dokumento kung sa
pang-araw-araw na pag-uusap ng mga Pilipino ay sari-sariling wika rin naman ang ginagamit ng
bawat rehiyon.8 Ang ganitong konsepto ay makatutulong lamang sa mga edukado’t mayayaman na
may kakayahan aralin ang lingwistiko sa likod ng pinaghalong wika. 9 Ang halo-halong wika ay hindi
makatutulong kung hindi makahahadlang pa sa kaunlaran.10
Bukod dito, nalaman ko rin na, sa katunayan, malaki ang pinagkaiba ng kasalukuyang anyo ng
Filipino sa bokabularyo ng Tagalog noong 1930s. 11 Ibig sabihin, hindi “purong” Tagalog ang wikang
Filipino.12
Sa aking patuloy na pananaliksik, nakabuo ako ng panibagong kuro-kuro. 13 Oo, mayroong
isyung pang-wika na nakahahadalang sa pag-unlad ng Pilipinas ngunit hindi ito ang purismo ng
wikang Filipino.14 Ito ay ang pagtangkilik sa isang banyagang wika: Ingles. Ito’y isang napakalaking
“oo nga, no?” para sa akin.15
Isa sa mga konseptong natutunan ko sa Pisay ay ang imperyalismong kultura. 16 Ito ang
patuloy na pagsalakay ng mga dayuhan sa ating mga isip at gawa. 17 Ito ay resulta ng neo-
colonialism, sapagkat hindi man tayo talagang sinasakop ng ibang bansa ay para pa rin tayong mga
kolonya nila.18
Nalaman ko na noong dekada ‘60, mayroong serye ng protesta laban sa imperyalismong
kultura.19 Dinala ng mga estudyante sa kalsada ang hindi nila pagtutol sa mga isyung kagaya ng
Philippine-US Trade Agreement, Laurel-Langley Agreement, Military Bases Agreement ng 1947, at
Mutual Defense Treaty ng 1951 (Almario, n.d.).20 Ngunit ang isa sa pinakamahalagang ginawa nila
laban dito ay ang paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga karatula’t sigaw. 21
Maaaring hindi ito mukhang mahalaga.22 Maaari namang sabihing, “Pilipino tayo kaya,
natural, Filipino ang kanilang mga gagamitin.”23 Ngunit ilagay natin sa konteksto.24
Ang mga naglunsad ng protesta ay mga estudyanteng galing sa UP, Ateneo, at PUP. 25 Sila’y
mga edukado at ang umiiral na ideya ng edukado mula noon hanggang ngayon ay isang taong
magaling sa Ingles.25 Kaya kung tatalakayin ang isang pang-intelektwal sa paksa kagaya ng
imperyalismo, madalas ginagamit ang banyagang wika. 26 Ngunit upang sumulong ng isang
rebolusyong makabayan, kailangan ding gamitin ang sariling wika.27
Ang paggamit ng wikang Filipino sa rebolusyon ay pagtrato sa wikang ito bilang isang
intelektwal na wika.28 Sa pag-protesta gamit ang wikang Filipino, tila sinasabi nila, “Tama na ang
pang-aabuso sa aming mga mamamayan, pagsalakay sa aming mga isipan, at pagmamanipula ng
aming kultura.”29
Napagtanto ko na, bilang estudyante, kung nais kong magsulong ng pagbabago sa aking
bayan, kailangan kong makiisa rito sa lahat ng aspeto - isa na rito ang wika. 30 Kailangan kong
gamiting ang Filipino sa pang-araw-araw at pagtalakay ng mga intelektwal na bagay upang
maiangat ang wikang Filipino sa pedestal.31
Margaret Esther C. Cruz
Napakaraming mga nakalilitong pakahulugan ang nabubuo ukol sa ating wika. 1 Maaaring dahil
ito sa ating kasaysayan na tila ay nakalilito rin.2 Maraming tanong ang nabubuo dahil sa kagustuhan
nating malinawan kung ano nga ba ang ating pambansang wika at paano ito naging ganito. 3 Isa sa
mga pangkaraniwang tanong tungkol sa ating wika ay kung ano nga ba talaga ang ating pambansang
wika; kung ito ba ay Tagalog, Pilipino o Filipino. 4 Sa mga nakaraang miting ay nagkaroon ng mga
talakayan tungkol sa ating wika.5 Natalakay naman sa mga diskusyong ito ang pagkakaiba ng Filipino
at Tagalog, ngunit nakalilito pa rin kung ano ang pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino. 6

Ang mga naunang paksa na tinalakay sa loob klase ay tumutugon sa kasaysayan ng ating wika
sa mas mga naunang panahon.7 Masasabi ko na hindi ito ganoon nakakuha ng aking interes dahil na
rin sa hindi ito masyadong bago para sa akin. 8 Hindi ko rin masyadong nakita ang kahalagahan nito
sa kasalukuyang panahon.9 Ngunit, ang aming paksa na tungkol sa panahon ng Pilipino-Filipino ay
nakakuha ng aking interes dahil na rin sa isa ito sa mga konsepto ng hindi ko masyadong
napagtutuunan ng pansin noon, ngunit nakapagtataka nga talaga kung ano ba ang nangyari sa ating
wika at kung bakit ito “Filipino” ngayon.10

