You are on page 1of 6

PAKSA 3:

MGA ESTRUKTURA NG WIKA SA LIPUNAN

I. PANLIPUNANG ESTRUKTURA NG WIKA

Maraming posibleng relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Isa na ang


panlipunang estruktura na maaaring makaimpluwensya o kumilala sa
linggwistikong estruktura at/o pag-uugali.

Communicative Isolation – hiwalay na pag-uusap sa pagitan ng mga pangkat sa


isang partikular na lugar sa bansa.

Dahil sa pagsakop noon ng iba't-ibang mga bansa sa Pilipinas ay nakabuo ng


panibagong wika na siyang pinaghalong wika ng mga mananakop at ng bernakular.
Halimbawa nito ay ang wikang Chavacano ng Lungsod ng Zamboanga.

Rehiyonalismo – nangingibabaw sa lahat.

Interference – hadlang o sagabal sa komunikasyon:

Mga pisikal na hadlang sa pakikipagkomunikasyon.

1. Dagat, bundok, lipunan (pulitikal)


2. Angkan o grupo ng tao
3. Uri ng relihiyon

Dialectal differences – pagkakaiba ng diyalekto.

Ang pagbabago ng wikang sinasalita ng lipunan na umusbong sa isang rehiyon na


hindi naibabahagi sa ibang rehiyon.

Punto o accent – ponolohikal o ponetik na pagbabago sa paraan ng pagbigkas at


katangian ng pagsasalita na siyang pagkakakilanlan sa taong nagsasalita ng nasabing
dayalekto.

II. DIYALEKTO

 Nagsisilbing midyum na komunikasyon sa isang pook na kung saan ang


nasasabing katutubong wika ay nabibilang (Belvez, 2003)
 Pagkakaiba-iba sa tono, bigkas, at paggamit ng wika
 Wikain na ginagamit sa partikular na relihiyon - maliit man o malaki. 
 Bernakular na palasak sa isang pook ng kapuluan

Halimbawa:
Bisaya- Cebu
Bisaya- Ilo-Ilo (Hiligaynon) 
Bisaya- Waray

III. IDEYOLEK

Ito ay isang barayti ng wika kung saan may pagbabago sa pananalita ng indibidwal
o pangat, sa paraang nakakatangi. Maaring nakakatangi ang pagbibigkas, ang iba
naman ay hindi pang karaniwan ang tono o ritmo. Ang pekulyaridong uri ng
pananalita ay nanatili paring pormal.

Halimbawa:

1. Ang mayuming pananalita ni Charo Santos Concio sa kanyang programang


Maalala Mo Kaya.
2. Ang nakakaaliw na pananalita ni Marc Logan.
3. Ang conyo na pananalita ni Kris Aquino.

IV. TABOO

Ang salitang “Taboo” ay hiniram mula sa Tongan, isang wikang Polynesian na


nangangahulugang “ipinagbabawal.” Ito ay ipinakilala sa mga taga Europa ni
Kapitan Cook sa kanyang paglalarawan sa kanyang paglalakbay sa mundo.

 Kung sa pangkalahatang konteksto ang pinaguusapan, ang salitang “Taboo”


ay isang konsepto na tinatawag sa lahat ng gawain ng mga tao na di umano ay
IPINAGBABAWAL ayon sa relihiyon, pamahiin, batas pampamahalaan, at sa
human norms.
 Ang “Taboo” sa wika naman ay ang mga salitang ipinagbabawal gamitin sa
pormal na usapan o sa iilang kapaligiran ng pag-uusap sapagkat ang mga ito
ay bastos, nakahihiya, at masamang impluwensiya sa bata.

Halimbawa:

1. Bawal ang paggamit at pagsabi ng pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan.


2. Sa iilang sambahayan, bawal magmura sapagkat ito ay nakadudumi sa isipan
ng kabataan. Gumagamit sila ng mga salitang humahalili sa mga
malalaswang salita upang ito ay maging mas nararapat sa mga bata.
3. Bawal gumamit ng mga impormal na salita sa mga pagpupulong at sa
paggawa ng pormal na sanaysay.

V. YUFEMISMO

 Ang yufemismo o euphemism sa ingles ay nagmula sa salitang Greek na


eúphēmos, na nangangahulugang "pagbigkas ng mga tunog ng magandang
tanda," "makatarungang-tunog," o "mapalad." Ang eu sa eúphēmos ay
nangangahulugang "mabuti." Ang phēmos naman ay isang salitang Griyego para
sa "speech” o pananalita.
 
 Ang yufemismo  o paglumanay ay isang salita o
parirala na panghalili sa salitang taboo o ang ginagamit upang maiwasan
ang mga salitang malalaswa o hindi magandang pakinggan. 

