You are on page 1of 25

LAYUNIN:

a. Mailarawan ang iba’t ibang estruktura ng wika sa lipunan;

b. Mapahalagahan ang mga estruktura ng wika sa lipunan; at

c. Maipaliwanag ang kaibahan ng estruktura ng wika sa


lipunan.
3.1. PANLIPUNANG ESTRUKTURA NG WIKA

▪ Ito’y nakaimpluwensiya o kumilala


ng linggwistikong estruktura at pag-
uugali.
▪ Sumasalamin ang wika sa kanilang
kinabibilangang rehiyon, sosyal o
etnikong pinagmulan at kasarian.
• Chavacano – Zamboanga City
• Kapampangan – Pampangga
• Yakan – Basilan
• Ilocano – Ilocos
• Bisaya
Ang tinatawag na communicative
isolation ay ang hiwalay na pag-
uusap sa pagitan ng mga pangkat sa
isang partikular na lugar o bansa.
3.2. DIYALEKTO
▪ Ito’y varayti ng wikang nalilikha ng
dimensyong heograpiko. Tinatawag
din itong wikain at ginagamit sa isang
partikular na rehiyon.
3.3. IDYOLEK
▪ Ito ang pekyulyaridad sa pagsasalita
ng isang indibidwal. Maaring sa tono,
mga salitang gamit o sa estilo ng
kanyang pagsasalita at atbp…
3.4. TABOO
• Ito ay mga salitang bawal gamitin o
hindi maaaring gamitin sa isang
formal na usapan sa lipunan.
3.5. YUFEMISMO
▪ Ito ang salita o parirala na panghalili sa
salitang taboo o mga salitang hindi masabi
dahil malaswa, bastos, o masama ang
kahulugan o di-magandang pakinggan.
TABOO YUFEMISMO
Nagtalik Nagsiping
Namatay Sumakabilang buhay
Nagtae Nagsakses
Utin Ibon
Puki Bulaklak
3.6.SPEECH COMMUNITY/KOMUNIDAD
NG PAGSASALITA
▪ Sa loob ng isang lipunan ay binubuo ng
marami at iba’t ibang pangkat ng tao na
may kaniya-kaniyang mga gawi at pag-
uugali.
▪ May ugnay rito ang nabanggit nina
Zalzmann, Stanlaw, at Adachi (2012) na
walang kultura sa isang lipunan na
pareho sa lahat ng mga miyembro nito.
▪ Ayon kay Jandt (2010), ito ay kultura sa loob
ng isang kultura o lipunan sa loob ng isang
lipunan sapagkat kahawig ito ng isang kultura
sa isang lipunan na karaniwang sumasaklaw
sa isang malaking bilang ng mga tao.
▪ Ayon naman kay Hymes (1972), hindi ito
lipunan na tinutukoy ng isang komon na wika
ngunit sa komon na mga linggwistikong
norm: isang komunidad na may parehong
mga tuntunin para sa pagsasagawa at
interpretasyon ng pagsasalita at mga tuntunin
ng kahit isang linggwistikong barayti nito.
▪ Ayon kay Wardhaugh (2006), may tinatawag
itong mga speech markers na ipinaliwanag
bilang mga katangian ng wika na ginagamit
ng isang pangkat upang makamit ang
pagkakakilanlan ng grupo, at ang pagkakaiba
ng grupo mula sa iba pang mga nagsasalita.
Halimbawa:
• Mga bakla na may sariling kultura at wika.
• Mga milenyal na may makabagong wika.
3.7. LINGUA FRANCA, PIDGIN, AT
CREOLE
▪ a.) Lingua franca
- ito ay wikang ginagamit ng mga taong may iba’t
ibang unang wika upang mapadali ang
komunikasyon sa kanilang pagitan (UNESCO).
▪ b.) Pidgin
– dulot ito sa pagkakaroon ng pangangailangan ng lingua
franca.
- bunga ito ng dalawang lipunan na may mga wikang hindi
magkakalapit o unintelligible languages ngunit
kailangan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa dahil sa
tiyak nalimitado o natatanging layunin – lalo na sa kalakalan.
- ang isang wika ay dumadaan sa proseso ng pidginization.
Mga Katangian ng Pidgin:
* Hindi unang wika ninuman.
* Limitado ang gamit.
* Limitado ang bokabularyo.
▪ c.) Creole – tulad ng pidgin, ang creole ay tinatawag ring ugnay
na wika o contact language sapagkat nabuo ito mula sa dalawa o
higit pang wika ng dalawa o higit pang lipunan. Samakatuwid,
ito ay isang pidgin na nagiging unang wika ng isang komunidad
ng pagsasalita o speech community.

Katangian ng isang Creole na wika (Sebba, 1997):


*May katutubong tagapagsalita ito.
*Ito ay laging lumalabas sa isang pidgin.
*Ito ay nagbabago at nagkakaroon ng katutubong
nagsasalita na tinatawag na creolization.
▪ d.) Ang creolization ay dumadaan sa prosesong
tinatawag na gradwal na creolization o biglaang
creolization.

Gradwal na Creolization – ay mangyayari sa


pinahaba/pinalawak na yugto ng pidgin.

You might also like