You are on page 1of 18

1

KABANATA 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang wika ang pangunahing kasangkapang ginagamit ng tao sa kanyang pakikipag-

ugnayan sa kanyang kapwa. Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal,

banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan

at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga nalikom na talang,

pangkasaysayan o pampanitikan, pampulitika at panlipunan, pansimbahan o

pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang

kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahahayag sa pamamagitan ng wika.

Wika rin ang ginagamit ng tao upang makapagpahayag ng kanyang damdamin.

Samakatuwid, ito ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang

pakikipagtalastasan o komunikasyon.

Mula sa Art. 14 Sek. 7 ng Konstitusyon ng 1987, ang mga wikang opisyal ng

Pilipinas ay Filipino at Ingles para sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo. Kaugnay ng

mandatong ito ay idineklara noong Agosto 7, 1973 ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura

at sining ang mga polisiya sa bilinggwalismo. Layon nitong malinang ang bilinggwal na

kakayahan sa paggamit ng dalawang wika. Ito ay sa pamamagitan ng pagtatalaga ng

wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga asignaturang English, Math, at Science,

at Filipino sa ibang natitirang asignatura mula sa mababang paaralan hanggang tersyarya.

Ayon sa libro nina Rubin (2006), ang pagiging bilinggwal ay madaling nagbibigay-

daan sa code-switching o pagpapalit-palit ng dalawang wika sap ag-uusap o talakayan.


2

Nangangahulugan ito na higit na nabuksan hindi lamang sa mga mag-aaral kundi sa mga

guro ang kalakaran ng pakikipagkomunikasyon na kinasasangkutan ng paggamit ng dalawa

o higit pang wika. Ito ay tinatawag na palit-koda o code-switching.

Sa larangan ng Linggwistika, ang code-switching o palit-koda ay nangyayari kapag

ang isang tagapagsalita ay ginagamit nang palitan ang dalawa o higit pang mga wika sa

konteksto ng isang diskurso. Ayon sa dyornal na Modern Teacher (2010) VOL. LVIII,

nangyayari ang code-switching dahil nagbabago ang wika upang ang tao ay maging malaya

at walang sagabal sa pakikipagtalastasan. Dagdag pa rito, ang mga ganitong pangyayari ay

nababatay sa kagustuhan ng indibidwal ngunit kadalasan ay depende sa kagustuhan sa

napagkasunduang pamantayan ng mga taong nag-uusap o gumagamit ng wika.

Nagbabago ang panahon at gayun din ang wika at ang paggamit nito. Dahil na rin

sa epekto ng modernisasyon ay nalantad ang tao sa iba’t ibang makabagong gamit,

impormasyon, kaalaman, kasanayan at gawi. At kalakip ng mga pagbabagong ito ang

makabago ring paggamit ng wika. Kung saan lamang na ang pagpili at paggamit ng wika

sa iba’t ibang aspeto ng midya at maging sa pagtuturo at pagkatuto.

Sanligan ng Pag-aaral

Ang lahat ay nagbabago, kabilang na rito ang modernisasyon ng wika o pagsabay

nito sa panahon. Sumasabay ang wika at kultura sa pagbabago. Sa pagsulpot ng mga

kulturang popular gaya ng kompyuter, internet at social media ay sumulpot din ang isang

modernisadong paraan ng paggamit ng wika. Kung saan sabay na ginagamit ng mga tao

ang Filipino at Ingles sa pakikipagkomunikasyon. Subalit ang kultura ng paggamit ng


3

dalawang wika nang sabay ay hindi lamang nauso sa simpleng pakikipag-unayan sa kapwa

kundi pati na rin sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob ng mga silid-aralan sa bansa.

Na nagbubunga umano ng mas mabilis na pagsasalin ng mga impormasyon mula sa guro

patungo sa mga mag-aaral at sinasabing mas epektibong paraan ng komunikasyon.

