You are on page 1of 2

Katangian Ng Wika

Home > Katangian Ng Wika

Kahulugan – Ginagamit ang wika bilang isang mabisang paraan ng pakikipag-usap sa kapuwa.
Isa itong paraan ng komunikasyong karaniwang taglay ng mga tao sa isang lugar. Bahagi ito ng
kultura at pamumuhay ng mga mamamayan.

At tulad ng ibang bahagi ng daigdig, ang wika ay mayroon ding mga katangian. Ang mga
katangiang ito ay mahalagang malaman dahil sumasalamin ito sa kung gaano kayaman ang wika.
Sa pag-alam din ng katangian, mas mauunawaan ang gamit nito, kung paano nabubuo ang mga
pangungusap gamit ang wika, kung paano ito sumasailalim sa pagbabago, at paano bibigyan ng
pakahulugan ang bawat salita.

Mga Katangian Ng Wika


Ang sumusunod ay ang mga katangian ng wika. Sa pag-aaral ng mga ito, malalaman na ang wika
ay nabuo sa sistematikong pamamaraan at patuloy na umuunlad sa paglipas ng mga panahon.

1.) Ang wika ay mayroong sistemang balangkas

Nagiging mabisa ang komunikasyon at pag-uusap dahil sa sistematikong pamamaraan ng


pagsasaayos ng mga titik at salita. Mayroong sinusunod na pamantayan o mga hakbang upang
makabuo ng mga salitang gagamitin. Kapag nakabuo ng mg salita, maaari na itong ayusin bilang
parirala, pangungusap, o talata.

Halimbawa:

 OJESIRZAL
Maaaring buuin bilang JOSE RIZAL ayon sa mga titik
 Maganda Marian artista paborito
Maaaring makabuo ng pangungusap na “Maganda ang paborito kong artista na si
Marian.”

2.) Ang wika lalo na kung pasalita, ay mayroong tunog

Maliban sa pasulat na paraan, ang wika ay sinasalita rin. At kapag sinasalita, mayroong tunog na
nabubuo. Sa pamamagitan ng pagbuo ng tunog, nalalaman ang emosyon at kahulugan ng salita.
Sa intonasyon nababatid ang dagdag na kahulugan ng tao sa isang salita.

Ang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng ating baga na naglalabas ng hangin at dumaraan sa


voice box (artikulador) at pagkatapos ay sa ilong at bibig kung saan ito binabago para sa
emosyon (resonador).

Halimbawa:
 Saan ka pupunta? (maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambig o pagalit)
 Oh kumusta ka na? (maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambig o pagalit)
 Huh? (kahit walang direktang kahulugan ang salitang ito, maaari itong mabigyan ng
kahulugan ayon sa tunog na nilikha

3.) Ang wika ay arbitraryo

Sumsalamin ang wika sa pagkakasundo ng mga tao sa ilang lugar. Napagkakasunduan ng mga
mamamayan ang pangunahing wikang gagamitin nila. Saklaw nito ang mga salitang gagamitin
sa kanilang kabuhayan, edukasyon, pagkain, at pagpapalaganap ng kultura at tradisyon.
Indikasyon din na kung hindi nauunawaan ng isang tao ang wikang sinasalita ng mga tao sa
isang lugar ay hindi siya bahagi ng kanilang pamayanan at isa lamang itong dayuhan.
Gayunman, kung mamamalagi ito sa lugar na iyon, ay imposibleng hindi niya malaman at
matutuhan ang wika. Dahil magiging bahagi na rin ng kaniyang buhay ang pananalita, ay
mababatid niya rin ang paggamit nito.

Halimbawa:

 Bahay – Kapag mula sa pamayanang Tagalog


 Balay – Kung mula sa pamayanang Bisaya
 Bay – Kung mula sa pamayanan ng mga Tausug
 Casa – Kung Chavacano naman ang sinasalitang wika

4.) Ang wika ay buhay at dinamiko

Dahil pagbabago lamang ang permanenteng bagay sa daigdig, maging ang wika ay nakararanas
ng pagbabago. Sa paglipas ng panahon at mga henerasyon, nabibigyang daan nito ang pag-unlad
at pagbabago ng wika. Isang patunay nito ang konsepto ng makaluma at makabagong pag-uusap.
Sa kulturang Pilipino, mas matalinghaga at mas kagalang-galang pakinggan ang makaluma o
tradisyonal na uri ng pagsasalita. Sa pag-unlad ng teknolohiya, unti-unting naging makabago ang
paraan ng pakikipag-usap na tinatawag na komunikasyon sa kontemporaryong panahon. Bunga
nito ang pagbabago ng kahulugan ng isang salita. Mas lumalawak ang bokabularyo ng mga tao
dahil sa mga bagong ideyang nabubuksan at natutuklasan sa pagbabago ng henerasyon.

Halimbawa:

You might also like