Sinabi ni Manuel L. Quezon na “ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang
estado ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.” 11 Dahil dito ay masasabi
kong isang tungkulin natin na makabuo at makapili ng isang pambansang wika na maaari maging
representasyon ng ating bansa.12 Noon pa man, naging batayan na ng ating pambansang wika ang
Tagalog dahil sa karamihan ng mga mamamayan na nagsasalita nito. 13 Nagkaroon ng mga oposisyon
dito dahil tinuturi nilang mga purista ang mga sumangayon sa paggamit ng Tagalog bilang
pambansang wika.14 Hanggang ngayon, isa pa rin sa pinakakaraniwang wika na sinasalita ay ang
Tagalog, kaya minsan ay napagkakamalian rin ito bilang ating pambansang wika. 15
Ipinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino
bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas. 16 Ngunit inutos na tawagin itong Pilipino paglipas ng
panahon.17 Noong 1987 ay binago na naman ito at ginawa itong wikang Filipino. 18 Dahil sa mga
teknikal na rason, nagiging seryosong isyu kung ano nga ba talaga ang pagkakaiba nito, at kung ano
nga ba talaga ang dapat nating naging Pambansang Wika.19
Ang mga tanong na nabanggit ko ay nasagot nang gawin namin ang aktibidades na ito. 20 Sa
proyektong ito ay mas nalinawan ako sa kasaysayan ng ating wika. 21 Nalaman ko rin ang
kahalagahan ng pagkilala sa kung ano ang ating pambansang wika. 22 Napagtanto ko na mahalaga na
malaman ang pagkakaiba ng Filipino, Pilipino at Tagalog, dahil isa ito sa mga pinakakaraniwang
miskonsepsyon.23 Bago pa man namin gawin ang proyektong ito, hindi ko masyadong nababatid kung
ano man ang pinagkaiba nila, ngunit ngayon ay mas malinaw na ito para sa akin. 24 Sa panahon ng
paggawa namin ng proyektong ito, ang dami kong natuklasan na mga kahanga-hangang bagay,
kasama na ang transisyon mula sa Filipino papunta sa Pilipino at ang pagbalik nito sa Filipino. 25
Ngunit, mayroon pa ring ilang katanungan ang hindi nasasagot. 26 Isa dito ay ang kung paano
natin matutugunan ang problema sa “consistency” sa pagtukoy natin sa wika bilang Filipino at sa
paggamit natin ng P sa ibang mga bagay. 27 Mahirap ring isipin kung paano magiging buo ang
kaalaman at malilinawan ang ating mamamayan sa kalagayan ng ating wika ngayon. 28 Ito ay dahil
nararamdaman ko isang malaking problema na hindi natin alam kung ano nga ba ang pagkakaiba ng
Pilipino sa Filipino.29
Pagkatapos kong malinawan sa kasaysayan ng wikang Filipino, ang pagkakaroon ng mga ideya
ukol sa pagpapaunlad ng ating wika ay aking natuklasan sa artikulo ni Virgilio S. Almario. 30

“Hindi táyo dapat mapiit,sa kung ano ang wika ngayon.  Walang wikang perpekto; kailangang
isunod ang wika sa nagbabagong pangangailangan ng mga gumagámit nitó; kailangang baguhin ang
wika upang maging higit na episyente at kapaki-pakinabang sa mga gumagámit nitó.”

Ito ang pinakapangunahing konsepto na aking natutunan sa kanyang akda. 31 Sumasangayon


ako sa pahayag na ito dahil totoo namang dapat lamang tayo umangkop sa kung ano ang nasa
kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran.32 Dahil na rin sa pag-usbong ng maraming mga wika sa
ating bansa, nararapat lamang na maging maayos ang pakikipagugnayan natin sa mga tao. 33 Isang
magandang konsepto ang pagpaplanong wika na binigyangdiin sa artikulo. 34 Isa sa mga layunin nito
ay ang pagyamanin ating pambansang wika. 35 Kamangha-manghang ideya rin ang pagmodernisa ng
ating wika kasabay ang nasyonalisasyon dahil na rin sa may kakaunting pagkakaiba sa mga
konseptong ito.36 Sa kabuuan, isang magandang hakbang ito sa paggawa ng solusyon sa mga
problema ng wika at maaaring ito narin ang paraan upang magkaroon ng higit na episyente at
kapaki-pakinabang na wika.37
Sa kabuuran, isang magandang paksa na pag-aralan ang transisyon mula sa Pilipino patungo
sa Filipino.30  Dahil rito ay namulat ako sa kung ano nga ba talaga ang ating wika at ang mga
napagdaanan ng mga tao sa pagpili ng ating wikang pambansa. 31 Higit sa lahat, napakabuti ring
pagaralan natin kung paano natin pagagandahin at pauunlarin ang ating wika. 31
Alyanna de Villa
Ang usapang Pilipino-Filipino ay isang paksang hindi ko masyadong naiintidihan noon pa
man. Ang alam ko lang ay nagbago ang Pilipino at naging Filipino. 2 Hindi nga ako sigurado nung una
1