Ayon kay M.L.S Bautista (2009), ang code-switching ay ginagamit ng taong hindi

kayang gamitin nang ganap ang isang wika sa loob ng isang kompletong pangungusap. Ito

ay tinatawag na deficiency-driven code-switching samantalang ang proficiency code-

switching ay nagpapalit-koda ang isang taong bihasa sa dalawa o higit pang wika.

Mula sa obserbasyon at karanasan ng mananaliksik, kapansin-pansin na sa panahon

ngayon ang paggamit ng code-switching hindi lamang sa mga asignaturang Ingles ang

wikang ginagamit na panturo kundi pati na rin sa mga asignaturang ginagamitan ng wikang

Filipino. Sa pamamagitan ng code-switching at tinatayang maaaring magbigay-daan upang

ang mga mag-aaral ay makalahok sa talakayan at gawaing pangklase.

Dahil dito ay layon ng mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol sa mga salik

na nakaaapekto sa paggamit ng code-switching ng mga guro sa pagtuturo.

Balangkas Teoretikal

Ang teoryang pagbabatayan ng mananalik ay ang sosyo-linggwistikang teorya ni

Janet Holmes. Ito ang gagamitin ng mananaliksik sapagkat ang teoryang ito ay ukol sa

kung paano ginagamit ang wika sa komunidad na hindi lamang iisa ang ginagamit na

linggwahe. Aalamin sa pananaliksik na ito kung may ugnayan o relasyon ba ang wika at
4

ang mga tao sa lipunan at ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa kanya sa pagpili ng

wikang gagamitin sa pakikipagkomunikasyon.

Balangkas Konseptwal

Malayang Di-Malayang
Baryabol Baryabol

Mga Salik sa Paggamit Code-switching


ng Code-Switching  Filipino
 Kasarian  Ingles
 Lokasyon  Filipino at
 Katayuang sosyal Ingles
 Paksang Pinag-
uusapan
 Gawi sa paggamit

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga salik na nakaaapekto sa

paggamit ng code-switching ng mga guro sa Castañas National High School sa kanilang

pagtuturo.

Nilalayong sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:


5

1. Ano ang profyl ng mga tagasagot batay sa:

1.1. Edad;

1.2. Kasarian at

1.3. Espesyalisasyon?

2. Ano ang pananaw ng mga tagasagot sa sumusunod na salik:

2.1. Kasarian;

2.2. Lokasyon;

2.3. Katayuang sosyal;

2.4. Paksang Pinag-uusapan at

2.5. Gawi sa paggamit?

3. Ano ang lebel ng paggamit ng tagasagot sa sumusunod na wika:

3.1. Filipino;

3.2. Ingles at

3.3. Filipino at Ingles?

4. May ugnayan ba ang sumusunod na salik sa paggamit ng code-switching ng mga

guro:

4.1. Kasarian;

4.2. Lokasyon;

4.3. Katayuang sosyal;

4.4. Paksang Pinag-uusapan at

4.5. Gawi sa paggamit?


6

Ipotesis

Walang mahalagang ugnayan ang mga salik na kasarian, lokasyon, katayuang

sosyal, paksang pinag-uusapan at gawi sa paggamit ng code-switching ng mga guro.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagkamit ng kontretong kaalaman hindi

lamang ng mananaliksik kundi maging ng mga guro, mag-aaral, at mga

nagpapakadalubhasa sa larangan ng linggwistika.

Para sa mga guro, magiging gabay ang resulta ng pananaliksik na ito upang

magkaroon pa ng sapat na kabatiran ukol sa paggamit ng code-switching. Magagabayan

nila ang mga mag-aaral hinggil sa tama at epektibong paggamit ng code-switching para sa

epektibong pakikipag-ugnayan sa kapwa sa loob man o labas ng paaralan.

Para sa mga mag-aaral, magkakaroon sila ng kamalayan kung saan, kailan, at paano

ito nararapat na gamitin sa pakikipagkomunikasyon. Sa pamamagitan nito ay maaaring

magkaroon ng mas malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mag-aaral at guro. At

higit sa lahat ay maging daan sa pagbibigay-halaga sa mga wikang ginagamit sa bansa.

