You are on page 1of 3

ARALIN 3:

Lingguwistikong Komunidad: Multikultural na


Komunidad, Sosyolek, Idyolek, Diyalekto

Suriin

LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD
 yunit ng paglalarawan para sa panlipunang entity.
 Ang lingguwistikong komunidad bilang isang social group o panlipunang pangkat, na maaaring
monolingguwal o multilingguwal, na nagsasama-sama dahil sa dalas ng pakikipagtalastasan.

Batid natin na ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan
ang bawat uisa. Napagbubuklod ng wika ang grupo ng tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila
sa kani-kanilang tungkulin upang maging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat. Sa
ganitong paraan, nagkakaroon ng panlipunang dimensyon ang wika dahil napagsasama-sama nito ang mga
tao upang makabuo ng isang komunidad tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagkilos, at kolektibong ugnayan sa
ikauunlad ng bawat isa. Kung sa ganitong tunguhin napupunta ang talastasan o pakikipag-usap ng
mamamayan, masasabi nating lingguwistikong komunidad ang kanilang kinabibilangan at pinanggagalingan.

Mga Salik ng lingguwistikong komunidad (Saville-Troike: 14)

1. May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba- homogenous ang wika, ibig sabihin iisa ang
anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit (Chomsky, 1965; Lyons,1970)

2. Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito (Hymes,1972)- katulad
ito ng kinagawiang interpersonal na komunikasyongamit ang pahiwatig ng mga Pilipino (Maggay, 2005)

3. May kaisahan sa pagpapaghalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika (Labov,1972)

Samakatuwid, ipinapalagay nito na ang lingguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sector,


grupo, o yunit na nagkakaunawaan ang iisang gamit nila ng wika (homogenous) na may kaisahan sa uri o
anyo; nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito, at naibabahagi ng bawat isa ang parehong pagpapahalaga at
damdamin sa paggamit nila ng wika at pakikitungo nila sa isa’t-isa.

Halimbawa:
 Sektor- mga manggagawa na malay sa kanilang karapatan at tungkulin sa bayan
na nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa.
 Grupong pormal- Bible Study Group na nangangaral sa salita ng Diyos
 Grupong impormal- barkada
 Yunit- team ng basketbol; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan

MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD

Paano kung malalaking pamayanan, samahan o bansa na ang pinag-uusapan? Magagamit pa rin ba
ang mga salik na nabanggit? Hindi na. Ang tunguhin ng lingguwistikong komunidad ay kaisahan na tila may
iisang mukha, wika, kilos, o tunguhin ang bawat kasapi. Subalit ang tunguhin ng multicultural na kominudad ay
“pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”. Hindi kaisahan kundi pagkakaisa dahil iba’t-ibang salik, anyo,
kinapopookan, pananaw at marami pang iba ang pinanggalingan ng indibidwal. Samakatwid, iba-iba ang ating
lahi, kulay ng balat, kasarian, paniniwala, pananampalataya, estado sa buhay, naging kasaysayan, at
aspirasyon sa hinaharap.
Sa usapin naman ng wika nagiginng iba-iba, samot-sari o marami ang mga wika dahil sa multicultural
nating katangian, identidad, at pinagmulan (heterogenous). Sa multikultural na komunidad, multilingguwal ang
kasapi nito. Ang ugnayang nabubuo ay naghahangad ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.

A. Barayti ng Wika
1. Dayalek- tumutukoy sa wikain. Nalilikha dulot ng dimensyong heograpikal. Ang Tagalog ay isang
wika at bilang isang wika, nagkakaroon ito ng barayti ayon sa lugar na gumagamit nito. Kasama
rito ang punto, bokabularyo o pagkakabuo ng mga salita (Zafra at Constantino).

Hal: (Maynila) Ang layo naman!


(Batangas) Ala, ang layo eh!
(Bataan) Ang layo ah!
(Cavite) Sir, ano po ba ang bugong ninyo ngay-on? Mangyari po
kasi, ako’y namaraka kahapon. Kayo po ba’y nakain ng tinumis na
baboy?
Maynila) Sir, ano po ba ang baon mo ngayon? Namalengke po
kasi ako kahapon. kumakain po ba kayo ng dinuguang
baboy?

2. Idyolek- ito ang pinakaliberal na barayti sapagkat umaayon ito ayon sa personal o indibidwal
nagamit ng wika.

3. Sosyolek- Nalilikha dulot ng dimensyong sosyal. Ito ang wikang gamit ng mga taong may halos
iisang paniniwala, antas ng edukasyon, pamumuhay o maging hanapbuhay ay madalas na
magkakasama sa iisang pangkat. Natural lamang na sa kanilang pangkat, umiiral ang iisang
wikang kanilang lubos na nauunawaan ngunit kaiba naman sa mga taong labas sa kanilang
pangkat.

Hal: dekada 70, naging popular ang Taglish, engalog o maging ang Filipinong sosyal.
Pagkakaiba ng paggamit ng wikang bading
Gamit ng doctor ng medisina, pilosopiya, o edukasyon
4. Ekolek- ito ay tumutukoy sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita sa loob ng
bahay.

ANTAS NG WIKA
A. Pormal- wikang istandard dahil kinikilala, tintanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng
mga nakapag-aral ng wika.
1. Pambansa- salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga
paaralan. Wikang panturo rin ito.
2. Pampanitikan-salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang
mga salitang matatayog, malalalim, makulay at masining.

B. Impormal –salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa


mga kakilala at kaibigan.
1. Lalawiganin- gamitin ang ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
Halimbawa: guyam - langgam (Batangas)
Mabanas - maalinsangan (Cavite)

2. Kolokyal - ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.


Halimbawa: kelan, musta, meron, nasa’n

3. Balbal - ang katumbas ng slang sa Ingles. Ito ang mga nababago sa pag-usad ng panahon.
Madalas marinig ang mga salitang ito sa lansangan.

Halimbawa: chicha (pagkain), epal (mapapel), utol (kapatid), sikyu (guwardiya)

Mahahalagang punto sa talakayan:

1. Ang jejemon ay isang uri ng sosyolek kung ang punto de bista ay patungkol sa grupo nila na
nagkakaintindihan. Kapag ang isang jejemon ay lumahok sa ibang grupo at may sarili siyang estilo ng
pagsasalita o pagsulat na maaaring nauunawaan o hindu ng iba, idyolek na ito.
2. Sumasabay lang sa uso ang jejemon dahil sa pagpasok ng text messaging. Nang naging uso ang social
media, unti-unting humina at umunti gumagamit nito

Sanggunian

Rogelio Valenzuela, V. A.-M. (2016). PINAGYAMANG PATNUBAY SA PAGTUTUROSidhaya 11


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: C & E Publishing, Inc.

You might also like