Halimbawa:
1.   Ibon/bulaklak - sa halip na utin o puki
2.  Sumakabilang buhay - sa halip na namatay
3.  Nagsiping - sa halip na nagtalik
4. Naglabing-labing - sa halip na nagroromansa
5.  Nag-success - sa halip na nagtae

VI. SPEECH COMMUNITY


 Ang speech community o lingguwistikong komunidad ay pinaka sentro ng pag
aaral ng mga sosyolingguwista.

 Ayon sa Amerikanong lingguwistikong si Willian Labov, ang lingguwistikong


kumunidad ay isang pangkat ng mga taong nagkakaunawaan sa layunin at
estilo (salita,tunog, ekspresyon) ng kanilang pakikipag-ugnayan sa paraang
sila lamang ang nakakaalam.

 Ayon kay Dell Hymes (1927-2009), isang amerikanong ligguwista, ito ay


komunidad ng mga taong kabilang sa isang patakaran at pamantayan ng isang
barayti ng wika na ginagamit sa komunikasyon at pakikipag ugnayan.

 Ayon kay Hariet Joseph Ottenheimer, isang propesor at antropologo, ito ay


grupo ng mga taong kabilang sa paggamit ng isa o higit pang barayti ng wika.

Ang ligguwistikong Komunidad ay maaaring maiklasipika bilang


homogenous o heterogenous

 Ang homogenous na lingguwistikong komunidad ay dala ng kawalan ng


contact o pakikipag-ugnayan ng mga miyembro nito sa iba pang pangkat ng
tao.
 Ang miyembro sa ganitong pangkat ay sinasabing monolingguwal o
nakapagsasalita lamang at nakakaintindi ng iisang wika lamang.
 Ang heterogenous na lingguwistikong komunidad ay yaong mga
miyembrong may ugnayan sa iba pang pangkat ng tao sa lipunan.
 Ang bilangguwal at multilingguwal ay ang kaalaman o paggamit ng mahigit sa
isang wika ng isang indibidwal o isamg komunidad.
VII. LINGUA FRANCA

Ang lingua franca ay paghahanap ng komon o wikang alam ng mga taong may iba’t
ibang sinasalitang wika para magkaunawaan.

 Mula sa UNESCO, ito ay wikang ginagamit ng mga taong may iba-ibang unang
wika upang mapadali ang komunikasyon sa kanilang pagitan.
 Ang Lingua Franca ay kilala rin bilang wikang tulay, karaniwang wika, wika
pangkalakal, wikang pantulong, owikang nag-uugnay, ay isang wika o
dayalekto na sistematikong ginamit upangmakapagsalita sa isa't isa ang mga
taong nagkakaiba sa katutubong wika o dayalekto.

Halimbawa:

1. ang pambansang wika ng Pilipinas ay tinawag na Filipino (1987 Konstitusyon)


2. sa global na pangangailangan naman ay itinuro ang wikang ingles para sa
pakikipag- ugnayan sa mga dayuhan kaya naging lingua franca na rin ito.

 Ang "lingua franca" ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga tao mula sa


iba't ibang grupong etnolingguwistiko

May dalawang (2) uri ng LINGUA FRANCA:

REHIYONAL- Ito ay ang “dayalektong” mas naunawaan ng karamihan sa


pakikipagkomunikasyon. Ang kinagisnang salita ni Hazel ay Bisaya, ngunit paglabas
n’ya bahay kailanganniyang mag-Ilokano dahil ito ang mas nauunawaan ng
nakararami sa kanilang lugar. *Ilonggo--Waray, Waray—Ilonggo *Bisaya--
Ilokano,Ilokano—Bisaya

PAMBANSA O NASYONAL- Nagiging midyum sa pangkalahatang pangkat ng


mga tao kahit na ang nagsasalita ay mula at nabibilang sa iba-ibang dako ng
kapuluhan.
VIII. BILINGGWALISMO AT MULTILINGGWALISMO

BILINGGWALISMO – tumutukoy sa taong nakakapagsalita ng dalawang wika.

Bloomfield  (1935) hindi  lamang  sapat  ang  makapagsalita  sapagkat  ang 


kanyang pananaw dito ay paggamit ng dalawang wika tulad sa katutubong wika. 

 Hindi lamang tungkol sa kakayahan  ng pagsasalita bagkus ito ay  tumutukoy


rin sa kahusayan sa pagsasalita at paggamit nito na may konsiderasyon sa sa
kahusayang linggwistika.

MULTILINGGWALISMO – Tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng


isang indibidwal na gamitin sa anumang uri ng komunikasyon.

 Tinatawag ding pluringgwalismo sapagkat ayon kay Crystal (2008), sa


sosyolinggwistiko ito ay tumutukoy sa isang indibidwal na tagapagsalitang
may kakayahan sa paggamit ng higit sa sa dalawa o maraming wika na may
iba-ibang antas ng kahusayan.

You might also like