Para sa mga nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika, magsisilbing gabay ito sa

pagkakaroon pa ng mga kaugnay na pananaliksik na magpapaunlad sa siklo ng wika at

tutukoy sa relasyon nito sa pamumuhay ng tao at lipunan.


7

Saklaw at Limitasyon

Saklaw ng pag-aaral na ito sa mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng code-

switching mga guro sa pagtuturo ng kanilang asignatura.

Ang mga piling guro mula sa Castañas National High School - Junior High School

ang tagasagot sa pananalikik na ito. Ang mga tagatugon ay binubuo ng tatlong guro mula

sa walong asignatura na sa kabuuan ay may bilang na 24 na pinili sa pamamagitan ng

stratified sampling.

Ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng deskriptibong pamamaraan sa tulong ng

talatanungan bilang instrumento.

Katuturan ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyang-kahulugan batay sa

pagkakagamit ng isinagawang pag-aaral:

Code-switching o Palit-koda. Ito ay tumutukoy sa paggamit nang palitan ng

dalawa o higit pang wika sa isang diskurso o usapan.

Deficiency-Driven Code-Switching. Ang penomena ng paglilipat-koda dahil sa

kakulangan ng tao na gamitin ang iisang wika o kawalan ng masteri sa mga sangkot na

wika sa daloy ng komunikasyon.

Espesyalisasyon. Ito ang asignaturang pinagkadalubhasaan o pinag-aralan ng isang

indibidwal.
8

Filipino. Ang pambansang wika ng Pilipinas at isa sa mga wikang ginagamit ng

mga Pilipino sa pakikipagkomunikasyon.

Gawi. Isang karaniwang paraan ng pag-uugali o isang bagay na madalas na

ginagawa ng isang tao nang regular at paulit-ulit.

Ingles. Isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas sa larangan ng komunikasyon at

pagtuturo. Ito ang ikokonsiderang pangalawang wika sa Pilipinas.

Kasarian. Tumutukoy ito sa katauhang panlalaki o pambabae ng mga tagasagot at

isang baryabol sa pag-aaral na ito.

Katayuang Sosyal. Kalalagayan ng isang indibidwal sa lipunan na kayang

kinabibilangan.

Koda. Ang simbolong konbensyon na ginagamit sa kurso ng komunikasyon o

pakikpagtalastalam.

Lokasyon. Tumutukoy ito sa lugar kung saan nagtuturo ang tagasagot na

nakaaapekto sa paggamit niya ng wika sa pakikipag-usap.

Paksang Pinag-uusapan. Tumutukoy ito sa tema na pinag-usapan ng taong

kasangkot sa komunikasyon na ginagamitan ng code-switching o palit-koda.

Proficiency-Driven Code-Switching ay ang phenomena sa paglilipat-koda dahil

sa kakayahan ng isang tao na gamitinnang mabisa ang dalawang sa daloy ng

komunikasyon
9

Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tatalakay sa mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan

sa pananaliksik na ito. Ang mga siniping pahayag at impormasyon ay magdadagdag-

kaalaman hinggil sa suliraning tatangkaing sagutin ng pananaliskik. Magsisilbing batayan

ito sa pagbibigay-kahulugan sa kalalabasan ng pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang mga gumagamit ng wika ay may kalayaan na pumili ng ekspresyon na

naaangkop sa kanilang panlasa at ninanais, subalit kailangan din naming ito ay naaayon sa

napagkaisahang kumbensyon ng komunidad o kultura. Ayon kay Maglaya (2004), ang

wika ay linggwahe ng isang lipon ng mga indibidwal sa lipunan na ginagamit upang

magkaunawaan at makapagpahayag ng mensahe sa bawat isa. Sa ganitong kapamaraanan,

matatawag na may koda na sinusunid na sistema.