kung ano nga ang nauna sa dalawang ito. 3 Inakala ko binago ang Pilipino papuntang Filipino
sapagkat impluwensya ito ng mga dayuhan, ngunit nagkamali ako sa aking sariling paniniwala. 4
Una sa lahat, ikinagulat ko ang pagpili sa wikang Tagalog noon ng Committee on Official Language
ng Kumbensiyong Konstitusyonal (Almario, 2014).5 Sa aking kaalaman mas maraming tao ang
nagsasalita ng Cebuano o Kabisayanan kaysa sa mga taong nagsasalita ng Tagalog. 6 Inisip ko
magiging pambansang wika ang wikang malimit na sinasalita ng mga tao sa bansa (Santos, 2016). 7
Hindi ko alam ang wikang ginamit sa himagsikan, ng mga pambansang bayani, sa ulong-bayan, o
kung ang kaunlaran nito, ang magiging batayan para sa pagpili ng wikang Tagalog -sir binabasa niyo
ba ito- bilang pambansang wika.8 Sa kabilang bahagi, ito naman ay hindi agad napatupad dahil sa
di-pagsangayon ng mga rehiyonalist na delagado. 9 Kahit hanggang ngayon ay meron paring mga
taong hindi sang-ayon sa paggamit ng wikang Tagalog bilang batayan para sa wikang Pambansa. 10
Siguro pinapakita nito ang komplikadong bahagi ng pagpili ng pambansang wika, sapagkat ito nga ay
isang mabigat na paksa na kailangan magawa sa ilalim ng patas na pagpili.11
Ang pagpalitan ng Pilipino at Filipino ay nagpapakita ng kapatasan at bukas-isip ng mga Filipino
ukol sa kanilang wika at ideolohiya. 12 Hindi nila ginawa ang desisyon na ito base lang sa kanilang
sariling kaalaman o opiniyon. 13 Halos lahat ng tao sa bansa ay nirespekto ang desisyon ng mga
opisyal.14 Ang mga eskwelahan sa Pilipinas ay nagtuturo ng Tagalog bukod sa kanilang sairling wika,
kaya alam nating ang desisyong maging batayan ang Tagalog sa Filipino ay pinahahalagahan ng
bayan.15
Sa pag-aral at paggawa nitong aktibidad na ito ay nakatuto ako ng maraming bagay at kaalaman
ukol sa historya ng wika sa ating bansa. 16 Maraming bagay, katulad ng kahulugan ng Pilipino at
Filipino, ay nagpabago ng aking tingin sa historya ng wika natin. 17 Hindi ko aakalin na napili ng
husto ang Tagalog bilang wikang pambansa, o ang pagpalit ng P to F ang nangangahulugan sa pag-
alis ng pagka-’Tagalog’ ng Filipino. 18 Marami talagang bagay ang nagtatago sa katotohanan ng mga
paksang hindi masyadong pinaguusapan. 19 Lahat nito ay nagbigay kaalaman sa akin hindi lang ukol
sa kasaysayan ng wika ngunit pati na rin sa pag-iisip ng mga Pilipino noon. 20 Ang pagalam ng
pagkaiba ng Pilipino at Filipino sa isa’t isa ay makakatulong sa pagpapahalaga ng kasaysayan ng
wika natin.21 Masasabi natin na may kumpiyansa na ang mga tao sa pagturo nila ng dahilan tungkol
sa Pilipino o Filipino.22
Natutuwa ako sapagkat kahit kagagaling lang ng Pilipino sa sakop ng Espanya at noon ay
sinasakop pa ng mga Amerikano, binigyan nila halaga ang usapang wikang pambansa. 23 Pinapakita
nito na hindi nakalimutan ng mga Filipino noon ang mga importanteng bahagi ng pagka-
nasyonalismo nila.24 Naniniwala ako na ang pagdesisyon nila na maayos ang wikang pambansa ng
mapayapa ay nakatulong talaga sa pag-isa at sama-sama ng Pilipinas noong panahon na iyon, at
lalo’t na ngayon.25
Sa kalahatan, ang pag-aral at pag-alam sa kaibahan at kasaysayan ng Pilipino-Filipino ay
makakatulong sa mga Filipino maunawa at mapahalagahan ang wikang pambansa natin ngayon. 26
Tayo lahat, kasama na ako dyaan, ang makikinabang sa kaalaman ng kasaysayan ng wikang
Filipino.27 Katulad ng pagdebate, pagturo, pagusap, o anuman uri ng komunikasyon, maaari nating
mapalaganap ang kaalaman nito upang hindi tayo mabuhay mangmang sa ating sariling wika. 28
Malaking kahihiyan na hindi natin alamin ang kasaysayan ng sarili nating wika. 29 Sa pagtuto nito ay
maaaring mas mabuo ang pagkatao natin bilang isang mamamayan ng Pilipinas. 30

You might also like