Sa komunikasyon, ang koda ay patakaran ng paglilipat ng isang impormasyon

(titik, salita o parirala) patungo sa panibagong uri ng porma o representasyon. Sa semiotic

ang koda ay nagaganap kung mayroon itong katuturan at kahalagahan kung bibigyan ng

interprestasyon sa isa’t isa (signifier at signified). Samakatuwid, ang pagpapakahulugan sa

mga koda ay nangangailanagn ng pamilyaridad sa set ng mga kombensyon na ginagamit o

tinatanggap na. sa Sistema ng pakikipagtalastasan at linggwistika, ang koda ay neutral na

konseptwalisasyon ng barayti ng wika. Ang koda ay pangkalahatang tumutukoy hindi

lamang sa barayti ng iba’t ibang linggwahe kundi maging sa iba’t ibang barayti at estilo ng
10

isang linggwahe. Ito ay ang mga depinisyon na inilahad ni Maureen Cutajar sa kanyang

artikulong sa Code-Switching ang Code-mixing English Language and Literature Studies

– Lingistics.

Ang code-switching ay isang panlinggwistikong terminolohiya na

nangangahulugang balikang pagpapalitan ng dalawa o higit pang wika sa kurso ng

konbersasyon. Maaari rin itong tumukoy sa abilidad na gamitin nang palitan ang mga wika

o diyalekto nang mabilisan mula sa isang konbesasyon patungo sa isa pa na dumudepende

sa sitwasyon. May mga paraan kung saan maaaring maganap ang code-switching sa isang

pag-uusap. Maaari toing mangyari sa pagitan ng isang pangungusap at kasunod na

pangungusap, sa loob ng isang pangungusap sa pagitan ng mga parirala o sa pagitan ng

mga salita. Ang intersentential switching ay pagpapalit mula sa isang wika patungo sa

ibang wika sa bawat o kada pangungusap. Ang intersentential switching ay maaari ring

gamitin upang mabigyang pansin ang isang particular na pangungusap o makapagbigay ng

higit na angkop na pagpapakahulugan sa mga salita o idyoma na hindi ganap na lumilitaw

kung ginagamit ang iisang wika. Samantala, ang intrasentential switching ay ang

pagpapalitan ng mga wika sa gitna o loob ng isang pangungusap.

Ayon kina Rubin et. Al (2006), tinatanggap na natural ang pagpapalit-palit ng isang

bilinggwal na Pilipino ang paggamit ng Ingles at Filipino, kahit na anong lebel ng

kagalingan ang narating niya. Kadalasang nagkakaroon ng code-switching kapag higit na

komportable ang nagsasalita sa paggamit ng isang wika kaysa ibang wika batay sa kanyang

paksang tinatalakay. May mga larangan sa buhay na higit na magandang ipahayag sa

Filipino kaysa wikang Ingles. Mahusay ang paggamit ng code-switching kung napapanatili

ang paggamit ng wika sa isang wika, halimbawa, Ingles, satamang tagal at hindi pabigla
11

ang paglipat tungo sa paggamit ng Filipino. Mahalagang natural ang daloy ng paglipat-

lipat sa paggamit ng dalawang wika. Ang code-switching ay nagbibigay-daan sa malayang

panghihiram ng mga salita sa wikang Ingles. Hindi pa matitiyak ang magiging epekto nito.

Hindi pa masasabi kung gaano sa talasalitaan ng wikang Ingles ang magiging bahagi ng

wikang Filipino maliban marahil sa mga salitang pangsiyensya at panteknikal.

Sapagkat ang code-switching ay isang natural na penonema sa mundo ng wika,

walang masama sap ag-usbong nito. Nagsisilbi itong panibagong pagpapaunlad sa barayti

ng wika. Sang-ayon nga kay Carmelita Abduraman (2008), walang masama sa code-

switching upang magkaroon ng epektibong komunikasyon. Hindi maiiwasan ang pag-

code-switch dahil kulang sa katumbas na wikang Filipino ang isang salita o termino. Kung

mayroon man, iyon ay nasa ilang katutubong wika na hindi rin alam ng gumagamit kung

kaya’t pinipili pang gamitin ang Ingles na madling kakikitaan ng hanap na salita.

Ayon naman kay M. Madrunio (2008), ang pagko-code-switch ay isang

pandaigdigang phenomena na dapat tingnan sa isang macro point of view. Ginagamit ang

code-switching para makalikha ng magandang interaksyon. Dagdag pa niya, maging

Filipino o Ingles, hindi natin maaasahang magsasalita ang estudyante ng dire-diretso ang

isang wika. Mula ditto, amtutukoy na ang paggamit ng code-switching ay hindi bunsod ng

pagiging mahina sa wika bagkus kagalingan sa paggamit ng likas sa dlawang magkaibang

wika upang makapagbigay ng higit na epektibong mensahe.


12

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Lokal na Pananaliksik

Sa Pilipinas, ang mga pag-aaral ukol sa Filipino-Ingles code-switching ay

nagpapakita ng gamit nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa isang paksa. Mula sa pag-

aaral ni Limoso na nabanggit sa dyornal ni Abad (2010) ukol sa paggamit ng code-

switching sa panitikang pangkolehiyo ipinapakita na gumagamit nito ang guro upang

epektibong mailipat ang kaalaman sa mga mag-aaral sa bawat talakayan. Ipinakita ng pag-

aaral na ito na ang paggamit ng pagpapalit-koda ang nagigiing instrument upang maging

bahagi ang mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto sa pamamagitan ng aktibong

pakikilahok sa talakayan at pangkatang gawain. Sinasabi na mas nauunawaan ng mga mag-

aaral ang leksyon kapag ang guro ay gumagamit ng linggwaheng pamilyar sa kanila.

Mula naman sa pananaliksik na ginawa ni Abad (2005), lumabas na ang paggamit

ng code-switching ay hindi paglalaban kundi pagsasanib ng dalawang linggwaheng

kasangkot. Ang paglilipat-koda ay nakatutulong sa guro na maging tulay sa puwang sa

pagbasa ng Bibliya at nakatutulong sa mga bata na maipaliwanag ang mga konsepto sa

mas simpleng paraan. Nangangahulugan lamang ito na isang mahalagang kasangkapan ang

paggamit ng code-switching sa mabilis na pagkaunawa at pagpapahayag ng mga mag-

aaral. Makatutulong ang ganitong estratehiya upang magkaroon ng mas aktibong talakayan

ng mga paksa sa loob ng silid na maaaring humantong sa epektibong pagkaunawa.


13

Banyagang Pananaliksik

Sa iba pang mga kaugnay na pag-aaral ukol sa code-switching na mula sa ibang

bansa, ang paggamit ng ganitong uri ng estratehiya ang kapaki-pakinabang sa pamamahala

ng guro s amga iba’t ibang aktibidad o gawain sa loob ng silid-aralan. Sa ginawang pag-

aaral ni Macaro (2001) ukol sa pagpapalit-koda ng mga gurong nagsasanay sa loob ng silid

na gumagamit ng banyagang linggwahe ay inanalisa. Sa kanyang pag-aaral sa anim na guro

ipinakita na ang pagbibigay ng mga panuto, pagkontrol sa mga mag-aaral at pangangaral

sa kanila ang ilan sa mga pagkakataon kung kalian gumagamit ng code-switching ang mga

guro.
14

Kabata 3
METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga pamamaraang gagamitin ng

pananaliksik sap ag-aaral na ito. Dito nakasaad ang disenyo ng pananaliksik, tagasagot,

pamamarang sampling, intrumantasyon, paraan ng pangangalap ng datos at pamamaraang

istadistika.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong pamamaraan upang malaman

ang mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng mga guro ng code-switching o palit-koda.

Tagasagot

Ang mga piling guro mula sa Castañas National High School ang magiging

tagasagot sa pananaliksik na ito. Kung saan, pipili lamang ng tatlong guro mula sa walong

asignaturang itnuturo na sa kabuuan ay may bilang na 24. Ang mga asignaturang ito ay:

Filipino, English, Math, Science. Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapahalaga, T.L.E

at M.A.P.E.H
15

Disenyong Sampling

Ang 24 na mga tagasagot ay pipiliin sa pamamagitan ng “stratified sampling” kung

saan pipili lamang ng tatlong guro sa bawat asignatura na siyang magiging basehan upang

makuha ang mga salik na nakaaapekto sa mga guro sa paggamit ng code-switching.

Instrumento at Balidasyon

Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan upang malaman ang mga salik na

nakaaapekto sa paggamit ng code-switching ng mga guro.

Ang bubuuing talatanungan ay nahahati sa tatlong bahagi: ang unang bahagi ay

ukol sa profyl ng mga tagasagot na kinapapalooban ng kanilang mga personal na

impormasyon gaya ng pangalan, edad, kasarian, katayuang sosyal at espesyalisasyon na

itinuturo; ang ikalawang bahagi naman ay ukol sa pananaw ng mga tagasagot sa mga salik

na nakaaapekto sa paggamit ng code-switching na nasa anyo ng isang Likert Scale; at ang

ikatlong bahagi na nasa anyong checklist ay tungkol naman sa lebel ng paggamit ng mga

guro ng Filipino, Ingles at Filipino at Ingles.

Ang magagawang talatanungan ay ipapasuri at dadaan sa balidasyon bago maging

pinal ito ay upang masiguradong tama ang mga impormasyon na makakalap sa mga target

na tagatugon.
16

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Gagawa ang mananaliksik ng isang liham-pahintulot sa punongguro ng Castañas

National High School upang maisagawa ang pagpapasagot sa mga gurong napili. Kapag

naisakatuparan na ito ay pasasagutan ng mananalikik ang talatanungan. Upang masagutan

nang mabuti ng mga tagatugon ang talatanungan ay ipaliliwanag ng mananaliksik ang

pangunahing konsepto at panuto sa pagsasagot. Bibigyan ang mga guro ng sapat na oras sa

pagsasagot. Matapos nito’y kokolektahin ang datos, susuriin at bibigyan ng

interprestasyon.

Pamamaraang Istadistika

Gagamit ang mananaliksik ng pamaraang istadistika upang bigyan ng pagsusuri at

interpretasyon ang mga datos na makukuha sa pagpapasagot ng talatanungan.

Upang malaman ang persepsyon ng mga tagatugon ukol sa mga salik na

nakaaapekto sa paggamit ng code-switching ay gagamit ang mananaliksik ng weighted

mean. Samantalang gagamitin naman mananaliksik ang percentage upang makuha ang

lebel ng paggamit ng mga guro ng code-switching.

At para malaman kung may ugnayan ang mga salik at ang paggamit ng mga guro

ng code-switching ay gagamitin ng mananaliksik ang Pearson Product Moment

Correlation.
17

BIBLIOGRAPIYA

Mga Aklat

Maglaya, Elda M. et. al. (2004). Filipino sa Nagbabagong Panahon: Batayang AKlay sa

Sining ng Komunikasyon sa Kolehiyo. Quezon City. New Day

Rubin, Ligaya et. al. (2006). Retorika: Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik. Manila,

Phils.: Rex Book Store

Internet

Bautista, Maria Lourdes S. (2004). Tagalog-English Code-Switching as a Mode of

Discourse; Nakuha noong Marso 25, 2019 mula sa

http://literaturesotherlanguages.blogspot.com

Cutujar, Maureen (2011). Intrasentential and Intersentential Code-Switching; Nakuha

noong Marso 27, 2019 mula sa http://maureenctujar.suite11.com

Dyornal

The Modern Teacher (2010). Vol. No. LVIII. Hiyas Press Inc. Quezon City, Metro Manila,

Philippines

Abad, Lourdes S. (2010) An Analysis of Teachers’ and Students’ Perceptiions of

Codeswitching in Teaching Science and Mathematis in a Philippine Private High School.

The Journal of Asia TEFL. Vol 7, No. 1. p. 239-264


18

Macaro, E. (2001). Analyzing student teachers’ code-switching in foreign language

classrooms: Theories and decision-making. The Modern Language Journal, 84(4), 531-

548.

You might also like